Au revoir- French
Auf wiedersehen- German
Sayōnara- Japanese
Adiós- Spanish
Vale- Latin
Bye- English
Paalam- Filipino
Kahit ano pa mang lengguwahe, iisa lang ang ibig sabihin e...pagpapaalam, aalis, lilisan, may tsansang magkakasama pa kayo ulet o maaaring hindi na. Alam mo yung pakiramdam na mabigat sa loob? Yung feeling na ayaw mong umalis, ayaw mong lumayo pero kailangan?
Minsan na akong nagmahal. Naexperience ko ang pakiramdam ng sinasabing "in love". Sa pagsasama namin, dumating sa point na sinabi ko sa sarili ko na "sya na nga" at nagsumpaan pa kami na hindi maghihiwalay at walang iwanan. Nung naexperience ko yan, masaya, para akong lumalakad sa ulap at special ang bawat araw sakin. Pero hindi lahat pala ng araw ay special dahil dumating din sakin ang araw ng pagluluksa at yun ay ang araw ng hiwalayan. Kailangan kong humiwalay, kelangan ko syang iwan dahil sa isang matinding dahilan. Alam kong masakit at baka di ko kayanin pero kelangan ko yung gawin dahil yun ang naiisip kong mabuting paraan. Ang tiwala kasi oras na nawala ay mahirap nang ibalik at ang relasyong wala nang sign ng pagtitiwala mula sa dalawang nagmamahalan ay hindi na dapat magpatuloy. Alam kong marerepair pa ang pagtitiwala at pwede na ulet magpatuloy. Alam ko din na the best pa rin na kasama ko siya kahit may lamat na ang pagtitiwala ko sa kanya. Pero gusto ko maging normal at ayaw kong maging habit ang pagdududa. Kaya't para sa ikakatahimik ng kalooban ko, nagdesisyon akong makipaghiwalay at umalis. Masakit, maraming luha ang nag-evaporate at sumama sa atmosphere na nanggaling sa aming mga mata. Pero ang hiwalayang yun ay hindi na mapipigilan at nangyari na nga, ganap ko na siyang iniwan. Naghihintay sya hanggang ngayon bagamat sinabi ko na hindi na ako babalik. Pero sa isang sulok ng puso ko, alam kong gusto ko pa syang balikan. Pero para ano? Para maghiwalay ulet?