Showing posts with label old fashioned guy. Show all posts
Showing posts with label old fashioned guy. Show all posts

Sunday, September 6, 2015

Bakit mas SEXY ang mga old fashioned guy?


Girls, kung feeling niyo ay nakakapagod na makipag-mingle sa mga kaedad niyo, bakit di niyo subukan yung mas maedad sa inyo? Ang sinasabi ko dito ay hindi yung literal na matandang amoy bulkan at malayo ang age gap sayo, kundi yung guy na oo at medyo makaluma, pero garantisadong "classic" at parang rexona, "he won't let you down." Bakit? Heto ang mga dahilan kung bakit sa information age na to, mas sexy pa rin ang mga old fashioned guys.

1. Hindi maporma pero kumportable sa itsura. Walang highlight ang buhok meaning hindi sya mukang turon. Hindi nya kelangan magsuot ng mga damit para magmukang sherpa sa mga mountaineer sa Everest. Sa madaling salita, sya ang nagdadala ng damit, hindi sya ang dinadala ng damit. Alam kase nya na hindi pananamit ang magbibigay ng first and positive impression kundi attitude.

2. Tatratuhin kang babae. Gentleman. Hindi ka tatratuhing "one of the boys", na common na ginagawa ng mga kalalakihan sa ngayon. Sensitive sya sa mga pangangailangan mo bilang babae. Alam nya kung kumportable ka pa ba o hindi na at karaniwang hindi na nagtatanong instead nagsasuggest o nag-ooffer ng kung anung maitutulong nya sayo. Hindi ibig sabihin nito ay gagawin ka nyang spoiled dahil may mga time na sesermunan ka din nya katulad ng ginagawa ng erpat mo sayo. Sa ganung paraan, mas mararamdaman na hindi lang sya nakafocus sa pagpe-please sayo kundi sa pagdedevelop ng character mo bilang isang kapita-pitagang dalagang Pilipina.

3. Kung gusto ka nya, gusto ka nya talaga. Hindi katulad ng mga masyadong modernong lalaki na animo'y mga engineer sa pagho-hook up ng babae, ang old fashioned guy ay direktang ipababatid sayo ang nararamdaman nya. Ang mas sexy nito, akala mo binobola ka lang pero kasabay ng mga salita nya ay ang explanations through his actions. Pag sinabi nyang maganda ka, titingin sya ng diretso sa mga mata mo at mararamdaman mo agad kung paano ka nya naaappreciate physically. Kung mag-open man sya ng topic about sex, it doesnt mean na manyakis sya. Sign lang ito na may respeto sya at naiintindihan nya kung gaano ka-complex ang pakikipagrelasyon at kung saan dapat lumugar ang sex sa ugnayan na meron ang couple.

4. Independent. May mga lalaking ang angas tingnan, kala mo sobrang confident pero pag sinundan mo kung saan umuuwi, sa bahay pa rin ng magulang nya kahit nasa hustong edad na sya para bumukod. Katwiran nya, hindi pa nya kayang mag-isa at magkaroon ng magarang place na matitirhan. Ang old fashioned guy, hindi lang confident kundi independent sa maraming aspeto. Wala syang pakelam kung magara o pangit ang tinitirhan nya dahil sya naman ang nagbabayad ng bills at lahat lahat at matatawag nya yung "kanya". Katwiran nya, "breast milk is only good for babies...not for grown ups".

5. Hindi nabubuhay para sa kasalukuyan lang. Epic, kase ang old fashioned guy ay maaaring konti lang ang interest sa teknolohiya pero hindi ibig sabihin nun ay paurong ang development nya. Hindi man ganun ka-teknikal ang pangarap nya pero malinaw ang plano nya para sa kinabukasan at hindi lang para sa sarili nya yun kundi para din sa makakasama nya pagdating ng araw.

6. Hindi vain. Pag sinabing vain, yun yung mga taong labis ang concern sa sarili na dahilan para sarili muna ang unahin nila bago ang iba. Ang unang test sa lalaki ay kung paano nila mahahandle ang pagiging emotional ng mga babae at dyan mo masususbukan ang old fashioned guy. Naiintindihan nila na lahat ng babae ay may side ng pagiging "pabebe" na dahilan para habaan nila ang pasensya. May mga times na pag nakuha na ng karaniwang lalaki ang loob ng babae, magsisimula na silang mag-attitude at i-emphasize sa mga babae ang worth nila. Hindi ganun ang old fashioned guy. Napapanatili nya ang respeto sa differences nila at mas nagpapakalalaki sa pamamagitan ng pag-intindi sa mga needs ng isang babae.

7. "Aarukin" nya ang kalaliman mo. Hindi tulad ng paboritong linya ni Robin Padilla nung 90's, "Hindi ko maarok ang iyong sinasabi." (na ang ibig sabihin ay hindi maintindihan), ang old fashioned guy ay susubukang pakinggan at intindihin ang isang babae. Ang mga modernong lalaki ay masyadong busy sa pagkalikot ng kung anu-anong makabago pero nalilimutan nilang bigyan ng panahon ang makinig sa sinasabi ng babae. Ang old fashioned guy ay nakafocus sa reyalidad na dahilan para ma-irelate nya ang pinagdaanan nya sa pinagdadaanan ng isang babae na dahilan kung bakit malalim sya mag-isip at lalo pang lumalalim dahil alam nya kung paano makinig.

8. Time machine. Ang old fashioned guy na karaniwang literal na "old guy" ay dadalhin ka sa ganda ng nakaraan na para kang nagtatravel with the time machine. Maaappreciate mo ang history dahil sadyang marami syang alam tungkol sa nakalipas. Hindi sya trying hard magkwento dahil its either parte sya ng history in the making o sadyang ganun kalaki ang pagpapahalaga nya sa kasaysayan. Ito ay senyales din na sya ang taong ite-treasure ang bawat moment ninyong dalawa at magsisilbi syang malaking diary na magrerecord ng mga bagay bagay tungkol sa inyo through time.

9. Family oriented. Hindi ka mahihirapan na i-introduce ang lalaking ito sa pamilya mo dahil alam nya kung ano ang value ng family. Baka magulat ka na lang kung wala pang isang oras ay ka-appearan na ng tatay mo ang lalaking ito. Hindi nakakapagtaka dahil mabilis makipagpalagayang loob ang mga old fashioned guy sa mga literal na matatanda. Pag pinakilala ka naman nya sa family nya, siguradong hindi ka aloof o mae-itsapwera dahil iga-guide ka nya ng maayos para maka-get along ka. Sa mga tagpong ito, may idea ka na kung anung klaseng family ang maaaring magkaroon kayo ng lalaking ito kung sakaling magkatuluyan man kayo.

10. Alam ang lugar ng teknolohiya sa buhay ng tao. Ang old fashioned guy, makikipagkilala sayo ng personal, hindi sa facebook. Ngingiti sayo ng totoo at sa personal, hindi sa emoticons. Alam nya kung saan ang lugar ng teknolohiya at sadyang hindi nya kayang itapon ang makaluma pero epektibong paraan ng komunikasyon. He's not just a guy, hes a man, at sya ang may control ng halos lahat ng aspeto sa buhay nya at hindi nya papayagang maging dominante ang teknolohiya lalo na sa abilidad nyang magdesisyon. Meron syang sarilng google sa utak nya at puso nya ang nagsisilbing facebook at twitter na bawat tibok ay totoong status update ng pagmamahal ang inilalahad...hindi copy pasted.

Share