DISCLAIMER: Ang mga mababasa nyo ay galing sa aking malikot na imahinasyon at nalalaman sa Pulitika at Public Administration. Mapapansin nyo na hindi ko sinisisi ang mga botante dahil obvious na "BOBO" ang botanteng Pinoy at proven at tanggap na yan ng bawat isa sa atin. Kaya ang mga nasasaad dito ay para sa mga nakaluklok na at mga maluluklok pa lang sa posisiyon (na once again, binoto ng BOBONG botanteng Pinoy).
Uunlad ang Pinas kapag may kung anong intervention at nasolusyonan ang mga sumusunod na problema:
Problema:
KORAPSYON- Nangyayari ito dahil (mainly) sa mga pulitikong walang specific na plataporma sa gobyerno. Mga pulitikong hindi talaga alam kung ano ang money value ng isang proyekto though alam kung ano ang maitutulong nito sa tao. Hindi rin sila marunong kumilala at rumespeto ng abilidad ng administrators ng nakatalagang ahensya para sa proyekto o programa kaya iimpluwensyahan nya ito hanggang sa pareho na silang mangungurap ng pondo.
Solusyon:
Kilalanin ng pulitiko ang kakayanan ng nakatalagang personnel o administrator kasabay ng pagrespeto sa expertise ng kanyang tauhan. Kung sya ay pulitiko na showbiz ang natural na propesyon, ang dapat nyang gawin ay suriin ang integridad at accountability ng kanyang subordinates at wag makialam sa usaping pinansyal lalo na kung di naman nya talaga alam ang pasikot-sikot sa naturang proyekto o programa. Syempre magsisimula ito sa pagpili ng naturang mga tauhan at ang best ng isang pulitko sa ganitong sitwasyon ay ang pag-appoint ng skilled at the best sa field na yun at hindi lang basta kamag-anak o kaibigan.
Problema:
TRAPO- Ang mga traditional politician ang mga pulitikong tine-take for granted lang ang pagpapatakbo ng gobyerno ayon sa alam nilang tama. Masasabi na napaka conservative nila at kung ihahalintulad sa computer ang mga pulitko sa panahon ngayon, sila ay Pentium 3 lang. Ang mga trapong ito ay may alam sa organisasyon sa gobyerno pero walang pakialam kung paano pa lalong mapapagaling ang function ng naturang mga bagay. Sa ganitong dahilan, nasasayang ang potential ng mga talented at maabilidad na mga constituents dahil natetengga sila sa mga walang kwentang programa o polisiya na nanggagaling sa nakatataas.
Solusyon:
Para sa mga lawmakers, makinig sa report ng mga espesyalista lalo na sa estado ng ibat-ibang sector. Pagkatapos nilang makinig, matutong humingi ng suhestyon o payo na may paggalang at (hindi angas) sa mga obvious na mas marunong sa kanila sa gobyerno (alam nyo naman siguro kung sino ang mga lawmakers sa Pinas). Iadmit nila sa sarili nila na sila ay binoto ng "fans" at hindi ng mga totoong botante na iniisip ang kapakanan ng bayan. Applicable din ito sa administrative branch na kung tangap nya sa sarili nya na damdamin lang ang kaya nyang pairalin at hindi ang utak, kailangan nya ng mga totoong may alam sa field na pinasok nya. Kung ang isang programa ay nangangailangan ng modern approach, huwag iinsist ang nakagawiang method na ginagamit ng kung anung tribo at pag-aralan ang potential success na maibibigay ng modernism.
Problema:
POLITICAL DYNASTY- Masyadong strong ang family ties ng Pinoy at ang kulturang yan ay nadala natin sa pagpapatakbo ng gobyerno. Rampant ang nepotism sa mga public office dahil sa kagagawan ng mga pulitikong nagpapalakas ng pwersa sa gobyerno. Mapa-appointee o kamag-anak na nananalo sa election, makikita mo yan sa mga opisina ng gobyerno. Dahil hindi rin nae-enforce ang batas lalo sa code of conduct ng mga public officials, marami pa ring mga nakakalusot at lumalabag sa batas na to. Ngayon, ano ang kaugnayan nito sa political dynasty? Once na naset-up na ng mga pulitiko ang mga kamag anak nila sa iba't ibang ahensya, patatakbuhin nya sa election ang isa o dalawa o higit pa sa kanyang mga kadugo gamit ang makinarya na sinet-up nya mula sa kanyang sariling angkan.
Solusyon:
Ang unang dapat ia-dopt ay ang solusyon sa pagiging trapo and then solusyon sa political dynasty. Mahirap masolusyunan ang political dynasty pero para sa future, kelangan ito ang isipin ng mga nasa posisyon ngayon:
1. Ang mga kabataan ngayon na gusto nilang mag-take over sa business nila na tinatawag na gobyerno ay mas interasado sa DOTA sa panahon ngayon at kung nag-aalala sila sa taumbayan, hindi nila iiinsist na maupo sa pwestong aalisan nya ang anak o pamangkin na nakabuntis sa edad na 17 y/o dahil sa kalandian. Instead, bilang pulitiko, maging active syang kasapi ng partisan politics, i-embrace ang tunay na diwa ng demokrasya at hayaang magdesisyon ang majority sa kung sino ang dapat maupo sa posisyon.
2. Kung nais na mainvolve sa gobyerno ang kamag-anak, bigyan sya ng appropriate na edukasyon at skills na magtatalaga sa kanya hindi sa posisyon sa gobyerno kundi sa ahensya ng gobyerno na mas nangangailangan sa kanya base sa kanyang kasanayan. Ang nangyayari kase, porke Mayor ang ama, dapat maging mayor na rin ang anak na obviously ay may talent o kasanayan na mas mapapakinabangan ng lipunan kung ibubuhos sa propesyon na sinundan nya maliban sa pulitika.
3. Hindi monopolyo ang gobyerno. Magkaiba ang civil servants sa technocrats o yung mga elite sa partikular na field. Dapat may autonomy at free sa oligarkya ang mga nabanggit.
4. Malabong maamyendahan ang saligang batas para baguhin ang mga probisyon para mawala ang political dynasty pero wag tayo maging pessimistic. Time will come na mangyayari ang hinahangad natin para mawala ang political dytnasty through charter change pero sa pamamagitan ng kamay ng mga hindi mapagsamantala at new breed ng pulitiko.