Thursday, March 21, 2024

Palayan

Sinulat ko to para sa ex kong nakipagbreak saken habang LDR kami. Sharing it here para sa mga makakarelate. Btw the title will give you hint kung taga saang probinsya sya. :D Shout out sa mga taga dyan!



 

 

 

 

 

 

 

 

 

Sa sariwang ala-ala ng iyong ganda
Natagpuan ang sarili na tigmak ng luha
Lulan ng sasakya'y sa bukid bumaba
Upang pakawalan ang lungkot na dala

Ang dagat ng luha na sa mata'y humaharang
Sa luntiang paligid dagliang naparam
Ang pausbong na palay wari'y syang nagpatahan
Wika'y "Tahan na't lilipas din ang mga agam-agam."

Sa paghampas ng banayad na hangin sa'king pisngi
Lakip ay mensaheng pag-asa'y mananatili
Sa papalubog na araw sa dakong kanluran
Luntiang paligid ay naging ginintuan.

Oras na upang magpatuloy sa paglakbay
Anu't anupaman, ipagpapatuloy ang buhay
Luntian, ginintuan kulay ay magbabago
Ngunit mananatiling ang puso ko'y sayo.

Yaring palay ay umusbong, yumabong at bumalik sa simula
Damdami'y may yugto din at hindi laging dakila
Ugnayan ma'y lumamlam at tuluyang mawala
Ang pag-ibig ay nanatili bagamat nangungulila

Sa pagbalik tanaw sa ala-alang kayrikit
Mangha'y di mailarawan na para bang panaginip
Isa kang tula na kaygandang isulat.
At magiging inspirasyon sa bawat pagmulat.

Saturday, December 4, 2021

State of Decay 2 Comprehensive Guides 2021



 A lot of players struggle in this game and just choose to give up come the highest difficulty. While the game is still enjoyable in lower difficulty, the real juice of the game is in the highest difficulty.

Surviving in post apocalyptic world is not walk in the park so why not play it close to realistic experience?

Here are the comprehensive guides players new and old may find helpful. Come check them out survivors!

[Top 10] State of Decay 2 Best Base Locations and Why They're Great

[Top 5] State of Decay 2 Best Special Enclaves

State of Decay 2 Best Maps - Which To Choose

[Top 15] State of Decay 2 Best Traits in Lethal Zone

[Top 10] State of Decay 2 Best Ranged Weapons

Sunday, July 25, 2021

Betrayal


 Hindi ko alam paano sisimulan ang entry na to. Ang tagal ko na nagsusulat sa blogsite ko na to pero ngayon lang siguro ako maglalahad dito ng pinakamasakit na karanasan na dumating sa buhay ko.

Nakilala kita sa dating app. Kasagsagan ng "total devastation" ko nun sa buhay. Betrayal. Natagpuan mo ko sa kalagitnaan ng krisis ko. Sariwang sariwa pa kung paano ako iniwang sugatan at lasug-lasog ng ex kong sumama sa ibaba at pinagmuka akong tanga sa mahabang panahon para mabunyag bandang huli, napakalaki ko palang gago. Sa ganung tagpo ng magkrus ang landas natin sa dating app na kung saan nakuha mo agad ang atensyon ko dahil sa kakaibang karisma na meron ka.

Masaya kang kausap. Huling huli mo ang kiliti ko. Natumbok mo ang pagiging narcissistic ko at binusog mo ko sa atensyon na kinaoobssesan ko. Ipinadama mo saken "hindi ako loser" katulad ng nararamdaman ko para sa sarili ko nung mga panahong yun dahil na rin sa pagiging nasa "lowest point" ko ng buhay ko. Lumevel ka sa takbo ng utak ko. Nagrespond sa mga unorthodox na way of thinking ko at hindi ko na napigilang bumulusok sa pagkagusto sayo.

Araw araw tayong in-touch. Laging updated sa bawat isa. Gustong gusto ko ang pagiging mayumi mo. May innocence level ka nagpaimpress saken at nagpaniwala saken na napaka-pure mo. Lumalim nang lumalim ang tinginan natin hanggang sa puntong automatic na ikaw na ang babaeng magpapaliko at babali ng hatred ko sa mga kauri mo. Ang babaeng tutulong saken para itapon na lahat ng negatibong bagay at kalimutan ko na ang noo'y solid nang pagiging "woman hater" ko. Isinurrender ko na sayo ang aking sarili, inilaylay ko na ang tiwala at sinabing "ikaw na ang bahala saken".

Parang gabing hindi naman hinuhukay pero lumalalim, naging ganun ang ugnayan natin. Bagamat lahat ay virtual dahil na rin sa sitwasyon na nagpipigil satin para magkita, we made the most out of "online relationship". You got my back, I got your back. Nang iniwan tayo ng mahal natin sa buhay sa halos magkadikit na panahon, pinagsaluhan natin ang timba timbang luha. Nandun tayo para sa isa't-isa, malayo pero hindi kinapos ng presensya. Nasambit ko, ikaw na nga, ikaw na talaga ang siyang hahawak ng puso ko at hindi na ito magbabago sa matagal na panahon kundi man hanggang sa huling hininga ko.

Lumalakad ang panahon at ang sitwasyon ay unti-unti nang lumuluwag. Ang pag-asa koy di na mapigilan sa pagpiglas, nalalapit na ang araw na tayo'y magkakapiling. Pinuno kita ng pagmamahal sa araw-araw na dumaan at pinangako ko na sa oras na magkasama na tayo, ikaw at ikaw lang ang tatamasa ng lahat kaligayahan na ibibigay ng pag-ibig ko sayo. Lumalapit na, ramdam ko na ang pagdating ng araw na mayayakap na kita for real. Madarama na din ang init ng iyong yakap na ipinangako mo rin saken. Lahat ay gumuho na parang kastilyong buhanging hinampas ng galit na alon. Anung nangyari?

Tumabang ang kapeng inakala kong hindi kakapusin ng tamis. Nahalata ko at inalam ko kung bakit. Sa pinakashocking na revelation na natanggap ko sa buhay ko, inamin mo saken na meron kang ka-affair na iba maliban saken. Bago ko ituloy sa puntong ito, masakit pero irereview ko muna ang nangyari saken bago kita nakilala.

Alam mo kung panu ako binetray ng ex ko. Alam mo kung paanong pati bulsa ko ay nalaspag dahil sa pang-iiscam ng ex ko at ng kalaguyo nya. Alam mo kung paanong halos nasiraan ako ng bait dahil sa intensity ng panloloko na ginawa saken. Sa sobrang lala ng betrayal na inabot ko sa kanya na kinuwestyon ko na ang self worth ko. Alam mo yun dahil nilay-down ko sayo lahat ang pinanggalingan ko na dinamayan mo naman ko sa best na magagawa mo. Pero ginawa mo rin yun sa akin. At alam mo kung anung masakit? Alam ko sa kaibuturan ng damdamin ko na mahal na mahal kita at ang betrayal na ginawa mo saken ang siya nang pinamasakit na naranasan ko sa buhay ko to date.

Inamin mo saken na hindi lang ako ang lalaking nakakacommunicate mo. Inatake ka ng konsensya kaya't brineakdown mo saken ang kasalaulaan na ginawa mo kasabay ng paghingi mo ng tawad at second chance. Chance dahil sabi mo'y tuluyan ka ng "ginhost" ng lalaking gumalaw sayo and chance dahil napatunayan mong mahal mo pala ako? Ipinaramdam mo saken kung panung isa lang akong spare tire na nakadikit sa likod ng sasakyan mo na gagamitin mo sa panahon ng kagipitan.

Naging loyal ako sayo. Naalala mo nung nasugatan ako sa mukha dahil nagdrive ako ng lasing makauwi lang sa bahay dahil dun lang may wifi at para makita ang matamis mong ngiti at marinig ang boses mo. Miss na miss kita sa kada pagpitik ng orasan. If I died that night thats because I just wanted to go home and not miss the night na hindi ka makapiling kahit virtually. I guess I could've died for nothing then.

Sinubukan kong iproseso ang ginawa mo. Dininig kita kahit parang nilalatigo ng may tinik ang puso ko. Masakit, sobrang sakit na sumuka pa ko dahil sa stress na idinulot ng rebelasyon mo. Namanage kong maging mahinahon. Iyak ka ng iyak dahil walang pagsidlan ang paghingi mo ng tawad. Naawa ako sayo dahil bumalik sa ala-ala ko ang palahaw mo nung nawalan ka ng mahal sa buhay. Buong taimtim kong inunawa, ni-rationalize ang pangyayari. Ipinagdiinan mo na hindi mo gusto ang naging affair mo at ako talaga ang mahal mo. I get that but why? Paano na ako in the long run?

Paano na yung respeto ko sa sarili ko na binuild up ko ng husto at napagtagumpayan kong taglayin sa sarili ko? Tinulungan mo pa nga ako na ma-gain yun e. With you, naboost ang confidence ko na meron pang babae na "pure", dalisay na deserve ingatan at hindi dapat hayaang mawala sa piling. Sa pagkakataong inilahad mo saken ang totoo mong kulay, naappreciate ko ang honesty mo pero ang motive mo ay hindi katanggap tanggap.

Sinabi ko sayo na wala pa ring nagbago. Buo ka pa rin para saken. It was just a physical encounter with you and that guy and we can still go as planned leaving all those stuff behind na hindi natin kailangan. Pero nagsusumigaw ang likod ng utak ko..."kelan ka tatanda at kelan pa magtatanda brod?". Tang-ina, tama na. I've had enough.

Hinampas ako ng reyalizasyon na eto na naman ako, nagpapakabayani. Ilang beses kong pinatawad ang ex ko nun sa mga kababuyan nya para lang sa ultimatum ay sabihin nya saken na wala akong kwenta na hindi sya naging masaya saken kahit kelan. Sinabi nya yun saken habang nakangisi silang dalawa ng bago nya. Ngayon, kung bibigyan kita ng tsansa, ano ang assurance ko na hindi mo na ulet gagawin? And in the process, panu na ang magiging treatment ko sayo ngayong sadsad na sa putik ang pagtingin ko sayo? At ano ang assurance na hindi ako magse-seek ng revenge along the way na sure na hindi rin makakatulong saken? Basag na. Paano pa ibabalik sa dati? Grabe ka...grabe ka.

Sa huling minuto ng ilang oras ding pag-uusap natin, tila may malaking hollow block na tumama sa ulo ko. Natauhan ako. And tang-ina ulet, I AM BETTER NOW THAN WHAT I USED TO BE. I'm a new version of myself now, stronger, mightier, fiercer. Never again that I will be invaded by my failures and miseries. I know na ipinagsisigawan ng puso ko na mahal kita at may room pa ng kapatawaran sa ginawa mo at kaya ko pa rin lumigaya pero malinaw din na ang kalidad ng naturang kaligayahan ay wala nang kasing-worst. Quality na sobrang fucked up, bakit mo pa ike-keep? Itapon mo na lang.

Sayang yung mga kantang kinanta ko sayo. Sayang yung mga tulang ginawa ko para sayo. Sayang ang lahat nang oras na ginugol ko sayo. Sa isang iglap, naging alikabok lahat.

Alam kong hindi madali pero its just a matter of time. Time will heal. Rest assure na hindi ako gaganti sa mga babae na tulad ng tipikal na ginagawa ng karamihan sa mga lalaking binetray. Di ako magiging ganun. The respect that I want for myself, I will relay sa ibang tao, sa mga babae so I can get the same back. Sa dalawang instance ng magkasunod na panloloko na ginawa saken, tawagin mo na kong pa-victim if thats how sound to you, pero if you can dive deep down kung saan ako nanggagaling, you might as well try to learn from me. And what I can tell you is, iba-iba pa rin ang mga babae just like iba-ba pa rin ang mga lalaki. But for me, I might as well rest and heal for a good, long time.

My family loves me. Tuwing nakikita ko ang ngiti ng pamangkin ko sa umaga, napapawi lahat ng lungkot ko. Somewhere, may uri ng pagmamahal na walang kondisyon, puro o dalisay. It doesn't have to be a person but love itself that will give us happiness. Draw it from somewhere if a certain person failed you. 

Let time take the wheel for now. 

To you, sorry sa pangit na word na nasabi ko sayo at the end. I still wish you well. I hope na hindi naman maging kumplikado sa personal mong buhay yung consequences ng ginawa mo. Please learn from it and move on. Wala akong magiging ibang basis ng "feeling inlove" maliban sa naramdaman ko sayo. Though if I feel the same again, sa itinuro mo saken, I may not end up to your kind anymore..hopefully. 

Di magpe-fade ang nararamdaman ko sayo sa mahabang panahon but it will be gone eventually. In the process, I aim zero contact with you. At the same time i Will focus sa kung paanong mamaintain na hindi magtanim ng universal na galit sa mga babae dahil alam kong kakatok na naman yan saken sa hindi ko alam kung kelan. 

Be well "sinta" ko. Hanggang dito na lang. 

Salamat.




Wednesday, March 24, 2021

Kelan Pwedeng Maging Walangya sa Prof?

 

credit to Barcenas Francis

Isa nang kaligayahan na maituturing para sa isang guro ang igalang, ang irespeto ng kanyang estudyante. Pero ayon sa larawan na ito, mahalagang isipin ng makakakita kung ito ba ay sa pagitan ng isang college student o highschool o SHS at ng kanyang guro.

Kung ito'y asal ng isang non-college student, masasabi kong hindi ito tama. Sa hayskul or SHS, mahalagang ipamulat sa kanila ang paggalang sa kanilang guro. Hindi dahil importante ang gumalang kungdi importanteng matutunan at ipraktis mo ang paggalang.

Sadyang may mga tao na hindi biniyayaan ng natural na kakayanan na rumespeto. Sadyang bastos sila na kelangan pa nila pag-aralan sa school ang tamang pag-uugali. Kung kaya naman, ang mga natural na bastos na mag-aaral ay marapat na i-take advantage ang pagkatuto na gumalang sapagkat ito'y mapapakinabangan din nila sa mga susunod na yugto ng buhay nila.

Meron din namang estudyante na natural na magalang, sobrang effortless nila sa pagrespeto. Hindi nila kailangang turuan kung paano rumespeto dahil natural ito sa kanilang pagkatao. Ngunit saang yugto nga ba nagkakatalo ang mga magalang at ang mga hindi?

Sa college. Ang punto ng buhay mo na dapat ay alam mo na kung paano gumalang at kung kelan mo babawasan ang stress mo sa pamamagitan ng "pagkawala ng galang". Mangyari ay hindi lang paggamit ng po at opo ang porma ng paggalang sa pinakamataas na antas ng edukasyon. Ang paggalang sa yugtong ito ng edukasyon mo ay mas masusukat sa tamang asal mo sa pagsunod at paggawa ng mga requirements na ibinigay sayo ng iyong instructor o propesor. Ang sukatan ng respeto sa higher education ay ang kakayanan mong iprisinta sa mukha ng propesor mo ang pinagpuyatan at pinagpaguran mong asignatura. Ang paggalang sa kanila ay masusukat kung paano ka umasal sa harapan nila habang under pressure. Ang paggalang sa kanila ay hindi masusukat kung paano mo sila kausapin kungdi kung ano ang sense ng pinagsasabi mo.

Sure may mga guro talaga sa college na masasabing kupal in all sense. Yung mga tipong feeling diyos na huhusgahan ka kung panu mo sya kausapin. Yung mga tipong hindi ka pwede magpaliwanag sa kanya. Ngunit as long as hindi mo sya minumura, hindi mo sya pinepersonal, as long as may sustansya ang paliwanag mo at nananatili ka sa edukadong katwiran, hindi ka dapat maging sensitibo sa nararamdaman nya dahil sa totoo lang, siya ang mas nakakaunawa at dapat mag-adjust sayo bilang estudyante nya. Ito yung point na pwede ka nang kumawala sa tradisyunal na nakamulatan mong paggalang. Ito na yung simula na nag-iipon ka na ng panibagong rekado sa karakter mo, ang pagiging matapang at palaban.

Not to the sense na aktibista type ka kaagad but to the sense na sa bawat challenge na nalalampasan mo sa higher education ay nagiging matibay ka ng ilang porsyento hanggang maging kumpleto patungo sa totoong laban ng buhay pagkagraduate mo. Hindi mo kailangang mag-asal anghel sa harap ng propesor dahil pakiramdam mo obligado ka. Ipakita mo sa kanya kung anong totoong kulay mo as long as relevant sa subject matter ang inaasal mo.

Maraming porma ang paggalang pero wag mong papayagan na mag-convert ito sa takot at panghihina ng loob. Ang buhay after college ay puno ng deception at kailangan alam mo kung ang paggalang ay nasa iyong advantage o wala.


Saturday, March 20, 2021

Usapang Cheating

 


Lahat naman may kakayanan mag-cheat pero hindi talaga siya makatuwiran. Laging susubukan ng nag-cheat na i-justify yung ginawa nya to make it reasonable sa mata ng niloko nya pero wala kase talagang universal na katanggap-tanggap na dahilan kaya nagloko ang isang tao. Laging ang ending pa rin nyan, nagcheat ka or nag-cheat kayo sa isa't isa at MALI sya sa kahit saang anggulo.

Kung ang reason mo ay dahil nagsawa ka, kesyo ang tagal niyo na and gusto mo maka-experience ng iba, sige magcheat ka. Pero maging fair ka. Dapat bigyan mo rin ng lisensya ang partner mo na lumandi sa iba. Kase sabi mo "normalize cheating" para labanan yung "nagkasawaan" di ba? So ang mangyayari, magkakaroon kayo ng contest ng padamihan ng cheating. Magiging ganito ang dialogue nyo:
Boy: Kumusta kayo ni Juan?
Girl: Nag-change oil kami kagabi. Kumusta kayo ni Maria?
Boy: Ganun din. Nag-enjoy ba kayo?
Girl: Oo naman. E kayo ba?
Hindi na yan cheating actually. "Polyamory" na ang tawag dyan na kung saan, ok lang sa inyo na makipagrelasyon sa iba habang kayo.
Samakatuwid, ang cheating na pinapayagan nyong dalawa ay hindi talaga cheating kundi acceptable na ginagawa ng ibang kultura. It only means na ang totoong cheating ay laging pabor lang sa iisa. So para ma-normalize ang cheating kelangan ma-normalize din ang makasakit at masaktan. Kelangan i-normalize din na may damdaming nadudurog tuwing sya'y niloloko. At lahat nang ito, para lang ma-maintain ang kahulugan ng cheating sa relasyon.
To sum it up, normalizing cheating is beating the purpose of a monogamous relationship. Kung may mindset ka ng cheating bago ka pumasok sa relasyon, that means na hindi ka naka-program na sumaya sa iisang tao lang. Which means hindi ka naka-program na pumasok sa solid na commitment. Which means, hindi ka dapat pumasok sa relasyon at nakipagcommit in the first place.
Samantalang kung nasa kalagitnaan ka ng relasyon nang nag-cheat ka, suriin mo ulet sarili mo kung gusto mo pa ba ipagpatuloy yung relasyon o hindi na. Kase ang pangunahing sangkap ng intimate na relasyon ay pagmamahalan. Yung nagsawa ka nga lang indikasyon na yun na hindi mo na mahal e, lalo pa yung naghanap ka ng iba. So just give it up, mag-break kayo, let go at gawin mo gusto mo. Bitawan mo na agad ang partner mo at wag nang lokohin ng matagal o paulit paulit. Maiksi lang ang buhay, wag kang selfish, at ibigay mo sa partner mo ang tsansa na makapag-heal agad at makatagpo ng hindi kasing-asshole mo.

Tuesday, March 16, 2021

NO LABEL: Alaala ng College


"Anong favorite mong element sa Chemistry?" tanong mo sa dalaga

"Ikaw muna." 

"Ang paborito ko ay Europium" sagot mo naman

"Baket?" ang kanyang pagtataka

"Dahil sa Eu lang ako, Eung-eu." kasabay ng iyong nakakalokong ngiti

"Ako ang paborito ko naman Silicon, Germanium at Barium." wika ng dalaga

"Baket?" alam mo sa sarili mo kung ganu ka kabobo sa Chemistry at wala pang android phone nung panahon mo para i-google nang mabilis kung ano yung mga yun. Hindi na nya nasagot ang tanong mo dahil nagpaalam na sya na papasok sa next class. Ang tanging iniwan nya lang sayo ay nilalanggam na ngiti. Naiwan kang nakatulala sa table of elements na hinablot mo sa kaklase. Wala kang kasinglandi, kahit sa loob ng library, hindi mo pinatawad.

__________

College life. Sino bang makakalimot sa pinakamalanding yugto ng buhay mo? Well hindi naman sa lahat kase karamihan ay hindi paglalandi ang priority sa college at may call center naman or nung nakagraduate na sila or whatever. Anyway, panu mo malilimutan ang mga struggle, mga adventure, mga cringey moments? Maliban na lang kung hindi ka nagcollege so may iba kang yugto ng kalandian ngunit anu't anupaman, masayang balikan ang mga awkwardness at mga happenings nung late teenage days mo. Ituloy natin ang kwento.

___________

Kinabukasn, may joint event ang college departments nyo at kayong mga freshman ang madaling mauto kaya't kayo lang ang participants. Tinawag itong camaraderie ng mga Psyche habang tinawag nyo itong torture ng mga kaklase mo sa Pol. Sci. Malakas ang ulan, malamig at lahat kayo ay nakapiring ang mata. Naulinigan nyo na ang activity ay tungkol sa trust. Sa panahong gamit na gamit ang salitang "trust" sa ibang bagay, wala kang ibang maisip na safe na kahulugan dito lalo na ng sabihin nila na tatalon ka mula sa upuan at sasaluhin ka ng mga team mates mo.

"Nakita ko kausap mo si Katarina kahapon sa library." ang tinig ng kaklase mong si Berto na noo'y so-so na kaibigan mo.

"Ano naman sayo tol?" ang tanong mo sa tinig ni Robin Padilla

"Sa akin sya bro. Ang kay Pedro ay kay Pedro" ang pagbabanta niya

"Alam ba niya?" ngunit wala kang narinig na sagot sa loob ng tatlumpong segundo

"Hindi pa pero lagi ko sya tinutulungan sa assignments nya. May unawaan na kami bro kaya hayaan mo na kami."

"Yun nga so kayo na nga? Tapos pag nalaman nyang kayo, break na kayo ganun?"

Biglang may babaeng humagikhik sa di kalayuan na tila nakikinig sa inyong dalawa.

"Oh humanda na ang mga nakapiring. Trust your team mates na sasalo sa inyo ok?" sigaw ng organizer

Nagpasalamat ka kase hindi isa si Berto sa sasalo sayo dahil hindi mo alam kung anong kaya nyang gawin para sa pag-ibig.

Nakaraos naman sa activity na yun na wala kang injury at ilang sandali pa'y tinanggal nyo na ang piring. Tanging mga ilaw lang ng kandila ang nagsisilbing liwanag at laking gulat mo sa nasaksihan, isang lalaking may panyo sa ulo na may hawak na kandila at kulang na lang ay mga dahon ng sambong para magmukhang albularyo ang kasalukuyang lumalandi kay Katarina! Medyo matagal ang pagkakapiring mo kaya't nanlabo ang iyong paningin or sadyang mahirap lang talaga makita si Berto sa medyo madilim na kapaligiran pero sigurado kang sya ang lumalandi sa diwatang na-meet mo kahapon.

"Mawalang galang na binibini pero maaaring lumayo ka ng konti sa taong iyan bago tuluyan kang madala sa kanyang orasyon." ang bungad mo sa dalaga 

"Ay hello" ang sweet na bati niya sayo

"So napag-isipan mo na ba yung sagot sa tanong ko?" ang tinig ni Berto na nagtatanong sa dalaga at kasalukuyang nainterrupt ng iyong presensya

"Ah yung sa id, ego at super ego?" ang paglilinaw ng dalaga

"Hindi yung isa pa. Yung...." hindi na naituloy ni Berto ang kasunod dahil tuluyan ka nang umentrada

"Katarina, naniniwala ka ba sa reincarnation?"

"Uhhmmm... kinda. Baket?

"Kase tingin ko dati kang apoy"

"Hala baket?"

"Kase feeling ko unti-unti na kong nadadarang sayo." kasabay na naman ng ngiti mong medyo nanginginig pa ang labi

"So dati kang kahoy ganun?" ang natatawang tanong ng dalaga.

"Oo, at sayo lang ako magiging marupok"

"Boom! Haha..." ang priceless na halakhak ng dalagang aliw na aliw sa kalandian mo habang naiwang nagpapatulo ng kandila si Berto sa sarili nyang balat.

Ilang sandali pa'y nag-announce ng quick break ang organizer at nauna nang lumabas ang naiinis na si Berto. Habang galit na galit sa straw ng zesto ay kinausap ka nito.

"Bro, hindi ako bilib sa mga diskarte mo. Hinahamon kita. May the best man win." 

Hindi mo masyadong sineryoso ang sinabi ng kaibigan habang hawak-hawak sa bulsa ang piraso ng papel na naglalaman ng landline number ni Katarina na patagong iniabot ng dalaga. Tanging ngisi lang ang ibinato mo sa nilalang na wala kang idea na magiging kaibigan mo on and off sa unang limang taon at magiging kapatid mo na sa mga darating pang mga dekada.

Salamat sa Bayantel at sa unli call nito, hindi mo kelangan gumastos ng malaki sa cellphone load. Lingid sa kaalaman ng lahat, lagi na kayong inaabot ni Katarina ng madaling araw sa pag-uusap. Grabe ang koneksyon nyo, walang dull moments, nagkakasundo kayo sa kahit anong topic. Madalas na rin kayong nakikitang magkasama sa campus at sa mga fishbolan sa labas ng campus.

Lumipas ang mga araw at ganap na ngang natanggap ni Berto ang kanyang pagkatalo ng malaman nyang Mag-Un na kayo ni Katarina. Naging supportive na lang sya at winish na maging maligaya ang lahat sa mga relasyon nila lalo na si Mich na martir na isa nyo ring kaibigan. Subalit ang relasyon na iyong napasukan ay hindi pangkaraniwan. Maswerte pa ang maxx candy, sweet at may label, samantalang yung sa inyo, sweet lang.

Sweet kayo sa isa't isa, kumakain kayo sa labas, suki kayo ng Megamall foodcourt, naglalaro kayo sa arcade, may terms of endearment pa kayo. Nagke-care ka sa kanya at nagke-care sya sayo ngunit tila may kulang. Hindi naman officially kayo. Isang araw, hindi mo napigilang magtanong sa kanya.

"Ano ba tayo?"

"What do you mean?"

"Etong set-up natin. Anu ba tayo?"

"We're fine. We're good naman. Why?"

"Naiisip ko lang kase, can't we make it more official? Kase alam mo background photo na kita sa friendster ko tapos nakalagay ka na sa bio ko pero ikaw wala ka man lang pinopost na photo or anything about saken?"

"Dun lang ba yun nasusukat? Tsaka ok naman yung company natin kahit di natin i-broadcast."

"Ganun ba? So ok lang din na ibinubugaw ka ni Lafing sa mga Management students? Kase nga wala naman tayo label at pwede mong gawin kung anung gusto mo?"

"Watch your mouth! Anong tingin mo saken bitch para ibugaw?"

"Sorry naman. Nadala lang ako ng damdamin ko. Patawarin mo na ko. I'll give you time, I'll stay with you no matter how long. Gusto ko lang matawag kang "mine" officially.

"I don't feel we want the same things down the line. Alam mo na in the first place na studies ang priority ko. I can do whatever I want as long as I'm not attached to anything but to my studies."

"Ok I understand. Sige I'll just stay here with you."

"No. Stay away na. You're making it weird now. At burahin mo na yung mga friendster pics ko pakiusap. If you'll excuse me, malelate na ko sa Chemistry class ko."

Tumingala ka sa langit para hindi tuluyang malaglag ang mga luha mo. Kahit yung hindi na lang sana pagpatak ng luha mo ang matirang palataandaan na matigas ka pa rin kahit durog na durog na ang puso mo. Pero hindi, pumatak pa rin ang butil ng luhang iniingatan mong malaglag.

"Bro, samahan mo ko RTC, wala ako mahanap sa jurisprudence ng kaso ni Castellvi...umiiyak ka ba?" ang tanong ni Berto na animo'y bigla na lang iniluwa ng punong mangga.

"Hindi bro. May nalaglag dun sa puno, napuwing ako. Sige tara. Tapos ipagdamot natin sa classmates natin kase tayo naman yung nagpakapagod."

Inilihim mo kay Berto ang kasawiang yun dahil sa kahihiyan. Sa bandang huli, wala naman talagang "best man" na nanalo sa inyong dalawa. Inisip mo pa nga na mas maswerte si Berto dahil di na nya naranasan ang naranasan mo.,.ang mapasok sa "no-label" relationship na maaaring nagawa nyo na lahat sa isa't-isa, kulang na lang ay yung "kayo".

Thursday, March 11, 2021

A DEY IN DA LAYP OP BATANG 90S.

Walang alarm clock, bunganga lang ng nanay mo sapat na. Tuwing alas-singko y media ng umaga, kelangan mo bumangon para pumasok sa eskwela. Maswerte ka sa umagang iyon dahil hindi ka ginising ng hanger. Tumulala ka muna ng 10 seconds bago pumunta sa hapag kainan. Sinalubong ka ng umuusok pang isang tasang kape, tuyo, pritong itlog at sinangag. Daglian kang pumwesto sa mesa at nagsimulang kumain. Habang ngumunguya ay pinilit mong alalahanin kung kelan ka huling nakatikim ng gatas o milo sa almusal. Pero nagkibit balikat ka na lang kase sabi ng nanay mo, walang budget para dun kaya nescafe na walang creamer na lang ang inumin nyong magkakapatid. Minsan kapeng bigas pero Ok na rin at least may almusal.

Natapos kang kumain at tumakbo ka na sa sapa para maligo. Hindi ka magliligong uwak ngayon dahil Lunes at nakatulog kang puro putik pa ang paa dahil sa panghuhuli ng gagamba kagabi kasama sina Babalu. Lumangoy ka na parang hito at umahon ka sa tubig na umuusok pa ang katawan. Wala kang idea na sa 2020s, ginagawa lang ito ng mga youtuber para sa views pero sa panahon mo, wala kang choice kundi gawin ito tuwing umaga kahit kulay-ube na ang labi mo sa ginaw. Sana nga sabi mo ipag-init ka naman ng tubig ng nanay mo. Pero nagtitipid kayo ng panggatong at hindi ka naman mahinang nilalang. Napatingin ka sa iba pang mga batang kasabay mo maligo sa sapa. Kaygandang pagmasdan ng mga kulay ng balat nyo na nahiya lang ng konti sa kulay ng pwet ng kawali, kumikintab pa sa itim.

Sa wakas ay handa ka nang pumasok sa paaralan. Heto ang checklist mo:

-Isang bundle na teks na may pamato na nilagyan ng mantika? Check!

-Kadenang lastiko o goma na inipon nyo ng kabakas mong si Junjun? Check!

-Isang supot na holen? Check!

-Tatlong trumpo na gawa sa puno ng bayabas na mahal na mahal ng lola mo? Check!

-Isang posporo ng gagamba na sa loob ay kasama ang pambato mong "lawang number 1" na nakuha mo sa dahon ng sili? Check!

-Makapal pa ba ang rambo mo? Kaya pa ba para sa finishan ng tsinelas? Check!

-Pitong notebook at pitong libro? Check!

Maglalakad na kayo papuntang school. Dumating na ang mga kasabay mong sila Tipoco. Nagsawa ka nang kalaban sya sa teks habang papunta sa school dahil lagi lang naman nauuwi sa suntukan. Hindi kayo magkaaway sa araw na yun kaya pinagkwentuhan nyo na lang ang palabas sa betamax kagabi na pinagbibidahan ni Ace Espinosa. Tumatambling kayo sa kalsada habang dala ang mabibigat na aklat at notebook pero di kayo nag-alala na baka mabali ang balikat nyo sa bigat kundi baka masira ang bag.

Ilang kilometro na lang at malapit na kayo sa school. Napansin nyong hitik sa bunga ang santol ni Nana Leni. Dagliang nyong inakyat at kumuha ng ilang piraso, sapat na para kainin hanggang makarating sa eskwelahan. Subalit naglaway kayo sa malig-ang at hindi nyo napigilang kumuha rin nito. Ilang sandali pa ay puro mantsa na ang inyong mga damit. "Ok lang" sambit mo sa sarili. "Kayang-kaya ng tops at chlorine yan". Ngunit sa pagkakataong ito, makakaya mo kaya ang palo ng nanay mo? Isang palaisipan pero mamaya pa yan malalaman pagdating mo sa bahay. Enjoy now, worry later.

Ang buong tropa ay loaded na ng vitamin C sa katawan dahil sa mga prutas na kinain. Nagtatawanan, nagkukulitan. Ang mga girls ay nagtsitsismisan sa murang edad habang ang mga boys ay busy sa paglagay ng bato sa bag ni Jay-ar. Punumpuno na ng mga gamit sa school tapos kanda-kuba na rin dahil sa dami ng graba sa loob ng bag nya. Later pa nya yun madidiskubre.

Umulan habang umaaraw at lumabas ang bahaghari. Nagdrawing ng malaking araw na nakangit si Onyo sa gitna ng kalsada. Di mo alam kung anung konek pero para daw manaig ang araw at wag nang umulan. Ilang sandali pa at maaraw na ulet. Itinapon nyo na ang mga dahon ng saging at galyang.

Nakarating na kayo sa eskwelahan. Flag ceremony time. Ang itsura ng mga klasmeyt nyo ay naaayon sa oras habang ang sa inyo ay pang-uwian na. May natira ka pang malig-ang at likas kang mapagbigay kaya shinare mo kay Jayson. Mabait din si Jason at shinare nya kay Alvin. Ilang sandali pa, tatlo na kayong dugyot na puro mantsa ang puting damit sa pila habang nanunumpa sa watawat ng Pilipinas. Salamat sayo, hindi na lang iisa ang mapapalo ng nanay sa araw na yun.

Nagsimula na ang klase. Nakagawa ka ng assignment kagabi kaya hindi ka pinalo sa kamay. Pero hindi ka nakaligtas sa sili ng ilista ka ni Jessica na "noisy" sa blackboard. Hindi naman masyado sumama ang loob mo dahil sa daming beses mong pinakain ng sili, parang kendi na lang sayo. Ang hindi mo ma-take ay ang pa-squatin dahil nauubos ang enerhiya mo na sana ay para sa agawan base mamayang recess.

Tang! tang! tang!. Ang pinakahihintay ng lahat, recess! Takbo sa tindahan ni Tsang Conching para kumain ng sopas pagkatapos ay ihahanda ang mga teks para sumagupa sa mga mortal na kalaban. Buo na ang tropa, heto na't sasagupa na pero kelangan muna manggulo sa mga babaeng nagteten-twenty at chinese garter. Makakatanggap ka ng mag-asawang sampal kay Rosalyn pero di ka magagalit, crush mo e.

Ilang sandali pa at umaatikabo na ang labanan sa teks. Parehong teknik, parehong panggugulang. Ang dami mo nang teks , makapangyarihan ka na. Marami ka nang kabakas, marami nang nangangailangan sayo. Isa ka nang mafia boss ngayon. Ngunit natuklasan nilang bukod sa may mantika ang pato mo, meron ka ding isang pato na ginagamit mo pag dehado na. Ang pato na to ay espesyal...pareho kase silang ibabaw...walang likod. Natuklasan ni Tipoco ang iyong lihim at muli na naman kayong nagkagalit. Nakita kayo ng Grade 4 na si Ayan at hindi nya pwedeng palagpasin ang pagkakataong makapanuod ng Pacquiao vs. Marquez.

Ayan: Hawakan mo nga sa kamay...Hawakan mo nga sa tenga...Hawakan mo nga sa pisot...

Tang! tang! tang! natapos na ang recess. Balik na naman sa silid-aralan. Nawalan ng gana si Ayan dahil hindi natuloy ang suntukan habang sa kabilang banda ay puno ng pagbabanta mula sa kampo ni Tipoco. Saan kaya hahantong ang tapatan na ito? May trilogy kaya? Abangan sa lunch break.

Maganda naman ang naging performance mo sa classroom at hindi ka nadistract sa amoy nyong magkakaklase. Sanay na rin ang teacher nyo pati sa itsura nyong parang mga gremlins na nakipag breed sa "Anak ni Janice". Ganun kayo kadugyot.

Muling tumunog ang bell at lunch break na. Wala kayong imikan ni Tipoco hindi dahil bati na kayo, kundi dahil pareho kayong walang lakas ng pa-squatin ni Maam dahil sa ingay ng bantaan nyo. Kapwa na rin kayong gutom at tanging pagkain ang naglalaro sa isip nyo. Ceasefire.

Sa dating venue, sa puno ng katmon ang paborito nyong lugar upang mananghalian. Inilabas na ang mga baong kanin at ulam. Hindi kelangang maganda ang lunch box, hindi ito pagandahan. Kalidad ng pagkain ang pinag-uusapan dito. Si Marcelo nga na dahon lang ng saging ang lalagyan ng pananghalian ay hindi tinutukso. Lahat kayo ay nakapaligid sa kanya dahil sa ulam nyang bayawak na adobo sa gata. Inofferan mo sya ng pritong hito at noodles na malamig na agad nyang tinanggap kapalit ng kapirasong adobong bayawak. Nakita kayo ni Tipoco at agad nag-offer ng ulam nyang kinunot na pagi kay Marcelo kapalit ng bayawak. Naglaway ka sa ulam ni Tipoco kaya nag-offer ka rin ng hito kapalit ng kanyang kinunot. Ilang sandali pa, pinag-uusapan nyo na naman ang pelikula ni Ace Espinosa nung nakaraang gabi. Ang bilis nyong makalimot sa hidwaan. Salamat sa adobong bayawak ni Marcelo.

Tapos na ang pananghalian at tumatakbo na si Eumito sa agawan base na walang pakialam sa apendisaytis. Nag-stretching ka muna gamit ang tali ng trumpo habang naghahanap ng kalaban. Nakita mo si Tipoco na kaumpukan ng iba pang kaklase mo. Mangyari ay naglalaro sila ng trumpo pero ayaw ka nilang pasalihin. Masyadong delikado ang trumpong bayabas mo na ilang trumpo na ang sinira. Medyo may kirot sa puso mo dahil sinakripisyo mo ang unli supply ng bayabas para lang sa trumpo mo plus ikaw na rin ang paboritong paluin ng lola mo sa inyong magpipinsan. Ganunpaman, hindi ka nawalan ng pag-asa. Nakita mo sa di kalayuan sina Richard na naglalaro ng finishan ng tsinelas. Sumali ka pero umayaw ka din dahil ilang beses kang natalo at masakit na ang kamay mo sa palo ng tsinelas nila. Naisipan mong magteks pero kumalat na ang balita na scammer ka sa teks kaya ayaw ka na nila kalaro. Mabuti na lang at naalala mo ang "lawang number 1" na nasa bahay na posporo at kelangan na rin nitong mananghalian.

Sumugod ka sa mga nagsasabong ng gagamba upang pakainin ang iyong alaga. Ganun ka kakumpyansa na mananalo ka. Hawak na ni George ang tingting at lahat ng tambay sa silong ng bahay nila Joan na malapit sa school ay nakafocus sa laban ng gagamba nyo. Ngunit ilang saglit ay natigilan ang lahat. Oh no! nahuli ng kalaban si Pipoy! Inihinto nyo muna ang sabong para tapusin ang episode ng Kapitan Pinoy sa araw na yun.

"Red, white and blue! Stars over you! Nanay said, Tatay said I love you! Kapitan Pinoy!"

Sabay sabay nyo pang binigkas ang mga katagang yan nang makawala si Pipoy at makatakbo sa sagingan para magtransform sa pagiging Kapitan Pinoy. Tutok na tutok kayo sa programa at nasambit mo na lang sa sarili "sana hindi lang ito sa radyo".

Natapos ang programa at walang gusto makinig kay Tiya Dely. Ilang salpukan lang ang itinagal at nakita mo kung paano balutin ng sapot ng kalaban ang gagamba mong si #1. Wala ka nang nagawa kundi gunitain na lang ang masasayang ala-ala nyo ni #1. Pero ganun kase talaga. Sa laban ng gagamba, may nananalo, may natatalo. Move on.

Masama ang loob mong iniwan sina George na maligayang maligaya sa tanghalian ng gagamba nya. Nakita mo si Junjun sa di kalayuan na nakikibaka para sa kaban ng lastiko nyo. Wala kang gana maglaro ng goma dahil namatayan ka ng paborito mong gagamba kaya tamang cheer ka na lang sa kaibigan.

Natapos ang lunchbreak at muli na naman kayong nasa silid aralan. Mas matindi na sa pagkakataong ito dahil nanununtok na ang mga amoy nyo. Si Ernestong may kwintas na libag, si Jayson na may dugo sa damit, si Richard na wasak ang short, si Sharon na nanigas na ang buhok sa pisngi dahil dumikit sa sipon at marami pang iba. Oh napakasaya ng tagpong iyon lalo na nang makakuha ka ng 100% sa short quiz sa Sibika at Kultura.

Dumating na ang pinaka-aasam ng lahat, ritera na, uwian na. Sa araw na ito ay hindi kayo maglalakad pauwi dahil pasasakayin kayo ni Digoy sa bus nya. Mukhang palagi na kayong makakasakay sa bus pauwi simula nung ilang beses nyong pakuin ang gulong ng kawawang sasakyan. 

Palihim mong binuksan ang tsitseryang "Basta Pinoy" na binili mo sa Tindahan ni Nana Saling. Iniiwasan mong may makakita sayo pero nadistract ka sa laman ng bag ni Jay-ar. Puno na naman ito ng bato at nagsimula ka ng magduda kung may nangbully na naman ba sa kanya o sadyang nangongolekta talaga sya ng graba. Napansin ka ni Benhur na agad nanghingi sayo. Binigyan mo naman dahil tropa pero sinigurado mong hindi yung laruang sundalo ang makukuha nya sa loob ng tsitserya. Napatingin sayo si Mayong na noo'y kumakain ng gumihan. Sinubukan mong alukin ng "Basta Pinoy" sa pag-asang sana ay mabahaginan ka ng buto ng gumihan pero muntik na nyang ipalo sa ulo mo yung prutas na hawak nya. Mas malaki sya sayo at madami sila, di mo sya kaya, nastress ka. Malayo ang kinauupuan ni Tipoco, wala kang mapagbabawian kaya nanahimik ka na lang hanggang makarating sa bahay nyo.

Dumaan ka sa kusina ng bahay para di makita ng nanay mo kung panu naging brown-violet yung dating puti mong damit. Nagtagumpay ka at nakapagpalit ng damit. Pero alam mo sa sarili mong nadelay lang ang paluan. Malalaman pa rin nya yun.

Ikaw na lang ang iniintay sa basketball court. Ang buong tropa ay nandun na pati mga babae na naglalaro ng bakya, chinese garter at tsismis-tsismisan.

Nene 1: Di kita bati.

Nene 2: Di rin kita bati!

Joven: Bati nyo ko?

Sariwa pa sa ala-ala nila ang pang-iiscam na ginawa mo sa teks kaya walang gustong makipaglaro sayo. Buti na lang may naglalaro ng saparilya o tansan na pinapaikot sa tali. Daglian kang sumali pero nabored ka kagad. Walang thrill ang magputulan lang ng tali. Kelangan mo ng mas maaksyon. Sa di kalayuan ay naglalaro ng tumbang preso sina Mark. Kaagad kang sumali at hindi sila nagprotesta. Makailang ulit kang naging bayani nang mapatumba mo ang lata nung ikaw ang huling tumira. Mangyari ay tsinelas kase tatay mo ang ginagamit mo na mas malaki at mas malapad. Teknik na hindi alam ng mga kalaro mong tyupol. Naging boring ang laro dahil kahit bantay-suka ay hindi ka kayang hulihin. Level 999 ang skill mo sa tumbang preso.

Bang! bang! Hindi ito tunog ng baril, tunog ito ng bunganga ni Ronnie na seryosong nakikipagbarilan kay Ruel. Hindi sila makamove on sa pagka-idolo kay Ronnie Rickets na kailangan nilang magbarilan gamit ang sanga ng ipil-ipil o kung anuman na hugis baril. Boring na ang tumbang preso kayat sumali ka din sa kanila. Sa barilan na to, walang kahit sinong kailangang masaktan. Basta magaling ka lang magtago at umakting kung sakaling matamaan ka ng inbisibol na bala, pasok ka sa larong ito.

"Sumuko ka na Ronnie!"

"Hindi ako susuko Ruel! Magkakamatayan muna tayo!"

Sabay silang lalabas mula sa mga puno na pinagtataguan habang hawak ang kalibre 45 na ipil-ipil sa parehong kamay. Pareho silang tatamaan ng bala at mangingisay ng mga isandaang beses bago tuluyang babagsak. Pero buhay pa pala ang isa at babangon upang iputok ang huling bala sa ulo ng isa pa. Malaking misteryo para sayo kung panu naging masaya ang laro na ito pero wala ka nang pakialam, basta masaya sya.

Nasa ganun kang pagmumuni muni ng biglang lumitaw si Babalu sa harapan mo. Naglitanya muna sya na parang si Romy Diaz ngunit ng akmang puputok na, nawalan sya ng bala. Alam mong senyales ito na eksenang suntukan naman ang gusto nyong maging ending ng sa inyo at kelangan mong ipaghiganti si Ronnie na nakahandusay at akting na akting. "Klik! klik!" Wala ka na ring bala. Isa lang ang ibig sabihin, martial arts time. Lumilipad ang mga sipa nyo. Sunod sunod ang mga suntok! Ngunit kelangan nyong mag-usap kung panu tatapusin ang kahibangang yun lalo na't lumulubog na ang araw kaya't pagdedesisyunan nyo kung sino ang mananalo. At dun na matatapos ang laro.

Natapos ang moro-morong barilan at makikita mong si Juvy ang taya sa tagu-taguan. Sumali ka din dahil...bakit naman hindi? Masaya ang naging takbo ng laro pero kumakagat na ang dilim. Bumalik na si Ronnie sa basketball court matapos utusan bumili ng paminta ng nanay nya. Sumali din sya at sya ang naging taya.

"Makabilang akong tatlo nakatago na kayo! Isa! Dalawa! Tatlo!"

Ngunit wala syang na-pung o nahanap. Nagsiuwian na kayong lahat sa kanya kanyang bahay. May pag-uusapan na naman kayo kinabukasan habang naglalakad papunta sa eskwelahan.

Ilang dekada na ang nakakalipas at ngayo'y matanda ka na. Alam mo sa sarili mo na walang kasingsaya ang naging kabataan mo at hindi mo ito ipagpapalit sa trip ng mga kabataan ngayon. Gintong kumikinang na walang katumbas na halaga ang alaala ng batang 90's. 



Friday, February 12, 2021

Valentines ng Single

 


Tuwing may nakikita kang magjowa na mas matamis pa sa JCO, either inaatake ka ng kabitteran or napapa "sana all" ka na lang. Mixed reactions e. Kung single ka at wala kang reaction, well questionin mo na sarili mo kung tao ka ba o machine. Anyway...

Madaming walang karelasyon dahil pwedeng by choice or sadyang wala pa talaga. Minsan sinasabi nila na di talaga sila jowable etc. Anu't anupaman ang dahilan kung bakit ka single, ikaw ang mas nakakaalam nyan. Pero sa mga single dahil natatakot kesyo magulo makipagrelasyon, baka masaktan lang sila atbp, tara magreview tayo nang mabilis lang.

Meron bang perfect na relasyon na nag-eexist? Wala naman di ba? Sa isang relasyon talagang may sakitan na nagaganap. (Not necessarily na sakitang pisikal pero nangyayari din yan pag panabong kayo pareho o ang isa sa inyo.) Pero usually kase ang sakitan sa relasyon nagsisimula sa kawalan ng tiwala ng isa sa kanyang sarili. Yung feeling nya na may mas higit pa sa kanya at anytime pwede syang palitan. Yung selos, yung insecurity, yung hindi na kelangan si Ed kase sya naman ang gumawa ng sarili nyang multo. Pero mainly yung feeling talaga na kaya sya nasa relasyon para mahalin nang buo kahit minsan ay nananadya na sya (na para bang hindi karelasyon ang kelangan nya kundi si Jarvis) ang nagiging cause ng malaking problema. Hindi ko nilalahat pero maraming namimisinterpret ang true love by counting on their partner as relentless, formidable love machine na hindi sila iiwan. Nangyayari naman yan. I mean "The Notebook" is a great movie. But true love is not about challenging your relationship through acceptance of flaws but having self-love that you are willing to extend to the other half (whos hopefully willing to do the same). Kase kaya wala kang tiwala sa sarili mo at palagi kang naninibugho kase may chance ka na mahalin ang sarili mo nung single ka pa pero di mo ginawa kaya wala kang true self-love na maishare. Yan tuloy nung lumabo na, napakanta ka na lang ng The Juans. Walang perfect na relationship, right relationship meron. Pero to have a right one shall start within yourselves.

Kung preferred mo pa rin maging single dahil takot ka talaga sa conflict, heartbreaks, again, di naman naiiwasan talaga yan. Alalahanin mo, isasabotahe at isasabotahe ka ng reyalidad from time to time. Pero katulad nang nabanggit ko sa taas, you cannot settle on being afraid all the time. Maybe hindi ka pa ready and thats acceptable, but to go completely negative is only good for covid test, not to your own hapiness.

Happy Valentines kapatid.




Si Lapu-Lapu at Si Ez Mil



Mali talaga si Ez Mil sa lyrics na yun pero ano ba ang history?

First off, si Lapu Lapu ay native ng Borneo na kasalukuyang pinaghahatian ng Malaysia, Indonesia at Brunei. Habang nagtry tayo na i-claim natin ang North Borneo, hindi napasaatin ang alinmang parte ng pulong yan. Ang point ngayon, Lapu Lapu being the native of Borneo, purong Pinoy ba sya?

Dumating sya sa Cebu area at naging friend ni Humabon na later on binigyan sya ng teritoryo na naging chief sya (somewhere in Mandaue). Humabon being a political animal, ginamit lang sya strategically para protektahan ang teritoryo dahil war freak by nature si Lapu Lapu. Pero nilason lang ni Humabon sarili nya ng mismong si Lapu Lapu ay nag ala Somalian pirate sa Captain Philips nang mismong mga kaalyado nya sa kalakalan ay pinatos ni Lapu Lapu. In fact, Lapu-Lapu acted na walang utang na loob sa privilege na binigay sa kanya ng pamunuan ng Visayas dahil sa pang-aahas nya.

Then came Magellan and the gang na nagpasiklab kay Humabon in which Humabon saw the opportunity para walisin si Lapu Lapu. Nakarating ang intel kay Lapu Lapu at pinaghandaan ang pagsalakay ng tropa ni Magellan. Natalo ang mga dayuhan pero it was just Lapu Lapu trying to make a point na sya ang maangas sa lugar na yun.

Later on, bumalik din si Lapu Lapu sa Borneo at dun na nanatili hanggang huling sandali. Di ba mas ok sana kung nanatili na lang sya sa Visayas? Pero hindi.

Ang point ay ito. Bakit sobrang mag react ang Mayor ng Lapu Lapu sa innacuracy ng lyric ng kanta habang ang bayani na masyadong sine celebrate ay questionable ang citizenship. Ok, lets say di nga sya Pinoy 100% pero lumaban pa rin sya para sa Pinas. Pero the fact na hindi sya nanatili sa teritoryo ng Pinas is an evidence na ang lahat ay business lang para kay Lapu Lapu. Sa kahit anumang paraan na namatay sya, hindi na rin natin business kase bumalik sya sa homeland nya at the latter part of his lifetime.

Anyway, what I'm saying is, alam nating mga bayani sila pero kung sumablay tayo sa kasaysayan nila, is that a big deal? Nobody gives a fuck sa history anyway. If some rapper said na Aguinaldo was a traitor and not a hero, iba-ban na rin sya sa Cavite? Well that one could be a fact.

Shet ang dami kong time. Ang gusto ko lang i-point, we have another talent whos clearly not historian but someone who wants to raise our flag in international level, suportahan na lang natin sya sa panalo nya na panalo din natin. Wag na natin i-emphasize yung mga negatibo. Utak talangka na naman e. Just sayin.

Thursday, October 8, 2020

HANGGANG DITO NA LANG

 


June 1996, sobrang proud mo saken nun. Kahit naging second honor lang ako nung grade 2, masaya ka pa ring umakyat ng stage at isinabit ang mga medalya ko. Sinabi mo saken na sana sa grade 3, first honor na ako kase kakain tayo sa restoran para iblow out ako. Sobrang motivated ko nun kase usapang food trip. Hindi man masyadong nakakaproud pero ipinamana mo saken ang kakaibang takaw mo sa pagkain kaya alam mo kung anung magmomotivate saken.

 

Nung mage-grade 3 na ko as transferee, nasaksihan ko ang isa mga epic fail na nagawa mo sa buhay mo. Sa kabila ng pagka-proud mo sa kabibuhan ko, ine-enroll mo ulet ako sa grade 2. Sobrang tiwala ko sayo nun kase lagi mo sinasabi saken na nagmana ako sayo ng katalinuhan. Ni hindi ako nagduda na ibinalik mo ko sa grade 2.

Pero sa pangalawang araw ko sa grade 2, napansin ko na rin na kabisado ko na lahat ng lectures na inisip ng teacher ko na im some kind of gifted. Lagi nya ko pinupuri. On the 3rd day naconclude ko na na wala ako sa grade 3. Sinabi ko sayo yun at pinagalitan mo ko. So tyinaga ko until day 5. Umiiyak ako nun sa klase. Kase baka pag sinabi ko sa teacher ko na grade 3 na ko, iparating sayo at paluin mo pa ko. Kaya sinabi ko na kay mama at dun lang lumabas ang katotohanan at dun lang naaksyunan. Nang tinanong ulet kita kung bakit mo ako ibinalik sa grade 2, ang sagot mo “kakilala ko kase yung teacher mo”. Hindi ako kumbinsido sa sagot mo dahil nakita ko ang matamis na ngitian nyo nung teacher sa grade 2. Nawala ka sa focus sa kakyutan ni maam at ni-hindi mo na inusisa kung tama pa ba yung paglalagyan mo saken. Pero ok na yun, natawa na lang talaga ako sa epic fail mo na yun. Anyway, nakatapos ako ng grade 3 as first honor kahit transferee lang. Muli ka na namang nagbuhat ng bangko. Pero sa hirap ng buhay, hindi mo ko natreat sa restoran at naintindihan ko naman.

 

I made you proud sa buong elementary days ko. Nasa top ako ng klase at natapos ko with highest honor. Pero feeling ko hindi worth it ang mga naachieve ko. Alam mo ba na wala kang tinupad sa lahat ng prinamis mo saken kung magiging top one ako or valedictorian nung elementary? Pero lahat ng ninais mo, tinupad ko. Although napagod na ko nung hayskul dahil feeling ko, nagtatry ako ng husto pero ikaw, hindi. I think naging malinaw sayo ang mensahe ko lalo na nung makita mo kong sumusuka ng green dahil masyado kong naenjoy ang kwatro kantos. Tinitigan mo lang ako, di ko alam ang iniisip mo pero kung sasaktan mo ako, maiintindihan ko pa rin, first year high school lang ako nun. Tumalikod ka lang at walang sinabi na kahit ano.

 

Hindi naging madali para saken ang makapagcollege. Sobrang hirap pa rin ng buhay natin at hindi mo ko kayang suportahan. Pero nung nag-initiate ang ate ko na makapag-aral ako, pinamukha ko sayo na walang imposible kung gusto. Kumakayod ako sa part time jobs habang nag-aaral. To think na naimpress na kita, hindi pa rin. Tutol ka na magpatuloy pa ako at napakasakit nun para saken. Tila nawalan ka ng amor dahil sa naging performance ko nung highschool at hindi ka na naniwala.

 

It all started sa sablay na pag-enrol mo saken nung elementary at nagtapos sa kawalan mo ng gana na mag-enrol pa ko nung college. Inisip ko, kung magbabarter ng mga tatay, ibabarter na kita sa mas supportive at maunawain na ama. Pero hindi. Hindi kita ipagpapalit.

 

April 2011, supposed to be ay espesyal na araw sa mga graduates pero normal na araw lang saken. Umorder na ng tuxedo mga classmates complete with fancy neckties habang ako’y nagpapakalunod sa trabaho. Suddenly, I felt na wala ring kwenta ang tinapos ko since hindi ka naman proud. Ikaw na nagmotivate saken na mag-aral mabuti pero nagbago kinalaunan. So hindi ako nagprepare ng get up. Kung ano yung suot ko sa magdamag na trabaho sa opisina, yun din ang isusuot ko sa graduation ceremony. Matatapos din naman ang okasyon na yun. In fact mas nilolook forward ko pa na makabalik sa trabaho pagkatapos ng ceremony dahil marami pa ko gagawin.

 

Isang araw bago ang graduation ay niyaya ko si mama na umatend. Sabi nya masyado daw malayo at mahirap ang byahe at subukan ko na lang daw na yayain ka. Binanggit ko sayo ang tungkol sa graduation pero di ako umasa na dadalo ka. Pero kinabukasan, nagtxt ka saken na malapit ka na sa venue. Holy shit mas nauna ka pa dumating sa venue kesa saken. Ikaw ang gagraduate? Nakita kita sa parents/guardians area at bakas na bakas sa mukha mo ang kasiyahan. Proud na proud ka pala saken. Hinintay mo ng ubod ng tiyaga ang pag-akyat ko sa stage pero nadissapoint ka na hindi ako nakaakyat nung natawag ang pangalan ko. Pasensya ka na. Ang magagaling kong kaklase ay nainip at nagyaya magyosi kaya sumingit na lang kami sa pila ng ibang graduates. Ganunpaman, natuwa ka pa rin ng tumingin ako sa kinauupuan mo nung nakaakyat ako ng stage. Nakangiti ka at hindi mo man sabihin, dama ko na sinasabi mo sa isip mo “I’m proud of you son.”.

 

Lahat ng prinamis mo saken nung elementary na kakain tayo sa restaurant pag nagtop 1 ako na hindi natupad, tinupad ko nung gumradweyt ako ng college. Nagdinner tayo sa restaurant after ng ceremony except ako rin naman ang nagbayad. Pero hindi na masama ang loob ko. That day turned out to be one of the happiest moments of my life. From that day on, kinalimutan ko lahat ng mga sablay mo saken. On that day, natupad natin ang mga prinamis mo saken nung ako’y bata pa.

 

Kung nasaan ka man ngayon, sorry. Sorry kase ang dami ko pa ring plano para sayo pero hindi na matutupad. Gusto ko magtravel pa tayo magkasama sa lugar na hindi mo pa napupuntahan. Kumain sa mga restaurant na hilig mong gawin. Gusto ko na lang i-spend mo yung natitirang taon sa buhay mo na masaya. I’m so thankful na umuwi ako ng Bicol at nakasama kita sa loob ng ilang buwan. Madami tayong naging laftrip sa mga kwento mong walang kakupas kupas. Pero kase naging malihim ka e. Masama na pala pakiramdam mo, masama na pala kondisyon mo pero iniisip mo pa rin na KJ ka kapag pinakita mo samen. Ayan tuloy.

 

Hindi ko pa rin kaya harapin yung mga darating na umaga na gigising at hindi kita makikita. Hindi ko pa rin matanggap na hindi na tayo makakapagkwentuhan habang nanunuod ng KMJS at Nat Geo. Hindi ko pa rin matanggap na wala na ako mapapagbintangan na nagtago ng lighter ko. Hindi ko matanggap na wala na ako kayosihan. Sana naman lumaban ka. ECQ nga nag-extend nang nag-extend pero ikaw tinapos mo agad. Tsk, tsk, sana ok dyan Tay sa napuntahan mo. Sana maging masaya ka dyan. Miss na agad kita.

 

Hanggang dito na lang.

Tuesday, September 29, 2020

Mga Kometa at Kabullshitan



1997 nang mamasdan ko ang pagkaganda-gandang Hale Bopp comet sa kalangitan. I was 10 years old that time. Isa itong pambihirang pagkakataon para sa akin bilang isang millenial na mamasdan ang kakaibang tanawin sa kalangitan. Maihahalintulad ito sa pabagsak na bulalakaw except nananatili syang animo’y lumulutang sa night sky sa loob ng ilang buwan. Kahalintulad ng Haleys comet nung 1986 ang nasabing tanawin ngunit bagama’t kapwa matingkad ang dalawang kometa na hindi na kailangan gumamit ng teleskopyo, ang Haley’s ang may tsansa na makita nating mga millenial sa pagbabalik nito sa 2061. Napaka iksi lang ng orbit ng Haley’s kumpara sa Hale Bopp na sa susunod na 2300 years pa muling sisilip sa ating planeta.

 

Maraming kometa sa ating solar system. Ang mga mabilis magpakita tulad ng Haley’s ay nanggaling malapit sa Neptune samantalang ang Hale Bopp ay nanggaling pa sa Kuiper Belt na halos kasinglayo ng Pluto mula sa araw. Nito lang July 2020, isa na namang comet na tinawag na Neowise ang lumapit sa ating planeta bagamat hindi kasing tingkad ng dalawang kometang nabanggit. Ano ba ang meron sa mga kometa at heto’t umeepal na naman ako sa pagsusulat ng pagkahaba habang FB post na may GGSS at irrelevant na pic?

 

Wala naman masyado. Gusto ko lang banggitin ang kometa, ang paglabas nito at ikonek sa mga moment na sobrang “fucked up” ng bansa natin. 1986, same year nang magpakita ang Haleys comet, nang magbeastmode ang sambayanang Pilipino at lumakad sa EDSA para patalsikin ang diktador na si Marcos. Nagdulot ito ng krisis sa ekonomiya idagdag pa ang krisis sa konstitusyon na kung saan tayo ay nasa tinatawag na revolutionary government. Hanggang ngayon ay debatable pa rin kung worth it ba ang naturang kasaysayan in connection sa talagang pagbabagong inasam mula sa rehimeng Marcos. One thing for sure, we are totally fucked up. Sa mga Marcos sympathizers, sinasabi nila na maalwan ang buhay ng mga Pilipino nuon, maraming infrastraktura ang pinagawa etc, etc. Sa mata ng mga anti-Marcos, puro pagdanak ng dugo, mga extra judicial killings, suppression of freedom of expression etc. Sa mata ng mga “wala lang”, Marcos regime posed a potential but it was so drastic that it was “almost” a Mao Tse Tung style of governance. Kabila kabila ang utang ng Pilipinas para budgetan ang malalaking proyekto na sinubukan namang bawiin sa taxes pero sadyang fucked up ang monetary policy na nahawaan ang exchange rates na dahil sa state run monopolies or para mas madaling maintindihan, corruption. Para bagang nagkumahog ka na bumili ng motorcycle barrier kahit alam mong pangtanga ang naturang polisiya at may tsansang bawiin o alisin din agad kaya ngayon ay pangsalag mo na lang ang naturang barrier sa talsik ng mantika habang nagpipirito (seriously gusto ko lang isingit ito). Sa kabilang banda, marami ding skeptics ang nagsasabi na lalong lumubha ang sitwasyon ng magpalit ng administrasyon na kung saan, Cory did not give a shit kung beneficial ba ang mga naiwang proyekto ni Marcos sa sambayanan, she just wanted those erased or discontinued sa kabila ng trilyong trilyong salapi na hiniram natin na hanggang ngayon, tamod pa lang ang bata ay may utang na. So ang tanong na what if hindi naoverthrown si Marcos at nabigyan sya ng tyansa na ituloy at payabungin ang mga dinesenyo nyang programa? O di kaya’y what if nagpakumbaba ang successor nya at ni-utilize nang maayos at mabisa ang naiwan ng tinaguriang diktador? What if hindi si Ramos at si Mirriam ang nanalo after Cory’s regime, nagkaroon kaya sana ng game change? Holy shit. Some fucked up questions right? We were fucked up but well, shit already happened.

 

1997 nga sa paglabas ng Hale Bopp ay isa na namang fucked up na event ang nangyari sa ating sinisintang inang bayan. The 1997 Asian Financial Crisis, another holy crap event sa kasaysayan pero mamaya na natin idiscuss yan dahil mas interesanteng unahin ang tinaguriang pinakamatinding tag-init o tagtuyot sa 20th century, ang 1997 El Niño. Sobrang lala ng El Niño na yun, naglalakihan ang mga bitak sa bukirin na walang patubig dahil literal na walang tubig kahit sa sapa o irigasyon. Malala ang taggutom, madaming nagkakasakit dahil sa sanidad. I remember ako at kapatid ko, hindi pantay ang balikat namin dahil sa pagbuhat ng tubig galing kabundukan para lang meron kaming mainom na malinis na tubig. Sa kabilang banda, tipid rin sa labahin ang kapitbahay naming malaki ang tiyan dahil hindi nya kelangan magdamit maghapon at magdamag dahil sa sobrang init. Angat reservoir suffered na nagcause para literal na magrasyon ng tubig sa mga kabahayan sa Metro Manila. Idagdag pa ang pagkabadtrip ng mga nanay kay Selina na kontrabida sa Mula sa Puso ni Rico at Claudine. Pero what made the 1997 worst is yung malawakang financial crisis sa Asya dahil sa devaluation ng currency ng mga bansa na dahilan para humina ang merkado at magsufffer ang purchasing power. Holy shit even US didn’t want to lend money sa mga Southeast Asian countries at kasama tayo dun. Surely, 1997 was a fucked up year and Ramos barely gave shit. Imbes na respondehan nya ang crisis, mas naging energetic pa sya sa cha-cha (charter change) para bagang yung isang pangulo na kung anu-ano ang inuuna sa kalagitnaan ng pandemic.  We were fucked up but well, this shit also already happened.

 

At ngayon ngang 2020, nito lang July, nagpakita ang Neowise bagamat saglit lang at hindi kasing majestic ng Hale Bopp nung 1997. COVID19 happened at hindi na kelangang isalaysay. Madaming lakad ang nakansela, madaming naging political analyst, pandemic specialist, pa-famous at lahat na. Maraming tamad na dating nang tamad at lalo pang naging tamad. Maraming namatay na hindi dapat at marami pa ring buhay na hindi na dapat. Sarado na rin ang istasyon na bumuhay kay Rico Yan at Mula sa puso pero ngayo’y kasama na nya. Lumutang ang pinakatangang tao sa Pilipinas na nanindigan sa motorcycle barrier. Nagkaroon ng online class kahit at ang mga dating bobo sa klase ngayon ay nagchachat na lang sa GC, pero enrolled pa rin dahil may pera habang ang mga may utak na walang salapi sa bulsa ang mga magulang ay hindi muna nag-enrol. May bise presidente na masigasig pero nabash dahil sa fashion at may presidenteng nag-aannounce sa dis oras ng gabi dahil R-18 ang bunganga. May buhangin sa Manila Bay na puti at hinihintay ng mga dilawan na bumaha habang ginoglorify ng mga DDS like its achievement of a lifetime. May dagdag bawas sa totoong bilang ng covid cases na para bang nangangailangan ng NAMFREL. May spokeperson na nagtitiktok na and at the same time spokesperson na delusional sa totoong nangyayari. May mga matataas na nasa katungkulan na animo’y nagdebut na hindi pwede i-cancel. Walang nagreresign kahit ang dami na dapat magresign. May nangulimbat ng pera mula sa ahensyang pangkalusugan na direktang ninakaw mula sa ambag ng mga contributor na WFH na wala nang mapaglagyan ng stress pero never nakatikim ng ayuda. MADAMING NAWALAN NG PANGLASA AT MARAMI PA RING MAY PANGLASA PERO WALANG LALASAHAN! We are currently fucked up and this shit is still happening.

 

Sa 2061, sa muling pagbabalik ng Haleys comet, ano na kaya ang sitwasyon ng Pilipinas? Sana naman magkaroon na ng maayos na edukasyon. Para hindi lang makapagproduce ng marunong na botante, makapagproduce din ng marunong na lider. Hindi ko sinasabi na hindi marunong ang mga nasa gobyerno natin pero sa sobrang dunong nila, ginagawa nilang malaking lab ang buong bansa. Ginagawa nilang chimpanzee ang mga mamamayan para turukan ng mga eksperimento nilang matagal nang na-conclude over the course of history kung epektibo ba o hindi. But they are too stubborn and egoistic to admit whenever they are wrong. Everything is politically driven just because average people are not capable of understanding how economy works. Everything is politically driven just because people are so fanatic and always clamor for a good show. There is no unity, walang sinang-ayunan ang oposisyon, walang naging magandang programa para sa mga oposisyon at wala ring tinetake na suggestion ang administrasyon mula sa mga oposisyon kahit obvious na makakatulong sa nakararami. Anyway, these are not the shit that I dream to see come 2061. Tulad ng sinabi ko, sana pagdating ng panahon, wala nang dilawan o DDS o kung anupamang bullshit na faction. Tang-ina nyo nag-aaway away kayo pero parepareho kayong walang maihain na pagkain sa mesa nyo? Nagtatalo talo kayo whether the government is doing good or bad pero ni hindi nyo kayang magtyaga sa ilalim ng sikat ng araw para magparehistro o bumoto?

 

I dream na sa 2061, wala nang nagcocomment ng meme sa meme post dahil bobo at kulang  sa creativity sa katawan e magkacopy paste na lang ng image o lines na trending. Holy shit I don’t bother cursing sa part na to ng sinulat ko coz nobody reads nowadays and I don’t think they will even reach this part. I dream na sa 2061 makapagpost ako ng mahaba na wala nang irrelevant na picture para lang magkaroon ng like kase nga nobody reads nowadays. I dream na hindi na ko narcissist para mangailangan pa ng likes pero millenial pa rin ako, pagbigyan nyo na. I dream na sana when a woman say “I need deep talks or late night talks” sa profile nya ay hindi lang puro “ganun”, “hehe/haha” at kung anu pa mang lines na mahirap replyan ang replies nya. I DREAM NA SA NEXT SHOWING NG PINAKAPAMOSONG COMET AY MARUNONG NA MAGBASA AT MAKIPAGCOMMUNICATE ANG MGA TAO!

I dream na sa 2061, nakatayo man ako o nakaupo sa wheelchair, ay kasama ko at kahawak kamay ang babaeng bumihag saking puso habang pinagmamasdan ang tanawin sa kalawakan na piping saksi sa mga fucked up na kasaysayan ng ating planeta. Sana by that time, bago ako mamatay, masaksihan ko man lang ang aking mga apo na lumaking rational at hindi panatiko ng sinuman. Sana ay wala nang dahilan para maging panatiko dahil natuto na tayong hangaan ang ating mga sarili sa mga achievements na sama sama nating isinakatuparan bilang iisang mamamayan ng ating inang bayan. Higit sa lahat, sana buhay pa ko sa 2061 to find out if all the shit I’ve been through in my lifetime finally came to an end.

 

Share