Wednesday, January 22, 2025

Warning to Myself

 10 months na nang sinimulan ko ang alcohol free journey ko at masasabi kong tagumpay ako kahit di ko pa nakukumpleto ang 12 months. Sa ngayon ay parang polishing na lang ng mga magagandang habit na naestablish ko ang ginagawa ko kase di pa rin ako nagpapaka kumpyansa na hindi ako magrerelapse. Unless masolidify ko ang methods ko kung panu ko namaintain ang alcohol free lifestyle, dun ko lang masasabi na kaya ko nang maging alcohol-free sa mga natitira pang taon ng buhay ko.

May concern lang ako na dati ko pang narerealize pero lately ko lang talagang pinagbuhusan ng pansin. Yun ay ang maging complacent o pagiging sobrang kumportable. Maganda ang pasok saken ng taon financially speaking pero katumbas nito ay ang temptation na naman na magpaeasy-easy. Inagapan ko na ang pag-warning sa sarili ko na kapag sumablay ako ng sunod sunod, magiging weak na naman ako at baka maging asshole na naman ako at tuluyang bumalik sa dating gawi.

I have symptoms na naman ng addictive personality ko at ang narcissistic tendency ko ay unti-unti na namang sumisimple sa mga simpleng interaction ko sa ibang tao. Sa addictive personality ko, may mga unconscious behavior na naman ako na lumalabas tuwing nasstress ako ng husto tulad ng desire ko na kumonek sa taong kinaadikan ko, my ex. Kung nakafollow ka sa previous entries ko, nabanggit ko dun how I managed to not even send a tiny hint to her that I'm thinking of her sa mga times na nadadaan sya sa isipan ko. Dahil just because I can, doesn't mean I should. Aside from the fact na wala akong business sa kanya, hindi rin wasto na kapag stressed ako e iche-chase ko yung relief through her (na sobrang nakasanayan ko nung kami pa). Ang golden rule ko sa recovery ay do not rely on anyone but yourself kahit gaano katempting to get a relief sa taong nagbigay sayo ng sobrang comfort dati. Kung hindi kayo in good terms, let go and go on with your life. Period.

With my good shape, good results from working out na no doubt e makikita na sa pisikal kong anyo, I'm starting to look down on people at unt-unti na naman akong nagiging entitled dahil may naachieve na naman ako. Minumura ko sarili ko minsan dahil nangako ako na hindi na ko magiging narcissist pero pag nalingat lang ako o saglit na nakalimot, nakakapanlait agad ako, nakakapagmataas agad ako. I know na minsan e mga biruan lang with my colleagues pero kelangan kong i-work out ang pagiging sensitive. May kanya kanya tayong buhay.

Ang naisip kong susi para solusyonan ang mga nabanggit kong problema ay ang "wag pakakampante" na attitude. I know na broad sya at parang dark kung papakinggan pero ang gusto ko lang sabihin e wag ugaliing maging kumportable kase ang pagiging kumportable ang dahilan kung bakit nagpe-fail ang mga katulad kong nagrerecover pa din. Kaya ilan sa mga strict activities ko everyday to win each day ay ang mga sumusunod:

1. Tumatakbo ako ng alas singko ng umaga - Dati pa ako tumatakbo ng regular pero walang eksaktong schedule. Pero ngayon, tuwing alas singko, hindi na ako pumapalya. Ito ay para makondisyon ko kagad ang katawan ko sa mga shit na maeexperience ko sa maghapon. Sa pagtakbo sa umaga, kahit gaano ka-inconvenient, nararamdaman ko yung disiplina na lalong lumalakas sa sistema ko. Gusto ko tong habit na to kase bago pa lang pumutok ang araw, yung energy ko sobrang taas na.

2. Receptive sa mga hamon sa trabaho - Di na ko pala-complain o kung anupamang kahambugan sa trabaho lalo na pag nahihirapan at puro excuse. Walang madaling trabaho! Kumilos ka at gawin mo nang naaayon sa role mo. Tanggapin mo ang new assignments at wag puro reklamo. Walang growth kung walang challenge. 

3. Afternoon workout - Binubuhos ko lahat ng stress ko sa workout kesa mag stress eating at humilata. Oo nakakapagod physically magbuhat at mag-grind sa gym sa oras na dapat nagpapahinga ka na kase tapos na trabaho mo. Pero itong gym ang pinaka number 1 na source ng discomfort na pinaka epektib. Kahit nakapag-cardio na ko sa umaga, itutuloy ko pa rin ang pag weights kase pag natengga ako sa bahay o kung saanpaman na kumportable at nagpapasarap, kung anu-anong kabaluktutan na naman ang pumapasok sa isip ko.

3. Mindfulness pagkatapos ng nakakapagod na araw - Kinukumusta ko sarili ko bago ako matulog at nirerate ko kung gaano ako naging kasuccesful sa kada araw. Small wins pero counted. Then wala nang kung anu-anong kabulastugan, pagkatapos ng pagmumuni-muni, pahinga na.

Target ko tong gawing consistent. So far isang buwan ko pa lang syang strictly nagagawa at walang palya (I'm so proud btw). Pero going sa 12th month ng pagiging alcohol-free ko, kasama kong ise-celebrate ang tagumpay ko sa paglaban sa pagiging average. Average na grabe magconsume ng comfort, tamang scroll sa socmed at kung anu-ano pang kwentong katamaran at procrastination. Well hindi ako average! Palagi kong iche-chase ang discomfort kase proven na effective yan para magkaroon ng growth. Kung hindi ko niyakap ang discomfort, baka hindi pa din ako nakakarecover hanggang ngayon.

Lastly, ang warning na palagi kong sinasabi sa sarili ko...wag na muna akong maghanap ng sakit ng ulo. Mahal ko sarili ko at alam kong capable akong magmahal na muli ng totoo pero sobrang aga pa mula sa previous failure ko. Chill muna ako hanggang I'm as hard as nails na kahit ang rejection o failure sa relasyon ay hinding hindi na ko matitibag.

Share