New Year's Eve 2025 nang pagtulungan ako pangaralan ng kuya at tito ko tungkol sa pag-inom ng alak. Para bang diring diri sila na kasalamuha ako habang hawak ang bote ng tubig samantalang sila'y baso ng redhorse ang tangan. Puspusan ang pagkumbinsi nila saken na magrelapse para sa okasyon na yun. Tanging para sa New Year lang naman daw na mas meaningful kung lahat kami ay umiinom. As if hindi pa sapat ang presensya ko na sa kabila ng temptation ng alak na nasa harap ko ay pinilit kong humarap sa kanila bagamat hindi ako umiinom ng serbesang tinatagay nila. Konti na lang at bibigay na ko sa matinding pagkumbinsi nila pero nanatili akong matatag at dinaan na lang ang lahat sa ngiti. Goal ko talaga na kunin ang respeto nila at sila na lang ang mapagod sa pagkumbinsi saken. Nagtagumpay ako at hindi na nila ako ginambala pagkalipas ilang sandali. Na-divert ang usapan sa ibang bagay at parang walang nangyaring nakisali ako sa tawanan nila. May kirot ng konti sa loob ko pero first time sa buong buhay ko na nanindigan ako ng ganito katindi. Personally, I found great pride deep inside at hindi ko nafeel na nabawasan ang pagkalalaki ko bagkus ay lalo pa kong tumibay at naging masculine. Hinding hindi ako pwedeng magrelapse.
Last week ng March 2024 nang huli akong makatikim ng alak. Yun din ang time na lugmok na lugmok ako at gusto ko nang i-give up ang lahat. Sa kagandahang palad, sa pamamagitan ng gamunggong katinuan na natitira pa sa sistema ko, nagawa kong baliktarin ang sitwasyon at simulan ang pagbabago. Di ko na halos madescribe ang pinagdaanan kong hirap at sakripisyo para sa pagbabagong yun. Malungkot at na-isolate ako nang husto. Pero sabi ko, wala akong hindi kakayanin...kaya ko to. For the first time in my life, lumaban ako ng buong giting at di gumive up. May mga time na tumatakbo ako na magkahalong pawis at luha ang umaagos sa mukha ko. Pero laban lang! Pag nagrelapse ako, ginive up ko na din ang natitira pang respeto na meron ako sa sarili ko. Hinding hindi ko yun papayagan. "This fight is personal!" Ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko. At sa bawat araw nga na dumadaan, lumalaban ako na parang sundalong nakasalalay ang buhay sa gitna ng battlefield. Itinaob ko ang bawat araw at ipinanalo na may ngiti sa labi. I'm a f*cking warrior and this war is my b*tch!!!
One day, people will see me as someone who didn't give up and chose to defeat my demons. Laitin nyo na ko sa pagiging kakaiba at pagiging mahina sa paningin nyo. Pero ang apoy na patuloy na lumiliyab sa puso ko ay hindi kailanman maaapula ng kahit anong sabihin nyo. Nakasalalay na dito ang prinsipyo ko, reputasyon at dangal ko na hinding hindi ko papayagang mawasak ng mga taong nag-aakalang malalakas sila pero kinakain na ng kahinaan sa kaloob-looban nila. Tawagin nyo na kong weird or nahihibang o anupaman pero lalo nyo lang akong pinapatibay. Hinding hindi na ko maigugupo ng kahit na ano. I'm tough as nails and I'm only getting stronger everyday.