Sunday, June 28, 2015

29 Interesting Love Facts


Ang mga sumusunod ay produkto ng scientific researchs tungkol sa love at maingat kong pinili para i-relate sa buhay pag-ibig ng karamihan sa mga Pinoy sa blog na ito.

1. Ang pag-ibig na itinago ng mahabang panahon (at finally ay nabunyag) ay kadalasang nagiging simula ng intense na pag-ibig sa dalawang tao at dahil ito sa tinatawag na "phenylethylamine", ang natural na droga na pinoproduce ng brain o mas kilala sa tawag na "love drug".

2. "Romeo and Juliet effect" ang tawag sa mga taong mas lalong naiin-love sa isa't isa habang maraming kumokontra at pumipigil na maging sila.

3.. Karamihan nang kinasal ay inaming nafall-inlove at least 7 times sa buhay nila bago tuluyang nagsabi ng "I do".

4. Ang depekto na kung tawagin ay "hypopituitarism" ay taglay ng mga taong walang kakayanang makaramdam ng pagmamahal. Karaniwang sila yung mga NBSB o NGSB.

5. The more na nirereject mo ang isang tao, the more na naiinlove siya sayo. Ang tawag sa bagay na yan ay "frustration attraction".

6. Isa sa mga patunay na romantic at matindi magmahal ang mga bading ay dahil sa component ng seminal fluid na tumutulong para magrelease ng dopamine, norepinephrine at tyrosine ang ating katawan.

7. Ang taong inlove ay nagpoproduce ng maraming dopamine sa katawan na dahilan para maging feeling high sya. Pero ang taong ayaw ma-inlove pero gustong maramdaman ang parehong epekto ay mas ginugustong magdroga na lang tulad ng paggamit ng cocaine.

8. Sinasabing bobo, bulag etc. ang taong in-love dahil ang neural circuit na connected sa social judgement ay hindi nagpa-function ng maayos kapag sya ay in love.

9. Ang mga taong nabigo sa pag-ibig ay nagpapakita ng grabeng activity sa kanilang insular cortex, ang parte ng utak na nagpoproseso ng physical pain.

10. Ang mga anti-depressants na maaring kahalo ng ilang multivitamin pills na tinetake natin ay nagiging dahilan para tumaas ang serotonin level natin (para antukin) at maging less-sensitive (less emotional) at maging laging tamang hinala na dahilan kung bakit maraming couple ang nag-aaway at naghihiwalay mula sa mga paratang o akusasyon na walang katotohanan.

11. "Kaugali ka ng father/mother ko." Kapag ito ang narinig mong linya sa isang taong type mo, tanungin mo agad kung kasundo ba nya ang mother/father nya. Kapag sinabi nyang hindi, mataas ang tsansa na magustuhan ka din nya dahil may mga taong nagnanais na "sana" naging masaya sila habang lumalaki sa piling ng mother/father nya pero dahil hindi nangyari yun, hahanapin nya ang fulfillment na yun sa piling ng ibang tao habang sya'y nagkakaedad.

12. Maraming cases na nagpapatunay na mas malalim ang nagiging pagtingin ng isang lalaki sa isang babaeng nakilala nya habang nasa gitna ng isang delikadong sitwasyon tulad ng baha, bagyo o kahit sa gitna ng holdapan sa jeep o bus. Ang alaalang nagawa ng naturang sitwasyon ay hindi kayang pantayan ng karaniwang pagmemeet dahil sa common friends, sa public, office, school na walang life threatening events.

13. Karamihan sa mga couples (mostly married) ay naghihiwalay pagsapit ng 4-5 years at kung hindi matuloy maghiwalay ay magsasama ng maayos upang sukatin muli ang pagmamahalan pagdating ng ika-8 na taon ng pagsasama.

14. Karamihan sa mga babae sa buong mundo ay naaattract o tuluyang naiinlove sa mga lalaking edukado, mayaman, respetado, matalino, may sense of humor at mas matangkad kesa sa kanila. Attracted din sila sa may mga kapansin pansin na cheekbone at jawbone (pangahan) dahil ang mga lalaking ganun ang feature ng mukha ay mataas ang testosterone level na may kaugnayan naman sa kanilang pagiging aktibo sa sex. Ang mga babae lalo na kung fertile ay mataas ang tsansang maattract sa feature ng lalaking nabanggit. 

15. Ang lalaking in love ay nagpapakita ng brain activity na more on visual habang sa babae naman ay more on memory. Ang tunay na dahilan ng pagiging ganito ng lalaki ay hindi dahil sa panlabas na anyo lang sya tumitingin kundi dahil sinusukat nya ang kakayanan ng babae na magbuntis para sa magiging anak nila (hindi ito alam ng mga lalaki pero ito ay part ng kanilang unconscious behavior). Sa kabilang banda, sinusubukan namang imemorize ng babae ang ugali ng lalaki para matantya kung ito ba ay good provider.

16. Sabi ni Plato, ang mga tao daw ay originally hermaphroditic (dalawa ang kasarian) at may apat na kamay, apat na paa, dalawang magkahawig na mukha, apat na tenga etc. at sa ganung itsura masasabing normal at BUO ang isang tao. Pero ginalit ng mga taong ito si Zeus na dahilan para hatiin nya sa dalawa ang taong ito para maging lalaki at babae. Ito ang dahilan kung bakit nararamdaman ng ibang tao ang muli ay pagiging BUO pag natagpuan nila ang "other half" nila.

17. Ang pagtitig sa mata ay maaaring maging sanhi na pagkafall-inlove ng dalawang tao sa isa't isa. Sa isang eksperimento, inilagay ang mga hindi magkakakilalang babae't lalaki sa isang room for 90 minutes para mag-interact mainly sa pamamagitan ng pagtititigan. Dalawa sa kanila ay naging mag-asawa pagkatapos ng 6 months.

18. Ang paghahanap ng love partner ay parang pangangailang biological tulad ng pagkain at sex.

19. Base sa pag-aaral, mas mataas ang bilang ng hiwalayan ng mga taong hindi nagdaan sa mahabang proseso ng ligawan kesa sa mga piniling magligawan muna at kilalanin ang isa't isa nang lubusan sa mahabang panahon.

20. Ang totoong pagmamahal ay hindi puro selos at tamang hinala. Makikita sa brain scan ng taong totoong nagmamahal ang activity sa ventral tegmental area (para sa mga inlove na inlove), ventral pallidum (para sa sense ng long attachment) at raphe nucleus (para sa karagdagang release ng serotonin, ang chemical na nag-uutos para maging kalmado at hindi maging obsess).

21. Ang lalaking mas matanda ng 9 years at yung nag-asawa bago mag 24 ay mataas ang posibilidad na makipaghiwalay sa asawa nya. Kasama nito yung mga nagka-asawa na ng dalawa o tatlong beses at yung mga nagkaanak na bago pa makasal. 

22. Ang romantic na relasyon ay tumatagal lang ng higit isang taon dahil ito lang ang kayang i-program ng utak ng tao. Pero pagkatapos ng romantic stage ay ang attachment stage na dahilan kung bakit nagtatagal ang relasyon ng maraming taon. Ganunpaman, hindi ito absolute na nasusunod dahil may mga couples na kayang panatilihin ang romantic love sa mahabang panahon dahil pareho silang nag-eengage sa mga activities na nakakapagpasigla ng kanilang romantic relationship.

23. In relation to #21, ang mga taong may mataas na level ng testosterone ay walang kakayanang tumagal sa relasyon dahil tinatalo ng amount ng testosterone ang amount ng oxytocin at vasopressin (ang mga responsable para sa long attachment). Mga lalaki ang karaniwang dahilan ng hiwalayan pero ang mga sitwasyon tulad ng pagkakaroon ng anak at ang pagiging malapit ng ama sa kanyang anak ay maaaring magtrigger ng pagbaba ng kanyang testosterone at pag-increase ng oxytocin at vasopressin. Sa mga mag-asawang Pinoy, isa ito sa mga dahilan kung bakit nauuso ang "pikutan" at kahit hindi mahal ng lalaki ang babaeng namikot, tumatagal ang pagsasama nila dahil sa bata.

24. Mas nape-feel ng babae ang pagmamahal kung kinakausap sya ng face to face samantalang mas feel ng lalaki ang love pag nakikipag-usap habang may ginagawa, o naglalaro o kaya naman ay ang kabaliktaran ng face to face.

25. To remain in love for a lifetime, therapists advise couples to listen actively to your partner, ask questions, give answers, appreciate, stay attractive, grow intellectually, include your partner, give him/her PRIVACY, be honest and trustworthy, tell your mate what you need, accept his/her shortcomings, give respect, never threaten to leave, say “no” to adultery, DON'T ASSUME RELATIONSHIP WILL LAST FOREVER, and cultivate variety.

26. Ang lalaking biglang sumunggab sa pakikipagrelasyon ay karaniwang hindi nagnanais ng pangmatagalan at pwedeng sabihin na aksidente lang na tumagal sya sa pakikipagrelasyon kung bumilang na ng taon na sila'y magkasama. Dahil ang totoo, ang lalaking may idealism na magtagal sa isang realsyon ay ang taong hindi agad nakikipagrelasyon at karaniwang choosy at maraming standards.

27. Bukod sa pagdodroga o pagbibisyo na karaniwang ginagawa ng maraming nasawi sa pag-ibig, isa pa sa pinaka epektibong paraan ay ang pag-eexercise at pagpapa-araw dahil ito ay nakakatulong sa pag-increase ng dopamine at norepinephrine. Ang palagiang pagngiti ay nakakatulong din para maging bukas ang mga nerve pathways at maging maganda ang pakiramdam.

28. Ang physical closeness ay malakas makapagstart ng love sa dalawang tao kaya't karaniwang nagkakaroon ng relasyon ang mga magkakatrabaho. Pero sa mga bata, ang mga magkababatang sabay na lumaki from 4-6 years old ay maaaring manatiling bestfriends lang o magkakilala.
 
29. Sa America, lumabas sa survey na mas preferred ng lalaki ang babaeng 3 years na mas bata sa kanya para mapangasawa. Kung sakaling maghiwalay sila, pipili naman sya ng 5 years na mas bata sa kanya at kung hindi pa rin magwork, pipili sya ng 8 years na mas bata sa kanya.

Reference: http://facts.randomhistory.com/2009/08/04_love.html 
Photo credit: http://store.rocksports.net/merchant2/graphics/00000001/SCIENCE_PEACE_LOVE.jpg

Monday, June 22, 2015

E ano kung Pabebe?

Ang mali sating mga Pinoy, masyado tayong mga mapanghusga. Akala mo wala tayong mga kapintasan. E ano kung ganun sila magsalita? E ano kung kung ganun sila kabobong tingnan? Bakit? Naiintindihan ba natin kung gaano kahirap ang ginagawa nila?

Alam nyo ba kung ganu kahirap magpretend na parang batang paslit na nag-aaral pa lang magsalita? Alam nyo ba kung gaano kahirap magbakasakali na sa double digit mo nang edad ay katutuwaan ka pa rin ng mga tao kung kumilos at magsalita ka na parang 7 years old? Alam nyo ba kung gaano kahirap magsalita at isipin na cute ka kahit ang totoo'y mapapagkamalan kang may speech disorder? Alam nyo ba yun?

Alam nyo ba kung gaano kahirap magpretend na hindi ka kumakain ng ganun, ng ganito kahit ang totooy muka kang patay-gutom kumain ng kahit ano pag ikaw lang mag-isa? Alam nyo ba kung gaano kahirap magpretend na sosyal ka at may pera kahit ang totoo'y pamasahe lang ang laman ng bulsa mo at pagkatapos pati paraan ng pangungutang mo ay pabebe pa rin? Alam nyo ba kung gaano kahirap maghanap ng  tunay na kaibigan o kung madali man ay siguradong pabebe rin pero hindi ka makahanap ng true friend dahil di ka mukhang seryoso? Alam nyo ba kung gaano kahirap maging pabebe lalo na kung di bagay sa mukha mo na mas maayos lang ng konti sa mukha ng iguana?Alam nyo ba kung gaano kahirap masabihan ng "walang sense" at walang kwentang kausap dahil sa paggamit ng mga children terms na dahil nga pambata ay sana nakipag-usap ka na lang sa grade-1 kesa makisali sa usapan ng mga kaedad mo? At dahil dyan, alam mo ba kung gaano kahirap magmanhid-manhidan na ok ka pa ring kausap kahit ang totoo'y mas boring ka pang kausap kesa sa mga adik sa COC (much worst kung pabebe ka na, adik ka pa sa COC)? Alam nyo ba kung gaano kahirap mag-aral ng konting Ingles para magamit kasabay ng baby talk mo para matuklasan mo lang na mali-mali pala grammar mo? Alam nyo ba kung gaano kahirap maging pabebe kung ang wisdom lang na meron ka ay teeth?

Alam nyo ba kung paano magpretend na tanga? At mas mahirap, kung later on, malaman mong hindi ka nagpepretend, tanga ka pala talaga? Alam nyo ba kung gaano kahirap magpretend na may napakababang IQ para malaman mo sa huli na dahil kinasanayan mo nang maging pabebe, e konti lang ang diperensya ng IQ mo sa kapatid mong nag-aaral pa lang maglakad? Yung tipong ganun ka na kabobo? Alam nyo ba kung gaano kahirap maging pabebe sa pag-aakalang magiging attractive ka sa paningin ng boys o girls para lang matuklasan mo na nagmumukha ka pa lang retarded? Alam nyo ba kung gaano kahirap maki-dubsmash sa "Twerk it like Miley" pabebe style na dinadaan lang sa pa-cute kase wala naman talagang talent? At higit sa lahat, alam nyo ba kung gaano kahirap ipagpatuloy ang pagiging pabebe kahit alam nating hindi tayo makakakuha ng respeto ng iba sa ganitong paraan? Alam nyo ba yun? WAG NYONG LAITIN ANG MGA PABEBE! WALA KAYONG ALAM KUNG GAANO KAHIRAP ANG GINAGAWA NILA.

Wednesday, June 3, 2015

Ang mga Personalidad sa Inuman

credit sa manginginom na may-ari ng pic na to
Bill Gates- Ang nagpainom na handang gumastos.

Kapitan Tiago- Ang nagse-set ng rules sa tagay at karaniwang tanggero.

Duterte - Ang tagapagbantay at nagagalit sa mga nagpapass at tumatakas.

Ka Roger- Parang NPA na palipat lipat ng pwesto dahil palaging nagse-CR, palaging may kausap sa telepono o sadyang dumada-moves lang para makaiwas sa tagay.

Steve Nash- Kabaliktaran ni Ka Roger, nagpapaalam kung gusto magpass pero mala-legend sa NBA sa dami ng pass.

Ricky Hatton- Lasing na, tumutumba na pero ang yabang pa rin at humihingi pa rin ng tagay.

Wong Fei Hung- Di na gumagalaw sa upuan, nakatungo na ang ulo, pero di umaalis sa ikot at mabilis gumalaw tuwing ginigising dahil tagay na nya.

Kuya Cesar- Lasing na at mabagal na magsalita pero wala pa ring tigil sa kakakwento ng buhay nya at ayaw din paawat sa pagpapayo lalo na tungkol sa pag-ibig.

Ate Charo- Female version ni Kuya Cesar

Kuya Kim- Biglang tumatalino pag nakainom at maraming trivia. Depende sa lugar ng inuman o kainuman, Matanglawin din sya kung humagod ng tingin sa mga chicks.

Bimby- Halos ayaw magtagalog pag lasing na kahit mali mali ang grammar sa English.

Hollow Man- Bigla na lang mawawala sa inuman.

Bruce Lee- Kungfu...mulutan...ubos. Karaniwang makapal ang mukha at ginagawang kanin ang pulutan.

Baby- Mabilis antukin dahil maaaring pagod sa trabaho at pag nakatulog ay parang sanggol. Madalas pinagtitripan at palaging tulog sa picture pag tinag sa facebook. Sila rin yung madalas manakawan.

Transporter- Ang responsable sa pagbili ng yelo, alak, yosi at pulutan sa malapit na tindahan o 7 11.

The Janitor - Ang tagalinis at taga ligpit pag tapos na inuman.

Aswang- Inaaswang ang girlfriend ng kainuman nya na umalis lang para mag-CR.

Hellboy- Namumula tuwing napaparami na ang inom dahil sa allergy o kung anupaman.

Vice Ganda- Baklang sagad manlait sa tropa pero walang makapalag dahil totoo.

Jeric Raval- Palaging action star ang pormahan na kung todo nakaleather jacket pero huhubarin din dahil mainit sa katawan ang empi.

Floor Manager- Mahilig humiga sa sahig pag lasing na.

Animal Lover- Mahilig magpakain ng itik tuwing nalalasing. Mapapansin na nagkalat ang kanin sa CR pag galing sa loob ang taong ito.

Kim Henares- Ang tagasingil ng ambag at tagasilip ng mga makakapal ang mukha na hindi nag-ambag.

Barista- Ang eksperto sa pagtimpla ng kape para sa mga lasing at kelangang mahimasmasan.

David Guetta- Ang responsable sa sound system at DJ mixes na galing sa youtube.

Boy Logro- Ang tagaluto ng pulutan o tagagawa ng improvised na pulutan tulad ng skyflakes na may tuna o boy bawang na may corned beef.

Kuya Jobert- Mahilig magtago ng chichirya sa bulsa tuwing inuman.

Eli Soriano- Mahilig makipagdebate kahit walang kwenta ang pinagtatalunan.

Eddie Gil- Puro kathang isip ang alam i-kwento. Mahirap paniwalaan.

DOTADIKS COCS- Grupo ng mga putang-inang pakshet na walang alam ikwento kundi DOTA at COC sa inuman.

Pabebe- Mga babaeng ubod ng arte at sana hindi na lang sila kasali sa inuman.

One of the Boys- Mga babaeng walang kaartehan sa katawan at cowboy makipag-inuman.

Bartender- Taga mix ng alak tulad ng shembot, grasshopper at boracay.

Philip Morris- Walang hinto sa pagyosi at parang may ari ng planta ng sigarilyo sa Laguna. Pero hindi sya nanghihingi at sarili nya yosi nya.

Kapal Muks King/Queen- Ang lakas magyosi pero di naman sa kanila yung yosi at di rin sila nag-ambag.

Albularyo- Paboritong bugahan ng usok ang mukha ng katabi tuwing nagyoyosi.

CR ko buong Mundo- Kahit saan na lang umiihi.

Bulalord- Kadalasang nag-hahamon ng away pag lasing.

Introvoys- Mahilig maggitara pero puro intro lang ang alam.

Tiki-tiki- Dropper na lang ang kulang.

DSL- Sobrang bilis malasing.

Mang Kanor- Sex ang hanap pag lasing na.

Maria Ozawa- Female version ni Mang Kanor.

Dora The Explorer- Nagpapaalam pero nakaback pack o dala na mga gamit habang nagpapaalam. Tipong ayaw na talaga magpapapigil at gustong gusto na umuwi.

Pipoy- Ang comedian ng grupo. Kadalasang kalbo.

Microphone Addict- Ayaw paawat sa pagkanta sa videoke.

Tito, Vic, Joey and company- Palaging magkakasama sa inuman. Simula highschool, college hanggang magkatrabaho na, sila pa rin ang magkakainuman.



Saturday, April 4, 2015

Katniss


Ito ay hindi tungkol kay Katniss Everdeen ng Hunger Games, ito ay tungkol sa aso ko na nagcelebrate ng ika-1 taon ng kapanganakan nya. Let me tell you a story of survival and parenthood.

Kakahiwalay pa lang nya nun sa nanay nya at nagsisimula nang kumain ng pagkaing aso nang ibigay saken. Yes, sya po ay askal o aspin (asong Pinoy) kung tawagin. Kumbinasyon sya ng tatlong lahi. Ang ama nya ay half labrador-half aspin habang ang ina nya ay half japanese spitz-half aspin. Wala talaga ako balak mag alaga ng aso nun. Hectic ang schedule ko. Nagtatrabaho ako (call center agent) at nag-aaral (masteral) and mid 2014, nagpart time instructor pa ko. Naiimagine mo ba kung paano ko pinagkakasya oras ko nung mga time na yun? At may aso pa ko na ilang buwan pa lang.

Ang una kong struggle sa kanya ay yung pressure kung makakaya ko ba syang alagaan at palakihin. Dahil lagi akong wala sa apartment ko, sinubukan ko syang ilagay sa kahon dahil maliit pa naman sya. Pero parang katulad sa movie na Escape Plan, nakatakas sya. Hindi rin sya tumitigil nang kakaiyak na dahilan para humingi ako ng dispensa sa mga kapit bahay na sobrang mga understanding naman. Since di umubra ang pagkulong sa kahon sa makulit na tutang si Katniss, hinayaan ko lang sya na walang tali o anupaman sa loob ng apartment. Dun na nagsimula ang problema. Isang umaga, pagkagaling ko sa work, bumulaga saken ang ilang sirang gamit dahil nginatngat nya. Putol na wires, punit na damit at ilang papel na nagmistulang isinalang sa shredder at mga kahoy na mistulang tinira ng beaver. "Oh my god", sabi ko na lang sa sarili. Gusto ko na syang ibalik sa may-ari. Tinitigan ko sya sa mata habang pinapagalitan at para bang nakakaintindi sya at nakatitig lang din saken. Pangalawa kong naging struggle sa kanya ay ang pagdumi sa loob ng bahay. Every morning, kelangan ko mag-mop at mag alis ng dumi nya. Pero kahit ganun kahirap, tiniis ko at nag-isip ako kung paano ko mababawasan itong konsumisyon na binibigay saken ng asong hindi ko inakalang mapapamahal saken ng husto. Sinimulan ko na syang itali after a week at twice a day pagkakain nya, inilalabas ko sya. Parang bonding na rin namin yun mag-ama este mag-amo. Nung una, mahirap. Kumokonsumo sya ng time at pasensya ko. Pero since mag-isa lang ako sa apartment at walang ibang pwedeng asahan, ako lang lahat ang gumagawa. May times pa na nakakaligtaan ko sya ilabas or nagmamadali ako at alam ko na ang iexpect. So kahit masuka-suka ako sa paglilinis, wala akong choice, ginusto ko to e. Infairness naman natutunan din nya yung routine at hindi na sya dumudumi sa loob ng bahay at kasalanan ko na kung di ko sya mailabas. Naging ganun ang routine namin pero sadyang napapagod talaga ako so sinubukan kong hayaan na lang sya sa labas tutal aspin naman sya at sanay ang aspin sa labas ng bahay. Tsaka low maintenance sila at hindi kelangan bigyan ng maramig atensyon. Mali ako.

Isa't kalahating buwan nakalipas, sinubukan ko syang hayaan sa labas tuwing araw habang gising pa ako. Wala syang tali at malayang nakakatakbo sa neighborhood. Harmless naman sya at maamo sa mga kapitbahay. Pero sobrang dugyot sya at parang ayoko na papasukin ng bahay. Kumakain din sya ng mga diapers na nakalkal nya sa basurahan kasama ng isa pang aspin ng kapitbahay. Bukod pa dun, nagreklamo na ang isang kapitbahay dahil tumae sya sa mismong pintuan nila. "Shit, hindi ito maganda" sabi ko sa sarili. So itinali ko ulet sya at nakita ko kung paano sya nalungkot. Tuwing lumalabas kami, hindi na sya kasing sigla ng dati at para bang gusto nyang sabihin saken "Daddy, bakit kelangang nakatali ako? Hindi ba ko pwedeng maging katulad ni Pampu (aso ng kapitbahay) na malaya at nagagawa ang gusto nya?" Parang gusto ko naman sabihin, "Anak, hindi ko afford magbayad ng yaya para alagaan ka lalo na pag wala ako at pu*^#@%$*! wag ka nang demanding dahil aso ka lang." Hahaha... nababaliw  na ko. Hindi ko alam kung dahil sa dami ng ginagawa ko at heto may aso pa ko o sadyang first time ko lang talaga mag-alaga ng aso. Nung kasama ko pa family ko, may mga alaga din kaming aso pero di ko kelangan mag-effort ng ganito dahil nanay ko naman ang nag-aalaga. Namiss ko tuloy nanay ko. Gusto ko na nga syang ipadala nun sa Bulacan para nanay ko na lang mag-alaga pero sabi ko sapat na inalagaan ako ng nanay ko at this time maranasan ko naman kung paano mag-alaga ng mistulang anak ko na kung ituring. Nasa ganung moment ako ng magdecide na alisin muna sya sa pagkakatali at once again ay hayaang magtatakbo sa neighborhood. Nakikipaghabulan sya sa mga bata na para bang feeling nya ay normal na bata din sya  na kasali sa mga laro nila. Except pag nagstart na sya kumain ng diaper, ayawan na, hindi na sya kasali. Lumabas muna ako para bumili ng ulam namin (magkahalong dog food at kanin/ulam ang pagkain nya). Nakita nya ko at gusto ko syang pagalitan dahil ang dugyot na naman nya. Sumunod sya saken hanggang sa kalsada at first time yun na isinama ko sya sa labas ng compound sa kabila ng warning ng kapitbahay na baka mabanggaan sya ng sasakyan. Sabi ko naman, matalino si Katniss at hindi sya naging bida sa Hunger Games kung ganun sya katanga. Dun na nga nagsimula ang pinakamatinding dagok sa aming mag-ama este mag-amo. Nacurious yata siya kung bakit malaki ang tiyan ng mga Blue Boys (traffic enforcers ng Pasig) at gusto nyang tanungin yung isa na nasa kabila ng kalsada pero may humaharurot na single motor na waring umiiwas sa Blue Boys at nasagaan sya. Di ako nakagalaw ng mga 10 seconds habang nakikita syang nakabulagta sa gitna ng kalsada. Buti na lang at may puso yung driver nung jeep na kasunod at huminto. Naluluha na ko nun sa sobrang awa.

Nilapitan ko sya at kinarga. Sobrang lakas ng iyak nya at nakakabingi. Muntik na din nya akong kagatin pero hindi nya tinuloy nung makilala nya ko. She was in real pain! Sobrang sama na nang loob ko lalo na nung hindi man lang nag apologize yung nakabangga at nagderederetso lang. Pinalibutan kami ng mga kapitbahay at pati mga bata na kalaro nya at awang awa sa kanya. Ilang oras na lang at papasok na ko nun sa work pero hindi ko sya pwedeng iwanan sa ganung sitwasyon. Kasama ang isa kong kapitbahay, dinala namin sya sa vet at ang findings ay fractured leg pero di confirmed kung may internal organs pang nadamage especially ulo. Inabisuhan ako na kelangan sya dalhin sa animal hospital para sa lab tests at maconfine. WTF! So para talaga syang tao. Kinausap ko sya na parang sarili kong anak pagkatapos marinig ang sinabi ng vet, "Katniss, walang pera ang tatay mo ngayon dahil kakabayad ko lang ng tuition. Kung makakapaghintay ka, sweldo ko na in 2 days, madadala kita sa ospital. Pero baka may pera tita mo (gf ko) check ko din para madala ka sa ospital bukas." Parang tao na nakatitig lang sya saken, umiiyak pa rin. Hinahaplos na ng kung ano ang puso ko sa sobrang awa sa kanya. Parang ayoko muna pumasok ng trabaho dahil hindi ko sya pwedeng iwan. Gusto ko nang i-txt ang TL ko na hindi ako makakapasok pero nagpakatatag ako, naniwala akong makakasurvive sya at mabubuhay. Binili ko na ang paborito nyang tinolang manok at pinakain. Na-amaze ako sa ipinakita nyang spirit at determinasyon para mabuhay, naubos nya ang pagkain at binigyan ako ng matamis na ngiti na para bang nagte-thank you. Di ko na napigilang maiyak. Di pa ko nakaramdam ng ganun katinding emosyon para sa isang hayop sa buong buhay ko. Inilagay ko sya sa CR pansamantala para di masyado marinig ng kapitbahay ang iyak nya at di masyado makaistorbo. Pero sadyang napakasakit ng nararamdaman nya at nararamdaman ko yun habang naririnig pa rin ang palahaw nya paglabas ko ng bahay. Baon ang matinding pag-asa na mabubuhay sya, nagtrabaho ako nung araw na yun pero masyado akong emosyonal at hindi ako nakakausap nang maayos nang kahit na sino. Late in the day, medyo kumalma na rin ako nung sinabi ng isa sa mga katrabaho ko na baka may mangyayaring masama saken at na-absorb ng aso ko. Araw-araw kase ako nagbibisekleta papasok sa work at dumadaan ako sa isang lugar sa Pasig na madami nang namatay dahil sa car accident kasama ang ilang siklista nung 2014 at mga nakaraang taon. Nagpasalamat na lang din ako though hindi ako fan ng mga pamahiin.

Kinaumagahan, kasama ko ang girlfriend ko pag-uwi sa bahay. Dali-dali akong tumakbo sa restroom dahil wala na ko naririnig na ingay mula sa kanya na kabaliktaran tuwing dumarating ako sa bahay everyday dahil nasa pinto pa lang ako, naririnig ko na syang para bumabati ng "good morning po". Nakita ko syang nakalupasay sa sahig at lalong lumaki ang maga ng kaliwang kamay nya (or isa sa apat nyang paa dahil wala namang kamay ang aso). Shit patay na yata sya. Hinawakan ko sya at gumalaw sya, ngumiti at nagtry bumangon pero pumalahaw ulet nang iyak dahil sa sakit. Napangiti kami ng gf ko at nakahinga ng maluwag. Nilagyan namin sya ng splint para di nya sapilitang igalaw ang fractured leg nya. Napagkatuwaan pa namin sya at kinunan ng pictures. Mukang ok na sya at hindi na namin dinala sa ospital though may worries pa rin kami na baka may tama nga sya sa ibang parte ng katawan. Pero, tiwala lang. Naniwala kami na magiging ok sya and may the odds be ever in her favor.

Pagkatapos ng aksidenteng yun, di ko na hinayaang lumabas muli sa kalsada si Katniss. Mas inalagaan ko na sya. Binigyan ko sya ng attention at pag aaruga na hindi mo makikita sa ibang aspin owners. Kumpeto sya ng vaccines at antidotes pati pamurga at consistent ang dog food nya. Salamat sa girlfriend ko na sobrang supportive. Ang gf ko din ang nag-aalaga sa kanya tuwing wala ako sa bahay. Naaalala ko pa nung pestehen sya ng garapata. How we wish na ubas na lang yung nakadikit sa katawan nya na pwede namin pitasin at deretso isubo pero yun ay mga garapata na walang pinagkaiba sa mga tambay na walang trabaho at umaasa lang sa kung sinumang nagpapakain sa kanila. Kadiring mga garapata. Pinagtulungan naming alisin ang mga yun kahit sa kailalim-ilaliman ng tenga nya. Langya, kaya pala di sya lumalapit nung tinatawag ko dahil barado ng garapata tenga nya. At may suspetsa ako na bine-brainwash na sya ng garapata at kung anu-anong mga makagarapatang pilosopiya ang binubulong sa kanya. Later on, bumili na rin kami ng gamot para mawala ang garapata at ok lang na gumastos ako kung para naman sa kanya. Nawala ang mga garapata at back to normal sya.

Sa ngayon, healthyng healthy si Katniss though medyo hindi sya katabaan dahil conscious sya sa figure nya. Ang mga teen ager nga naman sa panahon ngayon, inuuna pa ang pagiging vain. Haha.. Well, hindi na talaga tumaba si Katniss kahit anung dami ng pakain ko sa kanya at epekto siguro yun ng aksidente nya. Pero mahalaga buhay sya. Ilang buwan pa siguro at magsstart na syang magregla at mabuntis. At isa yun sa mga nakakalungkot para saken na tulad kay Liam Neeson sa Taken 3. Syempre baby ko sya dati at magkakaroon na sya ng sariling baby. Pero bilang lolo magiging proud ako at maaaring ishare nya sa mga anak nya kung paano ko sya pinalaki at in-educate. How I wish lang na responsable ang mga lalaking aso para wala nang mga single mother na mga babaeng aso. Ang ending kase sa parents lang din ng mga babae sila aasa at panibago na namang challenge yun saken. Haissst... Ok lang. Fulfilling naman e. :)

Kelan lang nang manganak ulet ang kuya ko, I mean yung asawa ng kuya ko. Nabanggit na naman ng nanay ko yung interes nya na magkaroon na ng apo saken. Matanda na rin parents ko at gusto na nila makakita ng apo sa aken at masubaybayan siya/sila sa paglaki. Pero, sorry po, hindi pa po talaga ako handa. Sa aso pa nga lang hirap na ko, what more pa sa tao? Madami nagsasabi mas maganda magkaroon ng anak before 30 kase magkakaroon ka kaagad ng dalaga o binata habang hindi ka pa ganun katanda. I wish hindi yun ang main purpose kung bakit nagdecide agad sila magkaroon ng anak dahil karamihan sa nagsabi saken nun ay nasa uri ng buhay na hindi ko gugustuhing maranasan ng mga magiging anak ko. Hindi ako lumaking mayaman at masasabi kong mas mahirap ang pinagdaanan naming magkakapatid kesa sa average 90's babies. Ngayon na naranasan ko na ang hirap na kahawig ng pagiging isang ama at isama pa ang experience kung paano ako lumaki, hindi nyo ko masisisi kung bakit pinili kong i-delay ang magkaroon ng sariling anak. Talking about being responsible. :)

Friday, March 20, 2015

Kahit henyo ay may sablay din: Lesson mula sa buhay may asawa ni Albert Einstein


"ANG PAG AASAWA AY HINDI PARANG KANIN NA ISUSUBO AT KAPAG NAPASO AY ILULUWA". Yan ay original na kasabihang Pinoy na namana pa natin sa mga ninuno natin. Pero tingin ko ay hindi ito masyadong uso sa Germany kase kahit mismong ang isa sa pinaka-henyo sa kasaysayan ay epic fail sa bagay na to. Basahin ang kwento.

11 taon ding nagsama si Einstein at ang una nyang asawa na si Mileva bago sila nagdivorce. Naghiwalay sila kase ika-nga ng kusinero ay "lumamig ang sabaw" at lumamlam ang pagiging romantiko ni Einstein sa asawa niya. Tinry nila isalba ang marriage at para na rin sa mga anak nila at dahil feeling "poging-pogi" ang ating bida, gumawa sya ng listahan ng mga bagay na dapat gawin ni Mileva para magpatuloy pa ang pagsasama nila kahit wala nang pagmamahalan na nagaganap. Heto ang listahan sa wikang Taglish.

A. Siguraduhin mo lang na:
  1. malinis at maayos ang mga damit ko pati na ang mga labahin
  2. dapat regular mo kong hahatiran ng pagkain sa kwarto ko tatlong beses isang araw
  3. panatilihing malinis ang kwarto ko (tulugan at study room) at walang gagamit ng desk ko maliban saken.
B. Isantabi na natin ang mga personal attachments natin dahil di naman yun importante sa social life natin. Lalo nang hindi pwede na:
  1. magkatabi pa tayo sa pag-upo habang nasa bahay
  2. makasama ka pa sa mga lakad ko
C. Susundin mo ang mga nabanggit sa kasalukuyang set-up ng relasyon natin na to:
  1. wala nang kasweetan o kahit anupamang lambingan na mamamagitan sa atin
  2. pag sinabi kong ayoko makipag-usap, manahimik ka lang
  3. pag sinabi kong gusto ko mapag-isa sa kwarto, iwanan mo na agad ako at wag ka na umangal
D. Wag na wag mo kong mamaliitin o memenusin sa harap ng mga anak natin kahit sa paraang parinig o pag-aattitude.

"E di wow!" sabi ni Mileva. Pero sinunod pa rin nya ang kundisyon na to ni Einstein na masyadong direct to the point at sabi nga ng kapitbahay ko e "kakapapalan ng mukha". Pero siguro sabi ni Mileva: ano naman e para naman yun sa mga anak nila. Tsaka si Einstein na ang asawa mo choosy ka pa? Tsaka siguro feeling ni Mileva hindi lang naman sya ang tanga sa mundo na mag-sstay sa asawa para matawag lang na buo ang pamilya. Katunayan marami syang makakachika at makakajamming dito sa Pinas kung nagawi lang sya dito nung mga panahon na yun at actually meron pa rin ngayong 21st century yung mga tulad nya. Anyway, ilang buwan din ang lumipas at natauhan din yata si Ate kase sayang naman at naturingan din syang physicist kung di nya gagamitin ang utak nya, iniwan nya si Einstein sa Berlin at tinangay nya ang mga anak nila. Tsk, tsk..

Hindi ko na idedetalye kung bakit nagkaganito si Einstein sa asawa nya dahil iiwanan ko na yang topic na yan sa inyo para pagtsimisan. Ang totoo kase, ang pag-ibig ay hindi makakayang iproseso ng utak lamang dahil para saan pa at may puso di ba? Nangyari na itong si Mileva ay nag-iisang klasmeyt na babae ni Einstein at dahil laging busy sa pag-iisip, hindi na nag-effort na tumingin tingin pa sa paligid at sinunggaban agad si Ate. Ito naman si Ate, komo henyo nga at astig pa mag-play ng violin, sinagot agad si Einstein kahit laging magulo ang buhok. E nung nag-iisip ng theory of relativity si Einstein masyado syang busy at ang function ng puso para sa kanya ay magpump lang ng blood. Di naman sya fully walang puso talaga kase di naman nya kakalabanin ang dating kumpare nyang si Fritz Haber na umimbento ng poison gas nung World War 1 dahil trip lang nya. May concern kase sya hindi lang sa libong sundalo na namatay dun kundi pati na rin sa mga sibilyan at meaning, nakakaramdam din sya ng love. Anyway, sana lang nagpakatotoo na lang si Einstein kase kawawa naman si Ate Mileva. Biruin mo, sa Letter C, number 3 ng listahan ng kundisyon nya, "pagkatapos nila mag-sex" at kelangan na bumalik ng henyo sa malalimang pag-iisip, itataboy na lang nya asawa nya? Wala man lang kahit konting dirty talk or kindatan or kagat labi? Extreme di ba? Tsaka nakahanap siya ng maid na nagkataong nanay din ng mga anak nya. Astig. Ang sarap maging henyo, instant pogi at sikat.

Sa kabila nang kinahatnan ng marriage life na to ni Einstein, pwede mo pa rin sabihin na justified nya kung bakit ganito ang nangyari and therefore pwede nyang sabihin na hindi ito epic fail. Pero gusto kung iparating sa sambayanang maginoong Pinoy na hindi mo kailangang gawin ito sa isang babae na pinangakuan mong mamahalin at pakikisamahan mo till the end. Dati ko pang kinukwestiyon kung bakit walang divorce system dito sa Pinas para madali lang sana ang hiwalayan pero siguro narealize na rin ng mga mambabatas natin na ang pagpapakasal ay hindi tulad ng facebook status na pwede mong palitan agad pag nagkawalaan na. Paalala lang sa mga katropa ko ha, tayo ay may puso din at hindi lang puson ang meron tayo. Nagpapakasal tayo dahil mahal natin ang babae hindi dahil nakahanap lang tayo nang mag-aasikaso at mag-eentertain satin. Oo, may posibilidad na "lumamig ang sabaw" anytime soon pero iba ang machong Pinoy. Ang totoong Pinoy lover ay parang klima sa Pinas, oo may taglamig pero babalik din yan sa tag-init. At pag sinabing tag-init, mainit na mainit. Wheww... hanggang dito na lang dahil tumatagaktak na pawis ko. Happy summer 2015! :)

Tuesday, March 17, 2015

So you wanna go to college?

This is just my opinion and I'm not going to present any astounding facts to support it coz this thing has been going into my mind for a decade now and ofcourse everyone is entitled for his/her own opinion.

Today, young people flock from different walks of life trying to seek a brighter future through higher education in the form of lottery. Yes, it kinda look like a lottery for me simply because these young people don't even know where to go, what they want and the worst part? They don't even know the answers to the basic "why's" of life. I mean ask them why they're there, why they exist, and you'll get nothing but a smile just like that of facebook emoticon that they post or send out to their chatmates when they ran out of words to say. What I'm saying is, It looks like this generation can't seem to deal with this 21st century and the modernization manipulates them instead of them manipulate this digital age.This fact is directly observable in a third world countires like Philippines and this is not taking us to somewhere better if we are talking about the future.

In selecting college course, rarely that I encounter young people who speak about the exact thing that they want to their life. Some of them are so honest that they humiliate themselves for having no idea of what they want to be while some of them even boast their plans to their lives that are obviously just a product of other people's ideas primarily their parents'. Yes, I mentioned parents. Large number of upcoming college students have their courses picked by no one but their parents. I think this is not just applicable for this generation as few have this same problem in the past but why should this thing has to go on? Is it because you really can't figure out yet what you want or you just don't really care?

I see a lot of young people busy playing online games, talking about latest trends and fooling themselves with all this flirtings and relationship stuff. Im not a conservative person but among all things that you can be busy with, why waste your time finding an intimate partner like you are entitled to do this together with other stuff while you are 17? And why would you spend tons of your time playing COC etc. when the rest of the world are struggling on how to make both ends meet?  Maybe you have so much means to waste time and resources because you happened to be a lucky bastard sucking up your parent's hard earned money but would you be a little considerate and start moving your ass to do something productive or meaningful? Now having these things that are obviously and unimaginably rampant these days, how would you expect a young people decide and make directions for themselves?

I'm not gonna mention any specific courses that young people are crazy about these days coz its really obvious what basically are they thinking right now. Its obvious what really are their priorities and sad to say, education is not one of them. They say that you go into college not to be smarter or brighter but only to get title so you can apply to what you think is higher or at least decent paying job  once you graduate. Isn't it a misconception about taking a higher education? In the Philippines, you can hear both parents and children agreeing that in order to get a job, you dont even need to graduate, just spend couple of years in college and you'll land a job somewhere. You know what I'm talking about. Really? Is that how things should go? Then at the end of the day, households will blame the government for not providing enough means for quality education. Yes, we blame the government often for our misseries but have we tried to make things better from our end? From a desperate point of view when it comes to higher education, I dont think that we have a full right to blame institutions why we fail after getting a college degree.

In some countries, they have rich resources of labor force that came from a balance proportion of skilled workers especialized on different fields. In the Philippines what do we have the most? Nurses, ITs, engineers etc.? Does this country even maximize the use of those mentioned overlapping population of proffesionals when only half of them ended up on where they are suppose to go? My point now here is, why keep pushing yourself to something that you obviously just took for granted then after a while of wasting time acquiring it, you'll either regret or blame things on why you ended up to be such a loser?

On a philosophical point of view, I don't think that we have to take higher education to just earn money consequently. We take higher education to be a better person. We take higher education so we can spend the rest of our lives with the path that we have chosen. We desire to have that diploma on our hands to establish contentment not solely by means of money but also by principle. Can you even speak of principle after you graduated from something that later you realized is not something that you want?

Finally, I say to the youth who are attempting to go to college this year, choose a course that best fit your interest and not something that you just learned from your parents or friends. Otherwise, take sometime to think about it. You don't necessarily need to enroll to college right away after highschool just to see yourself doing something that you don't like and regret later on. Take sometime and think over about things. You don't need to be on a rush if you haven't made up your mind yet. Be someone useful not just for yourself, not just for your family but also to the community. Stop being a bullshit and start planning for your life.

Sunday, February 22, 2015

RH Night

And so here I am again drinking my all time favorite Red Horse Beer while watching Leila Barros Beach Volleyball and Becky Hammon's Basketball Career Highlights. Its been a while since I did this and I missed it so much. Sunday's could be this chilly and lonely as this thing suggest and I'm certain that it will last for quiet a while.

Me, falling in love is like Halley's Comet (not Hale–Bopp that we saw in 1997 coz it appears every thousand years) that , only appears and happen every several decades. I tried to break this "curse like" event but I failed. I tried to feel it as soon as I got up from a previous relationship but I failed. Despite that I keep hearing that love can be learned, it appears that I'm not a fast learner when it comes to that so lets say I'm in a class where everybody is learning about love, for sure I won't get my diploma at a given time. I suck when it comes to lovelife and I hate that fact .

In almost my 28 years of existence, I've only remembered falling thrice and ended up having a relationship with two of them. Relationship that didn't last long coz Im not likely to be with them for a long time and thats another problem. When I heard my mom sounding like she wants to have a granddaughter from me, I felt sad simply because, I just can't produce one. I mean, I can have that whenever I want to but having a child is not like asking a hen to lay eggs. You gotta have it with someone you love or else just go to the nearest sperm bank and bear 533 children and have your life retold in a movie. You know I'm saying?

Now I'm looking at this girls over you tube who are famous in sports which I'm certain no man in this planet could deny they're damn hot. And I'm telling myself, "Why can't I end up having a relationship with one of these?" And a voice came in "Coz they couldnt afford to be just your personal entertainment". Right, you dont get to a relationship just to be entertained. It means that joking can be done in many things but if you have a real balls, try not to do it in a relationship. Unfortunately and I admit, I've done it and I'm telling you, It's not fun. Boy if you are reading this, spare those innocent girls at once and have some life, seriously. My point is, if you wanna have some fun, share it with someone you dear and not just with someone you only want to flirt.

I'm on a second bottle of Red Horse now while chatting with  my Thai friend, while watching Leila and Becky and while writing this (what a multi tasking) and I'll be drunk in a moment but the fact stays. There are so many precious things in this world and one of them is love. If its a true a love, its not just precious, its a gem, probably a diamond. I'd like to have one. But for now...all I have is my sparkling, ice cold Red Horse. Cheers! :)

Wednesday, February 11, 2015

Kelan naging OK ang pagiging NAGGER?


Ang sagot? Hindi kailanman. Una, alamin natin ang kung sino at ano ang nagging at ang pagiging nagger. Ang nagger ay ang taong libangan na yata ang pumuna ng lahat ng kamalian o misbehavior sa isang tao ayon sa kanyang paniniwala. Sabi sa isang episode ng "Southpark", ang nagger ay ang mga tao na nakakainis. Nakakainis dahil sa non-stop na complain nila sa halos lahat ng bagay. Karaniwan nang kakabit ng salitang nagging ang mga babae. Sabi ng isang expert, isa sa mga dahilan kung bakit sila nagger ay dahil lumaki sila na iniisip na sadyang maraming mali sa mga lalaki at dapat i-korek. Salamat sa media o social media dahil sa panahon ngayon, lalong dumagdag ang population ng mga nagger. Isa sa mga sign na ang babae o kahit lalaki ay nagger ay yung habitual na pagpopost nya ng mga thoughts na tumutuligsa sa opposite sex o circumstances sa maraming aspeto. Mapapansin mo na ang mga nagger ay may mayamang reference ng mga idea tungkol sa pagiging sablay ng mga bagay-bagay pero kulang sa sariling idea. Nakafocus sya sa mga pagkakamali o hindi pagiging maayos ng iba na para bang ito na ang kinalakihan nyang order at di na mababago. May mga tao nga nag-sasabi na mas maaappreciate pa nila ang mga tao na nagpopost sa FB tungkol sa kung anong kinain nila nung tanghalian kesa sa mga tao na walang ginawa kundi i-justify ang imperfection ng iba by posting quotes na kumpleto kasama ang pangalan ng author.

Ang pagiging nagger ay hindi tanda ng pagiging smart o matalino kundi expression lamang ng negative emotions sabi ni Robert Meyers, isang psychologist. Dahil dito, ang kung anumang "ipinagpuputok ng butse" nya ika nga ng mga Pinoy ay nagdudulot lamang ng mas pangit na resulta.

Ate: Dapat ganito, dapat ganun. Ito ang gawin mo, ganito ang gawin mo...blah,blah,blah...

Kuya: (Inis at hindi makapaniwala.)

Halimbawa sa isang relasyon, may mga girlfriend o wife na daig pa ang nakainom ng ilang galon na red bull sa taas ng energy na i-criticize ang partner nila. Criticsm na para bang dinidiktahan nila kung ano ang dapat gawin kasama ng threat na kung hindi sila susundin ay may pangit na mangyayari. Kung ginagawa nila yun to secure na mag-wowork ang relationship nila, mali! Walang kahit sinuman na matino ang pag-iisip ang papayag na masupress ang freedom dahil sa pagsunod sa mga salita ng isang nagger. Ang resulta? Lalayo sila at hindi magwowork ang relationship.

Isa pang tanda ng pagiging nagger ay ang patuloy na paninisi o pag-point ng kamalian sa kanyang partner sa pangit na bagay na nangyari o naranasan nya. Lagi nyang ipinapamukha sa kanyang partner na nangyari ang isang bagay na yun dahil sa kagagawan ng partner nya.

Ate: Sinasabi mo na wala akong pakialam samantalang nag-effort ako na pumunta dito para ayusin to kahit ang layo ng pinanggalingan ko...blah,blah,blah...nawala pa cellphone ko along the way..blah,blah,blah...ang init ng sikat ng araw...blah,blah,blah

Kuya: ?????

Ang nagger ay magtatry na i-shutdown ang kanyang partner at dahil ang mga salita na nanggaling sa bibig nya ay nonsense dahil puro negative emotions lang, hindi sya susundin, iignorahin at patuloy ang problema na initially, gustong maresolve ng isang nagger...sa nagging na paraan.

Ate: Kung gusto mong magtagal tayo, kung talalagang mahal mo ako, susundin mo ako!

Kuya: Mag-isa ka.

Naggers...hindi kayo tama, you're not making point...galit lang kayo. Kung gusto nyong mangyari ang gusto nyo, baguhin nyo ang approach. Maki-cooperate kayo sa partner nyo, iparamdam nyo na dalawa kayo sa relasyon na dapat magtulungan. Huwag mong pilitin kontrolin ang realsyon dahil lang sa tingin mo ikaw ang tama.

Ate: Wala akong trust sa mga lalaki. Hindi kayo magbabago lalo ka na. Kaya kung mahal mo ako, sundin mo sinasabi ko at magiging ok tayo.

Kuya: Tsk, tsk...nagger.

Naggers, kung nagtataka kayo at hindi nyo maramdaman ang affection ng partners nyo dahil hindi nila kayo pinapansin mula ng mahalata nila na nagger nga kayo, then stop being nagger habang hindi pa huli ang lahat.

Ate: Lagi kang late, sinabi ko na sayo na wag kang malelate. Napakasensitive mo, sinabi ko na sayo na wag kang magpakasensitive pagdating saken. Hindi mo ko sinusunod. Hindi mo ako mahal. Hindi na ako naniniwala sa mga sinabi mo dati...blah,blah,blah

Kuya: Salamat sa pagiging nagger mo, I'm turned off.

Para sa mga feeling nila ay nagger ang partner nila, heto ang uri ng mga nagger mula sa http://www.askmen.com/dating/curtsmith_60/86b_dating_advice.html:

The Innocent- Hindi nya intensyon na galitin ang partner nya pero randomly, lumalabas ang complains nya. May chance na maopen-up nya yun habang good mood sila pareho at may chance na mas mapakinggan sya. Resulta? Peaceful ang pag-uusap.

The Chatterbox- Andami nilang sinasabi o reklamo o protesta! Sa sobrang hindi na sila masawata, ang option ng partner nya? I-kick out sa conversation na parang nagchachat lang sa office communicator o social media chatroom.

The Riddler- Yung taong may inoopen na bagay na nakaka-puzzle, halos hindi mo magets kung bakit pa nya yun in-open.

Ate: Mas ok kung ito ang pabango na gagamitin ko ngayon...blah,blah,blah... Mas ok kung ganito ang kulay ng buhok ko pag feeling ko...blah,blah,blah

Kuya: Ok?

The T-Rex- Ang pinakaworst na nagger sa lahat. Yung parang may unlimited na source ng mga pinaghuhugutan ng mga reklamo. Almost perfectionist o perfectionist na nga na para bang lahat ay mali. Nagagalit sya at para kang sasagpangin pag di nya nakuha ang gusto nya. Mararamdaman mo yun pag biglang feeling mo ay kayganda ng araw pero parang biglang dumilim at uulan ng malakas pag nag-start na sya magsalita at maging...NAGGER.

SUMMARY:

May dalawang uri ng lover sa mundo. Isang tanga na willing mag-stay kahit nadedeprive o nahihirapan na sya at isang wise na nakikita ang kagandahan ng salitang "move on" kahit masakit sa loob ang makipaghiwalay. Para sa mga naggers, huwag nyo pong palaging i-test ang pasensya ng partners nyo dahil kahit gaano po kayo kamahal nyan, mapuputol yan na parang goma pag nasobrahan ng binat. Para naman sa mga patners ng isang nagger, kelangan kayo ng partner nyo para maunawaan sila at pagbigyan. Pero kung feeling nyo ay dinaig nyo pa ang social worker sa dami ng amount ng pasensya na ibinibigay o kelangan nyo ibigay sa kanya, quit and move on.

Hindi mawawala ang mga nagger sa mundo. Pero kung makakatagpo ka ng less nagger at totoong mahal mo at mahal ka, mag-hold on ka sa kanya at magkasama nyong iresolba ang inyong mga problema.



Wednesday, January 28, 2015

Right Love at the Wrong Time

I know people na nasa ganitong sitwasyon at talagang masasabi ko na sobrang hirap nito. Yung tipong kahit mga bituin sa langit ay hindi nag-aagree na posibleng maging kayo or maging kayo man pero parang "you and me against the world" ang magiging tema nyo. Sa panahon pa naman ngayon na parang lahat ng bagay ay di na makapaghintay, napakahirap i-manage ng uri ng pagmamahal na yan (na sinasabing mali) at sa napakastressful na mundong ito, matinding suffering ang pagdadaanan ng kahit sino na mapupunta sa ganitong sitwasyon.

Sabi nga, napakapowerful daw ng love. Kaya nitong magwasak ng mga damdamin at gawing miserable ang buhay ng isang tao. Pero sa mga taong nakatagpo ng tunay na pagmamahal sa gitna ng kumplikadong sitwasyon, ibayong sakripisyo ang kelangan nyang isaalang-alang. Magiging makasarili ba sya at susundin ang nararamdaman kapalit ng pagkawasak ng damdamin ng iba o mananatili syang walang ginagawa pero hindi masaya? Oo, madaling sabihin na mag-take time hanggang ok na ang lahat pero ang amount ng damage na ginagawa mo sa sarili mo ay lalong lumalaki habang tumatagal at ang matinding kalungkutan mula sa hindi mo pagsunod sa puso mo ay halos bawian ka ng katinuan. Ang nangyayari, naghihintay ka ng tamang oras at the same time, sinasayang mo rin ito.

Hindi ko naman sinasabi na maging sobrang bilis na para bang puso mo na lang ang sinunod mo at hindi man lang gumamit ng utak. Pero kung naniniwala ka na natural lang na labanan mo ang lungkot at pasakit para lang pigilan ang sarili habang nasa proseso ka ng pagja-justify at pagbabalanse ng magiging desisyon mo, gawin mo. Pero tandaan mo, sa prosesong yun, hindi ka nagsasayang ng oras dahil alam mong may patutunguhan. Ang desisyon mo ay magiging "the best" ayon sa dikta ng puso, isip at konsensya mo pero ito ay dapat na hindi maging produkto ng pagiging padalos-dalos kung ayaw mo magsisi sa huli.

Ipaglaban daw kung ano ang nararamdaman pero isaalang-alang din kung mag-isa ka lang bang nakikipaglaban o kung meron kang katuwang. Kung naghahanap ka ng kalayaan para lamang sa isang tao, maaaring mag-isip isip ka pa. Ang cost ng kalayaan ay hindi ganun ka-cheap at hindi mo itatapon ang sarili mo para lamang mabigo ulet. Kung ipaglalaban mo man ang kalayaan mo para sa tiyak na tao, mas maganda kung dalawa kayo ng taong yun na magtutulungan para makamit ito.Kung wala kang makuhang tulong mula sa tao na dapat ay dahilan ng iyong paglaya, wag umasa na hindi lang ang taong hihingan mo ng kalayaan ang masasaktan dahil posibleng pati ikaw ay manghinayang.

Right love at the wrong time. Kung gaano man ito ka-right sa pagkakataong iyon at sa tingin mo ay ganun ka-wrong ang iyong sitwasyon para dito, pag-aralan kung paano mo gagamitin ang TIME para gawing kasangkapan at gawing "right love at the right itme" ang sitwasyon mo. At wag kalilimutan, oras na kumalas ka sa isa pa, tiyaking alam mo na ang halaga nya, mawala ka man o magstay sa piling nya.

Tuesday, January 20, 2015

Lucia


Naniniwala ako sa succubus. Yung babaeng demonyo/espirito/elemental na animo'y nakikipag talik sa isang lalaki sa paraan na tila panaginip pero gising ang taong ginagawan nito.

Nung 1st year college ako, taong 2006. Madalas mag-isa lang ako sa bahay lalo na sa gabi. Call center agent kase ang ate ko na sya lang kasama ko sa bahay. Hindi ako pala-labas at wala rin akong barkadang pwedeng samahan. Im a total loner na kuntento na sa mga books, TV at video games. Sa kalahatian ng semester, mag-uumaga nun ng una ko tong maranasan. Hapong-hapo ako sa magdamag na laro sa playstation at nagpasyang matulog ng bandang alas kwatro ng madaling araw. Wala pang 30 minutes akong nakahiga nang may maulinigan akong boses ng babae na nagsasalita ng ibang lengguwahe. Mabilis sya magsalita at sa boses ay parang nasa late 20s ang edad nya. Naisip ko na siguro sadyang pagod lang ako kaya di ko masyado maintindihan pero baka sya na ang ate ko na kararating lang galing trabaho at galit yun pag matagal ako magbukas ng pinto. So bumangon ako at tumakbo sa may pintuan. Pagbukas ko ng pinto, walang tao kahit saan at naramdaman ko ang malamig na hamog ng umagang iyon ng Oktubre 2006. Bumalik ako sa higaan na parang walang strange na nangyari. Back in Bicol nung doon pa kami nakatira (nasa Pasig na ako nang 2006), nakakaexperience na rin ako ng mga ganito sa malaking bahay namin at halos normal ang mga ganun saken. So bumalik na ko ng higaan at siguro'y wala pang sampung minuto ng makaramdam ako ng tatlong sunod, sunod na palo ng kamay sa pwet ko na parang may pagnanasa, mahalay. Narinig ko na naman ang boses ng babae. Parang katutubo ang salita nya na gamit ng sinaunang Pilipino. Duon na ako naalarma at kinumpirma na may kababalaghang nangyayari saken. Itinuloy ko pa rin ang pagtulog hanggang sa nakita ko ang imahe ng babaeng nakatalikod habang nakaupo sa gilig ng higaan ko. Napakahaba ng buhok nya at itim na itim. Hindi yun ang first time ko na makakita ng white lady dahil nakakita na ko nun nung 8 years old ako pero hindi kasing klaro ng nakikita ko nung time na yun ang nakita ko nung bata pa ko. Patuloy sa pagsasalita ang babae hanggang sa kusa itong nawala. (Habang sinusulat ko to ay kinikilabutan pa rin ako).

Nakakwentuhan  ko ng araw na yun ang kapitbahay namin na nakapalitan namin ng ate ko ng apartment at sinabi nya na nakita nya rin ang babaeng yun. Buti na nga lang daw at pumayag kaming makipagpalitan dahil nagkakasakit ang mga anak nya sa unit na yun. Fair lang naman dahil mas mura ang nilipatan namin pero sabi ko sa sarili ko, pag nagpatuloy ang kababalaghan na yun, mapipilitan akong umalis.

Nang sumunod na gabi, maaga ako natapos magplaystation. 1 am pa lang ay patulog na ko at hindi usual saken dahil commonly, nanunuod pa ko ng cable until 3 am. Pero parang may kung anung pwersa na humatak saken para matulog agad sa kabila ng sangkatutak na kape na ininom ko mula sa school pa lang. Paglapat ng katawan ko sa higaan at makalipas pa lang ang ilang minuto, nakaramdam na ko ng parang mabigat na bagay na nakadagan saken. Kasunod nuon ay naramdaman kong may nakayakap saken at ilang sandali pa ay madiin at mapusok na halik ang naramdaman ko sa labi ko. Hindi hinding ko iminumulat ang mata ko dahil baka di kayanin ng katinuan ko kung sakaling makita ko sya. Alam kong gising na ko ng mga sandaling yun pero hindi ko maigalaw ang katawan ko. Napaka-sekswal ng mga sunod na nangyari pero hindi ko yun nagustuhan dahil sinong matinong tao ang magugustuhan ang ganung kakilabot na pakikipag-intercourse sa isang ispiritu o kung anupaman. Unti-unti syang nawala at gumaan na ang pakiramdam ko. Bumangon ako sa higaan at umupo at hinahabol ang hininga ko. Nasa state of shock ako nun at di na ko nakatulog hanggang mag-umaga.

Hindi ako mahilig mag-kwento ng mga bagay tungkol saken lalo na't bago pa lang ito nangyari. Ipinag kibit balikat ko lang ang experience na yun na inakala kong hindi na mauulet. Mas lalo pa akong naging busy sa pag-aaral at part time job ko. Nung mga time na yun, wala akong tropa, wala akong kaibigan at lalong wala akong girlfriend. I felt so alone with my life pero sadyang ganun talaga ako nun at ang mag-isa ang tangi kong kaligayahan. Anyway, isang gabi lang ang pinalipas ng succubus na pinangalanan kong si Lucia nang muli syang umatake. Wala pa kong idea sa succubus nun at nalaman ko lang yun after 2 weeks na sunod sunod ko nang naexperience ang nakakapangilabot na paranormal activity na yun. Habang tumatagal ay lalong nagiging detalyado saken ang mga pangyayari pero isa lang ang hindi ko tinangkang gawin at yun ay ang imulat ang mata ko. Siguro sa pangpitong gabing naexperience ko to nung naglakas loob akong magsalita habang ginagawa nya yun. "Bakit mo to ginagawa?" Yun ang nasabi ko habang nasa kalagitnaan kami ng weird na activity na yun. Muli kong narinig ang boses at lengguwahe na yun na hindi ko maintindihan. Mabilis syang nawala pagkatapos kong itanong yun.

Nagresearch ako about sa succubus at nalaman ko na umaatake sila sa mga taong punong-puno ng deppression at masyadong isolated. Nung mga time na yun, galit na galit ako sa father ko at halos anti-social na ako dahil feeling ko, hindi ako belong sa kahit anung grupo. Lahat nang negativities sa loob ko ang naging dahilan para maattract ko ang succubus na yun at maranasan ang mga nakakakilabot na mga gabing yun. Isang pagpapasya ang nabuo sa isip ko, kelangan ko nang magbago.

Sinimulan ko sa mga klasmeyts ko ang pakikipagkaibigan. Nagstart na ko magkwento sa kanila ng mga bagay sa buhay ko. Nagstart na rin ako makinig ng mga stories nila. For days, naramdaman ko kaagad na hindi ako alone. Ipinagpatuloy ko yun hanggang sa dumalang na ang pagdalaw ni Lucia. Finally, inopen-up ko ang tungkol sa kanya sa mga profs at kaklase ko. Sinabi ko rin ito sa ate ko na agad nag-freak out pero hindi naman masyado naapektuhan dahil hindi naman sya nagsstay sa bahay ng gabi. Pinayuhan ako na magdasal at tumawag sa Diyos pero sadyang di ako madasalin kaya di ko yun nagawa. Bagkus tinuloy-tuloy ko ang pakikihalubilo sa iba't ibang tao hanggang sa hindi na nagparamdam si Lucia.

Although nakakaramdam pa rin ako ng mga ganitong experience mula nung 2011 hanggang 2014, hindi na yun ganun katindi na di katulad nang kay Lucia. At yun yung mga time na nasa great depression ako. Ang tanong ko lang, si Lucia pa rin kaya ang nagpaparamdam saken na bumabalik-balik tuwing makakahanap sya ng oportunidad?

Friday, January 9, 2015

Buking

Bumisita ang nanay sa tinutuluyan ng kanyang anak na lalaki. Napansin nyang may kasama ang kanyang anak na isang babae na diumano ay "roommate" lang. Sabay sabay silang naghapunan nung gabing yun.

Habang kumakain, hindi mapigilan ng nanay na kilatisin ang babaeng kasama ng kanyang anak. Di nya lubos maisip na kashare lang sa bahay ang napakagandang babaeng ito. Siguradong girlfriend ito o ka-live in ng anak nya.

Nahalata na sya ng anak nyang lalaki at nagsalita. "Ma, hindi kami. Friends lang talaga kami at nagsheshare lang kami sa apartment."

Isang lingo nakalipas, nagtaka si babae kung bakit nawawala ang isa sa mga mamahaling plato nila. Sinabi nya to kay lalaki. "Siguro naman hindi dinala ng nanay mo yung isang plato natin di ba?"

Para kumpirmahin, tinext ni lalaki ang nanay nya:

"Ma, nawawala isang plato namin dito mula nung nag-dinner tayo. Pasensya na pero baka aksidente mo nadala dyan sa bahay natin. Pakicheck pls."

Nagreply ang nanay nya at ito ang sabi:

"Anak, ilang araw na ang nakakalipas mula nang mawala ang plato nyo. Kung natutulog ang babaeng yan sa sarili nyang kama, unang gabi pa lang, matutuklasan nyang nasa ilalim lang ng unan nya yung plato..."

Friday, December 12, 2014

Selosong Pinoy at Pinay: Ikaw ba to?

"Kung sa mga unang araw o linggo pa lang ng relasyon mo ay nakakaramdam ka na agad ng selos sa partner mo, hindi para sayo ang relasyon na yan. Hindi kayo magkakasundo at hindi kayo magtatagal kaya i-give up mo na agad yan." - rxv1989

Bago tayo magpakalalim sa topic na to, tingnan muna natin ang mga katotohanan tungkol sa buhay seloso ng Pinoy at Pinay.

Scenario 1: FB case 1- Nag-aaway tungkol sa tagged picture ng kaibigan sa boyfriend nya.

Ate: T$#(*%^&!! sino itong babaeng kaakbay mo sa pic na to? Kalandian mo to no? Hayup ka! manloloko!

Kuya: Ahmmm... Fellowship namin yan sa church at obvious naman nasa labas kami ng chapel. Bukod dun, pinsan ko din sya. Confirm mo kung ok lang sayo pero useless na dahil break na tayo.

Scenario 2: FB case 2- May nagmessage kay Kuya nang "hi"at isa itong babae.

Ate: Shit! Sinong tong nag-hi sayo? Pinagmumura ko tuloy. Babae mo nu? Umamin ka!

Kuya: Ang katotohanan na kahit sino ay pwede magmessage sa kahit sino depende sa privacy setting ng FB mo ay hindi maiiwasan. Sa kabila ng pinagkatiwala ko sayo ang password ko dahil wala akong itinatago at hindi perpekto ang teknolohiya natin, ganyan-ganyan mo na lang ako husgahan. Pu*&^*^&%# ka napakasama naman ng ugali mo.

Scenario 3: Texting case: May nagtext kay Ate na unsaved number at nabasa ni Kuya.

Kuya: Anak ng pu--. Sino tong gagong nagreply na pwede ka na raw tumawag? Pinagtataksilan mo ko nu?

Ate: Anung nireply mo?

Kuya: Sabi ko pu*(^&*##*& nya. Maghanap sya ng ibang lalandiin.

Ate: Good job. Ngayon hindi ko alam kung may trabaho pa kong babalikan dahil minura mo lang naman ang number one client ng kumpanya namin. Salamat sayo.

Scenario 4: Nakitang nagkangitian ang girlfriend at ang magtataho.

Kuya: Landi mo ha.

Ate: Landi agad? Grabe. Di ba pwedeng natuwa lang dahil masarap yung langka flavor na taho nya? Haisst...

Scenario 5: Headline sa dyaryo.

"Engineer, Pinutulan ni Misis Dahil sa Selos...Patay! (hindi sa blood loss, tuluyan nang nagpakamatay yung engineer.)!"

-----ang mga close minded at certified seloso at selosa ay hindi na babasahin ang mga susunod pa mula sa point na to-----

Iilan lamang yan sa mga halimbawa ng mga kaso na kung saan, ang sakit na selos ang naging dahilan para lumala ang sitwasyon sa isang relasyon. In fact, may teorya ako na isa sa mga dahilan kung bakit hindi umuunlad ang bansa natin ay dahil sa mga seloso at selosa. Pag sobrang seloso kase ng partner mo, mapipigilan ka nya magkaroon ng self-growth at madevelop pa ang ibang potentials mo. At dahil lahat ng atensyon ng seloso mong karelasyon ay nasayo, limitado lang din ang mundo nya sayo na dahilan para di rin sya mag-grow. Ang epekto, hihina ang manpower dahil sa kawalan ng mga produktibo, skilled at talented na manggagawa. Ilang milyong kababayan natin ang may ganitong pananaw at practice sa buhay? Sa dami nila, sila ang threat sa paglago ng ekonomiya natin.

I also heard stories ng mga tao na pinipigilan ang partner nila na mangibang bansa, mag-aral o magtrabaho sa malayo o kaya ay mapromote sa trabaho dahil sa SELOS! "Anong kabwisitan yan?" yan ang madalas sabihin ng nanay ko tuwing may oportunidad na pinalalagpas dahil lamang sa maliit at hindi rasyonal na bagay.

Hindi naman ito exclusive lang sa mga Pinoy dahil buong mundo ay may ganitong problema. Pero sa kulturang Pinoy na mas pinaiiral ang damdamin kesa isip, mas madalas ang selosan. Sa panahon din ngayon, mas tumindi pa ang kaso ng pagturing ng bawat partners sa isa't isa bilang "pag-aari o pagmamay-ari". Ang relasyon para sa kanila ay ownership o possesion at ang sistema na to ang tinatawag nilang pagmamahalan at obviously---bullshit ang idea na yan. Sa totoong mundo na nakita mo nung wala ka pang bf o gf o asawa, natural lang na makipagsocialize ang isang tao. Ito ay sistema na hindi mo na kelangang basahin sa libro ni Charles Darwin para patunayan dahil ikaw mismo bilang tao na hindi naman nadiagnose na retarded o mentally challenged ay mauunawaan ito. Ngayon itanong mo sa sarili mo, bakit sobra mo kung limitahan ang galaw ng partner mo lalo na sa pakikipag-interact sa iba pang specie na tinatawag ding TAO. Ikaw ay isang certified at karumaldumal na SELOSO/SELOSA!

Sa pagpili ng partner, hindi mo pipiliin ang isang tao na naba-vibes mo o napapakiramdaman mong hindi mo makakasundo at lalo nang hindi mo dapat piliin ang taong sa una pa lang ay may sintomas na dadaan ka sa pagseselos. Maaaring ang partner mo ay good looking or talented or hot or charming etc. at marami kang agam-agam at insecurities na baka maagaw sya sayo. Dahil dun, todo protekta at bantay ka na parang ungas na kahit maliit na bagay ay pinagseselosan mo. TANGA! The more na ginagawa mo yan, the more na inilalayo mo ang loob ng partner mo sayo! At the more na puro pagseselos ang ginagawa mo, the more na magloloko ang partner mo sayo dahil sino ba ang may gusto ng feeling na hindi malaya? Kahit anong kontrol ang gawin mo sa partner mo, wa-epek! Dahil ang kontrol na ginagawa mo ay isang ILUSYON. Meaning, hindi talaga yan pag-kontrol na tulad sa pesticide na may scientific basis dahil ang katotohanan sa tao ay...may natural tayong kakayanan na magdecide para sa mga sarili natin at sundin ang gusto natin. Kung gusto ng partner mo na lumandi, gagawin nya yun at yun ay dahil ikaw ang nagtrigger para gawin nya yun! Anyway, depende sa kategorya ng paglalandi at kung ito ba ay tolerable pa pero laging tatandaan na ang paratang na walang matibay na basehan ay mananatiling paratang lang. At ang paghanap ng basehan at pag-iimbestiga sa karelasyon ay parang pagpiga ng isang damit na hindi naman nabasa at hindi kelangang pigain na dahilan para maging gusot-gusot ito. KUNG MAHAL KA NG ISANG TAO, SA'YO LAMANG SYA MAKIKISAMA AT DAHIL HINDI KA NAMAN TANGA AT UNFAIR, SUSUKLIAN MO YUN NG PAGTITIWALA AT HINDI PAGSESELOS.

Hindi lahat ay kelangang maging Mass Communication Degree holder para matutong makipagkomunikasyon sa kanilang partner. Sa nakikita ko, ang lahat nang seloso at selosa ay yung mga taong hindi marunong makipag-usap o makipagkomunikasyon. Kung sa unang phase pa lang ng pakikipagrelasyon, example, sa ligawan stage ay nakapag-usap na at nagkaunawaan na ang dalawang magiging magkasintahan sa magiging direksyon ng relasyon nila, malalaman na nila kung saan sila patungo at kung magkaproblema, madali nila yung mahaharap at masosolusyonan. So, ang mga date nyo na puro foodtrip lang at pagsakay sa mga rides sa Enchanted Kingdom at walang masyadong pag-uusap ay kaistupiduhan. At pag naging kayo na, isipin na ang intimate relationship ay nangangailangan din ng teamwork at kung hindi nyo alam mag-usap ng maayos, nasan ang teamwork? Sa puntong ito, may mensahe ako sa inyo guys: "Guys, kung may iba pa kayong kakayanan maliban sa pagbili ng toblerone sa mga nililigawan nyo, yun ay ang makipag-usap sa kanya bilang mature na tao na nakakaintindi sa sinasabi ng puso at isip nya. At girls, kung malinaw na ang damdamin nyo kay guy, itranslate nyo na yan sa words at magset na kayo ng certain agreement kung ano ba talaga kayo. Wag nang makipaglaro!"

Kapag feeling mo ay nagseselos ka at knowing na selos lang yan, tumingin ka sa limang daliri ng isang kamay mo. Gawin mo silang simbolo ng maayos at matagumpay na relasyon:

1. communication- Wag sumigaw! Maging mahinahon, wag masyadong emosyonal at tiyakin na may patutunguhan ang pag-uusap nyo.

2. appreciation- Dalawa kayo sa isang relasyon at wag mong isipin na ikaw lang ang nag-eeffort. Pakikinggan mo sya palagi at magrespond ka sa mga reactions nya nang tama at walang exageration.

3. passion- Ang pagmamahal o pag-ibig ay hindi tulad ng pagkahumaling sa isang kagamitan tulad ng cellphone. Sounds impossible pero marami nang nakagawa nito, ang pagkakaroon ng unconditional love.

4. trust- Kung 10% lang ang nagagamit ng tao sa utak nya para mag-isip, wag mong ubusin ang 10% na yun sa pag-iisip ng mga posibilidad na nagche-cheat ang partner mo sayo dahil mababaliw ka sa dami. Just TRUST him/her. Kung wala kang trust sa kanya, wala kang trust sa sarili mo. At kung wala kang trust sa sarili mo, hindi mo rin mahal ang sarili mo. Kung hindi mo mahal ang sarili mo, paano mo magagawang magmahal ng iba?

5. have fun- Ang pakikipagrelasyon ay maraming surpresa na maaaring ibigay. Huwag mong masyadong planuhin o i-set up ang mga bagay bagay tungkol sa inyo para lang masigurado na sayong-sayo lang sya. Minsan, masaya kung hahayaan nyo lang na tangayin kayo ng agos at makaencounter ng mga problema...basta ba walang iwanan sa ere at magkasama nyo yung haharapin at reresolbahin.

Kung nagmahal ka at sa kabila ng hindi mo pagiging seloso o selosa ay niloko ka pa rin, yan ay reyalidad ng buhay. Ganun talaga, nagkakamali tayo kase nga tao lang. Pero sa katotohanan na hindi ka seloso o selosa, ibig sabihin, may pagmamahal ka sa sarili mo at maniwala ka sa akin, hindi ka mahihirapan magmove on at hindi ka mahihirapan makatagpo ng taong susuklian ang pagmamahal mo ng buong tapat at buong puso.

Pahabol: Kung nakarating ka ng pagbabasa sa dulo ng article na to, ibig sabihin, seloso ka na matiyaga magbasa o hindi ka seloso at bored ka lang. Hahaha... At sa mga hindi nakarating sa part na to, seloso ka na nga, tamad ka pa magbasa. Hahahaha...

Thursday, November 27, 2014

Who are your parents?


Everyone can be a good parent but not everyone can be the BEST.

There are 2 kinds of parents when it comes to child's mental development:
1. supportive
2. stimulating

A supportive parent is the one that let their children cultivate within themselves their own field of interest. These parents teach their children how to be independent by letting them think on their own thus giving them freedom gradually on decision making. An example of these parents are the ones who chose not to talk to their children in a secondary language but strictly in primary language. This is to let them conceive questions inside their mind using the language that his environment is using primarily. This leads him to a complex questions (with sense) that supportive parent, without any hesitation, answers and explain. Once done satisfying his child's query, supportive parents leave another questions to their children's mind to make them think continuously according to their own will. So guess the key to this development is language and the open mindedness of parents. In the Philippines, its so pleasing for the parents to hear their children talking in English which is a second language but the truth is, they are just helping them to be dumber. Japan and South Korea has large population of bright people that result them to have equal distribution of good technocrats and good civil servants. This style of parenting also induce genius in a child like Einstein’s parents who taught and let him speak German only at childhood same with Jose Rizal who mastered Tagalog and had a brilliant tagalog poem at the age of 8.

On the other side, stimulating parents are the ones who are trying to develop their children's mind according to what they want thus suppressing the children's capability to enhance his real talents and ability. These children often complain about being burned out and stressed resulting to growing disrespect to their parents. This is the problem Philippines have. Aside from having younger population of parents who are fascinated with all that glitters which are obviously not gold, they tend to influence their children to be materialistic but talentless and unintelligent people. They are not taking parenting seriously or maybe they are just not aware of what good parenting is. Take for example how they talk to their children in secondary language and answering their children's questions as quick and as dumb as possible for the sake of just responding to their children's "unimportant" question as what they thought. Hence, they are not helping their children to boost their potentials even though they spend money to send their children in better schools. Supportive parents understand that children's primary education depends on how they guide them intellectually so it doesnt matter if they send their children to public schools. Stimulating parents dont think the same way and will insist to equip their children with academic prestige by sending them to private schools. Amazingly, it only result to same outcome and most of the time, those who are product of supportive parents excel over the children of stimulating parents.

While I try to unlock the mystery of why Philippines is still poor, I find the relevance of this subject matter to our current situation. The uneven distribution of our professionals which are mostly nurses in the past few years is an indication that parents in this country are kind of selfish by being so stimulating to their children disallowing them to follow what their hearts really want. I have this theory that the cause of our low quality government is because our officials are actually programmed to be there and not naturally and not passionately chosen to be at the position. I may not be a child psychologist but this argument of mine that favors nature over nurture will be my guide on raising my own children and may also influence especially the younger parents out there.

Tuesday, November 25, 2014

Kailan uunlad at magpapaimbabaw ang Pilipinas? Part 1


DISCLAIMER: Ang mga mababasa nyo ay galing sa aking malikot na imahinasyon at nalalaman sa Pulitika at Public Administration. Mapapansin nyo na hindi ko sinisisi ang mga botante dahil obvious na "BOBO" ang botanteng Pinoy at proven at tanggap na yan ng bawat isa sa atin. Kaya ang mga nasasaad dito ay para sa mga nakaluklok na at mga maluluklok pa lang sa posisiyon (na once again, binoto ng BOBONG botanteng Pinoy).

Uunlad ang Pinas kapag may kung anong intervention at nasolusyonan ang mga sumusunod na problema:

Problema: 
KORAPSYON- Nangyayari ito dahil (mainly) sa mga pulitikong walang specific na plataporma sa gobyerno. Mga pulitikong hindi talaga alam kung ano ang money value ng isang proyekto though alam kung ano ang maitutulong nito sa tao. Hindi rin sila marunong kumilala at rumespeto ng abilidad ng administrators ng nakatalagang ahensya para sa proyekto o programa kaya iimpluwensyahan nya ito hanggang sa pareho na silang mangungurap ng pondo.

Solusyon:
Kilalanin ng pulitiko ang kakayanan ng nakatalagang personnel o administrator kasabay ng pagrespeto sa expertise ng kanyang tauhan. Kung sya ay pulitiko na showbiz ang natural na propesyon, ang dapat nyang gawin ay suriin ang integridad at accountability ng kanyang subordinates at wag makialam sa usaping pinansyal lalo na kung di naman nya talaga alam ang pasikot-sikot sa naturang proyekto o programa. Syempre magsisimula ito sa pagpili ng naturang mga tauhan at ang best ng isang pulitko sa ganitong sitwasyon ay ang pag-appoint ng skilled at the best sa field na yun at hindi lang basta kamag-anak o kaibigan.

Problema:
TRAPO- Ang mga traditional politician ang mga pulitikong tine-take for granted lang ang pagpapatakbo ng gobyerno ayon sa alam nilang tama. Masasabi na napaka conservative nila at kung ihahalintulad sa computer ang mga pulitko sa panahon ngayon, sila ay Pentium 3 lang. Ang mga trapong ito ay may alam sa organisasyon sa gobyerno pero walang pakialam kung paano pa lalong mapapagaling ang function ng naturang mga bagay. Sa ganitong dahilan, nasasayang ang potential ng mga talented at maabilidad na mga constituents dahil natetengga sila sa mga walang kwentang programa o polisiya na nanggagaling sa nakatataas.

Solusyon:
Para sa mga lawmakers, makinig sa report ng mga espesyalista lalo na sa estado ng ibat-ibang sector. Pagkatapos nilang makinig, matutong humingi ng suhestyon o payo na may paggalang at (hindi angas) sa mga obvious na mas marunong sa kanila sa gobyerno (alam nyo naman siguro kung sino ang mga lawmakers sa Pinas). Iadmit nila sa sarili nila na sila ay binoto ng "fans" at hindi ng mga totoong botante na iniisip ang kapakanan ng bayan. Applicable din ito sa administrative branch na kung tangap nya sa sarili nya na damdamin lang ang kaya nyang pairalin at hindi ang utak, kailangan nya ng mga totoong may alam sa field na pinasok nya. Kung ang isang programa ay nangangailangan ng modern approach, huwag iinsist ang nakagawiang method na ginagamit ng kung anung tribo at pag-aralan ang potential success na maibibigay ng modernism. 

Problema:
POLITICAL DYNASTY- Masyadong strong ang family ties ng Pinoy at ang kulturang yan ay nadala natin sa pagpapatakbo ng gobyerno. Rampant ang nepotism sa mga public office dahil sa kagagawan ng mga pulitikong nagpapalakas ng pwersa sa gobyerno. Mapa-appointee o kamag-anak na nananalo sa election, makikita mo yan sa mga opisina ng gobyerno. Dahil hindi rin nae-enforce ang batas lalo sa code of conduct ng mga public officials, marami pa ring mga nakakalusot at lumalabag sa batas na to. Ngayon, ano ang kaugnayan nito sa political dynasty? Once na naset-up na ng mga pulitiko ang mga kamag anak nila sa iba't ibang ahensya, patatakbuhin nya sa election ang isa o dalawa o higit pa sa kanyang mga kadugo gamit ang makinarya na sinet-up nya mula sa kanyang sariling angkan. 

Solusyon:
Ang unang dapat ia-dopt ay ang solusyon sa pagiging trapo and then solusyon sa political dynasty. Mahirap masolusyunan ang political dynasty pero para sa future, kelangan ito ang isipin ng mga nasa posisyon ngayon:

1. Ang mga kabataan ngayon na gusto nilang mag-take over sa business nila na tinatawag na gobyerno ay mas interasado sa DOTA sa panahon ngayon at kung nag-aalala sila sa taumbayan, hindi nila iiinsist na maupo sa pwestong aalisan nya ang anak o pamangkin na nakabuntis sa edad na 17 y/o dahil sa kalandian. Instead, bilang pulitiko, maging active syang kasapi ng partisan politics, i-embrace ang tunay na diwa ng demokrasya at hayaang magdesisyon ang majority sa kung sino ang dapat maupo sa posisyon.

2. Kung nais na mainvolve sa gobyerno ang kamag-anak, bigyan sya ng appropriate na edukasyon at skills na magtatalaga sa kanya hindi sa posisyon sa gobyerno kundi sa ahensya ng gobyerno na mas nangangailangan sa kanya base sa kanyang kasanayan. Ang nangyayari kase, porke Mayor ang ama, dapat maging mayor na rin ang anak na obviously ay may talent o kasanayan na mas mapapakinabangan ng lipunan kung ibubuhos sa propesyon na sinundan nya maliban sa pulitika.

3. Hindi monopolyo ang gobyerno. Magkaiba ang civil servants sa technocrats o yung mga elite sa partikular na field. Dapat may autonomy at free sa oligarkya ang mga nabanggit.

4. Malabong maamyendahan ang saligang batas para baguhin ang mga probisyon para mawala ang political dynasty pero wag tayo maging pessimistic. Time will come na mangyayari ang hinahangad natin para mawala ang political dytnasty through charter change pero sa pamamagitan ng kamay ng mga hindi mapagsamantala at new breed ng pulitiko.

Share