December 24, 2024, katulad ng mga asong nagtatago dahil sa paputok at ingay, tahimik din akong nakikiramdam sa aking silid kung may tropang kakatok sa pinto para mag-aya ng inuman. Wala akong balak lumabas para paunlakan ang kahit sino. I know this is the time of the year na matetest nang husto ang tibay ko sa temptation ng alak kaya isang linggo bago magpasko, pinaghandaan ko na talaga kung anong excuses ang ibibigay ko. Itinodo ko na din ang work out para ireinforce ang utak ko sa mas intense na focus na kakailanganin ko para hindi magfail sa goal ko na kumpletuhin ang isang buong taon na walang kahit isang patak ng alak na papasok sa sistema ko. Sobrang lupaypay ako sa maghapong exercise na tanging paghiga lang ang nagawa ko. Pagod physically pero satisfied deep inside. Ito na ngayon ang Christmas 2024 ko.
Around 8 pm, may kumakatok sa pinto. Kapatid ko kasama asawa nya at pamangkin ko ang dumating. May mga dala silang pagkain at dumating para mag-daos ng pasko sa place ko. Hindi ko maexplain ang galak na naramdaman ko na nandito ang mga mahal ko sa buhay na naalala ako at hindi hahayaan na palipasin ko na lang ang okasyon na mula pa nang bata ay magkakasama na naming idinadaos. Medyo nahiya ako dahil wala man lang akong share sa mga handa na dala nila. Higit sa lahat, wala akong regalo para sa pamangkin kong taon-taon kong pinapasaya sa mga laruan na binibigay ko sa kanya. Sobrang focus ko sa goal kong wag matukso sa alak ngayong holiday na nalimutan ko pati mga essential na parte ng tradisyon. Parang napaka selfish ko naman na yata at hindi na balanse ang amount ng sacrifice na ginagawa ko. Kaya dagli kong kinuha ang stuff toy na baboy na binili ko last year para ibigay sa pamangkin kong tahimik pa din sa mga oras na yun na waring nahihiya lang magsabi saken ng "asan ang gift ko tito?" Namilog ang mga mata ng pamangkin ko nang makita ang hawak hawak kong stuff toy. Wala syang pagsidlan ng tuwa at di maawat sa pagyakap saken kasama ng di matapos na "thank you tito!". Masaya din ako deep inside sa kabila ng katotohanan na ayaw kong i-letgo ang nasabing stuff toy. Nais ko sanang ibigay yun sa taong minahal ko nang husto sa sandaling nakabalik na sya ng bansa. Christmas 2023 was so rough na sa height ng break up namin, I did crazy things like drinking so much na halos naging mitsa na ng buhay ko kasama ng puspusan kong attempt na i-winback sya na hindi naman ako nagtagumpay. This stuff toy is a reminder of how much I refused to let go of her but now...I'm letting it go. Sa kamay ng musmos at inosente kong pamangkin, mas magkakaron ng meaning ang puffy,pink at adorable na bagay na ito. Oras na para balutin ito ng positibong enerhiya mula sa genuine na saya na meron ang bata kesa idisplay ko lang at iremind ang sarili ko sa naging failure ko sa pakikipagrelasyon. Baka maging katulad pa yun ni Anabelle na nabalot ng negativities at naging haunted.Wag naman...let it be free...let me be free.
Natapos ang pasko na kasama ko ang mga mahal ko sa buhay. Walang alak, pagkain at kantahan lang. Mga meaningful na kwentuhan at throwback sa masasayang naganap. Napuno ng positibong enerhiya ang place ko at simple man ang salu-salo, isa na ito sa mga pinaka meaningful na pasko na nangyari saken. First ever Christmas in a very long time na hindi ako lasing!
Come New Year, mas naging intense ang challenge ng pag-iwas sa alak. Umuwi ako sa probinsya katulad ng nakagawian at expected na ipu-push na naman ako ng kuya at tito ko na uminom ng alak pag nakiharap ako sa kanila. Pero this time, wala na ako balak magtago. Haharap ako sa kanila ng walang alak sa sistema ko para ipamukha sa kanila ang progreso ko at kung panung sila din ay dapat nang magisip-isip para sa kalusugan nila. As expected, may kahalo pang bully ang naging interactions namin pero naging balat-kalabaw na ko at hindi na nagpaapekto sa mga sinabi nila. Ni hindi na ko nagtry mag-explain. Dinaan ko na lang ang lahat sa ngiti dahil kung hindi pa sapat ang muscles ko at glow na taglay ko para patunayan sa kanila na naging ok ako dahil sa alcohol-free lifestyle, then problema na nila yun. Medyo limitado ang naging interaksyon ko sa kanila at sinigurado kong chill pa din ang paghaharap-harap namin kahit litro lang ng tubig ang nasa kamay ko. Wala pa ring replacement ang pamilya sa festivity na katulad nito at kahit na-cross na nila yung line at nadisrespect nila ako, I have nothing but respect to them at sa mga paniniwala nila. Natapos pa din ang bagong taon na peaceful at meaningful. Hindi na ko ganun kaingay tulad ng mga nakaraang selebrasyon dahil sa kalasingan at pinpulot na lang kung saan saan. Although I had to stay awake until morning to contemplate more on different aspects of life and shield myself more on more upcoming challenges ngayong 2025. Sabi ko, pag napagtagumpayan ko to, I will extend this advocacy to my love ones para sila rin ay magbago. I aim to inspire people and influence sa mas positibong paraan. Ito na ang magiging misyon ko sa buhay.
Sa March 2025, I will kick off the project that I have in mind. Sobrang positive ko na kaya kong talunin ang alak. Konting panahon na lang at makukumpleto ko na ang 365 days na alcohol-free. Napagdesisyunan ko na hindi na ko titikim ulet ng alak at magiging for life na ang misyon kong ito.