Saturday, August 15, 2020

Pagbabago


Old Map Of The Philippines Stock Photo - Download Image Now - iStock

“Ay may kinakasal na tikbalang!”

Habang lulan ako ng aking motor ay ito ang naulinigan ko sa mga batang nag-uumpukan sa tabi ng kalsada. Ambabata pa ay nagpapraktis na ng pagiging “concern na kapitbahay”.
Kinakasal na tikbalang? H*#*& s*&*! 2020 na nagpapaniwala pa tayo sa mga pamahiin? Porke umuulan lang at umaaraw at may bahaghari may kinakasal na agad na tikbalang? Asan ang venue? Bakit hindi invited ang kapitan ng baranggay na bida-bida? Sino ang bride? Interracial ba ito? Mga walang kwentang katanungan ng isa ring patola na katulad ko.
Masaya sa probinsya. Ang mga musmos ang tagapagmana ng mga kaalamang ipinang-uto sa mga magulang nila ng mga lolo’t lola nila. Bawian lang kumbaga. Mga paniniwalang wala naman scientific basis pero wala naman daw mawawala kung paniniwalaan at susundin. Parang mga patakaran ng gobyerno ngayong covid19 period na ang hirap lang din paniwalaan.
Mandatory face shield, motorcycle barrier, delay ng klase etc. ay ilan lamang sa mga mahigpit na ipinatutupad. Pero asan ang kongkreto at matibay na polisiya para palakasin at patatagin ang sektor pangkalusugan? Lumalabas na pinepwersang tumalima na lang ang taong bayan dahil helpless na ang mga inutil na nasa kinauukulan. Para bang sinasabi “So ano kung inutil ako? E nasa posisyon naman ako, e ikaw? Shut up ka na lang at sumunod. Holy *** lang. At habang nagsstruggle ang mga ulirang alagad ng medisina sa pagganap ng katungkulan nila, ay ibababa pa sila na parang yung ex mo na palagi na lang galit sayo dahil lang sumikat at lumubog ang araw. I mean, asan ang pag-angat ng moral dyan? The late Napoleon Bonaparte was very successful sa mga battles dahil champion sya sa puso ng kahit pinakamaliit na unit sa grupo nya. These doctors, nurses et al are all part of the team and they are actually the most elite units in this battle! Putsa natalo pa kayo nung TL ko sa call center sa galing mag-boost ng moral ng tao nya. Shame on you! Pero seriously, buti na lang hiniwalayan mo na yung ex mo.
At ano tong corruption sa Philhealth? I mean hindi na bago yung mga ganito pero tang juice naman, sa gitna ng pandemya? Ok wag na natin i-elaborate yang topic na yan. Marami nang inubo si Mike Enriquez dyan pero konting kahihiyan na lang mga maam/sir, mag-harakiri na lang kayo parang awa nyo na tutal di naman na mababalik sa kaban ng bayan yang mga kinulimbat nyo. Have some moral ascendancy please.
Andami pang rant para sa mga di kapanipaniwalang mga aktibidades ng ating gobyerno ngayon pero araw-araw nyo nyo na yan nakikita sa social media feed nyo so wala nang point para himayin pa yang mga yan. Ang lakas makarebelde ng mga pinaggagawa sating mga hamak na taxpayers pero anung bago kung magreretaliate tayo? I remember nung nasa bangka kami ng mga tropa ko nung sipunin pa ko. Aktong sasalubong kami sa malaking alon at sinabi ng nakatatanda sa grupo na salubungin namin ang alon habang mariin naman akong tumutol. Pero hindi ako tumalon sa bangka, sama-sama kaming tumaob at tinulungan namin ang isa’t isa na makarating sa pampang na safe. Kase nga “we’re all in this together”. Sure natetest ang creativity mo sa pagpost ng mga memes o sarcastic posts o pagpopost ng mga link ng rappler or ABS at nagiging famous ka and all dahil sa mga anti-admin or anti-government posts mo pero bukod sa nailabas mo yung hinaing mo, may nagbago ba? Did anything change?
Kung change lang din ang pag-uusapan ang dami naman talaga nagbago, hindi nga lang kaaya-aya yung karamihan. Alam ko if tatanungin ka kung anong pagbabago ang gusto mo siyempre isasagot mo e sana hind na gago ang mga nasa gobyerno natin or sana hindi na pang-gago ang gobyerrno natin or sana maging progresibo tayo or sana bumyahe na si Cynthia Villar sa Proxima Centauri B etc.. Pero ako sa totoo lang, ang pagbabago lang na gusto ko, yung maging considerate tayo sa lahat ng aspeto na kinapapalooban ng pagiging Pilipino natin. Hindi ko kinahihiyang sabihin na “damay-damay na” pero hindi rin ako fan ng “matira matibay” na mindset. Gabayan natin ang isa’t isa, wala dapat masawi sa ating hilera. Hndi mo kelangan ng physical contact para hawakan ang kamay ng bayan mong papalubog. Yung simpleng tanggapin mo lang ang sitwasyon na wala nang iba pang side comment (na di tulad ng mga online buyer mo andami sinabi e hindi naman bumili) then imbes na mangarap ka na makaalis sa bansang ito o pangarapin na maging habitable ulet ang Pilipinas (Joke aside kase habitable naman ang Pilipinas except maging Camella na ang buong bansa), mangarap tayo na maging progresibo ang bayan natin na lahat tayo ay buong pusong nag-ambag sa kahit maliit na paraan.
In denial pa rin kase tayo sa sitwasyon natin dahil lagi nating kino-compare sa ibang bansa yung bayan natin. Sa stages of change nasa precontemplation pa lang tayo. Para tayo yung girlfriend na palagi na lang hinahambing bf nila sa mga kpop idol “E hindi nga ako yun e! Hindi mo ba ko pwedeng mahalin at pahalagahan bilang ako?!!” Kung makakapagsalita lang ang ating lupang tinubuan ganyan din ang sasabihin nya sa atin. Sa ngayon bigyan muna natin ng unconditional love yung bayan natin, hindi man sa henerasyon natin mangyari pero sa sunod na salinlahi baka maenjoy na rin nila ang Pilipinas na pinangarap natin na kung saan competitive ang gobyerno.

Share