Friday, October 19, 2018

Paano Makitungo sa Ex?

Naranasan mo na ba yung awkward na pakiramdam tuwing makakasalubong mo o mamimeet mo yung ex mo? Yung tipong parang nagtatime-travel ka at bigla na lang nagpa-flashback lahat sayo. Lalo na kung nagmeet kayo sa isang lugar na madalas kayo magkasama dati at bigla na lang nagtatransform yung paligid na parang pang music video na nandun kayo mismo sa eksena? Hindi masyadong healthy yan. Meron tayong isang tao na minahal natin noon, nakasama natin at talagang mahirap tuluyang burahin sa ala-ala...halimbawa ay ang ex-bf/gf. Merong ilan satin na kayang kayang itong dalhin dahil siguro moved on na talaga or sadyang strong type talaga at meron namang mga parang sugat ng diabetic, hindi gumagaling. Parang isda na may formalin, laging sariwa ang sugat sa puso dulot ng hiwalayan. Kung magkagayon, heto ang mga suggestion kung paano makitungo sa ex:
1. Casual lang- Never show signs of bitterness. Ipakita mo na normal lang ang naging buhay mo since nawala sya at hindi ka masyadong affected. Although pwede ka nang awardan ng best actor/actress sa acting na yan, hinding hindi mo pwedeng ipakita na may impact pa rin sya sayo. Paano mo gagawing makatotohanan yan? Dapat ipraktis mo nang maging kumportable sa pagiging single at independent. Oo, mahirap lalo na kung babae ka at ikaw ang pinakapabebe sa buong mundo at masyado kang naging dependent sa ex mo na ginawa kang prinsesa nuon na sinusunod lahat ng gusto mo. Anyway, pag ganyan ang babae commonly naghahanap yan ng panakip butas o door mat at hindi ka dapat ganyan. Ipakita mo na ok ka, productive ka sa work o sa school at maganda ang itinatakbo ng buhay mo. Wag ka magpost ng magpost sa social media na ok ka na, moved on ka na. Magmumukha kang pathetic at trying hard. Normal lang, go back to your normal routine o enhance mo pa by getting hobbies or discovering new adventures in life na tatalakayin sa mga susunod pang suhestyon sa ibaba.
2. Hindi ka tangkay- Ang english ng tangkay ay stalk (kung di mo alam kung ano ang tangkay,igoogle mo na lang or itanong mo sa Filipino teacher mo nung highschool). Stalker ka ba? Ang sagot ay, oo kase typical na millennial ka. Pero mali, mali magstalk lalo na sa ex. Kaya ganyan na lang reaction mo ng magkita kayo ng ex mo unexpectedly, dahil bruha ka, updated ka pa rin sa buhay nya. Check ng page sa social media, kunwari napagdaanan lang ng usapan with common friends at kung ano pang para-paraan. Parang awa mo na, sa ginagawa mong yan, para kang ibon na talented kase ikaw mismo ang gumawa ng sarili mong hawla pero tanga. Palayain mo sarili mo sa past mo. Magkaroon ka ng ibang pagkaka-abalahan. Kumanta ka sa videoke kahit parang tunog  ng unang patak ng tubig sa gripo sa aluminum na palanggana ang boses mo, magbisikleta ka kahit tanghaling tapat na parang nagbibilad na bayawak, umakyat ka ng puno ng mangga habang kumakanta ng "leron-leron sinta", gumawa ka ng kakaiba sa buhay mo kahit gaano ka-nonsense. Hindi ka nila masisisi kase nagsisimula ka pa lang ulet lagyan ng sense ang buhay mo lalo na kung  after ng napakapangit na realsyon ang pinanggalingan mo. Wag mo parusahan ang sarili mo tuwing nakikita mong ok sya or may iba na ay teary eyed ka na. May sarili na syang buhay at ganun ka rin. Bigyan mo ng pabor ang sarili mo at magfocus sa sarili o sa mga mahal sa buhay. Wala kang mapapala sa kakafollow sa kanya, nagsasayang ka lang ng oras at hindi ka ba nabobobo sa ganyan?
3. Wag kang lumandi - Or wag kang lumandi agad kung sadyang pinaglihi ka sa gabing pula. Kadalasan, after break-up, lalabas ang mga kaibigang mas bugok pa sa century egg. Tutulungan kang lumandi. Hahanapan ka ng date, ipapakilala ka sa pinsan nila, classmate nung college o sa gwapong magkekwek-kwek. Wala ka na bang ibang nakikitang alternative kundi rumebound? Yan na ba yung purpose mo sa buhay? Napakalungkot mo namang nilalang. Katulad ng mga sinabi ko sa taas, marami kang pwedeng gawin para mag-heal at lumimot. Kung lalandi ka, pumapasok ka sa larong walang mananalo, pero lahat masasaktan. Bakit? Para pag nakita ka ng ex mo na may iba na ay mafeel mo na ikaw ang nagwagi? Stupid. From a broken relationship naging paligsahan? Kung sariwa pa ang sugat, wag mo munang kamutin dahil dudugo yan. Give it time hanggang kaya mo nang ngumiti ng matamis at totoo sa ex mo dahil nakahanap ka na ulet ng totoong "other half" at hindi lang basta pang-rebound. At hinding hindi magiging kalandian kung nagkajowa ka ulet after a very long time ng break up. Stop being a bitch din. Masyado ka nang mababaw pag pinarating mo pa sa level na yan. Kase kung magrerelax ka lang at magtetake time bago kumati ulet, masasabi mo sa mata ng ex mo,"I took time to wash away all your residue in my system to be a better person and to be mentally and emotionally ready in my next relationship". Kung nauna na sya lumandi, hayaan mo lang. Business nya yun, wag mo pakelaman. Di ka naman si Kris Aquino.
4. Bihisan ang utak-
Hindi lang ang katawan o itsura.  Magpapaganda ka, magpapagupit ng buhok, magmemake up ng sobrang kapal na parang pupunta sa reunion ng mga McDonalds, seryoso? Stupid. Iligo mo lang yan araw-araw I mean be the normal you and dont do drastic change in your appearance. Be natural. Naconscious ka dahil nagkita kayo ng di sinasadya at mukha kang Badjao sa jeep? Oo, ok naman na mag ayos sa sarili to look good but not too much. And after break-up and for the sake of showing your ex na ok ka pa rin, hindi praktikal na pagbuhusan ng panahon at salapi ang looks. Bagkus, dagdagan mo ng laman ang utak mo. Magbasa ka (dahil binasa mo hanggang sa puntong ito ng blog ko, congrats, magandang simula yan.), magsaliksik, makipag-usap ng may sense sa mga kaibigan mong hindi masyadong bugok at makipagpalitan ng kaalaman sa kanila. Be sharper and smart. Sa ganitong paraan din, tinuturuan mo ang puso mo na hindi lang sya ang otoridad sa pagkatao mo at may utak ka na kelangang magtake over lalo na sa sitwasyon mo. Yung iba magje-gym pa yan, magpapabuff o magpapa-abs. Ok lang naman yan, pero sana lagi ka na lang makipag-break para in shape at fit ka di ba? So sabayan mo ng pag-aaral ng mga bagong bagay. Hindi mo naman kelangan mag-enrol sa University, digital age na. Make it a habit to watch documentary sa youtube or read  lifestyle blogs, local and international news or any article sa net na hindi gawa ni Mocha Uson. Sa kabilang banda, wag ka naman magpakalosyang o magpakapariwara. Minsan gagawin mo pang mural ang katawan mo sa dami ng tattoo o kaya naman ang mga lalaki magpapahaba ng balbas at buhok na parang sasali sa senakulo. Wag naman ganun. Kung feeling mo e para sa fashion at freedom at expression mo yun, gawin mo yun after na halos moved on ka na. Para pag nagkita kayo ng ex mo, hindi nya isipin na nagbago ka ng itsura dahil sa kanya, lalo kase syang yayabang . At kung magkaroon kayo ng chance na magkausap at medyo pa-deep at pa-brainy na ang mga statement mo, ibang level na yan. You will gain his or her respect.
Madami pang pwede gawin sa sarili na magreresulta sa sound at natural na encounter with ex. Madami pang ways para maiwasan ang awkward moments at magresulta sa pag-gain mo ng respeto at paghanga mula sa dati mong karelasyon. Good news kase ikaw din mismo makakatuklas nun kung bukas lang ang mata at isip mo sa katotohanan na wala na talaga kayo at moving on ka na. Tandaan din na ang mga nabanggit dito ay nangangailangan ng proseso. Dapat willing ka na tanggapin ang sistema na ito na may kasamang tiyaga at disiplina. Hindi ito recommended sa mga mahilig sa instant.

At paalalaa na hindi ang mga suhestiyon na ito ang dapat mong gamitin kung gusto mong magkabalikan kayo. Hindi ka naman magtatry na mag-move on kung gusto mo pa ring makipagbalikan. Either tanga ka or confuse pag ganun.

Tuesday, October 16, 2018

Pinoy Xennials


Tuwing tatanungin ka, kung ilang taon ka na.
Indenial ka at para bang nahihiya pa.
Dahil ba nagkamuwang nung dekada otsenta?
In denial ka sa katotohanang "lodi maswerte ka".

Pinanganak ka ng papatapos ang martial law.
Tanging may sense na musika ang nakamulatan mo.
Bunga ng mga makabayan at intelektwal na musikero.
Na hindi pa distracted sa makabagong mundo.

May karapatan kang tuligsain ang mga musika ngayon.
Dahil namulat ka sa originals hindi sa ikalawang version.
May karapatan kang pumalag sa mga kantang walang kwenta.
Dahil namulat ka sa mga kantang, lyrics pa lang solve ka na.

Ignoramus ka sa computer nang ito'y nauso na.
Pero tinuruan ka rin nito kung paano magpasensya.
Habang ang pamangkin mo'y puro reklamo sa speed.
Ikaw nama'y relax lang, mas worst pa yan nung 90's.

Habang naenjoy mo ang VHS at cassette tape.
Mga kabataan ngayo'y di mapakali sa mga gadget.
Wala silang happinness at kulang sa contentment.
Habang alam mong pahalagahan ang simpleng entertainment.

Tinanong ka ng bata kung bakit ka may peklat.
E kasi nung bata ka, puro laro lang sa labas.
Tumbang preso, habulan at taguan ay the best.
Hindi ka man SD card, pero mayaman ka sa memories.

Naging teenager ka sa panahong puno ng sweetness at kilig.
Sa love letter namulat ka at later na lang sa text.
Bago ka naexpose sa panahon ng social media.
Alam mo kung panu manligaw at rumespeto ng dalaga.

Ikaw ay namulat sa mabilis na pagbabago.
Minsan hirap kang, kumawala sa past mo.
Kaya hindi ka masyadong old school, di rin masyadong moderno.
Alam mo ang analog bago naging otomatiko.

Maaaring labis na advance at hi-tech na ng kasalukuyan.
at maaaring mas matalino ngayon ang mga kabataan.
Pero sasabay ka at hindi magpapa-iwan.
Advance ka sa karanasan, advance ka sa wisdom.

Saturday, October 13, 2018

Hindi Ka Naging Single...


Hindi ka naging single para mainggit.
Pinili mo yan bakit ka magsusungit?
Sabi mo, tanga lang ang kumakapit pa rin ng pilit.
Sabi mo hindi ka ganun, habang ika'y nakapikit.

Hindi ka naging single para maging bitter.
Bakit ka gumive up, bakit di mo nahandle?
Dahil taksil, walangya at hindi nagke-care?
Ay oo nga pala, hindi ka nga pala martir.

Hindi ka naging single para magmataas.
Hindi mo ikinagaling na ikaw ang kumalas.
Yung iniwan mo minahal ka ng tapat.
Sadyang gago ka lang talaga, lahat sayo ay di sapat.

Hindi ka naging single para magmalaki.
Maraming higit sayo kahit dyan sa tabi-tabi.
Sa mukha mong nahiya lang ng konti sa tutubi,
sinong maniniwalang ikaw ang nagwagi?

Hindi ka naging single para magwalwal.
10 years ba kamo, ganun na kayo katagal?
Anung nangyari, bat di nagpakasal?
Kase duwag ka at takot kang masakal!

Hindi ka naging single para mangdamay.
Huwag mong sirain ang relasyon ng mga nagta-try.
Sa tukso at kamunduhan ay wag maging tulay.
Huwag nang isali pa ang mga walang malay.

Hindi ka naging single para maging miserable.
Ang ganda ng buhay, mahalin ang sarili.
Di porke't wala na sya ay wala ka nang silbi.
Ganyan talaga sa relasyon, may malas may swerte.

Hindi ka naging single para mang-abala.
Hindi mo sila diary, kaibigan mo sila.
Kahit anong advice nila sayo, kung talagang tanga ka,
uulit ka pa rin kahit nasaktan ka na.

Hindi ka naging single para maging feeling-bobo.
Hindi sa pag-ibig nasusukat ang IQ.
Kung hindi mo alam kung bakit sya ang minahal mo,
yun ay dahil sumugal ka sa pinili ng puso mo.

Hindi ka naging single para tuluyang ma-trauma.
Huwag kang maging hater, meron pa ring naiiba.
Move on and heal the wounds ika nga nila.
Sumubok kang muli pag ikaw ay handa na.










Monday, October 8, 2018

Pinoy 2018



Lahat ng sisi nasa TRAIN law. Di naman ako expert sa economics pero saan kukuha ng government expenditure kundi sa borrowing at strategy sa fiscal policy. Tsaka yang lintik na oil price hike na yan na sinabayan pa ng mga bwisit na oligarkya sa bansa ang lalong nagpapalala ng inflation. Ganunpaman, tumaas ang employment rate sa bansa meaning may purchasing power ang majority ng masa. Yung kapitbahay ko nga bukod sa makakain, pinoproblema nya din yung pangpa rebond nya at minimum wage earner sya tulad ng madami.

The opposition in this country is using this issue for their own demagoguery. Theres nothing that will get to the sense of the masses easily but the price hike issue. Pero when was the last time na may nagtry na magpaliwanag how fiscal and monetary system work side by side to establish equilibrium in lay man's term? Wala. Kase mahirap ipaliwanag sa karaniwang taong bayan so daanin na lang sa paninisi, pagtuturo ng daliri sa kung sino ang may kasalanan kesa intindihin at makipagtulungan. Ang botanteng Pinoy parang dalagita lang yan na madaling mabola e. Parang mga fans ng Victor Magtanggol na madaling utuin.

In years na naging malaking political laboratory ang mahal nating bansa, wala pa ring major breakthrough. Coz no one dares to distort their image, everyone wants to be a mainstream populists. There was a leader who tried once, but to discipline his people is equal to punishing their feelings. Filipinos would rather smile while suffering than cooperate to the government that they see would only hurt their feelings in the process. We are so stubborn, its in our blood. 300+ years invaded by Spaniards and while the rest of their colonies speak their language, here we are speaking on our own tounge. That was a good example btw, it also portray our resistance. But the bottomline is, we are not open for change, we couldnt even be positive for changes, so we resist even the good ones.

Sa panahon ngayon, ipokrito ako pag sinabi ko na hindi ako apektado ng inflation. Pero maniwala ka at sa hindi ang pinagdadasal ko ay sana, lahat ng infrastructures na ginagawa ngayon ay matapos in a timely manner at walang red tape. Sana hindi sumablay ang hybrid PPP ng administrasyong ito na maituturing na experimental. Sana mamanage ng ok ng BSP ang policy rates. Sana mag- aral na mabuti ang mga estudyante para magkaroon ng karagdagang workforce, hindi mga rebelde. Sana magkaroon na tayo ng mga "real thinking Senators". Sana...wag tayong maging mga SANABABITS! at tulungan natin ang gobyerno natin...tulungan natin ang bansa natin. Di ba mother? Di ba father?

Share