Friday, January 20, 2017

Condomization

Ang population ng USA ay more or less 300 million samantalang ang Pilipinas ay more or less 100 million. Eto ang best part, ang land area ng USA ay 9.834 million km² samantalang ang Pilipinas ay 300,000 km² lang. Sabihin mo saken ngayon, ano pang paraan ang pinaka-efffective para masolusyonan ang problemang ito?

Maraming nagsasabi na hindi solusyon ang pamamahagi ng condom sa mga high school students dahil pinoprovoke natin sila na makipagsex. Magtapatan tayo, anung edad ka nade-virginize (lalaki ka man o babae)? May internet na ba nung panahon na yun? Malamang wala pa (or hindi pa laganap) kaya mas malala ang kinakaharap ng mga kabataan ngayon in terms of temptations.

Karamihan ng mga parents ngayon na nasa edad 40 pataas ay nabuntis habang "teen" pa lang sila. Sila ang nagshare ng pinakamarami sa 100 million na population na ito. Bakit sila nakipagsex agad sa murang edad nung mga panahon na yun? Saan nanggaling ang idea nila? Ano ang nagtulak sa kanila para makipagsex sa murang edad? Ang tanong ngayon, "ano ba talaga ang nagtutulak sa tao para makipag-sex?".

Masyado bang suggestive ang pamamahagi ng condom sa mga kabataan para mag-engage sila sa PMS (pre-marital sex)? Pwes, ano ang nagsuggest sa mga magulang noon na nabuntis sa murang edad at nagpalobo ng populasyon na ito? Imoral daw ba kamo? Question, so hindi imoral magkaroon ng mga batang nagugutom, hindi nakakapag-aral at paglaki'y kriminal at pasakit sa lipunan?

Sex education daw ang dapat at hindi ang pag-suggest na makipagsex sila basta may proteksyon. Anung klaseng sex education? May mga module na ba? Anung approach? Na-train na ba ang mga teachers natin? Na-prove na ba na effective ang method na ito? Gaano katagal pa bago natin masabi na "well educated na ang mga kabataan, hindi na kelangan itong pamamahagi ng condom" Kelan? pag 200 million na tayo sa kakapirasong pulo-pulong bansa na ito?

Ang problema sa ating mga Pinoy, masyado tayong konserbatibo pero GUSTO NATING ABUSUHIN ANG MGA SENSITIBONG BAGAY NG PALIHIM lalo na ang sex. Inaabuso natin ang sex pero ayaw natin itong pag-usapan dahil ito "daw" ay pribado at sensitibong bagay. 100 million!!! 12 million ay nasa kapirasong lupa ng Metro Manila at nagpapahirap sa traffic! Yet, pinapanatili pa rin natin ang pagiging konserbatibo? Seryoso? Sa kalidad ng edukasyon sa Pilipinas, tingin mo sapat ito para i-combat ang problema sa populasyon?

Enabling law at law enforcement ang solusyon para mapaglabanan ang problemang binabanggit ko dito. Dahil sa bansang katulad natin na ang disiplina ay hindi halos nakikita at napapag-usapan lang madalas tuwing inuman, walang solusyon kundi pangunahan ng gobyerno ang pagresolba sa mga social issues partikular na ang populasyon. Gaano man ka-extreme ang maging hakbangin ng gobyernong ito.

Tuesday, February 16, 2016

Don't fuck with smokers.


Don't fuck with smokers.
Some of our soldiers do smoke coz they might die one day from bullets, not from smoke.
Some of our heroes did smoke but they died fighting for your country, not from smoke.
Most of the call center people smoke but they might die from very high income taxes and sleeplessness, not from smoke.
Even some of your teachers smoke coz government is already killing them with a low salary, not the smoke.
Some of the firemen cant get enough of smoke from burning houses and they still smoke coz fire could kill them, not the smoke.
Some of the politicians, good or bad ones do smoke but its their deeds that could kill them, not the smoke.
Smokers do not die from smoking. Like non-smokers, it is their way of life that kills them, not the smoke.
-RXV1989-

Monday, January 4, 2016

13 Tips para Pumayat (Pagkatapos ng Matinding Paglamon este PagHAMON ng Pasko at Bagong Taon)


Sikaping gawin araw-araw hanggat maaari ang mga sumusunod:

1. Huwag mag grocery. Everytime na may kelangan sa bahay, tumakbo sa sari-sari store. Hindi lakad, takbo! Piliin ang malayong tindahan kahit pa tindahan ng tita mo yung mas malapit sa inyo.

2. Patayin ang aircon at electric fan. Namnamin ang natural na simoy ng abnormal na klima sa Pinas hanggang Pebrero. Tipid ka na sa kuryente, pinawisan ka pa.

3. Sumabit sa jeep. Piliin ang jeep na punuan at sumabit lang para mastretch ang mga brasong nagwawagayway nang kusa. Basta wag nang piliting sumabit kung may bakante namang upuan. Papagkamalan kang prankster pag ganun.

4. Manood ng horror na pelikula sa kalaliman ng gabi na nakatali o nakagapos sa pwesto. Sa ganitong paraan, siguradong magpupumiglas ka, maaaring magsisigaw pero wala kang magawa. Hindi ka rin makakuha ng popcorn o chichirya dahil nakatali ka nga. Magpapawis ka dahil sa takot at pagpupumiglas. Siguraduhin lang na hindi ka pipikit dahil wala namang nanunuod na nakapikit. Siguraduhin lang na walang sakit sa puso kung gagawin ito.

5. Paganahin ang utak pag malapit ng magutom. Makipagdebate sa kapitbahay tungkol sa kung sinong pumatay kay Ninoy o kung dapat nga ba manalo si Duterte. Maglaro ng chess, magsagot ng krosword at higit sa lahat, magbasa ng libro. Kung di ka pa masaya, sagutan ang algebra, trigo at organic chemistry problems na assignment mo o kung gradweyt ka na, halungkatin ang mga old assignments na di mo ginawa dahil bulakbol ka nung college at subukang gawin. Kapag aktibo utak mo, magbabawas ka ng calorie. At pag natiis mo ang initial na gutom, tiyak na malilipasan ka ng gutom. Gawin ito at least twice a week dahil hindi ito pwedeng gawin araw-araw lalo na kung dati nang malaki ang mata mo.

6. Makipagbreak sa jowa. O kung ayaw mo makipagbreak, udyukan ang partner na i-break ka. Ang sama ng loob na maaari mong maramdaman ay magko-cause ng kawalan ng ganang kumain at magrerelease ng maraming body fluid mula sa luha at sipon. Makipagbalikan kapag nakapagbawas ka na ng timbang.

7. Magkape nang magkape. Bukod sa caffeine na magko-cause ng puyat na nakakapayat, maaari ka ring maging acidic. Pag malala na pagiging acidic mo, papayuhan ka ng doktor na wag kumain ng maraming bagay. Kung may problema ka sa pagiging masunurin, wag ka na lang magkape.

8. Uminom ng alak na walang laman ang tiyan. Ang problema sa pag-inom ng standard na 8 glasses of water a day ay...boring. Sa alak at chaser, masusunod mo yan at malilibang ka pa. Plus, wala na ngang laman ang tiyan mo, susuka ka pa. Siguraduhin lang na hindi mo ito gagawin kung under 18 ka or walang pambili ng alak.

9. Magtanga-tangahan sa pagbili. Ito yung sequel sa #1. Kunyari di mo narinig yung utos ng nanay mo at toyo binili mo instead na patis. Takbo ka ulet pabalik sa tindahan. Tiyakin lang na hindi ito gagawin ng tatlong ulet para hindi panghinayangan ng parents mo ang pinang-tuition mo sa college.

10. Maglampaso ng sahig. Siguraduhing hindi linoleum ang sahig mo para magawa ito. Pero walang basagan ng trip di ba?

11. Bumyahe sa EDSA. Mga anim na balik mula North Edsa hanggang Mantrade na alternate MRT at bus. Subukan din ang ruta papuntang Cainta, Rizal. Sa mga taga Bulacan, i-try ang Bocaue exit. Papayat ka sa konsumisyon.

12. Maglaro ng "like push-up". Hindi pa naiimbento ang larong ito at baka kayo pa lang ang gumawa kung sakali. Makipagpaligsahan sa kapatid o bespren sa paramihan ng likes sa bagong upload na pic mo sa loob ng 6 hours. Siguraduhing halos magkasindami lang ang fb friends nyo. Ang may pinakakonting likes ay ima-minus ang total likes sa likes ng may pinakamaraming likes (putsa puro likes). Example: 20 likes minus 50 likes. Ang natalo ay magpu-push up ng 30. Sa ganitong paraan, nasunod nyo na ang pagiging GGSS nyo, naexercise pa kayo. Siguraduhin lang na hindi puro dummy accounts ang naglike.

P.S. Kung magkapatid kayo at walang naglike sa pics nyo, maaaring tanungin ang nanay kung ano ang problema.

13. Magpa-check up. Ang katakawan o kasibaan ay hindi lang kabilang sa 7 deadly sins (gluttony), ito rin ay psychological problem. Kaya't makabubuting komunsulta sa psychologist para malaman kung gaano ka na kalala.

Torture ang pagbabawas ng timbang o pagpapapayat lalo na kung baliw na baliw kang abutin yung standard figure mo na katulad kay Anne Curtis. Kesa utak mo naman ang maapektuhan sa kakapangarap na mag gym pero di ka naman naniniwala na "no pain no gain" (at taksil ka rin sa sarili mo dahil sa paulit-ulit na panloloko na hindi ka na mag-eextra rice), mabuti pang gawin na lang ang mga nabanggit sa itaas. Bukod sa hussle free at halos part ng normal na buhay mo araw-araw (kelangan mo lang i-exaggerate ng konti), maaaring makapulot ka rin ng aral sa mga ito. Aral na walang kasing dalisay at kasingpanatag sa kalooban ang MAKUNTENTO at maging CONFIDENT sa kung ano ka at kung anung meron ka.

Saturday, December 19, 2015

Classification ng mga audience ng Kontrabando ng TV5


Kelan lang ay pumutok ang isyu na gumimbal sa mga tumitingala sa Kontrabando bilang online show na walang takot insultuhin ang mga trapo at sablay na pulitiko. Pero nagbago na ngayon ang ihip ng hangin dahil sa ginawang pagsuporta ng isa sa mga hosts sa isa mga kandidatong dati'y laman ng kanilang pangungutya.

Ang kontrabando ay maihahambing sa mga late night shows na purely satirical and comedy pero dapat i-maintain ang pagiging transparent at impartial lalo na sa usaping pulitika. Pero dahil nahahati ngayon ang mga uri ng audience ng kontrabando from neutral, pro and anti, para saken, ganito ko sila ika-classify:

1. Mga tinitingnan lang ang show as comedy show at nanunuod lang para tumawa - Hindi nila tinitingnan yung value nung show as information disseminating tool (through satire) especially para sa younger audience so walang problema sa kanila kung maging instant "political ad" din ang show dahil sa isa o higit pang host na may ineendorsong kandidato. As long as matatawa sila wala silang pakelam kung ano ang impact ng mga katatawanan na yun sa larger scale.

2. Mga tumitingin sa show as info disseminating tool e.g. voters education tool- Naiintindihan nila na kahit hindi umeere ito sa TV, social media era ito na malaki ang kakayanan para mag-insert ng kaalaman o mag stimulate ng mind ng mga kung hindi man purely critical thinkers ay pati na rin ng mga selective type na netizens. Naiintindihan din nila na may freedom ang mga host sa kanilang private na buhay pero ang presensya ng personalidad na nag-iendorso ng pulitiko ay maghahatid lamang ng thought na ang show ay lumalayo na sa purpose nito at nagiging one sided.

3. Mga pessimist na audience (kung hindi nihilist at worst) - na naghahanap ng show na walang ginawa kundi manglait sa mga pulitiko at sa bulok na gobyerno. Nababawasan ang kanilang pagtangkilik pag lumambot na ang show either because hindi na masyado nambabatikos (dahil meron nang pinapanigan) o nagkaroon na ng kinatatakutan.

4. Mga fanatic na loyalista- Fan sila ng original na career ng mga host i.e. artista, model, komedyante etc. at nanunuod sila just to see their idols. Wala talaga silang pakelam kung para saan ang show at hindi matitibag ang pagiging fans nila. As long as nakikita nila ang mga idol nila, walang makakapigil sa kanila sa pagtangkilik ng show.

5. Mga naniniwalang ok lang na mag-endorso ng kandidato ang show pwera lang ang hindi nila gusto - sinuman sa mga host ang mag-endorse ng kandidato ay sure na panunuorin sa buong show para lang i-criticize.

6. Mga naghahanap ng entertainment na hindi saklaw ng MTRCB- mga pagod na sa programa sa TV na censored at may halong pulitika kaya't umaasang ang mga pagmumura o profanity sa kontrabando ay hindi nagrereflect ng kababawan ng mga pag-iisip ng mga host at ng buong production bagkus ay pagpapakita na ito ang show na tunay na magpapakita ng totoong kulay ng mga issue sa bansa sa kwela at kalog na paraan.

Monday, November 16, 2015

Iba't ibang uri ng babaeng estudyante sa loob ng klase (college).

Pretentious Lara Quigaman- Ito yung mga babaeng estudyante na GGSS na akala mo nakikinig sa prof pero hindi naman. Nakatingin sa prof pero naglalakbay ang diwa sa ibang dimensyon. Tapos pag nagtawanan ang lahat, tatawa din tapos magtatanong kung ano ang tinatawanan. Ang misyon nya ay daanin ang mga bagay bagay sa ganda kahit wala naman sya nun.

Rufa Mae Ginto- Akala mo ginto sya. Wag lang masulyapan ng kaklaseng lalake kahit di sinasadya ay nag-aamok na. So wag mo lang mahawakan to kahit sa laylayan ng palda at siguradong magwawala ito and at worst ay mananakit.

Marian Nabira- Ito yung mga estudyanteng babae na pagpasok pa lang sa classroom ay parang lobat na lobat na at gulo gulo ang buhok. Para silang binira ng sampung arabo tapos tinakbuhan. Karaniwang turn-off ang mga ganitong babae dahil hindi man lang kayang magsuklay.

Angel Lukring- Karaniwang may flight of ideas o yung hindi alam ang pinagsasasabi at kung saan saan dinadala ang usapan. Ang daldal na nga sa klase, wala pang katuturan ang sinasabi.

Angelina Goli- Karaniwang ok sya tingnan pero hindi nagsisinungaling ang amoy. Sa mga State-U na bihira ang airconditioned na classroom ay matatagpuan ang mga ganito. Makabubuting magbaon ng white flower o vicks at itapat sa ilong pag katabi mo sya para di ka mahimatay.

Lito Lapid- Bukod sa mukha syang lalaki ay lagi ring amoy Lapid's Chicharon ang hininga nya. Kahit charcoal toothbrush ay hindi makakatulong sa badbreath nya kaya makabubuting i-suggest na magmumog sya ng pinakuluang dahon ng bayabas o kaya naman ay pahintuin na sa pagkain ng chicharon.

Lisa Soberano- Maraming siyang lisa at siguradong maraming kuto. Pag pinansin mo, sasabihin na di sya hiyang sa shampoo nya.

Cherry Hills- Mahilig magsuot ng matataas na takong pero hirap maglakad. Sya ang perpektong larawan ng "tiis ganda".

Miley Virus- Wala syang pakundangan bumahing. Kahit nag-eexam at tahimik ang lahat, bigla syang babahing tapos mag-e-excuse me. Minsan pag bumahing sya, mahihiya ang Yolanda sa lakas. Lagi tuloy nyang nao-offend si Angelina Goli.

Yaya Snob- Ito yung mga reyna ng snob at walang pinapansin na kahit sino. Karaniwang matalino sa klase pero loner. Ikaw na rin ang mahihiyang kopyahan sya. Kadalasang makikita sa Mcdo na kumakain ng hot fudge na nag-iisa.

Mirriam Defender Santiago- Hayok sa COC at di maawat. Laging iniisip ang depensa ng base kahit nasa gitna ng klase at siguradong aattack kahit nagkaklase pag nakakuha ng pagkakataon.

Sponge Boob- Trying hard magpalaki ng boobs kaya pilit sinisiksikan ng sponge o foam ang bra. Akala siguro ay nasusukat ang kapasidad ng utak sa size ng boobs.

Contact Person- Adik sa contact lens. Halos araw-araw ay iba't ibang contact lens ang suot. Walang pakelam sa mata kahit peke ang sinusuot na contact lens. Akala mo ay ikinaganda nya yun ng sobra pero sa totoo lang, mukha syang pusang nag-uupdate pag hindi sya gumagalaw.

Chang Amy- Kasama ng trio tagapayo, sya ang takbuhan ng mga nanghihingi ng advice. Karaniwang sya ang nakatatanda sa klase at marami nang karanasan.

Mamon Girl- Walang dudang sya ang reyna ng pabebe at ang sarap busalan ng mamon ang bunganga tuwing nagbe-baby talk. Hindi makapagrecite nang maayos sa klase dahil sa limited na choice of words at laging namimispronounce ang mga salita.

Darna- Hindi talaga sila biologically babae pero pag may debate o group activities, nagpeprisinta sya na sumama sa grupo ng mga babae o mga babae mismo ang pumipilit sa prof na maging kagrupo sya dahil feeling nila ay sya ang magiging hero at magsasalba sa grupo. CR din ng babae ang ginagamit nya. Napaka-versatile.

Thursday, October 8, 2015

Ang Mga Buhay na Ala-ala

Credit to my student Ian Angelo D.V. Umali

“Ang Mga Buhay na Ala-Ala”
By: Ian Angelo D.V. Umali
 (Ang Mapag-isa)

Kakayanin ko pa bang magmahal muli?
Sinubukan kong magmahal ng iba ngunit alam kong ito ay mali
Sinubukan kong ika’y palitan ngunit kaligayahan ay hindi nakamit
Pagkat ang iyong pagmamahal lamang ang nais kong makamit

Iyong binasag ang katahimikan ng aking buhay nang ika’y aking nakilala
Ito ang bagay na mananatili at hinding-hindi mabubura sa aking ala-ala
Iyong binigyang kulay ang aking buhay
Iyong binigyang kasiglahan ang katauhang matamlay

Nagkakilala, naging magkaibigan, at nagturingang magkapatid, magkarelasyon, mag-asawa
Pinaramdam sa isa’t-isa ang pagmamahal na walang sawa
Nagdadamayan sa tuwing may problema, Pinapalakas ang loob sa tuwing pinanghihinaan
Pagkat nais nating dalawa na tumagal at tumatag ang ating pagmamahalan

Sa loob ng halos dalawang taon ng ating pagsasama
Marami tayong pinagdaanang pagsubok na ating hinarap ng magkasama
Ngunit may mga bagay talagang hindi natin maiiwasan
Na magbibigay sa atin ng kasawian

Isang araw bago dumating ang araw ng mga puso
Iyong inamin sa akin na may isang lalaking nagpahayag sa iyo ng kanyang nararamdaman
Buong araw kong itinatanong sa aking sarili at sa iyo
Ngunit nanatiling tikom ang iyong bibig at hindi inisip ang aking mararamdaman
  
Iyong tinuro sa akin na kailangan natin ang salitang “tiwala”
Ngunit bakit iyong pinaramdam na ang iyong tiwala sa akin ay nawala
Lubos akong nasaktan dahil sa iyong ginawa
Ngunit umpisa pa lamang pala ito ng aking kasawian

Araw ng puso nang aking makita
Na ika’y may ibang lalaking kasama
Ang akin sanang surpresa sa iyo ay hindi na nagawa pa
Dahil sukdulan na ang sakit na aking nadama

Isang lingo ang lumipas at sumapit na ang aking kaarawan
Ika’y aking inimbita ngunit iyong tinanggihan
Yaong araw sana kita ipapakilala sa aking mga magulang
Ngunit ito ay iyong binale-wala lamang

Isang buwan ang lumipas, araw na ng ating pagtatapos
Hindi ko malilimot ang araw na iyon sapagkat iyon ang araw na tayo ay nagka-ayos
Ika’y nasa aking likod at iyong kinukulit sa mga panahon ng mga pagbati sa mga magtatapos
Ako’y lubos na nagpapasalamat sa Ama para sa araw na iyon pagkat ang ating problema ay tuluyan nang natapos

Ang lahat ay bumalik na sa dati
Muling nanumbalik ang tiwala
Ating relasyon ay lalong tumatag kaysa dati
At umaasang ang pagmamahala’y hindi na muling mawawala


Ngunit ang pagsubok kailanma’y hindi mawawala
Tayo’y muling sinubok bago pa man sumapit ang ating ikalawang taon
Ika’y aking sinama sa lakad ng aking barkada
Tayo’y nagkaroon ng oras para mag-usap ngunit ibang tao ang palaging laman ng iyong mga kwento

Akin ipinagtapat sa iyo ang aking nadarama
Na ako’y nagselos sa lalaking laman ng ating usapan sa buong araw nating pagsasama
Ika’y hindi na sumagot pa at ilang araw ang lumipas
Aking nakita ang inyong mga larawang puno ng saya

Akin pang naaalala sa larawang ito
Ang huling araw na tayo ay nagkasama at naging masaya
Patuloy kong pinagsisisihan na sana ay hindi na lamang sinabi sa iyo
Ang nadaramang panaghili sa kaniya

Ngunit wala na akong magagawa pa
Dahil ang mga bagay ay nangyari na
Hindi ko na muling maibabalik pa
Ang mga pangyayaring binura mo na sa iyong ala-ala

Batid kong masaya ka na sa kaniyang piling
Na ito naman ang aking palaging hiling
Na kahit wala na ako sa iyong piling
Ay patuloy mong makamit ang iyong mga hinihiling

Ako ay mananatiling iyong kaibigan
Na handa pa ring ika’y damayan
Huwag kang mag-atubiling ako’y lapitan
Pagkat ako’y darating kaagad sa panahon ng iyong pangangailangan
  
Maaaring isipin ng ibang tao na baliw ako
Ngunit wala na akong magagawa dahil ito ang totoong ako
Handa pa rin akong maghintay sa iyo, Mahal ko
Dahil sa iyo nabuo ang aking pagkatao

Hindi man naging tayo
Ngunit ikaw pa rin ang aking naging inspirasyon sa aking pag-aaral
Dahil dati kong pinangarap na magkaroon ng magandang kinabukasan
Na magiging daan ng magiging buhay natin bilang mag-asawa

Sa iyo ko lamang pinangarap na magka-pamilya
Pamilyang magsisilbing panibagong inspirasyon
Pamilyang magbibigay ng lakas ng loob sa iyo na harapin ang mga pagsubok
Pamilyang susuporta sa iyo sa lahat ng bagay na iyong ginagawa

Kung aabutan man ako ng panahong magpapantay na ang aking mga paa
Na hindi natupad ang aking mga pinangarap para sa ating dalawa
Itong aking tulang ginawa habang ako’y isang binata pa
Ay nais kong i-alay sa iyo at sana ay iyong madama

Na hanggang sa aking huling hininga ay Ikaw pa rin ang aking minamahal


Share