May isang kwento na kailangang malaman ng mga coffee lovers. Ito ay ang matinding hirap na pinagdaanan ng pinakaunang die hard lover ng kape na si Gabriel de Clieu.
Bago tayo mag-dive sa history na sinasabi mong hindi mo favorite na subject nung college (kahit wala ka naman talagang favorite na subject except kung may prof ka na lalandiin), gusto ko lang i-share kung gaano ko kamahal ang kape. Mahal na mahal ko ito na muntik na kaming maging loveteam nung housekeeping sa opisina sa dalas naming magkwentuhan sa harap ng coffee brewer. Well in general adik sa kape ang mga taga Maersk PH at laging walang laman ang machine so kelangan ko laging tawagin si ate para refillan yun. Buti na lang hindi sya nadala saking matatamis na ngiti.
Its a routine na pag papasok ako sa office di muna ako magtatime in para dumeretso sa pantry at kumuha ng pagkasarap sarap na arabica. Tatambay ng konti habang nakasilip sa salaming bintana ng building na para bang ako ang may ari nung kumpanya then magigising to realize na broke pa rin ako after ilang higop sa kape then pupunta na ko sa desk ko para maghanapbuhay. Mga limang beses pang mangyayari yun sa buong maghapon hanggang nanginginig na ko sa nerbyos bago mag out sa opisina. Pero kahit lumala ang gastritis ko at madalas madale ng caffeine overdose, di ako nagquit sa kape. Ipaglalaban ko ang kape katulad ng kung paano ito ipinaglaban nung unang panahon para lumaganap sa Americas na later on ay nagbigay saten ng mga coffee shop na paborito ng mga conyo.
1723 habang off sa work ang noo'y French navy officer na si Gabriel-Mathieu de Clieu, sinimulan nyang isakatuparan ang balak na pumuslit ng kapirasong binhi ng kape. Mangyari ay gwardyado ang naturang halaman sa hardin ni King Louis XIV ng France na unang naobsess sa naturang inumin. At dahil epic ang naging experience ng hari, ipinagdamot ang kape sa mga nasa laylayan ng lipunan at tanging mga nakakaangat lang ang may access dito. Ngunit determinado ang binata na mapasakamay nya ang binhi para palaguin sa Martinuque kung saan sya nakadestino. Ano pa nga ba ang classic na paraan kungdi pagsamantalahan ang karupukan ng mga babae na ginawa nya sa lady of the court na sya namang nangharuyo sa physician ng hari na sya namang pumuslit ng maliit na binhi para kay de Clieu.
Pagkatapos ng succesful na paggamit sa kanyang kapogian, bumyahe na si de Clieu sakay ng isang barko papuntang Americas dala ang kanyang prize possesion. Hindi katulad ng mga pangako ng ex nyo, si de Clieu ay hindi lang nangako, iniialay nya ang buhay para sa halaman na yun.
Pinagawan pa nya yun ng salamin na lalagyan bilang proteksyon at katabi nya sa pagtulog. Hanggang isang araw, may nagtangkang mang-agaw sa kanyang minamahal. Isang inggeterong Dutch na kapwa nya pasahero na walang pinagkaiba sa kapitbahay mong si Badang ang nagtangkang umagaw sa precious na kape ngunit di nagtagumpay. Subali't muntik nang malagay sa alanganin ang buhay ng halaman ng mapigtasan ito ng sanga. May mga tao talagang darating para sirain kayo out of inggit.
Di man nagtagumpay ang taong iyon, sadyang sinubok ang katatagan
ni de Clieu nang umatake ang mga pirata. Ang naturang mga pirata ay mga
notoryus nung mga panahong yun at tiyak na hindi makakaligtas ang mga
mahahalaga sayo. Para silang mga kaibigan na hindi boto sa minamahal mo dahil
lang love is blind at napili mong ma-fall sa isang mukhang taho. Sa kabutihang
palad, legendary ang kapitan ng barko at nagawang umiwas sa pananalasa ng mga
pirata at nakahinga ng maluwag ang ating lover boy.
Ngunit ang pagtawid sa Atlantic ay hindi biro. Isang bagyo ang kanilang nakaengkwentro na halos tumapos sa buhay ng tinaguriang nanay ng mga kape sa Americas. Nabasag ang protective glass ng halaman na dahilan para mapasukan ito ng tubig alat. Halos mangiyak ngiyak ang ating bida sa sinapit ng kanyang minamahal kaya dagliang pinaayos ang lalagyan nito sa kapwa pasaherong karpintero. Subalit mahalaga ang dilig! Paano nya ngayon didiligan ang halaman kung mismong sya ay walang mainom dahil natapon ang mga supply nila ng tubig sa dagat at ang iba'y nahaluan ng alak. Dito na ngayon pumasok kung paanong kahit buhay nya ay handa nyang ialay mabuhay lang ang halaman. Uhaw man at nanunuyo ang lalamunan, binabahaginan nya ng tubig ang halamang lumalaban din upang sila'y manatiling magkapiling. Mapapa "sana all" ka na lang.
May pananabotahe, paninira at natural na disaster ang
naengkwentro nila sa buong byahe pero wala ni isa mang nagtagumpay. Bagkus ay
matagumpay na narating ni de Clieu ang isla ng Martinuque kung saan nya
itinanim ang unang kape sa bahaging iyon ng mundo. Pero kung ang yugtong iyon
ay maihahalintulad sa pagpapakasal, hindi pa rin dun natapos ang mga pagsubok.
Kung makakapagsalita lang yung nag-iisang puno ng kape nung mga panahong iyon, sasabihin nyang napaka over protective ni de Clieu. Itinanim sya sa mismong bakuran ng ginoo at bantay sarado ng mga alipores mapaaraw o gabi. At nung yumabong ang halaman ay sya naman pag-atake ng kalikasan sa pamamagitan ng bagyo at lindol. Sa kabutihang palad, nakaligtas ang unang kape sa Americas at lalo pang dumami hanggang sa di na naawat sa paglaganap sa iba pang bahagi ng mundo. Ang tagumpay na ito ay nang dahil sa dedikasyon at matibay na pananalig ni Gabriele de Clieu.
Hanggang saan natin kayang ipaglaban at alagaan ang ating minamahal? Minsan di natin nakikita ang halaga nya kaya tinetake for granted lang natin, binabalewala tapos magdadrama tayo pag nauntog na ang partner natin at lumayo. Saka maiisip na mahal pala natin kung kailan wala na. Ingatan natin, ipaglaban natin, bigyan natin ng unconditional love. Hindi man katulad ng kape at kung paano ito kumalat sa buong mundo at kung paano ito magsstay forever ang maging success story ng relasyon nyo, at least sinubukan mo at di ka bumitaw.
Sa susunod ay pag-usapan naman natin ang istorya ng kung panung
sinwapang ng China ang pagpapakalat ng silk na tinago nila ng libong taon na
parang mga magulang ng crush mo na sobra ang istrikto sa dalaga nila na wala
naman talaga akong gustong sabihin. Protective lang sila dahil sa mga manyak na
tulad mo.