Yosi time. Stressful na araw para sa isang college student na nagsstruggle para sa mga final exams kaya makikita sila sa isang spot kung saan mahihiya ang mga bulok na jeepney sa kapal ng usok ng sigarilyo mula sa mga nagyoyosi. Ito ang eksena nung araw na yun sa campus na pinapasukan ko nung college pa ko. Karaniwan nang makikita ang tropa namin sa labas ng campus na nagyoyosi at nagkekwentuhan tungkol sa mga walang kwentang bagay. Pero sa araw na yun, isang may kwentang usapan ang magaganap. May problema ang isang tropa, problemang lovelife. Nagtatanong siya kung bakit sa kabila ng ginagawa na nya ang best nya para maging MAGANDA ang relasyon nila ng girlfriend nya, parang kulang pa rin at hindi nya nakikitang masaya ang girlfriend nya sa piling nya. Alam ng lahat kung paano tratuhin ni Bugoy ang gf nya at obvious din na masyado siyang authoritative at palaging pinangungunahan ang mga gusto ng gf nya. Sa tingin nya ay tama lang yun dahil para naman sa kapakanan ng gf nya ang ginagawa niya. Pero hindi nya talaga malaman kung ano pa ba ang gusto ng girlfriend nya. Ininom ko muna ang hawak kong buko juice na nasa plastik bago pumosisyon para sagutin ang kanyang katanungan na sisimulan ko sa isang malupit na intro. Bwelo muna...inhale...exhale...
"Pare, nung unang panahon, ang matapang na si King Arthur ay na-ambush ng mga kalaban habang nakasakay sya sa kanyang kabayo. Tiyak na ang kamatayan niya pero binigyan pa siya ng tsansang mabuhay ng kaniyang kalaban. Ito ay sa ilalim ng kondisyon na kung masasagot nya ang tanong na ibibigay ng kalabang hari, ibibigay sa kanya ang kalayaan at hindi gagambalain ang kanilang kaharian. Ang tanong ay "
Ano ba talaga ang totoong gusto ng mga babae?". Binigyan sya ng isang taon na palugit para sagutin ang tanong at pag hindi nya nasagot ay papatayin sya. Bata pa sya nun at aminadong malakas ang kalaban. Kaya't kahit alam niyang napakahirap sagutin ng tanong at kung hindi niya makukumbinsi ang kalabang hari sa kanyang sagot ay buhay nya ang magiging kapalit, napagdesisyonan nyang hanapin ang sagot sa tanong kesa mamatay.
Pinabalik sya sa kanyang kaharian para magsaliksik at hanapin ang sagot sa tanong. Tinanong nya ang lahat kasama ang pari, ang mga philosopher pati ang mga nagtitinda ng popcorn sa sidewalk pero bigo sya at wala ni isang nakapagbigay sa kanya ng convincing na sagot. Isa na lang ang hindi nya natatanong at yun ay ang witch na nakatira sa yungib. Pero ayaw niyang tanungin ito dahil although madaming nagsasabi na totoong marunong ang witch at reliable ang magiging sagot nito, baka hindi kayanin ni King Arthur ang cost ng hihinging kabayaran ng bruha. Parang hindi kasi realistic ang halaga ng hinihinging kabayaran ng witch sa mga komukonsulta sa kanya.
Isang araw na lang at mag iisang taon na ang binigay na palugit kay King Arthur. Dahil wala talagang nakalkal na sagot ang hari, kinonsulta na nya ang witch. Ang nangyari, pumayag ang witch na sagutin ang tanong nya sa isang kondisyon, kelangang pakasalan ni Sir Lancelot na bestfriend ni King Arthur (at ang pinakapogi at hottest guy sa kaharian) ang mabaho, kuba at puro pimples na witch! Hindi pumayag ang hari at ninais pang mamatay kesa ipaasawa ang nag-iisang bestfriend sa isang ambisyosang, pangit na witch.
Nalaman ng bestfriend ng hari na si Sir Lancelot ang kondisyon na hinihingi ng bruha sa kanyang bestfriend. Agad syang kumilos at hinikayat si King Arthur na pumayag nang ipakasal siya sa bruha. Ayon kay Sir Lancelot, aanhin nya ang buhay na masaya sa piling ng babaeng maganda, sexy at may breeding kung mawawalan naman sya ng nag-iisang bestfriend na halos itinuring na nyang kapatid. Kaya't kung ito man daw ang magiging pinakamalaking sakripisyong gagawin nya sa buong buhay nya ay gagawin nya pa rin ito, alang alang sa ikaliligtas ng kanyang kaibigan.