Thursday, February 20, 2025

I Choose to Keep Pushing Myself To Limits

Habang sakay ako ng motor ko papunta sa gym pagkatapos ng maghapong paghahanapbuhay, di ko talaga lubos maisip kung bakit ako nagpapakahirap sa pagwoworkout kung pwede naman ako humilata na lamang sa bahay at mag-scroll sa socmed at manuod ng reels at manuod ng youtube or magnetflix or mag-games. Bakit di ko na lang aliwin ang sarili ko sa hundreds of different visuals sa parihaba kong gadget na nakukunsumo ko sa loob lamang ng ilang minuto? Mga impormasyon na di ko naman kailangan pero at least naaaliw ako nakakalimutan ko mga problema ko. Bakit di na lang ako tumulad sa iba na kinukunsumo ang natitirang mga oras sa araw nila na naglilibang at nagpapasarap na lang? Nagpapakapagod ako, nagpapawis at sumasakit ang katawan for what?

Ganito ang routine ko sa halos araw-araw. Gigising nang 4:30, magkakape, magseself-reflection hanggang 5:00 then tatakbo for 20 minutes. 10 minutes bago ang shift ko, naghahabol pa ko ng hininga, naliligo pa ko sa pawis pero nakaharap na ko sa PC at nagchecheck ng emails. Sisimulan ang madugong bakbakan sa mundo ng conveyancing hanggang sa halos hindi na kaya mag-function ng utak ko at kinekwestyon ko na ang mga life choices ko sa bandang hapon. Ikaw ba naman kase ang nakuha pang tumakbo ng ilang kilometro bago bugbugin yung utak mo. Pero di pa dun natatapos ang kalbaryo at yun nga, magwe-weights pa ko sa hapon. Anong kalokohan to?!! Pero kung dati ka pang nagbabasa ng blog ko, alam mo kung saan ako nanggagaling.

Now that I'm approaching at my target days ng sobriety, wala na sigurong mas maangas pa kesa saken. Nakaya ko yun? Isang taon walang inom ng alak? Tapos may pa-running at weights pa. San ka pa? Pero napansin ko, as I get closer and closer to my goal, pababa nang pababa yung intensity ko. Pabawas nang pabawas yung motivation ko. It sucks kase feeling ko ang weak ko na tao na porke feeling achieved na, parelax-relax na lang. So ano magsstart na naman ako tumagay? Maghahambog na naman ako sa mga tropang hindi naman ako pinansin nung nasa proseso ako ng pagbabago. At para maplease sila dahil feeling alone ako sa tinahak kong changes e babalik ulet ako sa laro nila? No way friend! I dare to lose barkada if they are not gonna help my cause. So I choose to keep grinding kahit hindi na ganun kataas yung motivation ko kase its no longer "what keeps me moving?" but "why I'm not moving?" Its all about DISCIPLINE now!

Why the fuck na ang blessed na tulad ko na biniyayaan ng work from home setup na halos walang nasasayang na oras (maliban sa occasional na OTY) dahil matic nasa bahay na after shift e GUGUGULIN ang p*****-i**** oras sa mga walang kapararakan, purong pagsasayang ng oras na mga bagay?!! Tapos ano pag may gout, pag may acute gastritis or hindi na halos makaya ang sariling timbang tuwing kumikilos, maghahanap ng sisisihin? Pag sinusumpong ng malalang anxiety, malalang moodswings, magdadrama at iiyak na lang sa isang tabi? Ikaw na p*****-i** ka na mas piniling mag-scroll at lantakan yang sangkatutak na processed foods sa tabi mo, pasalamat ka kase baka nasa 20s ka pa lang ngayon at kaya pa ng katawan mo. Pero magbilang ka lang ng ilang taon pa at tingnan natin kung paanong ikaw at ang katawan mo ay maghuhumiyaw sa panghihinayang na sana...sana nung bata ka pa, pinalakas mo na ang mga maskels at mga buto-buto mo. At ikaw naman na hindi na bata, ano na? Asa na lang sa medical maintenance? Awit sayo lods.

No slowing down for me. NO ALCOHOL for life? CHECK! HEALTHY DIET for life? CHECK! EXERCISE and ACTIVE LIFESTYLE for life? CHECK! They say life begins at 40? Mine is beggining now. Di na ko maghihintay mag 40. The best time is now. My version 2.0 has just been unleashed and theres no stopping sa path ko for greatness.

"Discipline isn’t about feeling motivated—it's about showing up even when you don’t feel like it. Comfort is the death of progress. Keep grinding." 💪🔥 #NoExcuses #StayRelentless

Share