“Ay may kinakasal na tikbalang!”
Saturday, August 15, 2020
Pagbabago
Thursday, August 13, 2020
First Heartbreak (kinda)
A younger friend approached me one day seeking advice on how to be romantic or sweet. I almost got choked by the coffee I was drinking and told him “Kid, you are barking on a wrong tree”. Let me take you back to 2011.
Wednesday, August 12, 2020
Kwentong Pila
Tirik na tirik na ang araw pero hindi pa rin ako nakakapasok sa
BDO. Hindi naman ako manghoholdap although mukha na akong holdaper dahil
lumalampas na sa facemask ko ang mahaba kong balbas, dagdagan pa ng
nanglilimahid kong kasuotan at shades na ala Romy Diaz. Magdedeposito lang ako
ng perang pambayad utang pero hindi ko inexpect na extended din ang lenten
season hanggang August. Ito na marahil ang pinakamahabang Biyernes santo
ngayong taon. Nagsimula ang araw na yun na puno ng sigla pero mukhang disaster
ang kahihinatnan.
Nang tumilaok ang manok ng kapitbahay ay gising na ako. Mangyari
ay susugod ako sa mga bangko sa kabisera hindi para magkamal ng salapi, kungdi
para magbayad ng utang. Sinabi ko na nga sa unang paragraph pa lang.
(paulit-ulit nu). Wala nang ligo-ligo, mumog lang, hilamos nang konti at isang
dakot na tiwala sa sarili na kasing fresh pa rin ako ni Kwon Sang-woo. After
all di naman ganun ka-crowded ang mga bangko dito sa probinsya.
Naghintay ng medyo matagal then nakasakay din sa bus papuntang
sentro. May nakatabi akong dalaga sa upuan na parang hindi kumportable sa
pagkakakupo. Nais kong sabihin sa kanya na ako lang to miss, wag ka magpanic.
Hindi araw-araw na may nakakatabi syang oppa.
Narating ko ang BPI branch pagkatapos ng halos isang oras na bus
ride. Masyadong maaga ang dating ko at mainam yun dahil walang pila. Lingid sa
aking kaalaman, may pila pala, hindi ko lang napansin dahil nagsisiksikan ang
mga tao sa kakapirasong lilim ng building na para bang mga bampirang ayaw
maarawan. “Welcome po sa tropical country na Pilipinas!” gusto kong ibulyaw sa
kanila.
“Brod andun ang pila. Pila tayo ha.”sambit ng mamang mukhang
stress na mula nang ipinanganak sabay turo ng dulo ng pila.
“Sensya na sir” at tumalima ako sa pagpunta sa dulo ng pila. Gosh,
8 am pa lang at ganito na ang pila at 9 am pa magbubukas ang bangko? “This is
unbelievable” ang nasabi ko na lang sa sarili. Wala naman nakarinig so ok lang
mag-English.
Nag-iinit na ang mukha ko. Pwede ko nang pigain yung facemask sa
dami ng pawis tapos iwiwisik ko sa kasunod kong bading na andaming hanash.
“Panu na lang ang mga shampoo commercials na pagmomodelan ko
kung magkakasplit ends ako dito?” complain ni ateng na hindi ako sure kung sa
tao ba yung commercial na tinutukoy nya o sa livestock. Basta, hindi talaga
kumportable pumila lalo na nang marealize ko na labindalawang bayan nga pala
ang pinagsisilbihan ng iilang mga bangko dito at talagang dadagsa sila lalo
pa’t holiday nung nakaraang araw. Hindi rin umuusad ang pila dahil pinaghalo ng
mga henyong sekyu ang pila ng papasok sa bangko at gagamit ng atm. Very
organized. Pero tahimik lang ako, composed, inisip ko na lang na para sa mga
Kadamay to.
Umusad ang pila past 9 am na. Ito yung mga time na magiging
proud ka sa pagiging senior citizen dahil priority ka sa pila. Isa rin sa mga
perks na fronliner ka kase dire-diretso ka lang din sa transaction. Pero sa mga
karaniwang maglulupa na tulad ko, kelangan ko manatili sa pila at isipin na
lang na may talent scout na makakadiscover saken. This time ay hindi na ko
stress sa haba ng pila kungdi sa pagsusuot ng mask. Kase nga panu ako
madidiscover ng talent scout?
Magte-10 am at malapit na ko sa entrance. Pinafill-up ako ng
form na katunayang hindi ako posibleng covid carrier. Buong sigla kong
sinulatan ang form at dahil pabibo ako, nakipagkwentuhan pa ako sa gwardya. Ang
inakala kong smooth lang na kwentuhan ay naging abala pa nang punahin ng
gwardya ang punto o accent ko.
“Ay galing ka po bagang Manila sir. Kailan ka pa po dito?
Patingin daw po ng quarantine cert ninyo kung mayroon?” in a split second
naging detective Conan si manong.
“Ay meron po. Naito baga po o.” nagkumahog akong ipakita ang
quarantine cert at kinausap sya sa puntong hindi ko naman talaga kinalimutan
pero “Kuya, hindi katulad ng ex ko, babalik din ang punto ko, bigyan mo lang
ako ng panahon.” gusto ko sanang sabihin sa kanya.
Nasa ganun kaming tagpo nang pinauna na nilang papasukin ang
becky na kasunod ko. Hindi naman sa pag-aano pero sumingit na lang sya sa pila
e tapos nauna pa sya saken dahil lang TH si kuya guard? Masama rin ang tingin
ng isa pang babae na siningitan ni ateng. “Hayaan mo na ate, di natin sya bati”
napangiti si ate ng bahagya lang. Asawa nya yata kase yung pinabili nya ng
palamig na kasama nya sa pila. Bago pa ako mapa-trouble pumasok na ko sa
bangko.
“Walang kikilos ng masama! Ilagay ang lahat ng pera sa bag!”
gusto ko sanang isigaw nang masayaran ng aircon ang perfectly tanned kong balat
nung nasa loob na ko ng bangko. Nakakainit ng ulo ang hassle na dala nitong lintek
na pandemyang ito. Buti na lang medyo mabilis ang transaction sa loob, kudos
BPI. Pero yun din pala yung time na gusto kong huminto ang oras.
“Hi sir, anu pong sa atin?” tanong ng binibining teller na may
pinakamagandang mata na nakita ko sa araw na yun (mata-mata na lang ang labanan
dahil sa facemask). Para makasiguradong hindi lang puro mata ang dalagang nasa
harapan ko, tiningnan ko ang ID nya at kumpirmadong marikit nga talaga sya.
“E miss gusto ko sanang malaman kung available ka after ng shift
mo. Yayain lang sana kita magpahangin sa Bagasbas.” yun sana ang gusto ko
ibulalas, pero hindi kase kami ganung mga taga-Paracale.
“Sir, ok ka lang po? Patingin na lang po ng transaction slip
nyo.” follow up ng dalagang nasa 25 yata ang edad na nahalatang na-starstruck
ako. Iniabot ko ang slip para iwithdraw lahat ng laman ng account ko. Habang
pineprepare nya ang pera ay naisip ko, anung plano ng mga bangko sa mga
naggagandahang mga teller na to? Balak ba nila magtayo ng pageant agency? Gosh.
Nang maiabot ni binibini ang pera sa akin ay parang ayaw ko pa
umalis. Hindi man matuloy na holdapin ko yung bangko pero at least yung puso
nya na lang sana. Ngunit kelangan ko na umalis, magpipenetensya pa ko sa BDO.
Paalam binibini, hanggang sa muli.
Paglabas ko ng BPI ay dumiretso ako sa Jollibee. Ahh… Jollibee
you never let me down, ang paraiso ng chickenjoy at pambansang CR.
“Masain ka po sir?” tanong ng gwardya ng Jollibee.
“Mabakal lang sana ng sarong hot fudge” sagot ko.
“Ay sige sir pero bago ka maglaog magfill up ka muna ning form”
utos ng gwardya. Form na naman?!!! Medyo kumplikado ang form ng Jollibee. Para
bang kahit wala kang covid ay gusto nilang magkaroon ka. Sa dami ng tanong
parang gusto mo na lang mag “yes”. Anyway, finill-up-an ko ang form at hinulog
sa drop box. Iraraffle daw yun tapos kung sino mabunot ay ipapadala sa
isolation facility. Then dumiretso na ko sa CR na sya naman talagang sadya ko.
At dahil wala ngang hot fudge sa Jollibee, dirediretso na ko sa labas. Btw,
bago mo ko i-judge, gusto ko talagang kumain na nung mga oras na yun, hindi pa
ko nag-aalmusal pero nagmamadali kase talaga ako.
Merong dalawang BDO (o tatlo, di ako sure) sa kabisera na pwede
ko pagpilian. Ang gameplan ay simple lang, piliin ang may kokonting pila. Sa
isang branch na napuntahan ko, sa sobrang haba ng pila, parang gusto mo na
magdala ng kumot at unan pati supply ng pagkain. Sa sobrang haba ng pila, gusto
ko itanong kung magsasara na ba yung bangko bukas. So chineck ko ang isa pang
branch at narealize ko ang plot twist ng kung bakit sobrang haba ng pila sa
unang branch, kase dun ay malilim habang dito sa pangalawa ay gagawin kang
solar panel.
“Ate san ang dulo ng pila?” tanong ko kay ateng nakashades na
parang vocalist sa banda.
“Mag-e-atm ka ba o over the counter?” tanong nya na medyo smart
ang dating.
“Over the counter teh” sagot ko.
“Dito lang ang pila. Sira ang ATM”.
Di ko alam kung naluto na ng araw ang parte ng utak ni ate kung
bakit tinanong pa nya yung sa ATM e sira naman pala. Pero cool lang ako, pila
na lang ako. “Pero bakit tatlo ang pila teh?” curious na tanong ko kay ate.
“Zigzag kase yan. Pero magkakadugtong yan. I-confirm mo na lang
sa gwardya. Basta pumila na lang ako dito” paliwanang ni ate. Ang problema sa
ting mga Pilipino kung ano yung nadatnan nating sistema, ayun na lang ang
ina-adopt natin. Hindi na ko nagconfirm sa gwardya dahil medyo malayo sa
entrance. Isa pang problema nating mga Pilipino, tamad.
Time check, 10: 45 am. Literal na nakabilad kami sa araw na
parang dilis. Parang gusto ko magchange career at magtraining bilang bumbero.
Kaya kong tiisin yung haba ng pila pero parang bibigay ako sa tindi ng sikat ng
araw. Tama nga yung becky na nakasabay ko sa pila ng BPI, ang lakas maka-split
ends. It’s a disgrace na ang dating leading man sa Stairway to Heaven ay heto’t
sinasangag ng buhay. Hindi ito maaari, kelangan meron akong gawin. Ngunit
walang salitang namumutawi sa king bibig, ako’y Pilipinong matiisin. Kakayanin
ko to.
Marami na kaming napagkwentuhan ni ate. Puyat lang daw sya kaya
medyo sabaw yung sagot nya saken kanina. Sabi ko di naman nya kelangan magpaliwanag,
di pa naman kami. Pero di ako makafocus sa mga kwento nya, lagi ako
nadidistract tuwing nag-aalis sya ng mask para uminom ng tubig. Haysss sana
bottled water na lang ako. Perfect teeth at may biloy sa pisngi (di mo alam
yung biloy nu? I-google mo). She has a very charming personality. Mage-11:30 na
nun at nagbeastmode na sya at napagpasyahang kumprontahin ang gwardya. Gusto ko
sya, fierce.
Pinabantayan nya saken ang pila. Babalik din daw sya. Sabi ko
naman “Sige lang te, ako’y maghihintay”. Habang nakikipagdiskusyon si ate kay
kuya guard na aking natatanaw, pinagmasdan ko ang usad ng pila. Sobrang bagal
at bagama’t kalahati lang ito nung sa isang branch, ay ito pala ang paborito ng
mga senior citizens at frontliners. Teka lang, mukang mali ang desisyon ko.
Isang oras na nakakalipas pero isang dipa pa lang ang iniuusad ko. Panay-panay
ang paalam saken ng mga kalapit ko sa pila para bumili ng tubig, snacks, diaper
etc. Ginawa nila akong Guardian of Pila. Pero ok lang, mahalaga bumalik si
ateng perfect teeth.
20 minutes ago na, mukang di na babalik si ate, nakitang kong
pumasok pero di ko napansin lumabas. Ang dami kaseng kwento nung ale na nasa
likuran ko. Ginawa akong Tiya Dely. Wheww…akala ko pa naman babalikan nya ko sa
pila. Heto ako, sinusunog sa ilalim ng araw, nauuhaw at pinaasa.
Lumapit ang gwardya sa pila mga bandang 12:15. Kinumusta ang mga
kalagayan namin na parang pulitiko at humingi ng paumanhin. Pinagfill up na
naman kami ng form. Wow, unli form nang araw na yun. Maingay na rin sa pila.
May mga nag-iiskandalo na dahil sinisingitan sila, mga nagcocomplain dahil sa
kondisyon nila etc. All eyes sa entrance ng bangko dahil everytime na may
pumapasok na hindi pumila ay mistulang asin na ibinubudbod sa sugat, ganun
kasakit na nauna pa sila samantalang kami ay nagpapakahirap sa pila. Tapos from
time to time, dumarating ang mobile ng pulis para paalalahanan kami ng social
distancing. Gusto ko na nga sigawan na hulihin na yung magdyowang
naglalampungan dun sa pila hindi dahil lumalabag sa protocol kung di dahil ang
lakas makapa bitter. Get a room!
Mag-aala una y media at malapit na kami makapasok. Nakilala ko
si Paul na nagtitinda ng isda sa palengke na tinorotot ng asawa kamakailan
lang. Si Tiyang Sita na treasurer sa baranggay na professional na sa pilahan sa
dalas nyang pumila dun at unli din ang bunganga sa kwento. Si Carol at Lyn na
mga kolehiyala na dun na lang din naging friends sa pila dahil pareho silang
hater ni DJ Loonyo at si Mang Oka na hater ng DDS pero di daw sya dilawan.
Naging close na kaming lahat dahil sa tagal ng pila.
Nang makapasok na kami, napansin ko na may lalaking bigla na
lang din pumasok at lumapit sa deposit machine. Di ko napigilan magtanong sa
guard.
“Kuya, pwede pala dumirestso na sa loob pag gagamit ng deposit
machine?”
“Oo. Bihira naman may gumamit nyan. Pag nakita mo available,
pasok ka na agad kase isa lang allowed sa loob para sa machine” buong bibong
paliwanag ni kuya guard.
Parang nagsaklob ang langit at lupa sa narinig ko. Gusto ko
manakit ng gwardya pero ayoko ma-Tulfo so kalmado ko lang din syang kinausap.
“E kuya sana inannounce nyo kanina sa mga nakapila na available
ang deposit machine at pwede na sila dumiretso. Nagmuka akong tanga na pumila
at nagpakahirap para magdeposit tapos eto at maluwag naman pala sa deposit
machine” ang dismayado kong pahayag. “May napansin ka bang babae kanina na
pumasok na naka-red at nakashades?” tanong ko na lang kay kuya guard at
tinutukoy ko si ateng smart na sinabing babalik sya pero hindi naman. “Ah oo
yung palung-palo? Nagdeposit yun dyan sa machine.” nakangiting sagot ng
gwardya.
I felt betrayed. Paano nagawa ni ate na iwan ako sa pila
pagkatapos nya akong pagbantayin. Hinintay ko pa naman sya. Wala na ko pakialam
kung hindi man lang nya ko ininform na pwede na pala ako gumamit ng deposit
machine. Pero sana binalikan man lang nya ako at nagpaalam ng maayos para
nakapagdesisyon ako kung pipila pa ba ako or magpapahangin na lang kami sa
Bagasbas!
Successful kong naideposit ang pera. Almost 2pm na nang makauwi
ako sa bahay. Makakaligo na rin sa wakas. Pagod, haggard, hopeless at naging
disater nga ang araw na ito. Yan ang nararamdaman ko habang pumapatak ang tubig
sa tustado kong balat. Sana maisip ng mga bangko yung convenience ng mga
clients nilang nakiki-cooperate naman at naiintindihan ang kasalukuyang
sitwasyon sa gitna ng pandemya. Lahat ay hindi gustong maglaan ng ganung
katagal na unproductive hours sa pila. Sana ayusin din yung porma ng pila at
hindi yung parang snake and ladder ang sistema. Sana rin consistent yung
komunikasyon ng mga nag-oorganize ng pila para updated ang mga nakapila sa
cause ng delay at kung merong mga exemptions. At sana din yung mga nangakong
babalik ay bumalik. Masakit umasa at maghintay sa wala.
Tuesday, July 28, 2020
Once Upon a Time in Facebook Dating
Thursday, July 23, 2020
My Quarantine Story
April 28, Tuesday night. Magdadalawang buwan na kong
nakalockdown, literal. I mean lahat naman except sa mga di nagcocomply. Ano
yun? Debold? Bastos. Anyway, eto kwento ko.
Sobrang toxic ng taon na to. Ang daming nangyari saken. Start pa
lang ng taon, umaapaw na yung mga kamalasan sa buhay ko. Alam ko madami din ako
nagawang kamalian pero grabe naman yung naging balik sa akin. So I decided to
quit my job para makalanghap ng sariwang hangin sa Bicol, its just too much. Di
ko alam ang naghihintay saken sa probinsya pero either magstay ako at mag-end
up sa Mandaluyong or harapin yung kawalan ng kasiguraduhan sa hometown ko na
nilisan ko for 17 years.
Dumating na ang sasakyan ng kuya ko. Time check, 10 pm. Isinakay
ko na ang mga gamit ko. Nang maipagpag ko ang aking huling alikabok sa Pasig,
handa na kong lumisan. Hindi ko sasabihing maluha-luha ako para lagyan ng
flavor ang kwento ko pero ganun talaga nangyari e. Tsaka *&*#!! ang sakit
talaga mangagat ng mga lamok sa Pasig, quantity na, quality pa.
Habang lulan ng sasakyan ng kuya ko, pinag-uusapan na namin kung
panu kami lulusot sa mga checkpoint. Nasa height ng ECQ ang Metro Manila nun na
mistulang ghost town ang EDSA. Kahit may food pass siya dahil nagdedeliver ng mga
goods sa North Luzon, hindi pa rin sya confident. Pero sabi nya ang mahalaga ay
mailabas nya ko ng Metro habang matino pa akong nakakausap. Sweet.
First challenge sa SLEX, hinabol kami ng mobile despite na may
food pass kami. Yun pala e nakalabas ang armchair ko sa likod. Habang puno din
ng produkto ang loob ng maliit na truck, halos di na rin magkasya ang mga gamit
ko. Napa exit kami sa bandang Laguna kahit di naman yun ang plano. Dahil nawala
kami sa expressway, natagalan kami kakahanap ng tamang daan. Sinuggest ko na sa
kanya na baliktarin na namin mga damit namin. Ayaw nya.
Nakalabas kami ng Laguna dire-deretso hanggang Quezon province.
Pagdating sa Calauag, medyo mahigpit ang checkpoint, medyo natagalan kami dun.
Pero level 1 pa lang pala yun kase ang tunay na aksyon ay nasa entrance ng
Camarines Norte. Pinalagpas na kami ng bantay sa Calauag pagkatapos nyang
sabihin ang verbatim nya, parang may QA lang. Sa dami siguro ng dumaraan na
chinecheck nila, naging parang sound na sila ng nagtitinda ng hanger at ipit sa
Divisoria. "Sampu lang lahat ng klase, bili na suki 99999x".
Putok na putok na ang araw nang dumating kami sa Sta. Elena.
Putok na putok na rin ang mukha ko sa puyat at pagod. Pinagsanib na pwersa ng
sundalo at pulis ang nakabantay. Parang papasok kami ng Marawi. Eto ang
gameplan: Magpapanggap akong pahinante nya, papasok kami sa Cam. Norte at
magpefeeling naisahan namin yung mga bantay. Hindi nagwork.
Lespu: Ano ka nitong driver?
Me: Kapatid po tsaka pahinante.
Lespu: First time mo ba papasok ng Bicol?
Me: Ay hindi po. Duh. Pang-ilang byahe na namin to.
Lespu: Patingin ng dala nyo.
(Tiningnan ang loob ng truck. Bawas na ang laman dahil
dinrop-off na ang ibang produkto sa Quezon.)
Lespu: Namputsa lipat bahay to nu? Di ka pahinante nito. Ngayon
ka pa lang papasok sa Bicol.
Me: Mali ho. Pang-ilang byahe na namin to. Pinadala lang po yan
samin. Nagmagandang loob lang kami. Di mo lang kase ako napapansin, di naman
kase ako famous (sana sinabi ko yung huling sentence pero baka ipinalo saken
yung M16 so nagshatap na lang ako)
99.9% nang convinced yung bantay at itataas na lang yung harang
nang umepal naman yung isang sundalo. Chineck ang permit ng kuya ko at
natuklasan na hindi ganun kagwapo yung totoong pahinante ng kuya ko. Masyado
daw akong fresh para maging pahinante lang (nagdedelusyon na ko ng mga oras na
yun). Ikinakasa na ng officer yung charge laban samen sa paglabag sa Bayanihan
Act pero nagbago isip nung nakiusap ako na iquarantine na lang ako sa island
with coconut trees, beach everyday (malapit na ko maheatstroke sa part na yan).
Nadamay pa kuya ko, binawian sya ng permit to enter sa Cam. Norte. Nagsorry ako
sa kanya. Sabi nya ok lang, kesa naman mastuck ako sa Pasig. Sweet.
So isinakay na ko sa military truck papuntang holding area sa
Sta. Elena, Cam. Norte. Sa sobrang bilis nung takbo pati kaluluwa mo parang
gusto na humiwalay. Pagdating ko sa holding area, within 24 hrs lang daw dun
then susunduin na ng bayan na nakakasakop sa PUM. Ah ok, cool, e di sige
maghihintay lang ako. After all patience is virtual.
Masaya sa holding area. Iba't ibang istorya ang maririnig mo.
Nariyan yung mga naglakad from Manila to Bicol. Yung mga nastranded sa Quezon
Province na unli-quarantine kase magto-two months nang nakaquarantine at di pa
rin nakakauwi. Kase naman lahat yata ng probinsya na daanan ng isang kasama ko
na PUM ay naquarantine sya. Masaya. Nakikita na raw nya si Hesus.
Mababait ang mga pulis na bantay sa Tabugon. Friendly sila at talagang
secured ang area. Mababait ang mga kasama kong PUM. Marami kaming
napagkwentuhan. Naenjoy ko ang pag-stay sa sinabing holding area. Naenjoy ko sa
loob ng 5 days. P*****-*** Paracale anu na?!!! Susunduin nyo pa ba ako dito?
Yes, ang 24 hrs na sinabi ay fake news. Nanatili ako dun until napalapit na ang
puso ko sa mga nakaquarantine na taga Sta. Elena (sa isang area ay quarantine
naman ng mga taga dun). Minsan nawawasak ang puso ko pag may umaalis at
sinusundo na ng bayan nila. Magkahalong lungkot at inggit ang naramdaman ko.
Sana ol.
Mandatory ang diet sa holding/quarantine area. Pang Kim
Kardashian ang portion ng pagkain. Tipong pati buto ng karne ay kakainin mo na
rin dahil sa konti ng portion (I think di naman kase ako meant magtagal dun
pero nangyari na e). Buti na lang malinis palagi ang rest room, lagi naming
nililinis. Laging walang dahon na nagkalat kase uma-umaga kami nagwawalis. Ang
galing, para kaming larawan ng pabalat ng tsitserya nung 90s. Pero inip na ko
nun.
Sa ika-limang araw, ganap na 9 pm, dumating ang Vinzons at Labo
LGU para sunduin ang mga PUM nila. Wala pa rin ang Paracale. Unti-unti na ko
nasasanay. Sabi ko gagawa na lang ako ng Boysen commercial dito. Pero on my
surprise, isinakay na rin ako ng mga nasabing LGU para i-drop off sa entrance
ng Paracale. Parang pusa lang na ililigaw. Ok na rin, at least makakaalis na ko
sa holding area at MAGSISIMULA NA ANG 14 DAYS QUARANTINE KO (Tama, inabot ng 19
days in total ang quarantine ko.). Nagpaalam na ko sa mga lamok sa Sta. Elena
na nakapalagayan ko kaagad ng loob sa unang gabi pa lang. Di sila ganun kasakit
mangagat di tulad sa Pasig na parang laging may "karga" ang mga lamok
dun.
Malakas ang ulan nung gabing yun ng Linggo. Salamat pa rin sa
NDRRMO ng Labo dahil kahit ibinaba nila ako sa boundary ng Paracale na parang
pusang matakaw sa ulam, e nakaramdam na ko ng pag-asa, andito na ko sa hometown
ko. Nagsindi ako ng sigarilyo pagbaba ko bilang selebrasyon. Nakita ako ng mga
kakilala ko at agad akong binati at inalok ng kape. Natuwa naman ako. Pero ang
hindi nakakatuwa, magpapalipas ako ng gabi sa checkpoint na yun sa tabi ng
kalsada dahil hindi available ang NDRRMO ng Paracale para ihatid ako sa
quarantine facility. Dito na ko nagbreakdown, literal na naluha ako. Malamig sa
checkpoint, nabasa ako ng ulan, gutom na din ako at kahit mga lamok dun ay
hindi ako winelcome. Di nila ako kinakagat kase PUM nga ako pero ang ingay nila
sa tenga. Holy ****. Kalbaryo ang buong magdamag pero sa wakas ay nasundo na
rin ako para dalhin sa quarantine facility. Welcome to hell!
Masaya sa quarantine area ng aking bayan kahit mala walk-in
oven. 7 kaming nandun na umaga, tanghali, gabi na pinagsasaluhan ang sardinas
or corned beef or tuyo. Di naman palaging ganun pero madalas e yun ang rasyon
samin. May times na nakakatikim kami ng isda or manok pero sa sobrang bihira,
yung kasama ko halos di na ma-autopsy yung natitira sa plato nya. Marami ang
distribution ng kanin sa quarantine facility na yun at mahihiya ang Mang
Inasal. Pero kanin lang talaga. Kaya nagpasalamat ako sa mga friends and family
ko na naghatid ng pagkain saken. Lab yu ol.
May mga nakasama ako sa quarantine na hindi kasali sa free food
at hindi yun katanggap-tanggap. So sharing is caring sa oblo at nagsheshare
kami sa isa't isa sa lahat ng pagkakataon. Lagi rin kami nagkekwentuhan,
nagtatawanan para lang madivert yung atensyon namin. Sa harap ng quarantine
area ay simbahan na itinayo nung 1611 na magpapaalala sayo na pagsubok lang ang
lahat. May libre pa kaming panalangin everyday at san ka pa, ang laki ng alarm
clock namin, pag tumunog, gising ang buong baranggay. Tinry namin magpuslit ng
pang tattoo sa loob para may extra kaming libangan. Kidding.
Isang gabi, may narinig kaming boses "I want to play a
game" at lumabas sya na nakabisekleta sa room, ang pangit nya. San na nga
ba yung kinekwento ko? Ang haba na e nu? Congrats pala ha nakarating ka sa part
na to.
So ayun nga, isang gabi, hindi maganda pakiramdam ko. Nakaubos
na ko ng pitong baso ng kopiko black sa buong maghapon. 3 days na lang lalaya na
ko at bumubulwak na yung sobrang inip kaya ginawa kong tubig yung kape (at
least di ako nagtiktok, ewww...Harry). Time check, 10pm at nahihilo ako.
Dumungaw ako sa bintana at dinama ang malakas na hangin dahil sa bagyo. Ang
sunod na namalayan ko, ginigising ako ng kasama ko kase bumagsak ako sa sahig.
Seizure ang nangyari at nangingisay daw ako. Nagpanic lahat sa loob. Wtf.
Positive yata ako. Sinisipon din ako nun at inuubo. Positive nga yata talaga.
Isa sa mga kasama namin na miyembro ng BFP ang kumontak sa nurse para icheck
ako. Inasikaso ako ng mga kasama ko. Wapakels sila kung covid man yun. Damay
damay na. Dumating ang nurse, binigyan ako ng gamot sa high blood. High blood
lang daw yun. Medyo na-offend ako kase sa payat ko na yun na parang POW nung WW2,
high blood pa ko. Bukas na lang daw ako itetest. Ang galing talaga kase
kinabukasan, walang test na nangyari. Matira na lang matibay. Buti na lang at
gumaan na pakiramdam ko pero wala pa rin talagang nagcheck saken para man lang
malaman ko kung bakit ako nagpass out. Pero hinala ko caffeine overdose tsaka
kulang sa tulog.
Day 19, May 17, araw ng paglaya. Excited na ko lumabas.
Nakaraang gabi pa lang nakagayak na mga gamit ko. Ang araw ding ito ang isa sa
mga araw na hindi ako pinakain maghapon. Wala na daw akong rasyon. Ah ok, fine.
Siguro naman di nyo ako paaabutin ng gabi dito at ihahatid nyo rin agad ako sa
bahay nu? Mali. Inabot ako ng 6:30pm sa quarantine sa last day ko, no brekfast,
no lunch and no girlfriend. Mabuti na lang at nakita ng kasama ko si Mayor at
agad na tinawag para ipaalam na laya na ko and either ihatid nila ako sa bahay
ko or ihatid ako sa huling hantungan dahil walang kain at walang mautusan
bumili ng pagkain at bawal kami lumabas at wala na rin akong pambili talaga.
Anyway, nagrespond naman si yorme at naihatid ako sa bahay. Bago ako umalis sa
quarantine, nagpasimple muna ako ng dirty finger dun sa place.
Nakita ako ng tatay ko at ngumiti sya. Sa wakas nakalabas na rin
ako. Di agad ako nakakain dahil nalipasan na nga ako ng gutom. Non-stop ang
kwentuhan namin, pangangamusta. Mas masarap ang redhorse pag halos 3 months mo
nang di natitikman.
Tinanong ako ng mga kabaranggay kung anung nangyrai saken, sabi
ko natrap ako sa Bermuda Triangle. May diskriminasyon pa rin sa kabila ng cleared
na ko at nagdusa na ko sa quarantine.
2 weeks pa nakalipas bago nag sink in saken na malaya na nga
ako. Nagsisimula na ulet ako ng buhay dito. Yung nakikita mo sa picture na may
six packs, dark skin at nakahard hat at nagmimina ng ginto? Wish ko din maging
ganun.
Masaya ako na nagiging positive na ko, I mean sa pananaw. Pero
nakatakas man ako sa malalang sitwasyon sa Metro Manila, ang agam-agam ko pa
rin ay nasa mga kaibigan ko na nandun pa rin at patuloy na nakikipagpatintero
sa chances. Sana ok lang kayong lahat palagi.
At dito nagtatapos ang walang kakwenta kwentang quarantine story ko. Pero mas better naman kesa sa story ni Marlou. So sana may napulot kayo. Ciao.