Tuesday, March 29, 2011

Kamalasan



Isang lalake ang naaksidente habang naglalakad sa kalye. Kung bakit ba naman sa lawak lawak ng kalsada ay sa kanya pa bumangga yung kotseng yun na isang kalawang na lang ang di pa pumapayag para tuluyan na itong maibenta sa junk shop. Pag minamalas nga naman, mula sa pagkabali ng halos lahat ng buto nya sa katawan ay mabuti na lang at nawalan lang sya ng malay.

Nagising sya sa ospital pagkatapos ng dalawang araw na walang malay. Muntik pa syang atakehin sa puso ng bumulaga sa kanya ang mukha ng girlfriend nya. Biglang nagflashback sa utak nya ang mga pinag daanan  nila ng girlfriend nya mula pa noong college hanggang sa tagpong iyon.

"Naalala mo pa nung college tayo? Ang tindi ng struggle ko nun sa studies. Sampung beses narevamp ang thesis ko pero di mo ko iniwan at kahit benteng ulit ko pang ginawa ang thesis ko para makahabol sa graduation, anjan ka lang sa tabi ko at sumusuporta."

"Kasi mahal kita hon..."

"Tapos nakagraduate ako nun at nagdecide mag apply ng trabaho. Hehehe... Natanggap ako at napromote agad pero dahil lang sa maliit na dahilan, tinanggal din ako agad. Di mo ko iniwan nun at nanatili ka lang sa tabi ko."

"Kasi mahal kita hon..."

"Ilang beses din akonhg natanggap at natanggal sa trabaho bago ako nakahanap ng stable na job. Hindi ako napromote kahit halos dugo na ang lumalabas na pawis sa balat ko at nanatili lang sa posisyon na binigay sakin ng kumpanya simula pa nung nahire ako 5 years ago at alam mo ba...?"

"Ano yun Hon?"

"...Di ka pa rin nun umalis sa tabi ko. Andyan ka pa rin talaga..."

"Kasi mahal kita honey ko...huhuhu...alam mo yan..."

"At ngayon! At ngayon! Heto ako at halos buto na lang sa hinliliit ko ang nananatiling buo at hindi mo pa rin ako iniiwan!!!"

"Kasi mahal kita hon! mahal na mahal kita! O diyos ko! huhuhuhu...!"

"Kelan mo ba ko iiwan?"

[TOINKS]

"Bakit hon? Hindi ko yata gusto tabas ng dila mo. Kanina inisa-isa mo pa yung hindi ko pag iwan sayo tapos ngayon gusto mong iwanan na kita? Weird!"

"KASI IKAW ANG MALAS SA BUHAY KO! MAKAHALATA KA NAMAN!!! LUMAYO KA NA PLS!"

"Ah ganun? Ganun na lang? O sige akin na to! Souvenir!!!."

"*%$##* mo! #@**&$ ka talaga!! Ahhhhhhhh!!!!!!!!! Ibalik mo yang ribs ko! ahhhhh!!!!!!!"

-the end-


Gabay sa pag aaral
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

  1. Kelangan bang isisi sa girlfriend ang mga kabiguan sa buhay?
  2. Matatawag bang malas ang gumradweyt sa college after makasurvive sa 20 revamps sa thesis?
  3. Ang hindi ba pag-alis ng girlfriend mo sa tabi mo tuwing panahon ng pagsubok ay tanda ng pagmamahal nya sayo o sadyang adik lang talaga ang gf mo sa panunuod ng mga mga telenobela?
  4. Bakit hindi na dapat hinahayaan pang tumakbo sa kalye ang kotseng kalawangin? Panu mo naisip na walang sense ang tanong na ito?
  5. Bakit may mga sipsip na empleyado at napopromote? Bakit din may mga empleyadong patas pero ni hindi man lang makatikim ng increase sa sahod?
  6. Ilan lahat ang buto sa katawan ng tao?
  7. Aling bahagi ng male anatomy ang inaakala ng karamihan na merong buto?
  8. Bakit hindi dapat ugaliin ng mga bata na manuod ng "happy tree friends" sa you tube?
Talasalitaan:
  • mahal kita~ pangkaraniwang salita na madalas sabihin pero di talaga alam ang totoong kahulugan
  • pag-ibig~ madalas mababasa sa pocketbook, binabanggit din sa mga korea novelas, bihirang banggitin sa totoong buhay, napapagkamalang totoong nararamdaman
  • hindi nang-iwan~ nagkataon lang, walang choice, taken for granted, pinanganak na plastik, may secret agenda, naglalako
  • hindi iniwan~ minalas, mapaniwalain, umaasa, suki
  • boyfriend~ lalaki, karamihan ay adik sa dota, karamihan ay walang pera, maporma lang talaga, madalas siyang nang iiwan pero laging may dahilan dahil hindi pwedeng wala, nakakabuntis
  • girlfriend~ babae, hindi adik sa facebook pero adik sa pagpost ng pics sa facebook, hanap ay may pera, kikay, madalas siyang iniiwan kaya gumaganti, nagpapabuntis
  • kamalasan~ nangyayari sa lahat ng tao, naiiwasan kung gugustuhin pero madalas ay hindi rin dahil palaging nakabuntot sayo

Wednesday, March 23, 2011

Hurricane Strip: Touching Docu



When a prim and proper 21 year old law student suddenly loses everything in Hurricane Katrina, she turns to the last job she ever pictured herself doing, dancing nude on New Orleans legendary Bourbon Street.


I see the same story with lots of people who got very desperate from a certain catastrophe at sabi nga sa salitang Pinoy, "kapit sa patalim". Kayo na ang humusga.



Thursday, March 17, 2011

Paano Humingi ng Tawad sa Boyfriend?

Update: Sa mga nagrerequest po kung saan ako pwede i-message, send me email po at valenciaprudencio@gmail.com.

"Gomenasai" ay salitang Hapon na ibig sabihin ay "sorry" o "patawarin mo ako". Karaniwan na sa mga relasyon ang tampuhan, hinanakitan at samaan ng loob. Sa magpartner, masasabi ko na mas doble ang impact ng mga nabanggit sa part ng guy o ng lalaki. Ito ay dahil mas grabe magalit ang lalaki kesa sa babae at kapag hindi nagawan ng paraan para mawala ang galit o sama ng loob nya ay maaaring maging dahilan ito ng magulong relasyon or at worst, hiwalayan. Although dapat i-consider ng girl yung gravity o yung kung gaano kabigat yung nagawa nyang kasalanan, ang bottomline pa rin ay ang pag-hingi ng tawad at kung paano ito gawin sa epektibong paraan. Lets take it in a general sense, ang paghingi ng tawad sa boyfriend para na rin sa pagkakaayos ng kung anumang gusot na dala ng nagawang kasalanan ni girlfriend:

ALAMIN sa sarili ang nagawang kasalanan- Importanteng alamin kung ano ang nagawang kasalanan. Kung hindi na kailangang itanong sa boyfriend kung ano nga ba yun at least mag effort na pag isipan kung anong nagawang kasalanan. Mas ok kung sakto mong masasabi sa kanya ang nagawa mong kasalanan dahil minsan ay "bad trip" para sa guy na parang nagtatanga-tangahan ang girlfriend nya at di alam o sadyang manhid lang talaga at di marunong makiramdam kung me nagawa na syang mali o wala. Itanong sa sarili bago matulog "Bakit sya nagalit? Ano ang nagawa kong pagkakamali? etc. Initiative kumbaga. 

TANGGAPIN ang nagawang kasalanan- Pagkatapos isipin kung ano ang nagawang kasalanan, tanggapin muna ito sa sarili (syempre kelangan marealize mo muna ito with yourself dahil fake ang sorry na masabi lang na nagsorry). Pag natanggap mo na sa sarili mo na ikaw nga ang mali at yun ang naging pagkakamali mo, be ready for the next step, ihanda ang sarili sa actual na paghingi ng tawad.

I-consider ang TAMANG TIYEMPO- Hindi mo naman siguro gustong istorbohin ang boyfriend mo habang seryosong nagbabasa ng notes nya para sa paghahanda sa final exams o kaya ay kausapin habang nagmamadaling pumasok sa trabaho. Tamang tyempo, tulad ng paghihintay sa labas ng campus nya kung umuulan at wala syang payong o pagdalaw sa bahay nila pag weekend habang meron kang dalang mainit na sinigang na baboy na paborito ng boyfriend mo or any food na trip nya. Totoo talaga kasi ang kasabihan na the way to a man's heart is through his stomach.

Daanin sa SULAT- Isa rin itong way para maiparating sa kanya ang paghingi mo ng tawad. Basta wag kalimutang banggitin sa sulat ang nagawa mong kasalanan at ang pag-sosorry. Ilagay din sa sulat ang willingness mo na magkausap kayo after nya basahin ang sulat. Hindi text, hindi fb message, hindi fb wall post, hindi fb chat, SULAT as in sulat kamay mo. Sa panahon ngayon, na  available na ang teknolohiya para maiparating ang mensahe, try something different para magkaroon ng impact sa bf mo and by letter, siguradong maaapreciate nya ang effort mo ng paghingi ng tawad sa kanya.

Maging SINCERE sa paghingi ng tawad- Hindi sapat na humihingi ka ng tawad, dapat ay paghingi ng tawad na may sincerity, honesty at talagang buong puso at totoong-totoo ang paghingi mo ng sorry. Magagawa mo to kung walang halong pagja-justify ang salita mo at iwasan ang mga statement na tulad ng, "Kaya ko nagawa yun dahil...", "Ano ba ang masama dun kung..." etc. 
Hindi manhid ang guy at mararamdaman niya ang honesty sa bawat salitang sinasabi mo at please lang, hindi mo kelangang magdrama at daanin sa pag-iyak ng todo...tsk..

EYE CONTACT- Siyempre tanda ng pagiging sincere o tapat ay ang pagtingin ng diretso sa mata. Hindi iiling-iling at kung saan-saan ibinabaling ang paningin. Hindi nakatungo ang ulo at higit sa lahat ay hindi nakatalikod. Nakaharap sa kanya at nakatingin sa kanyang mga mata habang malinaw na sinasabi ang gustong sabihin. 

SMILE- Hindi naman kelangang heavy drama ang maging eksena. Kalma lang. Sa katunayan, ang minsang pag-ngiti habang kinakausap sya at pagpapakita na maaliwalas ang iyong mukha ay pagpapakita na positive thinking ka at sya rin ay magiging ganun din at mapapatawad ka nya. Iwasan lang tumawa dahil baka bigla ka matadyakan ng boyfriend mo. Yung saktong ngiti lang. :-)

MAS MAIKSI, mas ok- Wala ng paligoy-ligoy, direct to the point, sabihin ang nagawang kasalanan, ipadama na tanggap mo na nagkamali ka and then say the word "sorry","pasensya ka na" o "patawarin mo ako". Huwag magbigay ng kung anu-anung dahilan na para bang binibigyan mo ng hustisya ang nagawa mong pagkakamali na para bang dapat ay excuse ka dahil nagawa mo yun. Iwasan ang salitang "babae ako at ganito ako", stereotyping ang tawag dyan at masyadong diktador sa pandinig at ego ng lalaki. Huwag ungkatin ang nagawang pagkakamali ni guy in the past na kesyo nambabae sya o anupaman para lang maihambing nagawang kasalanan at masabing quits o patas na. Magfocus lang sa bagay na inihihingi ng tawad. Malilito lang kasi ang guy at maaring lalo lang kayong magtalo at baka isipin nya na lalo kang nagmamataas imbes na magpakumbaba. Sabihin mo lang na nagsisisi ka dahil nagawa mo yun at tao ka lang din na nagkakamali minsan. Tandaan, ang pag-uusap na may patutunguhan ay hindi kailangang tumagal ng apat na oras o hanggang kalahating araw...away na ang tawag dun.

MANGAKOng hindi na gagawin ulet- Oo, hindi masamang mangako. Ayaw ng lalaki ng linyang tulad nito: "Ayokong mag-promise o mangako. Promises are meant to be broken kaya gagawin ko na lang ang pagbabago". Mali ito. Bakit? Dahil ang dating nun sa guy ay pagiging "playing safe". Para ano? Para maging ok lang kahit ulitin ni girl ang parehong pagkakamali? Kesyo sinubukan nya baguhin at iwasan ang dating pagkakamali pero sadyang di nya naiwasan? Then what? Pag nagalit na naman si guy sasabihin ni girl na wala naman syang iprinamis. Ang gusto ni guy ay magkaroon ng sense of commitment sa bagay na pinagsisisihan. Yung konkreto, may assurance at reliable na statement. The best kung maririnig ni bf mula kay gf ang linyang "I swear or I promise na hindi ko na gagawin ulet" dahil sa line na ito, sure na may direksyon ang gagawing pagbabago. Para din naman ito sa ikakabuti ng relasyon nilang dalawa at kung mahal talaga ni girl ang bf nya, igi-give up nya ang pride na yan na walang magagawa sa relasyon kundi ang sirain ito. Pipiliin ni girl na magpakumbaba. 

Meron ding keyword na dapat laging alalahanin para maachieve ang part na ito "maturity". Maging matured mag isip at kung sa tingin mo ay hindi ka pa fully grown up, grow up! Mahalaga ang maturity ng isang tao sa anumang uri ng commitment.

Humingi ng SECOND CHANCE- Kung malala ang nagawang kasalanan at sa tingin mo pati ang pagsisisi mo ay hindi nya tinanggap o matabang ang ginawang pagtanggap, humingi ka ng second chance. Sa ganitong paraan, mas secured na magkakaroon kayo ng absolute reconciliation o tuluyang pagbabati. Isa rin itong tanda ng pagpapakumbaba at pagiging submissive kay guy sa partikular na bahaging ito ng pakikipagrelasyon. Though not in the sense na total act of being submissive at all times pero being submissive sometimes is really necessary.

HUWAG NAGMAMADALI- May mga girls na kapag nagawa na nila yung mga bagay o steps na nabanggit ko sa itaas at wa-epek pa rin kay guy, nagagalit sila at para bang gustong sabihin na dapat once na nagawa na nya yun ay dapat patawarin na agad sya. Hindi ganun. Lalo na kung medyo malaki ang sugat na nagawa mo sa puso ng boyfriend mo at nangangailangan ng time  para pagalingin. Be patient, hold on. Be patient dahil hindi automatic ang pagpapatawad lalo na kung traumatic ang naging epekto ng pagkakamaling nagawa mo. Hold on at wag ka mag-jump sa conclusion na tapos na sa inyo ang lahat, stay with him in any way and if the things are not anymore the same between you dahil sa nangyari, at least keep the communication. Babalik din sa normal ang lahat,believe and have faith.

Maging SWEET at subukan siyang pangitiin- Siyempre, kelangan may follow up yan once na ok na kayo. Siguro kung afford mo, yayain mo sya lumabas (syempre ikaw ang taya) at panuorin nyo ang sineng trip ng boyfriend mo. O kung medyo busy sya, ipagluto mo sya ng paborito nyang pagkain (kung marunong ka magluto) at kumain kayo ng sabay. Do some artwork o self-made present para sa kanya at tiyakin na ikaw talaga ang gumawa nun at talagang nag-effort ka, maaapreciate nya yun. Basta alam mo na kung panu maging sweet at kung ano ang sweet na bagay para sa boyfriend mo na magpapangiti at magpapasaya sa kanya. Paraan din ito para masaisantabi ang naging hidwaan ninyo and maybe slowly but surely, tuluyang nang malimutan ang naging problema. 

Just always remember how it happened, how it affected your relationship and most importantly, how would you prevent this things from happening again.

Ang mga paghingi ng tawad buhat sa uri ng approach tulad ng nabanggit ko ay mahalagang isaalang-alang. Dahil ang purpose ay para tuluyang mawala ang galit o sama ng loob mula sa puso ng taong naagrabyado para hindi na tumubo at manganak pa ulet ng isa pang gulo. Kung basta hihingi lang ng tawad katulad ng kung pano ka magsorry sa teacher mo nung grade 6 ka tuwing hindi ka nakakapagpasa ng assignment, kaplastikan yun! (aminin mo at hindi, natatawa ka pag naaalala mo kung ano ang mga alibi mo sa teacher mo tuwing hindi ka nakagawa ng assignment.) 

Sabi nga ay "An apology is the superglue of life.  It can repair just about anything." at para maging intact at matatag ang relasyon, kelangang maging responsable ang bawat isa sa paghingi ng tawad sa partner na naagrabyado at nagawan ng kasalanan. Otherwise, para saan pa at nagmamahal tayo?


Thursday, March 10, 2011

Buhay Facebook



"May pila. Matuto kayong maghintay."


Narito ang daily status ng isang kaibigan nating Facebook addict na tawagin na lang nating si Brandong Sawi:

Monday:

"Wow, shes so beautiful. Im glad nakilala ko sya. Now i have reason to get online everyday."


Tuesday:

"Yes, binigay na nya number nya. Amazing. Ngayon text-text na kami. Ang ganda nya talaga.;"


Wednesday:

"Mukang nadedevelop na ko sa kanya. Ang lambing nya tapos thoughtful pa. tsk... Iba na to..gusto ko na sya.  Pepwede ba tong nararamdaman ko?"

Thursday:

"Gusto rin daw nya ako. &*(^&*(!! I cant believe it. Gusto ko na makipagkita sa kanya. I cant wait na mayakap at mahagkan sya."

Friday:

"Bat ganun, di sya nag online? Di rin sya nagrereply sa texts. Nu nangyari? Akala ko ba gusto nya ako. Should i expect anything from her? God, i really like her."

Saturday:

"Huh? Bakit ang cold na nya? Di na sya katulad nung last kami na nagchat na masaya at kulang na lang lumabas kami sa monitor at magyakapan. Tsk.. Sinasakyan lang ba nya ako?"


Sunday:

"Bakit kelangan nya akong paasahin? Gamitan na lang ba talaga sa panahon ngayon? Anung kinalaman ko sa break up nila ng bf nya? Mukha ba akong pain reliever? Unfair!! Unfair!!!"

For one week ay naipon nya ang mga status na to and after that week ay di ko na sya nakitang nagpost ng status. Tsk... Ganyan talaga. Ang facebook kasi ay isa na ngayong kasangkapan para wasakin ang puso ng isang tao. Ang nangyari kay Brandong Sawi ay bagay na nangyayari din sa karamihan mapalalaki man o mapababae. Ang moral lesson lang dito ay, wag tayo masyadong "asa". Hindi dahil ok kayo online, ay magiging ok na rin kayo in real life. Nagkalat ang mga mapaglaro sa cyberworld. Mga mapaglaro na akala mo ay mga totoo, pero yun pala ay fake. Kaya ang payo ko sa mga kapatid natin, huwag agad-agad magtiwala. Ang mga salitang ubod ng tatamis ay tulad ng kendi at matatamis na pagkain na ipinagbawal sayo ng nanay mo nung 5 years old ka pa lang sapagkat nakakasira daw ng ngipin. Di mo pinakinggan ang nanay mo noon kaya ngayong malaki ka na ay nagsisi ka, hindi dahil nabulok at naubos ang ngipin mo, kundi dahil lagi kang sinisingil ng doble sa tricycle tuwing sasakay ka. Katulad din nung pinayuhan ka ng katabi mo sa net shop na madalas mong nirerentahan. Ang sabi nya sayo "Pare, kung ako sayo maglaro ka na lang ng cafe world kesa pag-aksayahan ng oras yang babaeng yan. Pustahan tayo tokshet lang yan."



Isa pa sa mga moral lesson sa insidenteng tulad nito ay "huwag masyadong adik sa facebook." Kung employee ka, work muna bago facebook. Kung estudyante ka, magreview muna bago makipaglandian sa mga miyembro ng fb group mo. Kung ikaw ay nanay na may maliit na baby, pasusuhin mo muna yang anak mo (i recommend breastfeeding) bago ka makipagtsikahan sa kabatch mo nung high school na may bago na namang foreigner na asawa. Kung nasa abroad ka, ok lang makipaglampungan sa chat with your ex nung high school , basta siguraduhin mo na di alam ng asawa mo ang password ng fb mo. Kung katulong ka o maid, siguraduhing nahugasan na muna ang dapat hugasan bago mag-fb dahil baka magalit si Sir. Kung barangay tanod ka, siguraduhing at peace ang barangay bago i-view ang mga photos nyo ni kapitana. Kung grade 1 ka pa lang, mas mabuting mag aral ka muna mag sulat gamit ang kamay kesa magsulat sa fb chat at pagkatapos ay kukulitin  mo ang ate mo kung nasan ang exclamation point sa keyboard pag nagagalit ka na sa kachat mo na kinder pa lang pero alam na gawin ang emoticon ni Chris Putnam (o ikaw alam mo ba yan? haha..). Kung ikaw ay si bantay at binilin sayo ng amo mo na bantayan ang bahay, gawin mo na lang ang tungkulin mo kesa iinsist na maglaro ng pet society (ambisyosong aso) o pwede ka rin namang maging kapitbahay ka lang pero mala-aso sa tapang ng hiya kung makigamit ng internet...nanghihingi pa ng juice sa may ari ng bahay habang pinanunuod ang fb wall post na video ni Marcelito Moy. Kung kagagaling mo lang sa break-up, baguhin muna ang fb status at burahin ang mga pictures ng ex sa album bago mag-hunting ng ipapalit sa ex-bf na basketball varsity o campus crush. Kung abusayaf ka, kahit mag fb ka na lang buong buhay mo, mas ok. Kung pulitiko ka, unahin ang pagsisilbi sa bayan kesa pagpapapogi sa fb fanpage mo. Sa madaling salita, kung responsable kang tao, unahin muna ang mga priorities bago ang kung anupaman.


May maidudugtong o maidadagdag ka pa ba sa mga "kung.." na type ng fb users na isinulat ko dito? Sige, idagdag mo lang. Feel free to comment :-)



Tuesday, March 8, 2011

Usapang Break-up



Habang nanunuod ako nitong "Ghost Adventure" dito sa rin sa site ko na kung saan ay pinag-uusapan ang mga ispiritu, mga kaluluwa ng mga namatay, mga demonyo, mga traffic enforcer, mga adik na pulitiko (mas nakakatakot yung huling dalawang nabanggit) etc. biglang pumasok sa isip ko yung kaibigan kong broken hearted at iniwan ng girlfriend. Naalala ko yung itsura nya na parang tinakasan na ng pag-asa at isang hibla na lang ang nagdudugtong sa buhay nya at sa kamatayan. Kaya nung nagkaroon kami ng tsansa na magkausap sa isang session at dahil ang inyong lingkod ay nagdaan na rin sa naturang karanasan, pinayuhan ko sya.


Ang sabi ko sa kanya, Ron...


- Hindi pa katapusan ng mundo, wag mo masyadong damdamin...

- Lahat nang bagay ay dumarating sa katapusan, kailangan lang tanggapin..

- It will take time para maghilom ang sugat pero maghihilom din ito.. di ka naman diabetic di ba?

- Kung sa buong panahon na nagkasama kayo ay tinuring mong wala syang katulad at nag iisa lang sya sa mundo...isipin mo pa ring nag iisa lang sya sa mundo na gusto mo nang ibaon sa limot at kung;

- Gusto mong makalimot...wag mong sabihin..gawin mo...

- Maglasing ka pero bago mo lunurin ang sarili mo sa alak, isipin mo na hindi ang utak mo na gustong makalimot ang responsable kung bakit ka nasasaktan...kundi yang puso mo.. at tanging ibang puso lang din ang makakagamot dyan. Pero;

- It will take time until matagpuan mo ang pusong magiging katuwang ng puso mo. Sa ngayon pag -aralan mong lumimot  pero maglasing gabi gabi? Huwag naman or ibenta mo na lang kaya yang atay mo sa nangangailangan, tapos hati tayo sa pera. (Tinagay ko muna yung alak dahil naghihintay and then proceed sa mala-Confucius kong mga salitaan.)

- Oopss.. I said wag mong hanapin pero pwede ka maghintay. Wag mong isipin na kelangan mo ng panakip butas... kawawa naman ung magiging panakip butas mo..

- Makialam sa pulitika, manuod ng tv, magbasa ng dyaryo, makibalita... makikita mo na "hindi lang pakikipagirlfriend ang bagay na pwede mong gawin sa mundo"..
i-divert mo yan sa ibang bagay...

- Philippines is economically deprived. Mahal ang ataul. You deserve someone better.. i assure you... basta wag ka lang magmadali... darating din sya.. think positive...wag kang aayaw.



Medyo matagal na rin yun at ngayo'y mukhang OK na rin naman si Ron. Effective, nakamove on na sya at palagi na ulit syang nakangiti ngayon. Sinabi ko sa kanya na mabuti at sinunod nya ang payo ko (drunken master) at panindigan na nya yun dahil kaming mga kaibigan nya ay lubos na natutuwa para sa kanya. Alam nyo ang buhay ay maikli lang naman daw pero hindi dahil maikli lang ito ay magiging mainipin na tayo at palaging magmamadali. Isa sa mga dahilan kung bakit hindi natin kalevel mag isip ang chimpanzee ay para pangunahan natin ang pagpapasaya at pagbibigay buhay sa nag-iisang mundong ito na ineregalo sa atin. Ang buhay ay minsan parang wala nang halaga. Pero isipin mo na lang kung bakit pati mga ipis at butiki sa loob ng selda ni Echegaray ay nagtatatalon at naluha pa sa tuwa nung inakala nilang hindi na mabibitay ang kawawang preso. Isipin mo na lang kung bakit yung kapitbahay nyo na lubog sa utang ay nakangiti pa rin at kahit alam nya kung saan matatagpuan ang lubid at pagsasabitan nito ay mas minamabuti nyang makipagkutuhan na lang kasama ang mga kumare (take note: lalaki yung kapitbahay nyo na tinutukoy ko). See? Ang break-ups, hiwalayan at kung anupamang klase ng kabiguan ay hindi dinesign para kitilin natin ang sarili nating buhay. Masaya ang mabuhay. At kung may pagkakataon pa nga na pahabain ito, gawin natin. Tsk.. wala po akong planong magtatag ng sarili kong relihiyon.


Thanks for reading. :-)



Monday, March 7, 2011

Top 10 Lines ng mga Lalake pag Ayaw Nila sa Isang Babae




Maraming nagrerequest sakin na ipost ko na yung kabaliktaran ng dati kong pinost na may pamagat na Top 10 Lines ng mga Babae pag Ayaw Nila sa Isang Lalake. So ano pa nga ba ang magiging tema naman ng isang ito kundi "top 10 lines naman ng mga lalake pag ayaw nila sa isang babae." Katulad rin nung naunang post ang mga linyang nakalista dito. Ang magiging kaibahan lang ay susubukan naman nating alamin dito kung ano ba talaga ang tunay na pakahulugan ni Kuya sa likod ng mga linyang kapareho din ng mga linya ni Ate pag basted sa kanya ang isang guy. ahehe.. Brutalan na to kaya humanda na kayo girls. ahahaha..

Game!:


10. Parang kapatid lang kita na babae.
      (Uto-uto ka.)

9. Umm... Ang laki kasi ng gap ng edad natin e.
    (Naaalala ko lola ko sayo. I miss you lola.)

8. Hindi ako attracted sayo sa ganitong paraan.
    (Kahit anong paraan pa man, sadyang di ka lang talaga attractive sa paningin ko.)

7. Kumplikado buhay ko ngayon.
    (Marami akong # 1 sa buhay ko ngayon at di ka deserving mapabilang dun.)

6. May girlfriend na ako.
    (Kung dota o ikaw? Dota na lang.)

5. Magkatrabaho/Classmates tayo, hindi ako pwede makipagdate sayo.
    (Kahit gaano pa kaganda ang UFO mo, hindi mo ako mapapasama sa planeta nyo.)

4. Actually, nasa akin talaga yung problema, wala sayo.
    (Wala akong problema, ikaw pa lang pag nagkataon.)

3. Focus ako sa career/studies ko.
    (Naghahanap ako ng Inspiration hindi ng destruction.)

2. Magpa-pari ako...
    (...dahil ako ang mage-exorcist sayo. Sinabi nga kasing ayoko sayo, nasasapian ka ba?)

1. Friends na lang tayo. Add kita sa facebook...
    (...at sana i-like mo mga photos namin ng napili kong girl.)

Ouch!

Girls, dont think na ganito ka-cruel ang mga guys. You will find it ungentle and you may think na hindi kami gentlemen pero you have to think na may mga times din na naoobsess kayo sa isang guy at sabi nga ng isa ko pang kapitbahay "baliktad na baliktad na ang mundo". haha.. And hindi ka man mag-agree pero mas kelangan ng mga lalaki ang mamili ng girl (following his own choice) since there is a fact na mas marami ang mga girls sa mundo kesa sa guys. Its like picking the best from among the rest. hahaha.. Ooops, dont think na opinion ko lang yan ha, wag ka lang paplastikin nyang officemate mo na guy o classmate mo na guy sasabihin nya sayo na totoong ito ang sinasabi ng karamihan samin pag di namin type ang girl. hehe..

Again this is just a part of a joke. Wag kayo magrely purely sa isinulat ko dito, instead isipin nyo na lang halimbawa kung minsan habang umiinom kayo ng decaffeinated na kape bago matulog..."Paano kung ganito ang sabihin ko sa guy pag binasted ko sya? Paano kung karmahin naman ako? Ganito din kaya ang maririnig ko mula sa guy na gusto ko pero hindi ako gusto?" :-)

Thursday, March 3, 2011

Homosexuals at ang Lipunan





" I believe that the children are our future. Teach them well and let them lead the way. Show them all the beauty they posses inside..."


Iyan ang mga linyang mapapakinggan sa sikat na kanta ni Whitney Houston, "Greatest Love of All". Kahit si Jose Rizal ay sinabi rin na ang kabataan nga ang pag-asa ng bayan. E panu kung isinisigaw din ng Federasyong Homosexual na kasali sila at mas gaganda pa nga daw ang kinabukasan ng bayan sa mga kamay nila? Sasang-ayon ka ba?


Makikita sa sitwasyon natin ngayon na nag-aalab ang isyu tungkol sa homosexuality. Lalo pa itong nagningas nang lumabas ang libro mula sa simbahang katoliko na may pamagat na "Homosexuality and the Catholic Church". Ang sinasabing libro ay direktang umaatake sa existence ng mga ika nga'y kabilang sa third sex dahil ang pagiging bading,tibo,bi at yung nagpapapalit na ng kasarian ay kasalanang mortal "daw" o imoral at kasalanan sa diyos. Ang sabi pa nga ni Bishop ay nilikha daw ng diyos ang tao na babae't lalaki at wala namang nilikhang bading o tomboy. Syempre umalma ang buong federasyon lalo na ang mga sisterette dahil feeling nila at talagang iniisip nila na sila ay dinidiscriminate, inaalipusta,dinedegrade at inaapakan ang kanilang karapatan especially ng simabahan. Likha din naman daw sila ng diyos. Ang banggaang ito ay nagdudulot ng pagkalito at hinahati nito ang paniniwala ng publiko tungkol sa homosexuality. Pag nagpatuloy ang isyung ito at lalo pang lumubha, magdudulot ito ng gulo. At alam nating pag magulo, walang peace at pag walang peace, mahihirapan mag exist ang love at habang ang isyung ito ay umiikot sa pagitan ng mga third sex simbahan at ng general public, hindi maaattain o maabot ang hinahangad na lipunang may pagkakapantay-pantay, unawaan at pagmamahalan. Ngayon, ano nga ba ang magagawa ng mga homosexual para sa ikakaganda ng lipunan kung hahayaan na lang natin sila (as long as wala silang ginagawang masama sa kapwa at hindi gumagawa ng anumang KRIMEN)? 


Mag-focus tayo sa mga bading since sila yung mas dominante in terms of number among homosexuals. Narito ang tatlong "powerful" na katangian na sa aking palagay ay ang pinakapositbo sa katangian ng mga bading.


1. Masayang Kasama. Bata pa lang ang bading ay marunong nang magpatawa. Kasama na sa package ng pagiging bading nila ang magpatawa ng kapwa. At pag masaya ang kasama mo, masaya ka na rin. At pag masaya ang lahat, maganda ang kalalabasan dahil pag maganda ang mood ng isang tao, nagiging productive sya at mas ganado magtrabaho. Pag productive ang mga mamamayan, magbebenefit ang ekonomiya ng bansa.


Taguan


batang straight: Sabi ni Kuya Reyner wag daw magdiscriminate ng mga bading. Kaya gusto ka sana naming makalaro ng tagu-taguan.
baklita: Wit na lang. Bet ko sana  kaya lang wit keri ng beauty kes. Kayes na lang.
batang straight: Sige na. Kung ano man yang sinasabi mo. Sali ka na. Di ka pa nakakalaro ng tropa e.
baklita: Haist sige na nga. Gora na tayes. Mga biway naman kayo e, ok lang naman siguro.
batang straight: huh?


Playtime na. Si baklita ang taya:


batang straight: Tatago na kami!


baklita: Gora!
"Shogu-shoguan, Ning ning galore ang buwan, Pagcounting ng krompu, Nakashogu na kayey. Jisa...Krolawa...Shotlo...Kyopat...Jima...Kyonim...Nyotert...
Walochi...Syamert...Krompu!!! Mga beki, andetrax na atashi!!!!"


Nanay: San ka galing bata ka? Gabi na ah!
batang straight: Naglaro po kami ng shoguan?
Nanay: Huh? Anong laro yun? Ikaw talaga natututo ka na magmura. Siguro kakasama mo jan sa batang bading na yan ano?
batang straight: Ma, wag nyo namang ganunin si baklita. Nice naman sya e. Tsaka enjoy sya kasama. Hmmm...
Nanay: Abat! Totoo nga yata yung sinabi sakin ng kapatid mo na bading ka raw.
batang staright: Echos! Hindi ako bading Ma! Wit!


Nagsimula sa larong taguan. Naging malapit sa isat-isa. Naging best of friends. Ano kaya ang kahahantungan ng kwentong ito?


2. Masipag. Sa napapansin ko lang nu. Masipag ang mga bading. Hindi sila tumitigil hanggang hindi nila namimeet yung goal nila, at yun ay ang magkaroon ng maraming datung. Ang problema lang at ang ugali na dapat nila alisin ay ang magtrabaho ng sagad para may pambigay sa mga boylet nila. Mabuti sana kung ang lahat ng binibigay nila sa mga papa nila ay napupunta sa kaban ng bayan.


Taguan Part II


dating batang straight: Girl hindi ko na kaya. Sobrang haggard na sa parlor para may maibigay na anda kay Takgoh tapos inuubos lang naman nya sa alak at sugal. Anung gagawin ko Teh?
full grown bading: Teh keri lang yan. Ginusto mo yan eh. Sabi ko naman sayo nung maliit pa tayo ok lang maging bading basta wag lang o.a. mag-giblab ng mga datung sa mga boylet. Kalurkey ka, pati yung ref ng nanay mo binenta mo na para lang sa boylet mo na yan. Haisst..
dating batang straight: Girl, di ko alam kung anung raket na papasukin ko para lang may maisustento kay Takgoh. Love ko kasi talaga sya.
full grown bading: Girl mangholdap ka. Magaling ka naman magtago kaya di ka mahuhuli ng pulis. Naalala ko ng lilet pa lang tayo, naloka talaga ako sayo ng bongga nung nagtago ka tapos alas dose na ng hatinggabi di ka pa rin lumalabas, bakla ka.
dating batang straight: Teh wag namang ganun. Gusto ko pa rin naman yung sa marangal na paraan. Tsaka yung makakatulong sa bansa.
full grown bading: Wish ko lang te. Wit muna magpara getlak ng umbaw para sa future ng nation, anes?


3. Intelektwal. May mga kukontra siguro pero ayon sa aking naoobserbahan, maraming mga bading ang nag-eexcel sa edukasyon at marami din sa kanila ang professionals (yung isa sa kanila ay kalbo at sikat). Siguro dahil na rin sa attributes na meron sila na pinagcombine nila tulad nga ng nasabi ko na pagiging masayahin nila na nakakatulong sa kanila para maayos ang mood nila at makapag isip at pagiging masipag lalo na sa pag aaral na dahilan  para mas marami silang maging kaalaman. Napapakinabangan ito ng isang bading lalo na kung sya'y nag aaral pa lamang at mas lalo itong kapaki-pakinabang sa kanya kapag ganap na syang isang careeer person. Ang resulta, isang mayamang bansa dahil marami ang intelektwal na naninirahan dito, at sila ay ang mga propesyonal at produktibong bading (at sangkatutak na surgery clinics din, ahahaha..)


Taguan Part III


After 15 years ay nagreunion ang mga magkababatang dati ay naglalaro lang ng taguan pero ngayo'y bakla na. Apat sa kanila'y may natapos, titulado at mapera habang ang dalawa sa kanila hanggang ngayong hinahanap pa rin ang magandang kapalaran.


dating bully, ngayo'y booty: Girl, naloloka ako sa mga pasyente ko. Ang gagwapo kahit maliliit pa ang notey. Love it. Mmmmm...
dating pogi, ngayo'y faggy: Hoy baklang nurse na manyakis. Magtigil ka, may magandang kinabukasan pa yung mga batang tinutuli mo. E kung kasuhan kaya kita ng pedophile nu? Ayan si Mang Gusting na lang ang cardiakin mo, majunda na rin naman yan. Makalasa man lang ng bading na me bigote.
dating bully, ngayo'y booty: Girl yan ba tinuturo sa law school? Ang kiyawti ng banat mo ha. Kung makapagsalita ka parang yun ka at eto lang ako. Haissst...
dating kargador, ngayo'y rampadora: Mga Becky wag kayong maglaitan dahil pareho lang kayo ng kulay ng dugo. Mga halamang dagat kayo, di nyo dapat dinadown ang isat isa. Hay naku, minsan nga punta kayo sa opis ko at nang ma-counsel ko kayo. Me problema na kayo sa behaviors.
dating pogi, ngayo'y faggy: Hoy Teh parang anghel magsalita. E Sigmund Freud ka din naman. Last time na-sight ka ni atashi me kasamang biway, jumosok kayo sa bahay na walang kusina. Kaloka ka.
dating kargador, ngayo'y rampadora: Teh kimidora ka hindi atashi yun. Si Bakla yung nasight mo kasama yung assistant nya. Ayan tingnan mo di makakuda si Bakla.
dating patay gutom, ngayon ay bongacious: Tantanan nyo ko mga isdang kanal. Hindi akes low class nu.. high class itechewa. Hindi barya barya ang kinikita ng kumpanya ko. Kaya kong cardiakin kahit si Richard Gutierez. Kabog kayo sa beauty ko mga bading.


full grown bading: Kafatid nakakarelate ka ba sa kanila? Ang yayabang na ng mga sisterette natin. Parang kelan lang kinagat ko sila sa leeg para mahawaan, ngayon mas bakla pa sila kesa sa akin. 
dating batang straight: Ok lang yan sister. Time will come tayo naman ang ookray sa mga yan.
full grown bading: Korek. O sige na tumalikod ka na at tatago na kami. Galingan mo paghanap ha. Bakla ka sayang ang pagigng Miss Bulalakaw mo pag di mo kami nahanap.


Sigaw ng limang bakla: Game na!!!!!


dating batang straight"Shogu-shoguan, Ning ning galore ang buwan, Pagcounting ng krompu, Nakashogu na kayey. Jisa...Krolawa...Shotlo...Kyopat...Jima...Kyonim...Nyotert...Walochi...Syamert...Krompu!!! Mga beki, andetrax na atashi!!!!"


              
Ang kailangan lang ng mga bakla ay respeto. Hindi tinitingnan kung ano sinasabi ng bibliya tungkol sa pagiging third sex kundi mas dapat tingnan kung ano ang sinasabi ng bibliya tungkol sa kung paano dapat ituring ang isang "TAO". Tao din ang mga bading, tomboy,bi,transgender,  mga baklang kalye, mga baklang bukid etc. Ang sabi nga daw sa bibliya ay "ibigin ang iyong kapwa" and it happened na kapwa tao natin ang mga homosexuals. Ang bagay lang siguro na dapat ay kondenahin at wag nating konsentihen mula sa grupong ito (homosexuals) ay ang lantaran at di-katanggap tanggap sa ating kultura na uri ng kalaswaan na tanging sila lang ang nakakagawa. Dapat ay maging magandang ehemplo sila sa mga kabataan at gamitin nila ang mga positbong katangian na meron sila para pamarisan sila ng marami. Sanay magkaroon sila ng discretion at ang bagay na sa tingin nila ay pag abuso na sa ika ngay "freewill", dapat ay sila na mismo ang magmoderate sa mga sarili nila.


Sa publiko naman, dapat tayo ay hindi nangmamata, hindi nangdidiscriminate na base sa kung ano ang popular impression sa mga homosexuals. Mag karoon ka ng distinct at sariling pagsusuri kung ano nga ba ang dapat na maging trato sa mga taong ito na bagamat pareho kayo ng kasarian pisikal pero di kayo pareho ng kasariang mental at emosyonal ay katulad mo pa ring tao na may rasyonal na pag iisip at nabubuhay at lumalakad sa iisang mundong kapwa nyo ginagalawan.


Kahit ang kanta ni Whitney Houston at ang sinabi ni Jose Rizal ay nagkakapareho sa hindi pag sambit ng tiyak na gender kung anung uri nga ba ng mga kabataan ang magbibigay ng pag asa at kinabukasan sa lipunan. May kinabukasan ang lipunang ito lalo na kung ang mga straight (hetero) at mga homosexuals ay magkakapit bisig at magkakaisa para sa iisang diwa at iisang layunin. Layuning mapabuti ang estado ng ating lipunan sa paraang may pagkakapantay-pantay ang bawat isa at walang diskriminasyon.


TAMA ba mga Becky!?


TAMA Papa Reyner!!!!!!!


Good. hehe..

Share