"Anong favorite mong element sa Chemistry?" tanong mo sa dalaga
"Ikaw muna."
"Ang paborito ko ay Europium" sagot mo naman
"Baket?" ang kanyang pagtataka
"Dahil sa Eu lang ako, Eung-eu." kasabay ng iyong nakakalokong ngiti
"Ako ang paborito ko naman Silicon, Germanium at Barium." wika ng dalaga
"Baket?" alam mo sa sarili mo kung ganu ka kabobo sa Chemistry at wala pang android phone nung panahon mo para i-google nang mabilis kung ano yung mga yun. Hindi na nya nasagot ang tanong mo dahil nagpaalam na sya na papasok sa next class. Ang tanging iniwan nya lang sayo ay nilalanggam na ngiti. Naiwan kang nakatulala sa table of elements na hinablot mo sa kaklase. Wala kang kasinglandi, kahit sa loob ng library, hindi mo pinatawad.
__________
College life. Sino bang makakalimot sa pinakamalanding yugto ng buhay mo? Well hindi naman sa lahat kase karamihan ay hindi paglalandi ang priority sa college at may call center naman or nung nakagraduate na sila or whatever. Anyway, panu mo malilimutan ang mga struggle, mga adventure, mga cringey moments? Maliban na lang kung hindi ka nagcollege so may iba kang yugto ng kalandian ngunit anu't anupaman, masayang balikan ang mga awkwardness at mga happenings nung late teenage days mo. Ituloy natin ang kwento.
___________
Kinabukasn, may joint event ang college departments nyo at kayong mga freshman ang madaling mauto kaya't kayo lang ang participants. Tinawag itong camaraderie ng mga Psyche habang tinawag nyo itong torture ng mga kaklase mo sa Pol. Sci. Malakas ang ulan, malamig at lahat kayo ay nakapiring ang mata. Naulinigan nyo na ang activity ay tungkol sa trust. Sa panahong gamit na gamit ang salitang "trust" sa ibang bagay, wala kang ibang maisip na safe na kahulugan dito lalo na ng sabihin nila na tatalon ka mula sa upuan at sasaluhin ka ng mga team mates mo.
"Nakita ko kausap mo si Katarina kahapon sa library." ang tinig ng kaklase mong si Berto na noo'y so-so na kaibigan mo.
"Ano naman sayo tol?" ang tanong mo sa tinig ni Robin Padilla
"Sa akin sya bro. Ang kay Pedro ay kay Pedro" ang pagbabanta niya
"Alam ba niya?" ngunit wala kang narinig na sagot sa loob ng tatlumpong segundo
"Hindi pa pero lagi ko sya tinutulungan sa assignments nya. May unawaan na kami bro kaya hayaan mo na kami."
"Yun nga so kayo na nga? Tapos pag nalaman nyang kayo, break na kayo ganun?"
Biglang may babaeng humagikhik sa di kalayuan na tila nakikinig sa inyong dalawa.
"Oh humanda na ang mga nakapiring. Trust your team mates na sasalo sa inyo ok?" sigaw ng organizer
Nagpasalamat ka kase hindi isa si Berto sa sasalo sayo dahil hindi mo alam kung anong kaya nyang gawin para sa pag-ibig.
Nakaraos naman sa activity na yun na wala kang injury at ilang sandali pa'y tinanggal nyo na ang piring. Tanging mga ilaw lang ng kandila ang nagsisilbing liwanag at laking gulat mo sa nasaksihan, isang lalaking may panyo sa ulo na may hawak na kandila at kulang na lang ay mga dahon ng sambong para magmukhang albularyo ang kasalukuyang lumalandi kay Katarina! Medyo matagal ang pagkakapiring mo kaya't nanlabo ang iyong paningin or sadyang mahirap lang talaga makita si Berto sa medyo madilim na kapaligiran pero sigurado kang sya ang lumalandi sa diwatang na-meet mo kahapon.
"Mawalang galang na binibini pero maaaring lumayo ka ng konti sa taong iyan bago tuluyan kang madala sa kanyang orasyon." ang bungad mo sa dalaga
"Ay hello" ang sweet na bati niya sayo
"So napag-isipan mo na ba yung sagot sa tanong ko?" ang tinig ni Berto na nagtatanong sa dalaga at kasalukuyang nainterrupt ng iyong presensya
"Ah yung sa id, ego at super ego?" ang paglilinaw ng dalaga
"Hindi yung isa pa. Yung...." hindi na naituloy ni Berto ang kasunod dahil tuluyan ka nang umentrada
"Katarina, naniniwala ka ba sa reincarnation?"
"Uhhmmm... kinda. Baket?
"Kase tingin ko dati kang apoy"
"Hala baket?"
"Kase feeling ko unti-unti na kong nadadarang sayo." kasabay na naman ng ngiti mong medyo nanginginig pa ang labi
"So dati kang kahoy ganun?" ang natatawang tanong ng dalaga.
"Oo, at sayo lang ako magiging marupok"
"Boom! Haha..." ang priceless na halakhak ng dalagang aliw na aliw sa kalandian mo habang naiwang nagpapatulo ng kandila si Berto sa sarili nyang balat.
Ilang sandali pa'y nag-announce ng quick break ang organizer at nauna nang lumabas ang naiinis na si Berto. Habang galit na galit sa straw ng zesto ay kinausap ka nito.
"Bro, hindi ako bilib sa mga diskarte mo. Hinahamon kita. May the best man win."
Hindi mo masyadong sineryoso ang sinabi ng kaibigan habang hawak-hawak sa bulsa ang piraso ng papel na naglalaman ng landline number ni Katarina na patagong iniabot ng dalaga. Tanging ngisi lang ang ibinato mo sa nilalang na wala kang idea na magiging kaibigan mo on and off sa unang limang taon at magiging kapatid mo na sa mga darating pang mga dekada.
Salamat sa Bayantel at sa unli call nito, hindi mo kelangan gumastos ng malaki sa cellphone load. Lingid sa kaalaman ng lahat, lagi na kayong inaabot ni Katarina ng madaling araw sa pag-uusap. Grabe ang koneksyon nyo, walang dull moments, nagkakasundo kayo sa kahit anong topic. Madalas na rin kayong nakikitang magkasama sa campus at sa mga fishbolan sa labas ng campus.
Lumipas ang mga araw at ganap na ngang natanggap ni Berto ang kanyang pagkatalo ng malaman nyang Mag-Un na kayo ni Katarina. Naging supportive na lang sya at winish na maging maligaya ang lahat sa mga relasyon nila lalo na si Mich na martir na isa nyo ring kaibigan. Subalit ang relasyon na iyong napasukan ay hindi pangkaraniwan. Maswerte pa ang maxx candy, sweet at may label, samantalang yung sa inyo, sweet lang.
Sweet kayo sa isa't isa, kumakain kayo sa labas, suki kayo ng Megamall foodcourt, naglalaro kayo sa arcade, may terms of endearment pa kayo. Nagke-care ka sa kanya at nagke-care sya sayo ngunit tila may kulang. Hindi naman officially kayo. Isang araw, hindi mo napigilang magtanong sa kanya.
"Ano ba tayo?"
"What do you mean?"
"Etong set-up natin. Anu ba tayo?"
"We're fine. We're good naman. Why?"
"Naiisip ko lang kase, can't we make it more official? Kase alam mo background photo na kita sa friendster ko tapos nakalagay ka na sa bio ko pero ikaw wala ka man lang pinopost na photo or anything about saken?"
"Dun lang ba yun nasusukat? Tsaka ok naman yung company natin kahit di natin i-broadcast."
"Ganun ba? So ok lang din na ibinubugaw ka ni Lafing sa mga Management students? Kase nga wala naman tayo label at pwede mong gawin kung anung gusto mo?"
"Watch your mouth! Anong tingin mo saken bitch para ibugaw?"
"Sorry naman. Nadala lang ako ng damdamin ko. Patawarin mo na ko. I'll give you time, I'll stay with you no matter how long. Gusto ko lang matawag kang "mine" officially.
"I don't feel we want the same things down the line. Alam mo na in the first place na studies ang priority ko. I can do whatever I want as long as I'm not attached to anything but to my studies."
"Ok I understand. Sige I'll just stay here with you."
"No. Stay away na. You're making it weird now. At burahin mo na yung mga friendster pics ko pakiusap. If you'll excuse me, malelate na ko sa Chemistry class ko."
Tumingala ka sa langit para hindi tuluyang malaglag ang mga luha mo. Kahit yung hindi na lang sana pagpatak ng luha mo ang matirang palataandaan na matigas ka pa rin kahit durog na durog na ang puso mo. Pero hindi, pumatak pa rin ang butil ng luhang iniingatan mong malaglag.
"Bro, samahan mo ko RTC, wala ako mahanap sa jurisprudence ng kaso ni Castellvi...umiiyak ka ba?" ang tanong ni Berto na animo'y bigla na lang iniluwa ng punong mangga.
"Hindi bro. May nalaglag dun sa puno, napuwing ako. Sige tara. Tapos ipagdamot natin sa classmates natin kase tayo naman yung nagpakapagod."
Inilihim mo kay Berto ang kasawiang yun dahil sa kahihiyan. Sa bandang huli, wala naman talagang "best man" na nanalo sa inyong dalawa. Inisip mo pa nga na mas maswerte si Berto dahil di na nya naranasan ang naranasan mo.,.ang mapasok sa "no-label" relationship na maaaring nagawa nyo na lahat sa isa't-isa, kulang na lang ay yung "kayo".