Wednesday, April 3, 2024

Paano nga ba ako naging alcoholic? - Intro to my 365 Days Alcohol Free Journey

Mahigit isang linggo na din ang nakakaraan mula nang magdesisyon akong tumigil na sa pag-inom ng alak. From March 24, 2024, ganap kong binigyan ng kalayaan ang sistema ko sa mapanirang alak. Nais kong bigyan ang sarili ko ng "365 Days No Alcohol Challenge" at determinado akong isakatuparan ito.

Hindi madali ang naging desisyon ko na ihinto na ito lalo't ang una kong isasakripisyo ay ang aking social life. Alam kong magkakaroon ng gap sa relasyon ko with my friends na mga drinker everytime na tatanggihan ko sila. Pero ikaw na nakakabasa nito na lang ang humusga kung justified ba ang aking desisyon base sa kasaysayan ng alcoholism ko at paano ako nito sinira. Kung interesado ka kung gaano kalalim ang alcoholism ko, ituloy mo lang ang pagbasa.

I'm going 37 this year. I started drinking when I was 13. Mula nuon, patago na kong umiinom ng alak with friends. At the early age of 14, certified drinker na ko. Most of my cousins na di naglalayo sa edad ko were drinking at para maiwasan ang peer pressure, uminom na din ako. Pero hindi lang peer pressure talaga ang pinaka ugat ng pag-inom ko ng alak. It all rooted from lack of support ng pamilya ko sa mga gusto kong gawin sa buhay ko. I was a very creative and academically inclined teen nung panahon na yun. Pero ang tatay ko e walang kahit anong bahid ng pagka-impress sa mga academic at creative achievements ko. Kung hindi kulang e sadyang walang financial support mula sa kanya. Yes, naisip kong magsettle na lang sa minimum at yun ay financial support kase wala talaga akong makukuhang moral support sa tatay ko knowing na kahit sya ay hindi rin naman nakapagtapos. Pero all in all, no support came from him at to make matters worst, tinetake for granted lang din ng nanay ko ang edukasyon ko at mga gusto ko.

I managed to still do good in school somehow but not until mag 3rd year ako. I had zero academic awards and my aim to replicate the highest award I got during elementary met its demise. Napabarkada na ko nang husto at sa tender age na 15, may alcohol problem na agad ako. My family still don't care and I'm pretty much on my own. Mas lumala pa ang hidwaan namin ng tatay ko when I finally had the courage to vent my frustrations to him while I was under the influence. Ginulpi nya ko at dun na ko tuluyang nagrebelde.

I almost didn't finish high school. Pumapasok na lang ako nung 4th year para sa mga tropa. A once brilliant student finished high school at the near bottom of the ranking all because of alcohol and other substances. I thought that things will change after highschool pero dahil sa sunod-sunod na kamalasan sa buhay namin, hindi na ko makakapagtuloy ng pag-aaral. Lumipat din kami sa malayong lugar dahilan para mahiwalay ako sa friends. Pero nalayo man ako sa kanila, I found the new ones, pero mas worst. I learned to befriend those na mas nakakatanda saken at mas may extreme na habit sa mga bisyo. Tuloy ang pag-inom ko ng alak at tuloy ang walang katapusang away namin ng tatay ko. 

2006 after a rough night sa inumang kanto with tambay friends, I wanted to end my life. I was happy the night before pero after bumaba tama ng alak, umatake yung anxiety, depression, feeling of emptiness. I was extremely emotional nung araw na yun at hindi ako mapakali. May dala akong patalim at natagpuan ko ang sariling naglalakad sa magubat na parte ng ginagawang subdivision. I put the knife up in the air and I was ready to stab myself. A loud "moooo" from a cow grazing distracted me for a second. Split second na lang at malapit ko nang itarak yung patalim sa katawan ko until I got distracted. Dun na ko pumalahaw ng iyak at narealize kung gaano kamali yung gusto kong gawin. I went home at nadatnan ko at napansin ko nanay kong pinagmamasdan ako. Namumugto ang mata ko at maya maya pa kinausap nya ko. Ang lakas ng instinct ng mga nanay. Nalaman nya kung anung gusto kong gawin nung hapon na yun at walang pagsidlan yung pag-aalala nya. Sabay kaming umiyak nun at nai-voice out ko sa nanay ko kung ano na talaga yung sitwasyon ko being out of school youth for 2 years na labag sa kalooban ko na kung competitive lang sila at may tamang plano para saken, baka nagka-college din ako. I ended up working different jobs at the young age kesa mag-aral at napakabata ko pa para maging ganun agad ang buhay ko na hindi ko gusto. Pagod na ko sa lahat at nagsstack up lang ang mga bisyo ko at pabulusok na talaga ako nang husto. My sister called that night at kinausap nya ko. She offered to help me to go back to school. Pagtutulungan nila ng nanay ko na makapag-college ako pero I still have to work. Not a bad deal I said at nun nga ring taon na yun ay nakabalik na ko sa school.

Motivated at determinado, naiwasan ko ang alak sa unang taon ng college life ko. I was doing good at school and I feel na maaachieve ko yung naunsyami kong pangarap na magclimb up ulet sa academics at makuha yung mga awards na hindi ko nakuha nung highschool. My father came to the scene again questioning the resources na ginugugol saken when I can just quit school at magwork na lang. This is another episode na nagpaguho na naman ng mundo ko. Binitawan ako ng ate ko at naiwan ako on my own. We were already recovering financially that time and ayoko na magtrabaho para makapagfocus ako sa pag-aaral pero kahit nanay ko e hindi buo ang suporta saken. I cut my units which later on naging cause para mag extend ako ng 1 year sa college sa kadahilanang hindi na ako sigurado kung gagradweyt pa ko. I came back to my old habit, drinking and "some" drugs.

Hindi na ko nagseryoso nun sa pag-aaral. Without family at my side, I felt lost. Hindi sila naniniwala saken at hindi na rin buo yung confidence ko sa sarili ko na kaya ko pa. So everytime na may resources ako nun at may pagkakataon, umiinom ako. Pag wala akong pera, naghahanap ako ng mga tropa na pwede ko samahan uminom. Bumagsak na ko sa ilang subjects at decided na kong tumigil nun.

Sa kabutihang palad, naging close din ako sa mga matitinong kaibigan. Nung una awkward kase hindi sila mabisyo na katulad ko pero natutunan kong yakapin yung kultura nila at hindi nila ako diniscriminate. Alcohol was still there pero hindi na ganun kadalas ang intake ko. Hindi na rin ako "nagsusunog" nun. With the right set of friends na talaga namang nakatulong, nakagraduate ako ng college.

After college, punong puno ako ng pag-asa at enthusiasm. Nagtrabaho ako sa BPO at maganda ang naging simula ko only to find out na hindi yun ang place para manatili akong sober. Wala naman talaga akong matinding drug problem which BPO is known for pero my sobriety is still at infancy na dahilan para bumalik na naman ako sa pag-inom at this time...malala. Lahat nang friends ko ay drinker mapababae o lalaki o kahit anupamang gender. Dahil sa pag-inom  ko nun, palagi akong wasted, palagi akong wala sa huwisyo and I was just a total trash. Sa kabila nun, hindi ko sinisi ang alak. Bagkus ay nagstart akong magwork out to enhance my physical being. I was still young so my body didn't have a hard time to shape up to a form na mas desirable sa mga BPO folks na punumpuno ng stress ang katawan. I gathered more friends and more drinking buddies.

Despite being always drunk, I was still looking good and in shape dahil sa workout. I even decided to push through my masters degree. At first going well naman yung lifestyle ko and I met someone na eventually nakarelasyon ko. I was literally a robot that time working 2 jobs as BPO employee and a part time instructor sa college while trying to finish my masters at the same time trying to give time to my girlfriend. Idagdag mo pa yung weekend habit na pag-inom ng alak with friends. My body finally said "no" and yun na yung start ng lahat nang problema ko. I slowed down sa pag-inom at pakikipagsocialize at nagfocus ako sa studies at jobs. At dahil pati time ko sa gf ko ay nawawala na din, she didnt hesitate to find other company. What's next is the first major pain na naexperience ko sa pakikipagrelasyon. We broke up and it destroyed me bigtime! Para akong pinagsakluban ng langit at lupa at sadyang hindi ko yun matanggap.

Napadalas ang pag-inom ko ng alak at dun ako nag-umpisang uminom mag-isa na halos araw-araw. I stopped working out and I gave up my second job as teacher kase di ko na talaga kayang pagsabay-sabayin. I was too depressed na nagkaroon pa ko ng alopecia o yung mga patse-patse sa ulo. Sobrang bumaba na self steem ko nun and I was not looking good. My job performance also got affected and walang shift na wala akong co-worker na hindi ko nakakasagutan. Everybody hated me except some drinking buddies na nandun para damayan ako basta may alak. Pero sabi ko this should not go on. I gotta have some changes though quitting alcohol is not one of those.

I went back to the gym like your classic moving on stories. I began to look good again and few months later, I had a new girlfriend. She helped me curb down my drinking habits at naappreciate ko yun. For the next 2 years in the same job place, I struggled to move on. I still really love my ex and when I finally saw that shes pregnant sa ipinalit nya saken, muling nawarat ang puso ko and alam mo na ang sunod na nangyari...drink till I pass out. This time, tuluyan na ko nawalan nang motivation at kinuwestyon ko na yung existence ko. The incident I had back in 2006 came back again at naisip ko na naman tapusin ang buhay ko. Hindi na ako nakakapag-isip nang maayos. Pero despite the effects of alcohol sa mental being ko, I didnt quit it. I quit my job instead.

So nagresign ako dahil yun lang ang natatanging paraan na nakikita ko para makawala sa memories namin ng ex ko at tuluyang maka move on. I broke up with my girlfriend that time na dumagdag pa sa anxiety ko kase wala naman sya nagawang mali saken, sadyang di ko lang talaga sya mahal. Gusto ko lumayo at kalimutan ang lahat at nagpasyang magturo na lang ulet. I took sometime to repair my heart habang naghihintay ng pasukan sa college sa school na naghire saken.

I was a full time teacher that time at iisipin mo na magbabago na ko at imomoderate man lang ang pag-inom para maging good example? You're wrong. I was already moved on sa exes ko pero my alcoholism continues. Madalas akong nalelate sa klase dahilan para lagi akong sabunin ng dean. Pero dahil naturally, alam ko yung craft ko and all my students testify how I'm able to do my job more than other faculties, hindi ako natanggal. I felt like teaching was really for me at wala akong binago sa routine ko. Turo sa araw, inom sa gabi. There are even times na nakikipag-inuman ako sa mga estudyante ko which is not allowed. Things are going fine until may mabuong relasyon samen ng isa sa mga estudyante ko. Hulaan mo kung paano nabuo.

Alam kong gusto nya ko pero hindi ko sya pinapansin kase teacher ako at nirerespeto ko yung propesyon ko. Yung series ng pang-iignore ko sa kanya ang lalong nagpasolid ng pagkagusto nya saken until matutunan nya yung kahinaan ko, alcohol. She invited me sa place nya one night at uminom kami. Katulad ng mga istoryang napapakinggan mo sa mga FM radio, may nangyari samen. Huli na ang lahat nang kinaumagahan e makita ko sya tabi ko at kapwa kami walang saplot. Yun na ang simula ng isa na namang madilim na bahagi ng buhay ko.

Tinry kong iresist sya dahil hindi tama na magkaroon kami ng relasyon pero sadyang mapusok sya. Ang dapat ay one time lang na nangyari samen ay nasundan pa at alam mo na kung bakit...dahil sa alak. Sa bawat iinom kami ng alak, may nangyayari samen at ang kinatatakutan ko nga ay nangyari na. 2 months bago matapos ang semester, inamin nya saken na buntis sya. Gumuho na naman ang mundo ko at alam ko na its just a matter of time para kumalat ang eskandalong yun sa buong campus. I decided to quit my job again at bumalik sa dati kong buhay-BPO bago pa man kumalat ang balita.

We decided to live together ng estudyante ko na nuon nga ay buntis na. I realized na hindi ko sya mahal at pakikisamahan ko lang sya dahil nabuntis ko sya. Sa araw-araw na magkasama kami, wala akong gustong talunin kungdi denial ko na ok pa din ako sa kabila ng pag-give up ko sa pangarap ko. Di bale sabi ko, babalik na lang ulet ako sa pagtuturo after ko makaipon at masuportahan ang pagbubuntis nya through my BPO job. Sounds like a plan na pero may butas yung plano e, kase everytime na nalalasing ako, bumubuhos yung frustration ko, yung dissapointment ko at lahat na nang pagka depress. I noticed later on na may mga symptoms na ko ng borderline personality disorder pati ng bipolarism although hindi naman ako nagpatingin sa especialist so wala akong official na diagnosis. Ang alam ko lang, palagi kaming nag-aaway ng buntis kong partner at everyday akong stressed. Dun ko unang napansin yung epekto ng alcohol sa psychological being na itinuturo ko dati pero iba pala pag ikaw na mismo yung nakakaexperience.

Isang araw, nagkaroon kami ng heart to heart na pag-uusap ng ex ko. Hindi ako nakainom nun so medyo matino ako mag-isip. Napakaganda ng naging pag-uusap namin at sa moment na yun natanggap ko na ang kapalaran ko at nagdecide ako na itaguyod na lang ang mag-ina ko sa paglabas ng bata. Hindi na ko masyadong umiinom ng alak nun at nag-improve yung realsyon namin. Hanggang isang araw, pumutok ang masamang balita.

Nakunan ang partner ko. Lahat ng paghahanda namin, baby shower and all pati yung pag-aabang ng parents at mga kapatid ko sa bagong dagdag sa angkan namin, lahat yun nauwi sa dissapointment. E anong magagawa? Siguro sadyang hindi para samen. I was already gearing up on being a father pero naunsyami. Nagdecide akong makipaghiwalay sa partner ko na sya kong sinisi sa nangyari lalo nang malaman ko na umiinom pa din sya ng alak na hindi ko alam kahit buntis na sya. But then she showed symptoms of pospartum depression at suicidal din sya kaya nagstay ako sa tabi nya.

My drinking habit became worst. When my ex recovered from her miscarriage, nag-team up kami sa paglalasing. Hindi na kami romantic sa isa't isa at unti-unti ko nang nakikita yung pagbabago nya. We came to the point na hindi na namin maramdaman yung affection ng bawat isa at nagkasundo kami na itigil na muna ang paglive-in at hanapin muna ang mga sarili namin. Pumayag naman sya at nuon nga ay nagdesisyon akong bumalik sa pagtuturo. Sa kasamaang palad, naghigpit na ang mga school (salamat sa K-12) and while they still accept unit earners sa masters, kelangan mong makipaglaban sa mga degree holder. Thesis na lang ako nun at makukuha ko na ang diploma ko sinubukan kong tapusin ang thesis ko. Kami pa din ng ex ko nun at sa pangalawang pagkakataon, nabuntis ulet sya.

Kayod kalabaw ako nun para suportahan ang thesis ko at the same time yung pagbubuntis nya. Pero dumating sa point na kelangan ko lang mamili kung alin ang ipaprioritize ko dahil kakapusin ako ng pinansyal. Pinili ko ang pagbubuntis nya at inihinto ko muna ang pagthethesis. Ibinigay ko lahat nang pangangailangan nyang pinansyal at para hindi sya mastress, sa kauna-unahang pagkakataon, nakapagpigil akong uminom ng alak sa matagal na panahon. Naging stable ang pag-iisip ko at nakapagsave pa ko ng pera nung huminto ako sa pag-inom. Then dumating na nga ang panahon at nabuhay ang sanggol. Walang pagsidlan ang tuwa ko at sa unang pagkakataon, naging sobrang seryoso ako sa buhay. Nape-picture ko na ang buhay may pamilya at kung paano ko sila itataguyod. Eto ang masakit, biglang nakipagbreak ang ex ko sa katwirang wala na syang nararamdaman saken at pwede ko na sila kalimutan ng bata. Ganun lang kabilis at tuluyan na nya ako blinock sa lahat. Hindi ko na sila nahagilap at hindi ko na alam kung saan na sila pumunta. Sabi ko sa sarili ko, siguro kelangan ko lang ng konting panahon para i-compose yung sarili ko at muli syang suyuin. I fell to another deep depression again. 

I was doing good sa shipping company na pinagtatrabahunan ko but not until I was denied of rights sa "anak ko". Due to depression, I decided to quit my job at may konti pa kong natira nun mula sa budget na inilaan ko sa pagbubuntis nya na gagamitin ko para sa thesis ko. Sabi ko baka pagka-graduate ko ng MA at makabalik ako sa academe e makuha ko ulet yung respeto nya. I displayed an exceptional mental toughness that time at hindi ko naisip na maglasing nang maglasing na tulad nang nakasanayan ko. Then COVID happened.

Nang pumutok ang COVID, lahat nang plano ko ay nauwi sa wala. Sa dami ng restrictions sa labas, hindi ko na naituloy yung pagconduct ng research. Ang masaklap, hindi rin ako makahanap agad ng bagong trabaho at ang pinakamasaklap sa lahat ay hindi ako makalabas para hanapin ang "anak ko". Alak! Sunod-sunod na naman ang naging pag-inom ko at katulad ng COVID na walang katiyakan kung kelan matatapos, wala na rin ako balak nun na lubayan ang alak.

Halos lahat ng budget na meron ako e napunta lang sa alak. Akala ko matatapos agad ang COVID at makakapagtrabaho agad ako pero alam nating lahat kung gaano katagal bago bumalik lahat sa normal. Nag-aalala na saken ang pamilya ko at sa pinaka-lowest na yun na punto ng buhay ko ay hindi ko na nga naitago sa kanila ang mga nangyari. Alam nilang hindi na ako OK at sa kasagsagan ng COVID, bumyahe ako pabalik sa pamilya ko sa probinsya dala-dala ang lahat ng problemang pinagdadaanan ko. Pero maniwala ka o hindi, never nila akong dinown at nanatili silang nakasuporta saken. Nasurprise ako dahil hindi sila ganun saken nung kabataan ko. I realized na lahat pala talaga ay nagbabago at darating sa point na pamilya mo pa din ang number one na dadamay sayo.

Naquarantine ako nang matagal bago ako tuluyang makauwi sa bahay namin sa probinsya. Ang quarantine din na yun ang nagsilbing rehab ko mula sa alcoholism. Mahirap ma-quarantine pero parang naging blessing in disguise sya kase nahinto ako sa pag-inom ng alak. Although I showed symptoms of withdrawal like that one time na nagpass out ako sa quarantine quarter at napagkamalan pa ngang infected ako ng COVID pero negative naman. Nang matapos ang quarantine ko, I felt better. First time ko makakasama tatay ko ulet pagkatapos ng matagal na panahon. This time inopen-up ko sa kanya problema ko at sa unang pagkakataon, naging best friends kami. Ibinahagi nya mga natutunan nya sa buhay panu mag-cope up sa problema. Kung may isang magandang naidulot ang COVID19? Yun ay ang paglapitin ang mga pamilya sa isa't- isa.

Things are going well saken although desidido pa din ako na suyuin ang ex ko para makasama ko sila ng "bata" para lang isang araw ay magulat ako sa rebelasyon. Hindi ko anak ang bata. I was scammed by her and her new partner (yes magkasabwat ang mga walanghiya) para tustusan ang pagbubuntis nya. It wasn't a simple pregnancy at sinigurado ko na talagang maidedeliver nya ang bata na ligtas at I dont care about the cost (it was CS section). Pero wala na ko pakialam sa nagastos ko. Ang nagpahirap saken e yung katotohanan na naloko ako, niloko ako at ginago.

Balik na naman ako sa pag-inom ng alak. Alak pa! Sobrang blurry na ng hope ko sa buhay at kasagsagan pa ng COVID at hindi ako makakilos para maghanap ng diversion. May maliit akong negosyo nun na hindi na nga kumikita, nauubos ko pa sa alak. Talagang sobrang wala na akong maiisip na paraan para mag-go on sa buhay. Until one day, I decided to find a new love. Thats the time na napunta ako sa facebook dating.

Nakilala ko tong isang girl na milya-milya ang distansya saken na nung una ay hindi ko sineryoso dahil hindi na ko naniniwala sa LDR. Ngunit kalaunan, lumalim ang mga palitan namin ng mensahe at walang dudang naging OK ang ugnayan namin. Pero may dark truth behind sa good LDR relationship na yun. Surprisingly, alcohol helped me bridge our gap na hindi lang distansya kungdi sa edad. She's a Gen-Z and though age doesn't matter, meron akong insecurities. With alcohol though, I was always cool and calm everytime na magkachat kami or nagtatawagan. Alcohol provided me an alternative personality na jolly at happy lang at full of youth.

Natuklasan ko how alcohol changed my personality from being potentially toxic to a jolly person nang masense ko how this girl is not really far from my situation (actually mas malala pa). She's a frontliner who always put herself at risk everyday sa mga nakakasalamuha nyang pasyente. On top of that, breadwinner din sya at inaasahan ng pamilya nya. She wanted nothing but an outlet sa pakikipag-ugnayan nya online at dapat ay happy lang. Hindi ko maipoprovide yung hinahanap nya kung wala akong stimulant na tulad nang alcohol na magpapagaan ng mood ko. Masaya ako na kausap sya pero nagwoworry ako kung paano ko yun masusustain na hindi sya mabobored at tuluyang hindi na magreply. Dahil ang alcohol ay nagpapump ng dopamine o happy hormone kung pang-good mood ang magiging purpose mo dito at the moment na masimulan mong masaya ang topic nyo, magtutuloy tuloy na masaya ang magiging conversation nyo (at least in my experience). From the mysteries of the universe down to fictional stuff, naishare ko na yata sa kanya lahat ng diversionary topics na maglalayo samen sa stress sa nangyayaring pandemya nun at mga personal naming problema. But she didn't know that I was always under the influence if not totally drunk sa majority ng communications namin. She's not aware that she was dealing with an alcoholic.

Kapag hindi ako nakakainom ng alak nun at kausap ko sya, hindi ako ganun ka-engaging sa pag-uusap namin so I needed to at least have a sip kahit tirik ang araw. I know its weird na all the stuff I said earlier about sa kung anong nagtetrigger saken para uminom ng alak (which are majority due to negatives) is totally opposite ng dahilan kung bakit ako umiinom ng alak at this point. I can officially say na naging all purpose na saken ang alak (parang isoprophyl lang) at yung bonding namin (ng alak) ay talagang solid na.

Things are going well with "drunken master" style ko nun ng pakikipag-ugnayan sa kanya online until I caught an accident sa motor due to drunk driving. Hindi ganun kagrabe yung injury ko pero enough na yun para maglay low ako sa pag-inom. Dahil hindi na ko madalas under influence, nagkaron ako ng clarity at sa hinaba-haba na din ng ugnayan namin online for few months already, I knew that its already something else...I'm falling for this girl. She supported my alcohol moderation at the expense of me whom starting to get boring. Pero di ko yun pinansin coz I trusted her so much and I trust na naestablish na namin yung relationship namin at mas malalim na yung unawaan. Pero...I was wrong. That was also the time na she started having "another business."

There came a time na need ko na i-stop ang small business ko kase hindi naman na talaga kumikita. At that point e "kami na". Online bf/gf pero for me, kasing seryoso sya ng non-LDR relationships. So I trust na dadamayan nya ko sa pinagdadaanan ko but she changed...or I changed. Dahil sa stress ng pagkawala ng business ko, I drank so much again but this time, all I had in mind was stress and all the toxicity. Kung anu-ano ang mga nasabi ko sa kanya which in short e sya yung napagbuhusan ko ng lahat ng negativities. Ang dating alcohol na kasangkapan ko para mapasaya sya, ngayon ay insrumento na para istressin sya. Next thing I know, naputol ang communication namin for more than a week and I'm determined to let her go para na rin sa kapakanan nya. Its me again being alcoholic dahil sa isa na namang dagok na dumating sa buhay ko.

Paano ko nasabing I was wrong? Kase it turns out na hindi naman pala talaga sya seryoso saken. Naayos namin yung gusot at akala ko back to normal na kami pero yun nga, may iba na syang "napapagkaabalahan". Maaaring funny person yung taong nameet nya at naibibigay yung emotional support na need nya. Support na kritikal at hindi ko maipagkaloob sa kanya lalo't napakalayo ko sa kanya na di katulad ng "other one" na pisikal nyang nakakainteract. Truth prevailed at inamin nyang she wasnt entirely honest saken, she was also with someone else. You know what happened next? I crumbled and I shattered into pieces. As if hindi pa enough yung betrayal na ginawa saken nung ex ko, heto na naman ang isa. Sabi ko I'm done. I drowned myself again sa certified na hindi nang-iwan talaga saken kahit kelan...ang alcohol.

Tinibayan ko loob ko although alak always interrupt at hindi solid yung strength na meron ako. I was really angry sa kanya but she's right kase bakit ko seseryosohin nang husto yung nagawa nya e ni hindi pa nga kami nagmemeet. I still managed to survive my newly found job na work from home that time and hindi ako nagquit. Pero hindi ako nakaligtas sa feeling ng emptiness. One of the main reasons why I pursued that job is to have funds to finally meet her at magkaroon ng permit at reasons na makaluwas papunta sa office namin dahil yun lang ang paraan para makatawid ako sa mga bantay sa daan due to COVID restrictions. I did have a lot of thinking pero sa kabilang banda, sabi ko enough na. I've had enough of betrayals pero alcohol already made me weak. Wala nang araw na hindi ako umiinom at idagdag pa ang night shift na trabaho ko na dahilan para yung decision making capacity ko e madominate ng emosyon ko. I still love her despite what she did. Tumiklop din ako after sometime at ako pa nga ang nakipag-ayos sa kanya after nya magsuffer ng lahat ng galit ko at masasamang sinabi. We both agreed to continue our relationship after she promised that shes done with the "other" and I should trust her na ako na lang that time until magmeet kami at magkasama. It wasn't easy for me pero pag mahal mo, mahal mo. Though...hindi na normal ang lahat sa amin at least in my perscpective. May halo nang vengeance sa damdamin ko.

I became so jealous and paranoid at naging madalas na ang katoxican ko. She even asked me why do I still want to pursue her kung hindi ko na din naman sya nirerespeto? Mag-aapologize ako pero iinom na naman ako ng alak at mawawarfreak na naman ako at sya na naman ang mapagbubuhusan ko ng lahat ng katoxican. Until she finally gave up for good. Dun na ko natauhan...temporarily. I wanted to meet her para sukatin kung gusto ko ba talaga sya at kung worth it ba sya for another chance kahit may damage nang nangyari.

I packed my bags after ko isecure lahat nang mga requirements sa pagtravel nung COVID times to finally meet her. At nangyari na nga, we met for the very first time. She was fine. Family oriented sya and she introduced me to her family na malugod naman akong tinanggap so sabi ko I can live with this. For couple of months, naigive-up ko ang alak and we were very happy couple. But then the habit kicked in again since wala naman talaga akong planong i-withdraw ang bisyo ko. Why? Paranoid pa din ako at insecured and I dont trust 100% na magiging tapat sya saken. Kumbaga sama na lang ako sa agos nun at ineenjoy ang bawat pagkakataon na kasama sya but when she's not looking, I'm in the darkness at bumabalik sa mga nangyari saken magmula nung iniscam ako down to the betrayal na ginawa nya saken. I would disguise na OK lang ako pag kasama sya pero yung takot kong mabigo ulet, hindi nawawala kaya patuloy pa rin akong umiinom ng alak. Sa kasamaang palad, dahil sa epekto ng alak sa mental health ko, I treated her like shit. Naging on and off kami dahil sa mga pag-aaway namin na hindi naman talaga dapat na lumaki pero I was never the same guy since she broke my trust. Ganun ang naging tema until one day, things changed.

Months bago sya mag-abroad, we had this major fight and we broke up...again. Decided na rin akong i-letgo sya nun until one night, I was heavily drunk. I was crying from all the fucked up na nangyari sa buhay ko and namalayan ko na lang na kinokontak ko ulet sya. Yung point na yun ang pinakcrucial sa lahat kase kung hindi dahil sa alak baka hindi ako umabot sa finale na sobrang lala na ng lahat. What I'm saying is, kung niletgo ko na sya as early as 2022, hindi na magke carryover ang suffering ko until 2024 na still, nilalabanan ko pa rin. Pero alcohol proved me weak once again at sinuyo ko sya at pinagsikapang i-winback. I got what I want, naging kami ulet at justification ko nun, let's spend sometime together up to the very end. "End" being her departure to overseas. Alcohol made me so irrational by taking that risk na alam ko naman talagang magpaparusa lang saken later on. But was it love or just an obsession? Could it be a combination of two? Hindi ko din alam. All I know was I made that decision over a bottle of redhorse and I wasn't thinking straight.

Sa natitirang mga buwan na nasa Pinas pa sya. I gave her my all. This is another part na namiss ako ng alak kase all I wanted was to stay sober para mapicture ko ng malinaw sa memories ko lahat ng mga huling pangyayari habang magkasama pa kami. I think I really fell in love with her for real. Naachieve ko naman na marecord sa subconscious mind ko yung memories but those vivid pictures of our last happy times together ang main reason kung bakit ako dumating sa pinagdadaanan ko ngayon na totoong hindi madali. Keep reading to know why.

We broke up at the latter part of 2023 after few months of struggle to maintain things as they are at masurvive namin yung distance like how we did nung mga unang taon namin. We failed...big time. Since she left, bumalik ako sa pagiging paranoid at lalong tumaas yung anxiety ko. During this whole story, dito lang sa point na to sasabihin ko sayo yung quantity ng alak na tinetake ko to combat both loneliness and emptiness nung umalis sya. I drank almost everyday since January 2023 at kada inom ko, nagbablack out ako as in lasing na lasing. Regardless kung may trabaho ako o wala, I will drink to combat my feelings, my emotions dahil sa distance namin. I tried to control my temper everytime na magkausap kami para di nya mahalata kase malamang sa malamang nakainom ako nun. Ang resulta e puro kawalan ng kaseryosohan lang mga nasasabi ko. I tried to be funny pero its no longer 2020 ng una kaming magkakilalala from a distance kung saan noon, hindi pa ganun kaseryoso ang tema ng buhay nya unlike ngayon na sobrang laki ng need nya iprovide sa pamilya nya sa Pinas kaya lagi syang pagod sa trabaho at kung meron man syang need e yung makikinig sa kanya na makakatulong sa kanya para makapagvent. Alcohol strengthened my selfishness na puro sarili ko inisip ko, yung mga insecurities ko lang ang inintindi ko na nalimutan ko kelangan din nya pala ako as someone na masasandalan nya, hindi yung someone na mangsstress pa sa kanya. All in all, she found me worthless at dun na sya kumalas nang tuluyan.

She got tired and she gave up on me. Lahat ng mga pangarap namin together, hindi na matutuloy. It hit me so hard that it almost gave me a heart attack literally. Dahil sa alcohol, mataas na BP ko. It also worsen my physique. I no longer workout and I'm already overweight. Not only my mental but my overall health is now compromised. I got a bleeding stomach dahil sa malalang gastritis. Naging laman ako ng ospital multiple times. I tried to rationalize yung pakikipaghiwalay nya by looking strong and unbothered but it only lasted for few days at ang cycle ng pinakadevastating na epekto ng alcohol saken ay nagsimula sa yugto na yun.

Remember when I said na dapat 2022 pa lang e tuluyan ko na syang niletgo? Coz if I did that, sana ok na ngayon. Pero why I didnt let her go? Kase everytime na under influence of alcohol ako, yung strong denial na wala na kami ay pahihirapan ako hanggang hahanapin ko ulet yung daan patungo sa kanya para makipagbalikan. Hence, dapat yung alcohol ang una kong ni-letgo noon pa lang. With alcohol, paiba-iba ang state of mind ko. Paiba-iba ang mood ko at halos wala nang trace ng dating ako na namamaniobra pa yung sarili sa time ng great depression. Yung decision ko ngayon ay mababago ulet later on kapag lasing na naman ako, ganun kalala. Naging slave ako ng alcohol.

I would send her long emails or chats although hindi na sya nagrereply kase ano pa nga ba naman ang sasabihin nya e tapos na ang lahat samen. Ipa-flood ko pa rin sya ng maraming messages to get her attention pero kahit ako di ko na matracked kung ano ang mga pinagsasabi ko dun since sinusulat ko lang yun pag lasing. At first, namamanage ko pa na puro neutral lang, expression of grief or panghihinayang yung mga sinesend ko sa kanya. Then came the point na extreme bargaining na yung pinopropose ko sa kanya basta pansinin lang nya ako. Pero lahat nang yun e dahil wala na ko kontrol sa emosyon ko at puro na lang hapdi yung namamayani saken dahil sa hiwalayan namin. Tatanungin mo ko, gusto ko pa ba talagang maayos namin? Ang sagot ko, oo. Pero ako mismo, sarili ko, hindi na ako maayos. Kung may dapat ayusin, sarili ko. Kase kung normal pa ko, hindi ako magrereset everytime na nakakainom ako or better yet kung normal pa ako, hihinto na ko sa pag-inom ng alak kase obviously, alak na ang nagpapatakbo ng pagkatao ko. Now, how did I finally come up to ending this alcohol dominance sa buhay ko?

Almost 2 weeks ago when I finally sent her a serious threat which shows na hindi na lang ako basta emotionally unstable, naging violent na din ako. Thankfully it was just an empy threat at wala akong resources para isakatuparan yun kase kung meron, I will be commiting a serious crime that will ruin my life and her's. Nakakatakot at hindi ko papayagan na mangyari yun. Hindi nya kasalanan lahat nang to, this is all my fault. It came to this point because of me so bakit ko pa sya idadamay? Although you may say na somehow may justification ako dahil sa nagawa nya before pero past na yun at remember na nagtake risk pa rin ako sa kanya although flawed yung decision ko kase mostly lasing ako but not an excuse kase responsibility ko pa din yun. Ayun na nga at kinabukasan, nagdesisyon ako na tuluyan nang i-give up ang alak. Ayoko na. Change must start from quitting alcohol.

A large chunk ng cause ng alcoholism ko was love problem. Pero isa din sa nagpahirap saken na magquit ay ang biglaang pagpanaw ng tatay ko na nuon ko pa lang nagiging close. Also my sister died na hindi na kami totally ok at hindi kami nagreconcilliate totally before she passed away. Pero alam naman natin na sa lahat nang yun, moving on lang at tiwala sa time na tutulungan tayong mag-heal ang pwede nating gawin. But I relied on alcohol on those tough times.

This is now my second week na alcohol free. I promised myself  that I will make a journal regarding this journey. I will reclaim myself and this time, I will be in my strongest form. Umaasa ako na by giving up alcohol, mas bubuti ang pakikipagrelasyon ko sa kapwa ko at mas magkakaroon ako ng clarity pati ng better decisions sa buhay.

On my next content, I will describe mga pinagdadaanan kong challenges dahil sa pagquit ko na to sa isa sa mga common addiction sa buong mundo na tinetake for granted lang ng karamihan. Watch out for that at kung gusto nyo ko sabayan sa challenge na to, tara. Let's all be better together.

Please samahan nyo ako sa journey na to at maaappreciate ko yung suporta nyo by sending me words of encouragement.

https://web.facebook.com/reyner561

IG: @rxv561

TG: @rvyner

I will also upload images ng mga changes sa physical features ko if you're interested, you can check them out sa socials ko.

Thanks.

Tuesday, April 2, 2024

After Break-up: Ano na? Part 2 - Depression at Acceptance

 Sa nakaraang post ay ibinahagi ko ang karanasan at mga ilang matututunan tungkol sa anong gagawin sa mga unang bahagi ng break up (eto yun: After Break-up: Ano na? Part 1 - Denial, Anger at Bargaining). Dahil sa holy week break e hindi ko agad nasundan ang nasabing post dahil I spent sometime sa lugar na malayo sa kabihasnan. Pero eto na nga at itinuloy na natin.

Sa sarili kong karanasan, may pagkakataon na bumabalik ako sa pinaka unang phase ng pag-move on o minsan nakakaramdam ako ng galit at minsan naman ay sinusuyo ko ang ex ko na para bang nakikitapagtawaran ako tulad nang nagbabakasali ako na imaintain naman namin yung koneksyon kahit simpleng magkaibigan na lang...sinasabi ko yan while under the influence of alcohol. Kapatid, ang depression po kapag naging talamak na at sinamahan mo pa ng adiksyon sa mga substance tulad ng alak o kaya droga, hinding-hindi ka magpo-progreso sa mga steps para maka-move on. Yan ang eksaktong nangyari saken nung tuluyan na kong nalulong sa alak nung na-depress na ako. 

Itinuturing kong pinaka malala ang naging break up sa buong kasaysayan ng pakikipagrelasyon ko itong most recent ko.Alcohol ang naging kasangkapan ko sa naturang hiwalayan at tulad nga nang nabanggit ko na, hinding hindi mo gugustuhin na mapunta sa sitwasyon na napuntahan ko dahil hindi lang pisikal kungdi pati mental mong kalagayan ang sisirain ng alcohol kapatid. Irereset ng alcohol lahat ng progreso mo sa pag-move on at magpapaikot ikot ka lang na parang loop at hindi ka makakarating sa last stage which is yung acceptance. Sobrang lala ng naging alcoholism ko na isusulat ko sa bukod na posts ang karanasan ko tungkol dyan.

Para bigyan kita ng konting pasilip sa perwisyo na nagawa saken ng alcohol after break-up, nakapagsalita ako sa ex ko ng mga bagay na nakakastress at nakakabahala sa parte nya. At one point ok ako at magrereach out sa kanya telling her na positive ako na malalampasan ko at nagpapasalamat ako na nagkaroon kami ng memories and then iinom ako, malalasing at makakaramdam na naman ako ng strong denial na susundan ng sobrang anger na ilalabas ko lahat sa kanya. Nung una nakokontrol ko pa pero kalaunan nung tuluyan nang sinira ng alcohol ang mental state ko, tuluyan na ko naging delusional at nagtagni-tagni ng mga bagay na ikaka-stress din ng ex ko. I'm talking about empty threats na nabuo sa isip ko dahil naging bayolente na ko kapag nalalasing. Yung pakiramdam na parang galit na galit ako sa mundo at ibinubuhos ko yun lahat sa ex ko na ang tanging naging kasalanan lang ay buksan pa din ang channels ng komunikasyon namin at subukan pa din akong pakinggan kahit sobrang toxic ko na. Mangyari ay may suicidal tendency ako at alam nya yun (na mas lalo pang pinalala ng alcohol) pero at that point na gusto ko na wakasan ang buhay ko at ibinuhos ko na lahat ng galit ko sa kanya pati ng mga pagbabanta kasama ng plano ko na wakasan na din ang buhay ko nung araw ding iyon, tuluyan na rin syang gumive-up at ipinakita nya saken kung gaano na ako ka-helpless at tuluyan na nyang isinara lahat nang komunikasyon namin. Thankfully nang makita kong blocked na ko sa lahat ay wala na rin akong lakas nun para kumilos at isakatuparan ang binabalak kong pagputol sa buhay ko. Iyon na yata ang pinakamatinding pag-inom ng alak na nagawa ko at yung quantity pa lang ng alak na tinake ko nung araw na yun ay sapat na para ikamatay ko. Luckily nagising pa din ako at nanlumo sa nagawa ko. I feel disgusted to myself for being so weak like "pagpapakamatay na lang ba ang talagang solusyon?" Obviously, hindi ko itinuloy pero natatakot ako kung magpapatuloy ang ganitong routine ko. Humingi ako ng paumanhin sa kanya at sa araw ding yun, nagdesisyong akong humingi na ng tulong sa natitira pang mga tao na may malasakit saken. Nag-open up na ko sa pamilya ko.

Mataas ang pride ko at ayokong ipakita sa mga malalapit saken kung gaano ako kahina. Ngunit ang nasabing mindset din ang naglugmok saken at nagpahirap nang husto. Natagpuan ko na lang ang sarili ko nung araw na yun na nasa harap ng kapatid ko at tuluyan ko nang inamin sa kanya ang mas matindi pang depression na pinagdadaanan ko na akala nya ay nahahandle ko nang maayos pero obviously, hindi. Hindi ako nakarinig ng panglalait sa kanya o pangmamaliit bagkus ay sinserong pag-unawa at pagdamay. May konting panic sa side ng kapatid ko nang makita nya ang kalunos lunos kong kalagayan at alam nya na hindi malayong gawin ko ang binabalak ko base sa history ko ng suicide na minsan ko nang ginawa at pinalad lang akong makaligtas isang dekada na din ang nakakalipas. Inamin ko sa kanya na sagad na ang pag-kaadik ko sa alak at hindi na talaga ako ok. Daglian nyang kinontak ang nanay ko at iba ko pang kapatid na sa una'y hindi ko ikinatuwa at nagkaroon ako ng pagsisisi dahil mawawala ang respetong pinaghirapan kong i-earn mula sa kanila. Ngunit nagpakita sila ng buong suporta at muli ay ipinabatid nila saken na ang pamilya and pinaka the best na tutulong at dadamay sayo.

Para maredeem ko ang respeto saken ng pamilya ko, nagdesisyon na akong tumigil sa pag-inom ng alak. Tulad ng sinabi ko sa unang bahagi ng post na to, isusulat ko din ang aking paglalakbay tungo sa "alcohol-free" lifestyle. Nakatulong ang pag-block saken ng ex ko sa lahat ng channel dahil sa unang lingggo ng pagiging alcohol free ko, nagkaroon na agad ako ng clarity na wala na talaga. Wala pa ring paglagyan ang pagsisisi ko sa mga stress na naibigay ko sa kanya. Walang pagsidlan ang paghingi ko ng tawad sa kanya na marahil ay hindi ko na naipaabot dahil sa kawalan ng instrumento ng komunikasyon pero kung magawi sya dito, sana mabatid nya ang sincere na paghingi ko ng kapatawaran.

This is my testament of full acceptance sa break-up na to. Medyo matagal na din akong walang kontak sa alcohol at bagamat mahirap, nagiging maayos na ang mental state ko at itutuloy-tuloy ko to. Self love muna at tuloy-tuloy na pag-improve sa physical at mental health ko. Lastly, nakikiusap ako sa makakabasa nito, iwasan ang alak sa estado ng pag-move on. Kahit anong substance (lalo na drugs) o habit na maaaring sumira ng mental health mo lalo sa panahon ng depression mapa-break up man yan o anupamang life problems na meron ka, iwasan ang anumang kemikal na maghahari sa pagkatao mo. Hinding hindi ka ka makakarating sa acceptance stage dahilan para hindi mo maresolba ang problema na pinagdadaanan mo. Maraming instrumento para maayos mo ang gusot sa buhay mo at wag mong i-underestimate ang magagawang tulong ng mga malalapit sa'yo, magtiwala ka sa kanila. Pero tandaan na ang malaking bahagi ng recovery mo ay manggagaling sa iyo kaya samahan mo ng tiwala sa sarili at determinasyon. Katulong ang time, slowly but surely, go on each day kahit sa maliliit na hakbang patungo sa tuluyan mong paggaling.

Kita kita tayo sa next.

Saturday, March 23, 2024

After Break-up: Ano na? Part 1 - Denial, Anger at Bargaining


Maaaring hindi lahat pero karamihan saten nakaranas na ng break-up. Kahit anung uri ng break-up mapa sa bestfriend man yan, kapamilya, asawa at yung most common lalo na sa teens at young adults, sa bf/gf. Kung isa sa mga nabanggit o kahit anupamang hiwalayan yung napagdaanan mo, mababaw o malalim, for sure nakaramdam ka ng hapdi o negatibong pakiramdam. Masakit di ba? 

Sa portion na to ng blog ko, hihimayin ko to sa ilang parte. Mangyari ay may 5 stages ang pag-move on. Yun ay ang denial, anger, bargaining, depression at acceptance. Mahalagang malaman ang limang estado na to ke ikaw yung nakipagbreak or ikaw yung brineak. May mga mababaw na break up na hindi naman masyado naging madamdamin at parang iwinagwag lang at ilang araw makalipas, ok na. Pero hindi natin madedeny na merong mga break up na sadyang ganun kaseryoso to the point na yung iba pa nga ay nagko-cause ng buhay habang yung iba ay kailangan na ng propesyonal na tulong dahil sa bigat ng mental health impact ng naturang hiwalayan.

Wala akong ibang gagamitin na halimbawa dito kungdi ang sarili ko. Sarili kong karanasan at kung paano ito pinagdaanan at napagtagumpayan. Magsimula tayo sa denial stage. Heto ang kwento.

2011 nang mameet ko tong si Ate mula sa simpleng "hoy andyan ka naman sa kiosk". Wala pa masyadong android phone nun so sa workplace, may kiosk kami na pwede kami mag-internet dun, mag social media at kung anupamang internet activities na allowed. Di ako interesado sa kanya nung una pero makailang beses nya ko pinuna tungkol sa pag-stay ko sa kiosk na medyo ikinainis ko kase ano ba pakelam nya? She's cute though, very attractive at nagstart akong marealize yun nung inistalk ko sya sa facebook. Wala akong balak na i-add sya or what so tamang stalk lang ako sa kanya right at that kiosk na walang privacy at makikita ng dumadaan yung screen mo.

One day on my surprise, may nag-add saken. "Puro ka view, hindi mo pa i-add". Sya na nga ang nag-initiate na mag-add saken. Sabi ko ok, no biggie. Another facebook friend kako among thousands na meron na ko that time. But then we started chatting that weekend and she made me realize how alone I am and how sad of a person I am that time. College fresh grad, di alam ang purpose sa mundo, di alam ang gusto at undecided sa lahat, yun ako dati. She had this cheerful personality at napaka engaging sa convo na dahilan para mahook up ako sa kanya. In-unlock nya yung social capability ko at ilang araw pa nga ang nakalipas ay nakikipagsabayan na din ako sa kanya ng mga malulutong na banat na ipinamana pa saken ng ninuno ko. We were so different to each other dahil sobrang modern nya habang ako e sadyang fan ng makalumang gawi. Patunay yung mga embarassing moments ko with her nung later on e nagstart na kami magdate. Pero yung differences na yun ang lalong nagpatibay ng connection namin. Pagkatapos nga ng mga ilang dates pa at naging kami na din. Masaya nung una, walang problema pero hindi lahat e masayang kwento. Nagstart na kami magtalo, mag-away madalas.

Katulad ng mga klasik na kwento, ang naging dahilan ng hiwalayan namin ay 3rd party. She started meeting someone habang kami pa at napakasakit nun. At the end of the day, yung differences namin na naging sentro ng atraksyon namin sa isa't isa ang sya ding sumira sa relasyon namin. She was to liberated for me and hindi ako nakapag adapt.

Early 2013 nung ako na mismo yung nakipaghiwalay. Siguro sa unang week na wala kami, I felt pride and sense of fulfilment as a man kase nagawa yung tama. Then loneliness hit, namimiss ko sya nang husto. Denial kicked in at nagising ako one day na hindi makapaniwala na wala na kami. So tinry kong kontakin sya at nagrespond naman sya. Sinuyo ko ulet sya, sinubukan ko ulet syang i-winback. Natagpuan ko yung sarili ko na bumabalik sa mga dati naming routine tulad nang paghihintay sa kanya sa labas hanggang matapos ang shift nya. Only this time sa waiting area, meron na ding ibang naghihintay sa kanya at sa moment na lumabas na sya ng building, hindi naman ako yung sasamahan nya. Parang pinupunit ang dibdib ko sa mga tagpong yun.

Darating pala sa punto na i-rereject mo yung bagong reyalidad after ng break up at mamamayani yung strong desire mo na ibalik lahat sa dati. Makailang beses ko pang sinubukan na kumbinsihin sya na kami na lang ulet pero walang epekto. Dun na ako nag-burst out. We were chatting nun nang inisa-isa ko sa kanya yung mga naging sacrifices ko for her, mga nagawa ko sa kanya, mga bagay na hindi nya nasuklian at meron na rin mga threats. Anger! Tuluyan nang lumabas yung galit ko at bumuhos na lahat nang emosyon at kung anu-ano na ang mga nasabi at nagawa ko na nagresulta lamang sa mas malaki pang damage. 

Hindi pa ako aware sa stages ng pag-move on so I was totally noob on those phase. I realized na as early as denial stage, kung talagang gusto mong maayos, kalmado mong tatanggapin yung nangyari at siguro magpalipas ka ng ilan pang panahon bago ka maging mapusok sa paggawa ng mga hakbang. Kase kung nagmamadali kang makuha yung resulta na gusto mo, it will lead to anger at katulad nga sa nangyari saken, yang anger na yan ang magdedetermine kung pwede pa ba or wala na talaga. Pero tao ka lang at alila ka ng emosyon mo lalo na pag-down na down ka. So don't confuse denial with acceptance kahit gaano mo kagaling hinandle yung denial stage mo kase most likely, dinelay mo lang yung epekto ng denial, hindi mo talaga sya naremedyuhan. Pero kung di ka nagburst out sa galit at nahandle mo nang maayos yung epekto sayo sa early stage, namanage mo lang sya ng ok pero hindi pa rin tapos yung proseso.

Ang kritikal na parte kase after ng anger at nailabas mo na lahat ng hinanakit mo, parang biglang may mga realizations na magpa-flash sa isip mo na "pwede pa, kaya pang ayusin". Eto na yung bargaining stage. Dito mo na ile-laydown lahat ng baraha mo depende sa tindi ng emosyon mo. Again its all just emotion. Yung reyalidad, blurry na, di mo na masyado makita. Nakafocus ka na lang sa target outcome mo which is magkabalikan. When I say magkabalikan, you will even resort to "kahit friendship na lang". Yes you heard that righ, kahit as friends na lang. Kumbaga kahit yung pinakaminimum na lang na ugnayan ang mahalaga meron. Though you know deep within you na sa balikan pa rin gusto mong mauwi yung friendship na inooffer mo. Sa puntong ito, tulad ng denial at anger kaya mo rin mamanage to. Ang naging mali ko dito, nag-all out ako para lang makita sa bandang huli na mas pinu-push ko sya palayo kesa mahila palapit.

Sa unang tatlong phase ng pag-move on na diniscuss ko dito, it takes a very discipline person to achieve yung outcome na gusto nya. If plano mo na i-winback ang taong mahal mo, you will only get to bargaining stage and your moving on will not be complete kase naging kayo ulet or somehow magiging kayo ulet if magsucceed man yung "friendship bargaining" na inoffer mo. Pero kung wala sa kahit anong phase na yan ang nagdulot ng balikan effect, you have to prepare yourself to much more devastating phase of the moving on process which is tatalakayin natin sa next entry ko.






Thursday, March 21, 2024

Palayan

Sinulat ko to para sa ex kong nakipagbreak saken habang LDR kami. Sharing it here para sa mga makakarelate. Btw the title will give you hint kung taga saang probinsya sya. :D Shout out sa mga taga dyan!



 

 

 

 

 

 

 

 

 

Sa sariwang ala-ala ng iyong ganda
Natagpuan ang sarili na tigmak ng luha
Lulan ng sasakya'y sa bukid bumaba
Upang pakawalan ang lungkot na dala

Ang dagat ng luha na sa mata'y humaharang
Sa luntiang paligid dagliang naparam
Ang pausbong na palay wari'y syang nagpatahan
Wika'y "Tahan na't lilipas din ang mga agam-agam."

Sa paghampas ng banayad na hangin sa'king pisngi
Lakip ay mensaheng pag-asa'y mananatili
Sa papalubog na araw sa dakong kanluran
Luntiang paligid ay naging ginintuan.

Oras na upang magpatuloy sa paglakbay
Anu't anupaman, ipagpapatuloy ang buhay
Luntian, ginintuan kulay ay magbabago
Ngunit mananatiling ang puso ko'y sayo.

Yaring palay ay umusbong, yumabong at bumalik sa simula
Damdami'y may yugto din at hindi laging dakila
Ugnayan ma'y lumamlam at tuluyang mawala
Ang pag-ibig ay nanatili bagamat nangungulila

Sa pagbalik tanaw sa ala-alang kayrikit
Mangha'y di mailarawan na para bang panaginip
Isa kang tula na kaygandang isulat.
At magiging inspirasyon sa bawat pagmulat.

Saturday, December 4, 2021

State of Decay 2 Comprehensive Guides 2021



 A lot of players struggle in this game and just choose to give up come the highest difficulty. While the game is still enjoyable in lower difficulty, the real juice of the game is in the highest difficulty.

Surviving in post apocalyptic world is not walk in the park so why not play it close to realistic experience?

Here are the comprehensive guides players new and old may find helpful. Come check them out survivors!

[Top 10] State of Decay 2 Best Base Locations and Why They're Great

[Top 5] State of Decay 2 Best Special Enclaves

State of Decay 2 Best Maps - Which To Choose

[Top 15] State of Decay 2 Best Traits in Lethal Zone

[Top 10] State of Decay 2 Best Ranged Weapons

Sunday, July 25, 2021

Betrayal


 Hindi ko alam paano sisimulan ang entry na to. Ang tagal ko na nagsusulat sa blogsite ko na to pero ngayon lang siguro ako maglalahad dito ng pinakamasakit na karanasan na dumating sa buhay ko.

Nakilala kita sa dating app. Kasagsagan ng "total devastation" ko nun sa buhay. Betrayal. Natagpuan mo ko sa kalagitnaan ng krisis ko. Sariwang sariwa pa kung paano ako iniwang sugatan at lasug-lasog ng ex kong sumama sa ibaba at pinagmuka akong tanga sa mahabang panahon para mabunyag bandang huli, napakalaki ko palang gago. Sa ganung tagpo ng magkrus ang landas natin sa dating app na kung saan nakuha mo agad ang atensyon ko dahil sa kakaibang karisma na meron ka.

Masaya kang kausap. Huling huli mo ang kiliti ko. Natumbok mo ang pagiging narcissistic ko at binusog mo ko sa atensyon na kinaoobssesan ko. Ipinadama mo saken "hindi ako loser" katulad ng nararamdaman ko para sa sarili ko nung mga panahong yun dahil na rin sa pagiging nasa "lowest point" ko ng buhay ko. Lumevel ka sa takbo ng utak ko. Nagrespond sa mga unorthodox na way of thinking ko at hindi ko na napigilang bumulusok sa pagkagusto sayo.

Araw araw tayong in-touch. Laging updated sa bawat isa. Gustong gusto ko ang pagiging mayumi mo. May innocence level ka nagpaimpress saken at nagpaniwala saken na napaka-pure mo. Lumalim nang lumalim ang tinginan natin hanggang sa puntong automatic na ikaw na ang babaeng magpapaliko at babali ng hatred ko sa mga kauri mo. Ang babaeng tutulong saken para itapon na lahat ng negatibong bagay at kalimutan ko na ang noo'y solid nang pagiging "woman hater" ko. Isinurrender ko na sayo ang aking sarili, inilaylay ko na ang tiwala at sinabing "ikaw na ang bahala saken".

Parang gabing hindi naman hinuhukay pero lumalalim, naging ganun ang ugnayan natin. Bagamat lahat ay virtual dahil na rin sa sitwasyon na nagpipigil satin para magkita, we made the most out of "online relationship". You got my back, I got your back. Nang iniwan tayo ng mahal natin sa buhay sa halos magkadikit na panahon, pinagsaluhan natin ang timba timbang luha. Nandun tayo para sa isa't-isa, malayo pero hindi kinapos ng presensya. Nasambit ko, ikaw na nga, ikaw na talaga ang siyang hahawak ng puso ko at hindi na ito magbabago sa matagal na panahon kundi man hanggang sa huling hininga ko.

Lumalakad ang panahon at ang sitwasyon ay unti-unti nang lumuluwag. Ang pag-asa koy di na mapigilan sa pagpiglas, nalalapit na ang araw na tayo'y magkakapiling. Pinuno kita ng pagmamahal sa araw-araw na dumaan at pinangako ko na sa oras na magkasama na tayo, ikaw at ikaw lang ang tatamasa ng lahat kaligayahan na ibibigay ng pag-ibig ko sayo. Lumalapit na, ramdam ko na ang pagdating ng araw na mayayakap na kita for real. Madarama na din ang init ng iyong yakap na ipinangako mo rin saken. Lahat ay gumuho na parang kastilyong buhanging hinampas ng galit na alon. Anung nangyari?

Tumabang ang kapeng inakala kong hindi kakapusin ng tamis. Nahalata ko at inalam ko kung bakit. Sa pinakashocking na revelation na natanggap ko sa buhay ko, inamin mo saken na meron kang ka-affair na iba maliban saken. Bago ko ituloy sa puntong ito, masakit pero irereview ko muna ang nangyari saken bago kita nakilala.

Alam mo kung panu ako binetray ng ex ko. Alam mo kung paanong pati bulsa ko ay nalaspag dahil sa pang-iiscam ng ex ko at ng kalaguyo nya. Alam mo kung paanong halos nasiraan ako ng bait dahil sa intensity ng panloloko na ginawa saken. Sa sobrang lala ng betrayal na inabot ko sa kanya na kinuwestyon ko na ang self worth ko. Alam mo yun dahil nilay-down ko sayo lahat ang pinanggalingan ko na dinamayan mo naman ko sa best na magagawa mo. Pero ginawa mo rin yun sa akin. At alam mo kung anung masakit? Alam ko sa kaibuturan ng damdamin ko na mahal na mahal kita at ang betrayal na ginawa mo saken ang siya nang pinamasakit na naranasan ko sa buhay ko to date.

Inamin mo saken na hindi lang ako ang lalaking nakakacommunicate mo. Inatake ka ng konsensya kaya't brineakdown mo saken ang kasalaulaan na ginawa mo kasabay ng paghingi mo ng tawad at second chance. Chance dahil sabi mo'y tuluyan ka ng "ginhost" ng lalaking gumalaw sayo and chance dahil napatunayan mong mahal mo pala ako? Ipinaramdam mo saken kung panung isa lang akong spare tire na nakadikit sa likod ng sasakyan mo na gagamitin mo sa panahon ng kagipitan.

Naging loyal ako sayo. Naalala mo nung nasugatan ako sa mukha dahil nagdrive ako ng lasing makauwi lang sa bahay dahil dun lang may wifi at para makita ang matamis mong ngiti at marinig ang boses mo. Miss na miss kita sa kada pagpitik ng orasan. If I died that night thats because I just wanted to go home and not miss the night na hindi ka makapiling kahit virtually. I guess I could've died for nothing then.

Sinubukan kong iproseso ang ginawa mo. Dininig kita kahit parang nilalatigo ng may tinik ang puso ko. Masakit, sobrang sakit na sumuka pa ko dahil sa stress na idinulot ng rebelasyon mo. Namanage kong maging mahinahon. Iyak ka ng iyak dahil walang pagsidlan ang paghingi mo ng tawad. Naawa ako sayo dahil bumalik sa ala-ala ko ang palahaw mo nung nawalan ka ng mahal sa buhay. Buong taimtim kong inunawa, ni-rationalize ang pangyayari. Ipinagdiinan mo na hindi mo gusto ang naging affair mo at ako talaga ang mahal mo. I get that but why? Paano na ako in the long run?

Paano na yung respeto ko sa sarili ko na binuild up ko ng husto at napagtagumpayan kong taglayin sa sarili ko? Tinulungan mo pa nga ako na ma-gain yun e. With you, naboost ang confidence ko na meron pang babae na "pure", dalisay na deserve ingatan at hindi dapat hayaang mawala sa piling. Sa pagkakataong inilahad mo saken ang totoo mong kulay, naappreciate ko ang honesty mo pero ang motive mo ay hindi katanggap tanggap.

Sinabi ko sayo na wala pa ring nagbago. Buo ka pa rin para saken. It was just a physical encounter with you and that guy and we can still go as planned leaving all those stuff behind na hindi natin kailangan. Pero nagsusumigaw ang likod ng utak ko..."kelan ka tatanda at kelan pa magtatanda brod?". Tang-ina, tama na. I've had enough.

Hinampas ako ng reyalizasyon na eto na naman ako, nagpapakabayani. Ilang beses kong pinatawad ang ex ko nun sa mga kababuyan nya para lang sa ultimatum ay sabihin nya saken na wala akong kwenta na hindi sya naging masaya saken kahit kelan. Sinabi nya yun saken habang nakangisi silang dalawa ng bago nya. Ngayon, kung bibigyan kita ng tsansa, ano ang assurance ko na hindi mo na ulet gagawin? And in the process, panu na ang magiging treatment ko sayo ngayong sadsad na sa putik ang pagtingin ko sayo? At ano ang assurance na hindi ako magse-seek ng revenge along the way na sure na hindi rin makakatulong saken? Basag na. Paano pa ibabalik sa dati? Grabe ka...grabe ka.

Sa huling minuto ng ilang oras ding pag-uusap natin, tila may malaking hollow block na tumama sa ulo ko. Natauhan ako. And tang-ina ulet, I AM BETTER NOW THAN WHAT I USED TO BE. I'm a new version of myself now, stronger, mightier, fiercer. Never again that I will be invaded by my failures and miseries. I know na ipinagsisigawan ng puso ko na mahal kita at may room pa ng kapatawaran sa ginawa mo at kaya ko pa rin lumigaya pero malinaw din na ang kalidad ng naturang kaligayahan ay wala nang kasing-worst. Quality na sobrang fucked up, bakit mo pa ike-keep? Itapon mo na lang.

Sayang yung mga kantang kinanta ko sayo. Sayang yung mga tulang ginawa ko para sayo. Sayang ang lahat nang oras na ginugol ko sayo. Sa isang iglap, naging alikabok lahat.

Alam kong hindi madali pero its just a matter of time. Time will heal. Rest assure na hindi ako gaganti sa mga babae na tulad ng tipikal na ginagawa ng karamihan sa mga lalaking binetray. Di ako magiging ganun. The respect that I want for myself, I will relay sa ibang tao, sa mga babae so I can get the same back. Sa dalawang instance ng magkasunod na panloloko na ginawa saken, tawagin mo na kong pa-victim if thats how sound to you, pero if you can dive deep down kung saan ako nanggagaling, you might as well try to learn from me. And what I can tell you is, iba-iba pa rin ang mga babae just like iba-ba pa rin ang mga lalaki. But for me, I might as well rest and heal for a good, long time.

My family loves me. Tuwing nakikita ko ang ngiti ng pamangkin ko sa umaga, napapawi lahat ng lungkot ko. Somewhere, may uri ng pagmamahal na walang kondisyon, puro o dalisay. It doesn't have to be a person but love itself that will give us happiness. Draw it from somewhere if a certain person failed you. 

Let time take the wheel for now. 

To you, sorry sa pangit na word na nasabi ko sayo at the end. I still wish you well. I hope na hindi naman maging kumplikado sa personal mong buhay yung consequences ng ginawa mo. Please learn from it and move on. Wala akong magiging ibang basis ng "feeling inlove" maliban sa naramdaman ko sayo. Though if I feel the same again, sa itinuro mo saken, I may not end up to your kind anymore..hopefully. 

Di magpe-fade ang nararamdaman ko sayo sa mahabang panahon but it will be gone eventually. In the process, I aim zero contact with you. At the same time i Will focus sa kung paanong mamaintain na hindi magtanim ng universal na galit sa mga babae dahil alam kong kakatok na naman yan saken sa hindi ko alam kung kelan. 

Be well "sinta" ko. Hanggang dito na lang. 

Salamat.




Wednesday, March 24, 2021

Kelan Pwedeng Maging Walangya sa Prof?

 

credit to Barcenas Francis

Isa nang kaligayahan na maituturing para sa isang guro ang igalang, ang irespeto ng kanyang estudyante. Pero ayon sa larawan na ito, mahalagang isipin ng makakakita kung ito ba ay sa pagitan ng isang college student o highschool o SHS at ng kanyang guro.

Kung ito'y asal ng isang non-college student, masasabi kong hindi ito tama. Sa hayskul or SHS, mahalagang ipamulat sa kanila ang paggalang sa kanilang guro. Hindi dahil importante ang gumalang kungdi importanteng matutunan at ipraktis mo ang paggalang.

Sadyang may mga tao na hindi biniyayaan ng natural na kakayanan na rumespeto. Sadyang bastos sila na kelangan pa nila pag-aralan sa school ang tamang pag-uugali. Kung kaya naman, ang mga natural na bastos na mag-aaral ay marapat na i-take advantage ang pagkatuto na gumalang sapagkat ito'y mapapakinabangan din nila sa mga susunod na yugto ng buhay nila.

Meron din namang estudyante na natural na magalang, sobrang effortless nila sa pagrespeto. Hindi nila kailangang turuan kung paano rumespeto dahil natural ito sa kanilang pagkatao. Ngunit saang yugto nga ba nagkakatalo ang mga magalang at ang mga hindi?

Sa college. Ang punto ng buhay mo na dapat ay alam mo na kung paano gumalang at kung kelan mo babawasan ang stress mo sa pamamagitan ng "pagkawala ng galang". Mangyari ay hindi lang paggamit ng po at opo ang porma ng paggalang sa pinakamataas na antas ng edukasyon. Ang paggalang sa yugtong ito ng edukasyon mo ay mas masusukat sa tamang asal mo sa pagsunod at paggawa ng mga requirements na ibinigay sayo ng iyong instructor o propesor. Ang sukatan ng respeto sa higher education ay ang kakayanan mong iprisinta sa mukha ng propesor mo ang pinagpuyatan at pinagpaguran mong asignatura. Ang paggalang sa kanila ay masusukat kung paano ka umasal sa harapan nila habang under pressure. Ang paggalang sa kanila ay hindi masusukat kung paano mo sila kausapin kungdi kung ano ang sense ng pinagsasabi mo.

Sure may mga guro talaga sa college na masasabing kupal in all sense. Yung mga tipong feeling diyos na huhusgahan ka kung panu mo sya kausapin. Yung mga tipong hindi ka pwede magpaliwanag sa kanya. Ngunit as long as hindi mo sya minumura, hindi mo sya pinepersonal, as long as may sustansya ang paliwanag mo at nananatili ka sa edukadong katwiran, hindi ka dapat maging sensitibo sa nararamdaman nya dahil sa totoo lang, siya ang mas nakakaunawa at dapat mag-adjust sayo bilang estudyante nya. Ito yung point na pwede ka nang kumawala sa tradisyunal na nakamulatan mong paggalang. Ito na yung simula na nag-iipon ka na ng panibagong rekado sa karakter mo, ang pagiging matapang at palaban.

Not to the sense na aktibista type ka kaagad but to the sense na sa bawat challenge na nalalampasan mo sa higher education ay nagiging matibay ka ng ilang porsyento hanggang maging kumpleto patungo sa totoong laban ng buhay pagkagraduate mo. Hindi mo kailangang mag-asal anghel sa harap ng propesor dahil pakiramdam mo obligado ka. Ipakita mo sa kanya kung anong totoong kulay mo as long as relevant sa subject matter ang inaasal mo.

Maraming porma ang paggalang pero wag mong papayagan na mag-convert ito sa takot at panghihina ng loob. Ang buhay after college ay puno ng deception at kailangan alam mo kung ang paggalang ay nasa iyong advantage o wala.


Share