Saturday, August 30, 2014

A Test of Humility

Recently, I've been reading and studying about lowering pride o pagpapakumbaba. Ito kase yung area na namiss ko bigtime sa buhay ko. Palagi ako mapagmataas, hindi tumatanggap ng pagkakamali at hindi nagpapatalo. So far nagwowork naman until last night, 08/29/2014, dumating ang isang pangyayari na humamon at nagbigay ng test saken tungkol sa tinatawag na humility.

Alam ko na maraming sensitive sa mundong ito na kapag personal na ang assault sa kanya to the point na nadedegrade na sya, either magrereact sya ng exaggerated kumbaga or kikimkimin na lang nya at iipunin hanggang sa sumabog sya. Kabilang ako sa mga taong yun  pero dahil aware ako na hindi yun positive na sign for being emotionally healthy, pilit ko syang kinokontrol by being more rational. Ang problema, lalabas at lalabas ang natural ng tao kahit gaano mo ito pigilin. So last night, isa sa mga co-worker ko ang dati pang walang habas kung magbitaw ng mga salita na totoong mean at masakit kung papakinggan. Ako naman bilang isang kilala na "kalog" at easy going, (dahil yun ang way ko para smooth lang ang pakikipagsocialize ko) ay madalas na magsuffer sa tinatawag na prejudice at humiliation. In short, napakadali lang para sa iba na ipaalam saken ang mga feedbacks o reaksyon nila saken, negative o positive. Naaappreciate ko yun dahil mas lalo ko nakilala ang sarili ko sa ganung paraan at nag-oopen din yun ng opportunity para makilala ko ang isang tao. Yun nga lang, kadugtong nito ang sari-saring offending, foul and below the belt na mga panghuhusga na inaabot ko sa kanila. To give an example,  I'm commonly called as non-sense, OA, sabaw, baliw and stupid. Fine! Criticisms accepted. Pero last night, the co-worker that I'm talking about, went beyond the usual and laid down the judgement to me as if ako yung naka-default na dapat masisisi agad at mahusgahan agad when a certain problem or issue in a team arises.

As a response, I tried my best para diplomasyahin sya, makipag-usap ng mahinahon kahit at the bottom of my heart, nandun na yung sobrang pain at sabi ko sa sarili ko, "this is too much". Base on that situation, i was offended and I asked for apology. Although hindi ko ineexpect na mag-aapologize sya pero I felt na since ako yung naagrabyado, ok na lang naman siguro na makarecieve ako ng apology tulad ng normal na tao. I failed, di sya nag-apologize and i broke down and i felt really sorry for myself for the very first time in my life. Sabi ko, talagang mahihirapan nako ire-stablish ang sarili ko as someone na kahit paano ay nangangailangan din ng pag-unawa at respeto mula sa iba. So after a short conversation with our supervisor who tried to mediate our situation, I told him "I have no choice but to just forget and forgive this time. But the pain brought by the truth that im ridiculed, humiliated because of what I am will stay for a while inside me."

Going back to the concept of pride and humility na nabanggit ko sa simula, yun ay dalawang salita na mahirap maintindihan at maisakatuparan. Pero seryoso ako na maattain yan sa sarili ko at alam ko na kelangan ko makarecieve ng ganitong mga challenges bago ko maachieve yan. So una kong natuklasan na challenge is yung pagtanggap ng pagkakamali na sobrang hirap at bigat sa kalooban. Out of the situation na nabangit ko, tinangap ko yung pagkakamali ko at ngayon ay nagmo-move on ako despite the fact na puro pagmamataas pa rin ang nakikita ko sa taong yun. Anyway, iba-iba naman ang tao at merong mga hindi lang ipapakita sayo ang meaning ng pagpapakumbaba, ituturo pa nila yun sayo. Special mention to my friend Abs na nagcecelebrate ng birthday nya ngayon (Happy birthday brad!). Ang taong ito na nagshare saken ng kagandahan ng pagbaba ng pride ay hindi nagsettle sa pangangaral lang sa pamamagitan ng salita kundi ipinakita nya saken kung ano ang ibig nyang sabihin nang minsang nagkabangga kami. Habang ako ay kasingtigas ng adamantium na naninindigan na ako ang tama at ni hindi ko sya iaappoach nung nagka-away kami, sya naman ay kasing lambot ng marshmallow na ibinaba ang pride at nag-open ng way para magreconcile o magkaayos kami...despite na narealize ko later, ako talaga ang may kasalanan ng lahat.

Hindi ko hinahangad na maging dakila pero sasabihin ko sa lahat ng makakabasa ng post na to, walang kasing-rewarding ang mabuhay sa pagpapakumbaba. Yan ang natuklasan ko, isasabuhay ko at ibabahagi ko rin sa iba.

JosemarĂ­a Escrivá’s 17 Signs of a lack of humility:

  • Thinking that what you do or say is better than what others do or say
  • Always wanting to get your own way
  • Arguing when you are not right or – when you are – insisting stubbornly or with bad manners
  • Giving your opinion without being asked for it, when charity does not demand you to do so
  • Despising the point of view of others
  • Not being aware that all the gifts and qualities you have are on loan
  • Not acknowledging that you are unworthy of all honor or esteem, even the ground you are treading on or the things you own
  • Mentioning yourself as an example in conversation
  • Speaking badly about yourself, so that they may form a good opinion of you, or contradict you
  • Making excuses when rebuked
  • Hiding some humiliating faults from your director, so that he may not lose the good opinion he has of you
  • Hearing praise with satisfaction, or being glad that others have spoken well of you
  • Being hurt that others are held in greater esteem than you
  • Refusing to carry out menial tasks
  • Seeking or wanting to be singled out
  • Letting drop words of self-praise in conversation, or words that might show your honesty, your wit or skill, your professional prestige…
  • Being ashamed of not having certain possessions…

Saturday, August 2, 2014

Kababalagh​an sa Opisina Part 2 (My Own Experience​)

Nagiging entertainment na saken ang mga encounters ko. "Spooky first of August" na matatawag ang gabing ito para saken. Nagpasya akong pumunta ulet sa zen room tulad nang nabanggit ko sa last post ko. Paghiga ko pa lang, alam kong may kakaiba nang mangyayari. 10 pm, 3 minutes na kong nakahiga, nakikiramdam pero lumipas ang sampung minuto, walang mabigat na kung ano akong naramdaman at wala ring humihila ng damit ko. Nakabaluktot ako nun na parang armadillo na dumidepensa sa panganib. Di ko alam kung bakit yun ang posisyon ko pero siguro gusto ko lang yakapin ang sarili ko at magself-rescue kung sakaling maging worst ang gabing ito.

Nakaidlip ako sa ganung posisyon at dun na ako nanaginip. Nakita ko ang sarili ko sa panaginip na nakabaluktot at nakapulang hoody (suot ko sa mga oras na yun). Unti-unting  umikot ang lazy boy ko, mabagal, pabilis nang pabilis hanggang maging sobrang bilis na parang ikot ng elesi ng  electric fan. Hindi ito ang gusto kong panaginip at feeling ko binabangungot na naman ako. Iginalaw ko ang pinky ko kasunod ang paa. Nagmadali ako sa pagmulat ng mata at HOLY S**T! Isang klarong imahe ng braso ang tumambad saken. Alam kong hindi ko yun braso dahil nakalong sleeves ako. Mga ilang segundo kong tinitigan ang brasong iyon na parang nakakapit sa ulunan ng lazy boy na hinihigaan ko.  Maputi at mabalahibo ang braso at halos dumikit na sa mukha ko sa sobrang lapit. Dahil nakabalukot ako nun, malapit sa mukha ko ang tuhod at nakita ko ang kupas na maong ko, walang anino ng kung sino man knowing na dapat ay nahaharangan nya (kung tao man yun na nakatayo sa tapat ko) ang konting liwanag na tumatagos sa zen room. Kumisap ang mata ko at sunod na nakita ko ay tuhod ko na lang, wala na ang kamay na kanina’y nakaharang. Ano pa ba ang ibig sabihin nito? Hindi ako nabigo at isang “friend” na naman ang naencounter ko this time.

Gusto ko nang lumabas ng zen room, nagsimula na kong kilabutan. Sapat na siguro yun ngayong gabi at sa ibang gabi naman yung iba. Mga ilang minuto akong natulala, sobrang tahimik sa loob ng zen room. Ang nakakabinging katahimikan ang nagdala sakin sa tatawagin kong “closing remark” ng bawat experience ko sa lugar na ito, ang “mala-insidous” na panaginip. Bumangon na ulet ako sa higaan pero alam kong tulog pa rin ako nun. Pagbukas ko ng pinto palabas ay bumulaga agad sakin ang isang bata na hindi ko masyadong madescribe kung babae o lalaki pero medyo mahaba ang buhok nito, nakahandusay sya sa sahig katabi ng trash can na aluminum (weird lang kase wala namang trash can na ganun sa building namin) at di sya gumagalaw. Nasa bandang kaliwa ko ang batang ito na siguro ay nasa edad 5 or 6 at pagtingin ko sa kanan ay isa namang babaeng may headband na nakapormang parang pang 90's at tandang tandang ko ang itsura nya dahil nakatingin sya sa akin. Palagay ko ay edad 23-26 ang babae na may fair na pangangatawan. Tumakbo ako sa madilim na hallway at bago ko marating ang internet kiosk na usual kong dinadaanan sa lahat ng panginip ko, nakita ko ang dalawa pang bata na hindi nalalayo ang edad sa una kong nakita. Tingin ko ay babae’t lalaki ang mga bata na nakaupo naman at may katabi ring aluminum na trash can. Tumunog na ang orasan ko bago pa man ako makarating sa dalawang bata at pagkagising ko, hindi ko maexplain kung nabitin ba ako o dapat ba akong magpasalamat dahil natapos agad ang isa na namang nakakakilabot na panaginip.

Lumabas ako ng zen room (totoo na dahil gising na ko this time) na nahihilo pa dahil sa biglaang gising. Lumabas ako at nakita ko ang TL ko sa lung center (smoking area). Matagal na sya sa opisina namin kaya tinanong ko sya kung sino na nga ba yung nagpaparamdam sa buong building. At sinabi nya na si “Lenlen” isang bata ang madalas na nangungulit sa opisina. Napangiti na lang ako. Tingin ko ay may friends pa itong si Lenlen.

Abangan ang susunod ko pang post.

Share