Thursday, February 13, 2025

Move On: Be Better, Not Bitter This Valentine’s Day (Science, Philosophy, at Biblical Takes sa Pagmo-Move On)

 

"Bakit Ang Hirap Mag-Move On?"

Valentine’s na naman. Ang iba, may date. Ang iba, may jowa tapos ikaw? Nagtitimpla pa rin ng 3-in-1 habang nag-aabang kung may magse-“seen” man lang sa’yo sa Messenger. Mahirap ba magmove-on kapatid? Kasing hirap ng pagsagot sa exam na hindi mo nireview dahil inuna mo ang landi? O mas mahirap pa dun?

Sabi nila, “Past is past.” Pero bakit ganun? Bakit kahit gustuhin nating kalimutan, bumabalik pa rin ang memories? Kahit busy ka, kahit maraming ginagawa, marinig mo lang yung "Tahanan" by Adie (or kung anumang theme song nyo na kakornihan) o madaan ka lang sa favorite nyong Alfamart, mage-emo ka na naman. Ano bang meron sa utak natin?

Madalas nating marinig “Hayaan mo na, move on ka na.” sabay lagok ng redhorse. Sapat na yun? Move on lang? Paano kung hindi lang pagmove-on ang kailangan natin ate para mahinto na yang pagkakape mo mag-isa tapos lumalamig din naman kase tulala ka malala?

Himayin natin ang topic na ito katulad ng kung paano himayin ng ex mo yung isdang ulam nyo dahil saksakan ka ng pabebe. I-touchbase natin ang Science, dantayan natin ng Philosophy at budburan natin ng mga aral sa Bibliya. Tantanan mo na yang kakadistract sa sarili mo at subukan mong intindihin kung bakit ka nagkakaganyan. Di ka marunong bumitaw e. Dati ka bang tuko?


1. "Adik ka kahit di ka aware." (Scientific Take)

Ayon sa neuroscience, hindi lang puso ang nasasaktan kapag iniwan ka—buong utak mo, affected. Minsan, kahit anong pakiusap mo sa sarili mo na "tama na, let go na", nagigising ka pa din na sya ang nakarehistro sa utak mo kahit di naman kagwapuhan.

Sabi ng mga scientist, kapag in-love ka, dopamine at oxytocin ang nagpapagana sa’yo—mga chemicals para sa happiness at attachment, dahilan kung bakit feeling high ka pag-inlab. Kaya kahit toxic na yung relasyon, kahit pinagpalit ka na sa mas magaling na Tiktoker, kahit hindi ka na masaya and finally yun nga, nagbreak na kayo, bumabalik-balik ka pa rin kase hinahabol mo yung pagiging bangag mo sa pagmamahal na dala ng mga nasabing kemikal sa utak mo. Literal kang may withdrawal symptoms. Withdrawal symptoms na dahilan kung bakit bumabalik ka pa rin sa old convo, old pics (kahit mukang panakot sa daga), stalk-stalk pa din kahit blinock na (create lang ng dummy acct) at ang malala...naghihintay ka pa din na may bumalik. Kase everytime na nag-aattempt ka na bumalik sa nakaraan, may konting dopamine pa din na sumisipa sa sistema mo na nagbibigay pa din ng konting saya sayo pero hindi na pangmatagalan kase later on, magtutubig na naman ang mata mo. Pero repeat pa din kase feeling mo yun na lang ang kaya mong gawin after break up. Gusto mo yung ganyan na lang?

Para kang adik talaga.
Kaya pag sinabing "Mag-move on ka na", para mong sinabihan yung adik na "Wag ka nang gumamit." So kung may tokhang lang sa mga di makamove-on, baka nasa listahan ka na kase after kang payuhan ng friend mo (na di naman lahat magaling), iniisip mo pa din yung ex mo habang nagkakape (tigilan mo nga muna yang kakakape. Adik!).

At eto pa ang matindi:
Sabi ng studies, ang rejection ay may parehong epekto sa utak na para bang sinaktan ka ng pisikal. Kaya minsan, years na ang lumipas, may hapdi pa din. Parang injury na bumabalik-balik dahil sa tinatawag na lateral habenula na parte ng utak na naghahandle ng rejection at negative experiences. Irereplay nya nang irereplay yung hapdi na dinanas mo hanggang magkamental health issues ka na. At mahirap syang kontrolin unless may mental toughness ka at lumalaban. Eto pa malala, ipupush ng utak mo yung mga positive na pinagsamahan nyo to the point na unti-unti na nyang binubura yung toxic memories nyo na dahilan para mabaliw-baliw ka na at tuluyan nang magparamdam ng "balikan". John Lloyd and Bea mode ka na ngayon. Worth it ba makipagbalikan? Most of the time, ang sagot mo "OO" kase nga adik ka na...pero di ka aware.

Di lahat ng idea ng balikan ay okay, OK? Mag-psychology naman tayo. Sabi ni lolo Freud, malamang "id" mo na lang ang nagsusumigaw sayo na makipagbalikan. Sobrang lala ng emosyon mo at wala ka maisip na makakapagpatahan sayo kungdi "sya". Tsk, tsk, tsk.. That's immature ate/kuya. Kase as per lolo Freud, with "ego" marerealize mong hindi priority na habulin mo sya para lang maging ok ka. Iprocess mo nang husto at wag kang childish na nagmamaktol dahil nasaktan. In reality, sa kailaliman ng sarili mo manggagaling yung solusyon  at madalas...pag-move on talaga yung the best. Lastly, mula naman kay Carl Jung, "Your urge to reconnect might be your shadow self forcing you to face deeper questions: Was he/she really "the one," or am I chasing something in myself that I haven’t resolved? So ang ending, baka meron ka lang sa sarili mo na dapat mong hukayin para maging OK ka.

๐Ÿ”น Eto ang tools kapatid:
Kung gusto mong maka-move on, kailangan mong i-rewire ang utak mo. Para bang sa android, i-factory reset mo.

Maghanap ng bagong dopamine source—fitness, hobbies, bagong goals, diskarte mo na yan.
Iwasan ang mga trigger—wag mo nang i-stalk pakiusap! May tinatawag na neural pathways sa utak na dahilan kung bakit naaatach ka pa din kahit gusto mo na mag-move on. Everytime na pine-feed mo ang utak mo ng mga alaala at triggers, lalong lumalakas yang neural pathway na yan na dahilan para sabihan kang tanga ng bestfriend mo. Magdeactivate ka kaya or baguhin mo na playlist mo. Mag 711 ka na lang instead na Alfamart. Mga ganun.
Baguhin ang routine—kung dati, araw-araw kang nag-aabang ng bagong mababasa sa chat nya, bakit di ka magbasa ng libro? Puro ka kalandian pero yung reading comprehension mo pang grade-4 pa din. Try mo naman kaya paganahin utak mo sa ibang bagay.

Huwag mong hayaang utak mo ang kumontrol sa’yo. Ikaw ang dapat na kumontrol sa utak mo.


2. "Minsan, Ang Pagmo-Move On Ay Hindi Pagtatapos, Kundi Pagpapalaya." (Philosophical Take)

"One must have chaos in oneself to give birth to a dancing star." - Friedrich Nietzsche

Sabi pa ni lolo Nietzsche, the highest form of love isn’t attachment, but the ability to love someone without needing to possess them. Kung totoong mahal mo, pakawalan mo na at wish all the best na lang sa kanya. As in yung totoong "I wish you all the best ha". Hindi yung break na, nag last goodbye na tapos biglang "need natin ng closure...". Mga galawan ni kuya oh.

Sabi naman ni Plato, ginawa daw tayo originally na may dalawang ulo, apat na kamay at apat na paa pero isinumpa at hinati sa dalawa ng diyos. Kung gusto daw natin maging buo ulet, hanapin natin yung kalahati natin...yung soulmate natin. Etong si ate, g na g magpost sa facebook tungkol sa soulmate nya (daw) tapos nagbreak din. Kaya broken na broken daw sya kase nahanap na nya soulmate nya, nawala pa.

Wag tayo mag-gaguhan dito. Kahit si Plato, hindi sya nag-agree na porke natagpuan mo na ang "other half" mo e happily ever after na. Minsan may dumarating sa buhay natin na hindi nakatadhana mag-stay, pero nakatadhana na turuan tayo. Therefore, may mga pag-ibig na ang purpose e maging stepping stone lang natin, maging daan lang natin...hindi maging destinasyon natin. Kase yung past na yun ang magdadala saten sa "the one". Sinang-ayunan yan ni Dostoevsky na para naman sa kanya, minsan higit pa sa nawalang jowa yung matatagpuan natin kungdi yung malalim na purpose talaga natin kung bakit tayo nag-eexist. Love can transform us and shape us into someone new which will lead us into better chance of finding our best half.

Ang tanong naman ni lolo Aristotle, sure ba tayo na Philia at Agape yung pag-ibig natin kay ex o baka naman puro Eros lang? Eros love is more on physical or strong attraction lang na mababaw while Philia is with deep respect and Agape is unconditional love. Hindi lahat ng pinaglalaban natin e totoong pag-ibig. Minsan obsess lang talaga tayo.

O baka naman nanghihinayang ka na lang dun sa "what ifs" at hindi na talaga dun sa tao? Sabi ni Kierkegaard, "The most painful state of being is remembering the future you can no longer have." Kung ganun naman pala e bakit di ka na lang magsimula ulet and this time mahalin mo na yung tao talaga, hindi yung idea lang ng pagmamahal, hindi lang yung mga ilusyon na kalakip ng pagmamahal.

Now get one whole and answer the following. 25 pts. each. Mahuling magpasa auto-singko:

๐Ÿ”น Sobrang sakit? Pero paano kung meant ‘yan para maging mas malakas ka?
๐Ÿ”น Feeling mo siya na yung The One? Pero paano kung siya lang ang stepping stone mo papunta sa taong talagang para sa’yo?

Minsan, kailangan nating bitawan ang isang bagay hindi dahil wala nang halaga, kundi dahil natapos na ang halaga nito sa buhay natin.

Accept the lesson.
Grow from the experience.
Gamitin ang masakit na kahapon para maging better at stronger version ng mga sarili natin.


3. "May Mas Malaking Plano Ang Diyos." (Biblical Take)

Sabi sa Ecclesiastes 3:1, “There is a time for everything.”

Kung hindi kayo tinadhana, baka kasi hindi siya talaga para sa’yo.
At kung sakaling siya nga, darating siya sa tamang panahon, sa tamang paraan.

๐Ÿ”น Pero paano kung mahal mo pa?
Tama lang na malungkot. Kahit si Hesus, umiyak nung namatay si Lazarus. Pero hindi Siya nanatili sa lungkot.

Sa halip na tanungin kung bakit kayo nagkahiwalay, tanungin mo: Ano kaya ang tinuturo ng Diyos sa’yo ngayon?

Baka natututo kang mas mahalin ang sarili mo.
Baka may mas magandang darating na mas deserve mo.
Baka kailangan mo munang maging kumpleto mag-isa bago pumasok sa relasyon.

Ang pagmo-move on ay hindi lang tungkol sa paglimot, kundi sa pagtitiwala na may mas magandang plano para sa’yo.

“Kalimutan na ninyo ang mga nangyari noong unang panahon; huwag nyo nang alalahanin pa ang mga lumipas. Ako ang Diyos na gagawa ng bagong bagay; ito’y nagaganap na, hindi pa ba ninyo namamalayan? Magbubukas ako ng daan sa disyerto, at magkakaroon ng ilog sa ilang.” (Isaias 43:18-19)

Bitterness chains you to the past. Growth sets you free.


FINAL THOUGHTS: "Be Better, Not Bitter."

Hindi mo kailangan maging bitter ngayong Valentine’s. Kung iniwan ka, kung hindi natuloy ang love story niyo, wag mong hayaan na ‘yun ang magde-define sa’yo.

Aayusin mo ang mindset mo (Science).
Laliman mo ang pananaw mo sa buhay (Philosophy).
Ibibigay mo kay God ang mga bagay na di mo kontrolado (Biblical Wisdom).

At sa susunod na makita mo ang ex mo sa feed mo, wag mo na tanungin kung "Kamusta na siya?"
Mas magandang tanungin ang sarili mo:

"Kamusta na AKO?"

At kung kaya mong sagutin ‘yan ng may miracle glow-up at peace of mind, congrats.

‘Yan ang tunay na move on.

Share