Saturday, September 26, 2015

Heneral Luna: Review para sa pinaka may sense na pelikulang Pinoy for 2015


PUTANG-INA! Hindi lang isa kundi maraming beses binanggit ang mga kasinglutong ng chicharong Baliwag na mga murang yan sa pelikulang Heneral Luna. Walang bahid ng kaipokrituhan ang pagkakagawa ng pelikulang ito at nakapasa sa R-13 kahit obvious na explicit ang mga katagang binitawan. Bakit mo nga naman irerestrict pa ang mga profanity na to sa mga kabataang Pinoy na bukod sa paglalaro ng mga online games ay kasama sa konti nilang nalalaman ang pagmumura sa pinaka murang edad na pwede mong ma-imagine. Napakaganda ng daloy ng dialogue at maiisip mo kung gaano ka ginawang stupid ng mga dayalogo sa Amaya at sa iba pang retro movies at TV series na ginawa ng Pinoy. Pag napanuod mo ang Heneral Luna, para ka lang nakaupo sa kabilang table sa Starbucks at nakikinig sa diskusyon ng mga nasa kabilang table, sobrang natural. Mahusay ang pagkakaarte ni Cesar Montano sa Jose Rizal pero legendary ang acting ni John Arcilla at ito ang klase ng acting na hindi kayang gawin ng mga lousy na artista na produkto ng mga talent search (at kamag-anak ng mga dati nang artista) na puro wala naman talagang talento.

Sa graphics, cutting edge ang mga edits na ginawa dito at hindi ko malilimutan ang pagsabog ng ulo sa isa sa mga sundalo na kino-command ng character ni Archie Alemania na nuon ay high sa nginunguyang nganga. Ang galing ng mga effects at musical score.

Pero may konting duda ako sa pagkapili kay Ketchup Eusebio para gumanap sa karakter ng kupal na opisyal mula sa Kawit. Dapat ang kinuha nila yung mas maangas ang itsura. Other than that, ok naman ang casting. Walang duda ang husay na pinakita ni Mon Confiado at talagang naipakita nya ang superiority ni Emilio Aguinaldo. Bagay na bagay ang mukha ni Epi para kay Mabini pero hindi sya mukang ganun katalino para sa karakter. Medyo hindi rin ganun katandang tingnan ang nanay ni Antonio Luna at nagfail ng konti ang mga make up artists sa part na yun.

Ang setting ng pelikula ay mas maiimprove pa kung sakali. Di naman ako especialist sa cinematography pero siguro kung inemphasize pa nila yung space para makita kung gaano naiiba ang paligid noon kesa ngayon, mas ok. Halos puro kwarto o loob lang ng bahay kase ang nandoon. Hindi rin ganun kaimpressive ang battle scene although kwela at naipakita ang tipikal na ugali ng Pinoy in times of crisis na kaya pa ring tumawa kahit malapit nang mamatay.

Historically correct ang mga events at makikita mo ang transparency. Maoffend na ang maooffend at syempre yun yung mga nabubuhay na kamag-anak ng mga karakter tulad nila Felipe Buencamino at Pedro Paterno, pero nais lang isalaysay ng pelikula ang kagaguhan ng gobyerno natin at ng mga taong nagpapatakbo nito.

All in all, maganda ang pelikula at kung irerate ko to, 8 out of 10. Naiimagine ko nga, kung mas pinondohan ng malaki to, kahit Hollywood maaangasan sa pelikulang to. Isang menshae ang dapat marealize ng mga Pinoy sa Heneral Luna at ito ay ang, "Hindi pa talaga naipapanganak ang tunay na gobyerno na nababagay sa bansa natin at ipinakita ng Heneral Luna kung paano ito na-abort nung panahon nya at kung ikukumpara natin ang naging kapalit ng Republican Government ni Aguinaldo, maihahalintulad sa isang sanggol na ipinanganak na kulang sa buwan at sya nating pinagtitiisan sa ngayon."

Tuesday, September 15, 2015

Coffee


As this coffee touches my lips, I can think freely.
As I sip every drop of it, I can picture your face vividly.
It makes me awake just to miss you so hardly.
I may not fall asleep but if I fall for you...will you catch me?

Where in the world can I find a great coffee?
Nowhere but in your heart, its flowing endlessly.
You give me palpitation but Im fine completely.
Listen to my heartbeat saying your name, Isnt that crazy?

Now I'm  down to the last drop and I still want another cup.
If its love its telling me, I wouldnt get enough.
I dont mind being addicted, I don't mind being drunk.
For in your loving arms, I'll surely find a rehab.

Ahhh... the aroma of coffee, freshly brewed and hot.
Reminds me of how happy it is to be in love.
Your smile, your tenderness, you're purely loving heart.
There maybe no forever but I'll love you back...until my last cup.

Sunday, September 6, 2015

Bakit mas SEXY ang mga old fashioned guy?


Girls, kung feeling niyo ay nakakapagod na makipag-mingle sa mga kaedad niyo, bakit di niyo subukan yung mas maedad sa inyo? Ang sinasabi ko dito ay hindi yung literal na matandang amoy bulkan at malayo ang age gap sayo, kundi yung guy na oo at medyo makaluma, pero garantisadong "classic" at parang rexona, "he won't let you down." Bakit? Heto ang mga dahilan kung bakit sa information age na to, mas sexy pa rin ang mga old fashioned guys.

1. Hindi maporma pero kumportable sa itsura. Walang highlight ang buhok meaning hindi sya mukang turon. Hindi nya kelangan magsuot ng mga damit para magmukang sherpa sa mga mountaineer sa Everest. Sa madaling salita, sya ang nagdadala ng damit, hindi sya ang dinadala ng damit. Alam kase nya na hindi pananamit ang magbibigay ng first and positive impression kundi attitude.

2. Tatratuhin kang babae. Gentleman. Hindi ka tatratuhing "one of the boys", na common na ginagawa ng mga kalalakihan sa ngayon. Sensitive sya sa mga pangangailangan mo bilang babae. Alam nya kung kumportable ka pa ba o hindi na at karaniwang hindi na nagtatanong instead nagsasuggest o nag-ooffer ng kung anung maitutulong nya sayo. Hindi ibig sabihin nito ay gagawin ka nyang spoiled dahil may mga time na sesermunan ka din nya katulad ng ginagawa ng erpat mo sayo. Sa ganung paraan, mas mararamdaman na hindi lang sya nakafocus sa pagpe-please sayo kundi sa pagdedevelop ng character mo bilang isang kapita-pitagang dalagang Pilipina.

3. Kung gusto ka nya, gusto ka nya talaga. Hindi katulad ng mga masyadong modernong lalaki na animo'y mga engineer sa pagho-hook up ng babae, ang old fashioned guy ay direktang ipababatid sayo ang nararamdaman nya. Ang mas sexy nito, akala mo binobola ka lang pero kasabay ng mga salita nya ay ang explanations through his actions. Pag sinabi nyang maganda ka, titingin sya ng diretso sa mga mata mo at mararamdaman mo agad kung paano ka nya naaappreciate physically. Kung mag-open man sya ng topic about sex, it doesnt mean na manyakis sya. Sign lang ito na may respeto sya at naiintindihan nya kung gaano ka-complex ang pakikipagrelasyon at kung saan dapat lumugar ang sex sa ugnayan na meron ang couple.

4. Independent. May mga lalaking ang angas tingnan, kala mo sobrang confident pero pag sinundan mo kung saan umuuwi, sa bahay pa rin ng magulang nya kahit nasa hustong edad na sya para bumukod. Katwiran nya, hindi pa nya kayang mag-isa at magkaroon ng magarang place na matitirhan. Ang old fashioned guy, hindi lang confident kundi independent sa maraming aspeto. Wala syang pakelam kung magara o pangit ang tinitirhan nya dahil sya naman ang nagbabayad ng bills at lahat lahat at matatawag nya yung "kanya". Katwiran nya, "breast milk is only good for babies...not for grown ups".

5. Hindi nabubuhay para sa kasalukuyan lang. Epic, kase ang old fashioned guy ay maaaring konti lang ang interest sa teknolohiya pero hindi ibig sabihin nun ay paurong ang development nya. Hindi man ganun ka-teknikal ang pangarap nya pero malinaw ang plano nya para sa kinabukasan at hindi lang para sa sarili nya yun kundi para din sa makakasama nya pagdating ng araw.

6. Hindi vain. Pag sinabing vain, yun yung mga taong labis ang concern sa sarili na dahilan para sarili muna ang unahin nila bago ang iba. Ang unang test sa lalaki ay kung paano nila mahahandle ang pagiging emotional ng mga babae at dyan mo masususbukan ang old fashioned guy. Naiintindihan nila na lahat ng babae ay may side ng pagiging "pabebe" na dahilan para habaan nila ang pasensya. May mga times na pag nakuha na ng karaniwang lalaki ang loob ng babae, magsisimula na silang mag-attitude at i-emphasize sa mga babae ang worth nila. Hindi ganun ang old fashioned guy. Napapanatili nya ang respeto sa differences nila at mas nagpapakalalaki sa pamamagitan ng pag-intindi sa mga needs ng isang babae.

7. "Aarukin" nya ang kalaliman mo. Hindi tulad ng paboritong linya ni Robin Padilla nung 90's, "Hindi ko maarok ang iyong sinasabi." (na ang ibig sabihin ay hindi maintindihan), ang old fashioned guy ay susubukang pakinggan at intindihin ang isang babae. Ang mga modernong lalaki ay masyadong busy sa pagkalikot ng kung anu-anong makabago pero nalilimutan nilang bigyan ng panahon ang makinig sa sinasabi ng babae. Ang old fashioned guy ay nakafocus sa reyalidad na dahilan para ma-irelate nya ang pinagdaanan nya sa pinagdadaanan ng isang babae na dahilan kung bakit malalim sya mag-isip at lalo pang lumalalim dahil alam nya kung paano makinig.

8. Time machine. Ang old fashioned guy na karaniwang literal na "old guy" ay dadalhin ka sa ganda ng nakaraan na para kang nagtatravel with the time machine. Maaappreciate mo ang history dahil sadyang marami syang alam tungkol sa nakalipas. Hindi sya trying hard magkwento dahil its either parte sya ng history in the making o sadyang ganun kalaki ang pagpapahalaga nya sa kasaysayan. Ito ay senyales din na sya ang taong ite-treasure ang bawat moment ninyong dalawa at magsisilbi syang malaking diary na magrerecord ng mga bagay bagay tungkol sa inyo through time.

9. Family oriented. Hindi ka mahihirapan na i-introduce ang lalaking ito sa pamilya mo dahil alam nya kung ano ang value ng family. Baka magulat ka na lang kung wala pang isang oras ay ka-appearan na ng tatay mo ang lalaking ito. Hindi nakakapagtaka dahil mabilis makipagpalagayang loob ang mga old fashioned guy sa mga literal na matatanda. Pag pinakilala ka naman nya sa family nya, siguradong hindi ka aloof o mae-itsapwera dahil iga-guide ka nya ng maayos para maka-get along ka. Sa mga tagpong ito, may idea ka na kung anung klaseng family ang maaaring magkaroon kayo ng lalaking ito kung sakaling magkatuluyan man kayo.

10. Alam ang lugar ng teknolohiya sa buhay ng tao. Ang old fashioned guy, makikipagkilala sayo ng personal, hindi sa facebook. Ngingiti sayo ng totoo at sa personal, hindi sa emoticons. Alam nya kung saan ang lugar ng teknolohiya at sadyang hindi nya kayang itapon ang makaluma pero epektibong paraan ng komunikasyon. He's not just a guy, hes a man, at sya ang may control ng halos lahat ng aspeto sa buhay nya at hindi nya papayagang maging dominante ang teknolohiya lalo na sa abilidad nyang magdesisyon. Meron syang sarilng google sa utak nya at puso nya ang nagsisilbing facebook at twitter na bawat tibok ay totoong status update ng pagmamahal ang inilalahad...hindi copy pasted.

Friday, September 4, 2015

Ang Bubuyog (Part 2)


Minsan, may mga bagay na talagang mahirap paniwalaan. Katulad ko, halos 3 years na nakakalipas nang maghiwalay kami ng landas ng babaeng ito pero alam ko at sigurado ako na hindi ako nagmahal ng kahit sino na kasinghigit ng naging pagmamahal ko sa kanya. Ang totoo, never pa kong na-inlove ulet simula nung magkahiwalay kami. Maka-ilang beses akong na-infatuated sa ilang babae only to realize na sinubukan ko lang palang hanapin sya sa mga babaeng na-meet ko after namin maghiwalay. Anyway, hayaan nyong ibahagi ko itong munting istoryang to na nawa'y kapulutan ng aral ng ibang hangal at nasa isang relasyon na kumplikado pero imbes na ayusin ay lalong pinalala ang sitwasyon.

Kung idedescribe ko sya, sya'y isang babaeng adventurous na gustong sumubok ng maraming bagay. Pero flawed ang character nyang yun dahil hindi sya well equipped nung nasa height sya ng adventures nya. Naging mom sya at the early age. Much worst, nakasal sya amidst being undecided and confused. She told me these stories na talaga namang umantig sa puso ko. Especially nang malaman ko how her husband cheated on her na eventually nagpabago sa perception nya sa pakikipagrelasyon. I tried to read her like a book and I found out how cautious she became on having another relationships. We've had couple few dates, time together and shared lots of things and I felt how she tries to manage not to commit the same mistake again...with me. Everyday, wala akong pinagkaabalahan kundi hangaan at i-appreciate sya sa pagiging open minded at pagiging positibo nya sa mga bagay bagay. Shes a happy person despite the horror na pinagdaanan nya sa buhay. We were not that old that time, In fact I was really young (in experience) to comprehend such case. Pero the more I become curious sa set up namin na yun, mas lalo akong na-fall sa kanya.

Aware ako kung gaano nya gustong i-please ang mga bagay bagay na involve samin at kung gaano nya gustong i-satisfy ang wants and needs naming dalawa. Sa madaling salita, she was in charge on almost everything. Then my first mistake just took place. Na-carried away ako sa awesomeness nya, hindi ko namalayan na halos sya na pala nag-eeffort sa maraming bagay between us. Eventually, nagsimula na kong ma-intimidate sa kanya kase andami nyang nagagawa. Yun pala, kaya marami syang nagagawa dahil pinili kong i-entertain na lang ang sarili kong panuorin sya. And instead na gawin ko yung part ko para maging fair sa kanya, naging busy ako sa pag-iisip kung paano ko sya mas lalong malalamangan at magagamit for my own good. Naging sobrang selfish ako. That time, shes already hooked up to me and I tried to hook her up even more until she finally choked up. Then one day, nakaramdam sya ng pagod at tuluyang bumitaw saken. Nung araw din na yun, natuklasan ko sa sarili ko kung gaano ako ka-immature para hayaang mangyari ang bagay na yun sa kabila ng katotohanan na ang babaing ito ay gusto lang naman maging masaya sa piling ko.

Sinubukan kong i-justify ang mga naging actions ko by blaming her on not giving me specifics kung bakit nya ginagawa saken ang mga bagay na ginagawa lamang ng isang "girlfriend" sa isang boyfriend kahit hindi kami...officially. Hindi sya sumagot. Tumingin ako sa mga mata nya. At nakita ko dun yung pangungusap na parang nagtatanong na "nalimutan mo na ba kung sino talaga ako?". Sa isip ko, napamura ako at narealize kung gaano ako nakalimot at kung gaano ko iwinala yung respeto sa kanya na sya lamang bagay na kelangang kelangan nya. Oo, hindi sya nagpromise at hindi sya nagbigay ng assurance saken na sya namang hinihingi ko. Pero para bang naghahanap sya ng sagot sa tanong na, "kelangan pa bang manggaling sa bibig ko ang mga salita kung sinasabi na yun ng mga actions ko?". Sobrang naging makitid ang utak at nabulag ako ng mga insecurities ko na dahilan para hindi ko mabasa ang mga mensahe na gusto nyang iparating through her actions. The way she takes care about me, the way she make me feel important, di ko yun napansin. At maniwala ka saken o hindi, nagtiwala sya saken na nasa sapat na gulang na ko para maintindihan sya, ang buong pagkatao nya kaya pinili nyang basahin ko sya "in between the lines" at nabigo sya...I failed to decrypt her.

Simula nung pinili naming wag nang magkaroon ng komunikasyon at all, it took me years bago maintindihan ang nangyari samin. Honestly, meron pa rin akong hindi naiintindihan pero palagay ko, nakuha ko na yung pinaka dahilan kung bakit kami sumapit sa ganun at nabanggit ko na kung ano yung mga yun. Yes, its not totally me na dapat i-blame pero sasabihin ko sayo ang totoo...hindi ko pala talaga sya gustong mawala saken. Na dapat pala, gumawa ako ng paraan para mapabalik sya saken. Na dapat pala, ipinakita ko sa kanya kung gaano ako kainteresado na magbago habang nandyan sya sa tabi ko at umaalalay. Dapat pala, ipinakita ko sa kanya kung gaano ako ka-imperfect at hindi ko kelangang maging perfect pero willing akong maging tama kasama sya. Pero dahil sa lintik na pride na yan, hindi ko yun ginawa. Hanggang sa huling sandali, hindi ko sya pinakinggan. Nagmalaki ako, nagmayabang ako na kaya kong ipagpatuloy ang buhay na wala sya. Kaya ko naman o mas tama sigurong sabihin na "kinaya ko naman". Pero alam mo yung pakiramdam na kulang?

Lahat ng paraan ginawa ko. Nakipagrelasyon ako sa iba. That time, ni-lock ko kaagad ang relasyon namin at ginawang official. Mali. Sobrang mali. Kung may idea ka kung paano ma-trap sa isang relasyon na hindi mo mahal ang partner mo, magegets mo ko. For almost 2 years na naging pagsasama namin ng bagong babaeng inakala kong papatay sa kalungkutan ko, wala yung ibang dinala kundi mas malaking problema. Naniniwala na ko sa true love. Nag-eexist talaga yun. Marami lang talagang amateur na katulad ko na hindi kayang i-separate ang pag-eeksperimento sa pagiging kuntento.

For almost 3 years, hindi ko na mabilang ang mga moments na nagtangka akong i-approach ang babaing totoong minahal ko. Pero dahil sa pilosopiya kong hindi ko na ma-trace kung saan ko nakuha, nakuntento na ko sa lihim na pag-iyak tuwing namimiss ko sya...literal na iyak. Ni isang araw, hindi sya nawala sa isip ko sa loob ng halos 1,095 na araw na nakakalipas. Nung una, naiintindihan ko pa kase officemates kami at natural na makita ko sya everyday. Pero ngayon, kalahating taon na kong wala sa dating work ko at sya pa rin ang naaalala ko. There was a time na pinilit ko syang iwasang tingnan and I was drunk that time. For some reason,  I cried so hard. Isa sa mga pinakamatindi at pinakamahabang iyak na naexperience ko sa buhay ko. You know why? Coz usually, pag nakainom ako, buong lakas loob kong sinasabi sa kanya how much I love her, how happy I am na nakilala at nakasama ko sya. Pero nung time na yun, gusto ko syang iwasan. Sa kagustuhan kong ipakita sa kanya na hindi ako loser, mas pinili kong hindi sya pansinin kesa mag-hi, hello man lang. At ako rin ang nagsuffer dahil sa pagpipigil na yun, nagbreakdown ako.

I miss her so much. But shes already taken. Move on? Believe me, I've been trying to do that for years now and I've actually took all the ways possible. Cut the communication, get rid of all the things na magreremind saken and I think I've already read a lot and studied a lot about moving on and yet...eto ako...still unmoved. Nakakatawa nga kase nakakapagpayo ako and in fact nakatulong ako sa gustong mag-move on without them knowing na hindi ko yun naapply sa sarili ko ni minsan. Im still hopeful though, malay ko ba kung 10 years in the making ang pagmove on na to bago tuluyang makumpleto? Ang mahalaga I'm taking time. Yun naman yung essence ng pag-move on di ba? 

For her, I wish her all the best. If we ever meet again, hindi ko na sya iiwasan. I'm a grown up now like the guy she suppose to be needed back then. But now the guy that she probably dont need anymore. I've stopped searching for another "her" coz its worthless, its waste of time. Theres only one of her kind in this world and I'm glad na minsan, naging parte sya ng buhay ko. 

Thursday, September 3, 2015

Mga Payo para maka-move on mula sa Break-Up si Juan


Ang title ay napaka specific. Ito ay para sa mga Noypi o sa maskuladong Pinoy na walang klarong paraan kung paano mag-move on mula sa pagkasawi sa isang relasyon. Naniniwala ako na hindi universal ang paraan ng pag move on o pag-cope up mula sa break up at mukha mang madali sa mga Kuya natin ang maghandle ng ganitong sitwasyon, ang totoo'y mas mahirap para sa kanila maka-move on kesa sa mga babae. Isa sa mga dahilan ng mataas na mortality rate o kaso ng pagkamatay ng mga lalaki ay ang pagkasawi sa pag-ibig kaya hindi dapat balewalain ang isyung ito. Kaya basahin ang mga sumusunod para mas malinawan.

1. Ang tunay na lalaki ay umiiyak. Para saan pa ang labasan ng luha sa mga mata nating mga lalaki kung hindi naman pala natin ito magagamit? Sadyang napakataas ng ego ng ilan sa atin na ang isang tulo ng luha ay senyales na agad ng kahinaan para sa karamihan. Mali. Hindi lang bentilador ang nangangailangan ng outlet para umikot, tayo ding mga lalaki. Kelangan nating ilabas ang nararamdaman natin. Kelangan nating ibulalas ang nilalaman ng puso nating nadurog na parang paminta mula sa break up na yan. Umiyak sa kaibigan, umiyak sa nanay, umiyak sa tatay o kahit sa kapitbahay na madalas nakakalaro ng chess o kakantyawan sa panunuod ng PBA. Umiyak ka sa ate mo, sa kuya mo o kahit sa harap ng aso mo. Walang masama dun. Gagaan ang kalooban mo. Wag mo lang gawing libangan dahil baka madiscover ka.

2. Hindi mo bestfriend ang alak. Oo, ok lang uminom sa una o pangalawang araw pagkatapos ng break up. Pero kung gagawin mong NAWASA ang alak, may problema, dahil ang singilan dito ay buhay, hindi pera. Hindi mo bestfriend ang alak. Ang alak ay demonyong umuudyok sayo para lalong magpakagago at gawing pariwara ang buhay mo. Imbes na uminom ka ng alak, manuod ka ng youtube at tingnan mo yung mga nauuhaw sa Africa. Habang nagpapakalango ka sa alcohol, may mga tao na ni hindi makainom ng sapat na tubig sa isang araw. Nakakalimot ka ba tuwing nalalasing ka? E bakit hindi mo na lang iuntog nang malakas yang ulo mo sa semento para magka-amnesia ka. At least utak mo lang ang maapektuhan, wag mo nang idamay ang atay mo.

3. Lalong hindi mo bestfriend ang droga. O sadyang adik ka lang talaga. Wag mong gawing excuse ang pagiging broken hearted. Kung marunong ka magmahal ng iba, mas alam mong mahalin ang sarili mo.

4. Wag maghanap ng panakip butas. Maraming isda sa dagat? Bakit mangingisda ka ba? Sa kasawiang dinanas mo, wag ka na mangdamay. Hindi magagamot ng paglalaro ng damdamin ng iba ang sakit na dinadanas mo. Kahit ang amag ay nagtetake ng time bago lumitaw sa pandesal. Kung in-denial ka pa rin kahit alam mong mahal mo pa rin ang ex mo, magpakalalaki ka at matutong maghintay hanggang magaling na ang sugat mo bago ka mangalantari. Magkaiba ang pagmamahal sa panggagamit.

5. Huwag kang emo. Feeling mo ikaw ang biktima, feeling mo ikaw ang naagrabyado. So maghihiganti ka? Ikakalat mo mga pribadong pictures o videos nyo? Kung totoong may bayag ka, hindi mo yun gagawin. Hindi ka gagawa ng kahit anung ikasisira nya na ikasisira mo rin naman. Pag nagpadala ka sa bugso ng damdamin mo, wala kang pinagkaiba sa langaw na natuksong mag-landing sa kape dahil starbucks naman daw. Kapag nasa gitna ka ng matinding emosyon at dahil ikaw si Juan na hindi magpapatalo, makabubuting umupo ka muna sa sulok at mag-isip-isip dahil magpustahan tayo, lahat ng magiging desisyon mo habang emo ka ay siguradong sablay.

6. Wag mo nang kontakin. At dahil ikaw si Juan na makulit at fan ni April Boy, kokontakin mo pa rin talaga si Ate para makipagbalikan. Kung ikaw ay kaluluwa, malamang kaluluwa ka sa UP na hindi matahimik. Wag mo nang kulitin brod, wag mo nang kontakin. Minsan hayaan mo na ang kalikasan ang magreveal ng mga susunod pang kabanata. Habang nasa proseso yun, imbes na makipagcommunicate ka pa sa kanya, enjoyin mo buhay mo, gumawa ka ng ibang bagay. Mag-aral ka maggitara kung di ka pa marunong o kaya mag aral ka ng bagong tipa. O kung wala kang interes sa musika, maglaro ka ng basketbol o kung wala kang hilig sa sports, tulungan mo na lang nanay mo maglaba.

7. Ituloy ang buhay. Sa hinaba-haba ng sinabi ko, ito lang naman talga punto ko, ituloy mo buhay mo. Huminto na ba ang pag-ikot ng mundo dahil sa kanya? Alalahanin mo, Pinoy ka. Sabi nga ni Mc Arthur, "bigyan mo ko ng 1000 na sundalong Pinoy at sasakupin ko buong mundo". Brod nananalaytay sa dugo mo ang pagiging mabagsik na warrior. Kung simpleng lovelife lang ang magpapatumba sayo, hindi ka si Juan dela Cruz na laging matatag ang loob at handa sa hamon ng buhay. Kung nabigo ka man sa aspeto ng pag-ibig, siguradong magtatagumpay ka sa ibang bagay. Nasasayo na lang kung magpapalamon ka sa kasawian mo. Ituring mong history yang kabiguan na yan na nakapulutan mo ng aral at nagamit mo para lalo kang maging mature. Kung mangyari man ulet ito sayo, at least may idea ka na kung paano ito ima-manage. Basta lagi lang tatandaan, hinay hinay lang. Ikaw si Juan Romantiko pero hindi sinabi na ibigay mo lahat...magtira ka para sa sarili mo next time.

Share