Thursday, August 13, 2020

First Heartbreak (kinda)

 

A younger friend approached me one day seeking advice on how to be romantic or sweet. I almost got choked by the coffee I was drinking and told him “Kid, you are barking on a wrong tree”. Let me take you back to 2011.

I was on board a bus right at the window that hot day of February 2011. It was 2 pm and scorching hot outside, you will almost melt. While looking at the snatcher being chased by the cop in Alabang, I couldn’t help but think of how crazy that day was just because I was in love. Like madly in love.
She was a slender, cute, Korean like beauty 19 y/o girl. We were both working students at one of those call center companies in Ortigas. I knew from the beginning that I was already attracted to her but I just couldn’t pull up any stunt to let her know. I was a shy guy, timid and full of insecurities whom always hesitate to approach a girl of her beauty. My fear of rejection was so extreme that a hint of having one makes me depressed. So I made sure that if ever I get a chance, I’ll seize it. And so chance it is when I learned that she broke up with her boyfriend.
Facebook was already a commodity back then (if its correct to say its ever been a commodity). I hit her up in FB with an intro that’s is mediocrely epic.
“Sorry to bother you but its been a while since we bumped each other in which I didn’t get a chance to introduce myself. I know its not important to you but I’m just wondering why a goddess have to disguise to blend in with us mortals?”
“I’m not a goddess but I was once someone’s dream who cut me off when I became his reality”. she replied.
I tried to act like I’m not aware of what she’s going through and that I’m willing to listen and I offer my chest for her to cry on. It so happened that I already know the details coz the gossip in call center is as contagious as covid19 so its just a matter of how well are you going to play it through. But I was really sincere and I did try to console her, make her smile and let her know that one heartbreak is just a start of several more if shes stubborn to learn from the past. I was able to capture her attention and the first meeting was not that bad, I thought it went great.
When we met in the office, she no longer see me as a stranger and she threw the most wonderful smile I’ve ever received from someone. I felt like I was in trance, its psychedelic. She could be my methamphetamine I thought to myself. Meanwhile, my buddies are into the real thing so mine is a little safer.
“Have you gone to smoke break yet?” I asked her.
“Not yet. I could use some company.” She replied. And so for the whole week, that was the routine. We’ll go on a smoke break together and she’ll talk about her ex, I will listen and assure her she’ll be ok blah, blah, blah. Deep inside though, its starting to hurt me. Why couldn’t she just turn her head for one second as I’ve been just standing next to her. I am more than capable to take care of her, make her feel awesome all the time. But I guess the smoke coming from our cigarettes was really that thick that she couldn’t see me. Am I going to be zoned?
Each time we go out for a smoke, I always give her lollipop. She loves lollipops. I see to it that I grab a chupachups at the nearby store before I come to work. I noticed I really couldn’t confess to her how much I liked her and how much I appreciate that she chose my company to be her personal diary. I know its awkward that I couldn’t even attempt to burst her bubble and lay my personal agenda after those days that gone by. I started to ask myself, was I really just concern about her trying to move on or its just my fear of rejection?
Morning of Feb 12, 2011 we just finished our shift (we’re on a nightshift). I was really exhausted as I’ve had to take a major exam in school before heading to work. I saw her at the lobby, about to go home. I asked her how shes doing. She said shes not well, she have had her exams too and all she wanted was to go home and rest. I was a little worry coz she looked really pale and she might faint and who knows what else awful stuff could happen to her. So I offered that I fetch her home. She declined firmly but I insist. Though at the back of my mind, I’m not feeling well too. What if bad stuff happen to me along the way while heading back home from her place? But mine is not important, I genuinely care about her condition. She later accepted my offer and we walked together through the bus stop. I felt like walking in the air. I saw my buddies along the way heading home too and they were all happy or high. I waved at them as if saying “my drug is better than yours.”
I guided her inside the bus like a gallant prince taking care of her princess. We sat at the back, she’s by the window. I was really vigilant about pickpockets so I cannot afford to fall asleep (though I don’t mind falling for her even more). The bus was already breaking land speed record but I was suddenly not able to break our silence. I was stunned by how beautiful she was with her hair dancing on the wind and with that sweet music playing in my mind. I am making a music video! Then suddenly I heard a loud bang and next thing I notice is a lump on the side of my forehead, I hit something hard when the stupid driver suddenly step on the break. It was really embarrassing she couldn’t stop laughing. Guess the incident is not too bad at all as I was finally able to break the ice.
“So how’s your study going?” I asked.
“I’m on a verge of giving up either school or work. I’m really tired.” She replied. I was not really comfortable with that answer coz if she choose work then what about me? Oh as if I have right? Who am I to her anyway?
“You know its your choice. Whatever that can make you feel better. I mean you said you don’t really need this job. I guess you can easily decide”. theres a crack in my voice when I said it coz its true that she doesn’t need to work, her family have means to support her studies. But its better that I start to accept the possibility that she might quit. It would be less painful.
“No. I’m not quitting. People at work are great. I’m gonna miss them all if I quit. And you have been so awesome so far…” she said.
That was a music to my ear. Me being awesome? Haven’t had that for ages and this one is really special. I was in cloud nine when the bus conductor approach us to give our ticket.
“Where to boss?” asked the guy.
“Two for Baclaran please.”she replied.
I was surprised to know that her home is that far as she mentioned at work one time that she just came from her place nearby.
“Sorry I thought you’re residing in Makati. So where in Baclaran exactly are you?” I asked.
“No. I’m from Las Piñas actually. I sometimes drop by at my ex’s place.” her response made me feel worry now about myself. But I wanted to believe that she was just fooling around so I asked again “I thought you’re studying in La Salle?”. “Yeah, La Salle Dasma” I almost fell from my seat.
Las Piñas is eternity away from Ortigas. With the traffic this crazy, it will take few hours to get there. I’m grateful on having to spend much time with her on this journey, but I’m worried that I might pass out somewhere due to sleep deprivation. I havent had sleep for 3 days straight due to school stuff and here I am probably asking for a funeral. But its ok, I’ll just help my adrenaline release some more hormones as this moment is too valuable for me. I was in that state when I suddenly felt something on my shoulder. She fell asleep with her head right at my shoulder. Her hair smells so good. All the second thoughts that I was having just completely vanished. This is heaven right here! I couldn’t ask for more. Thank you Zeus for entrusting your daughter to me at this very hour.
Each and every second that I spent with her on that trip was incomparable, surreal. My heart beats are so strong it might rupture my chest. Exaggeration aside, we finally reached her home. In the movie, the girl will invite the guy inside her house to maybe have some tea (I would trade my soul for coffee that time). I guess I’ve been watching too much Kdramas for having that said expectation which simply didn’t happen. She’s too tired that she just gracefully thanked me for getting her home safe and bid me goodbye. Well, its fine, its already scorching hot at that time of the day anyway, its not anymore romantic, better go home. I waved her good bye too and walk away to catch a jeepney.
Inside the jeepney, I was still in awe about what just happened. I promised myself that this beginning better not to be wasted. I will strive to push it to the next level. Few minutes later and my thoughts seem to be kinda distorted. Like what the hell I was doing at the side of the lake? I’m supposed to be in the jeepney! Screeech!!! It was too late. I got thrown away from the back of the jeepney all the way to the middle aged lady at the front. The crazy driver suddenly stopped without minding that some in love dude at the back is paying for his fantasy. (Why would he care anyway?)
The lady was in full rage. She couldn’t stop yelling as if she was extremely violated. She looked like one of them pokemon that says “wobbuffet!”. I apologized to her then hurriedly jumped out of the jeepney. Gotta catch them all!
I arrived at Alabang with a smell of both hope and embarrassment. Need to rush to Pasig while I’m still sane. I was extremely sleepy that time that I won’t mind anymore if pickpocket attacks, I just wanna be in peace. And so moments pass by and the bus conductor yelled like its his last. “Cubao na! Mga bababa ng Cubao!” Ok, I have to catch another long ride again. I didn’t hear him when we arrived at Shaw Boulevard where I supposed to get off but its ok, I had a very nice dream.
We’ve chatted all Saturday after that epic trip. She was laughing so hard that I’ve started to become suspicious that her joy was not just because of what happened the day before. Then on Sunday night, a day before the Valentines Day, all of my fantasies came to an end. She said her ex is reaching out to her again…and she will give him another chance.
♩ ♬ “Kung 'di rin tayo sa huli…
Aawatin ang sarili na umibig pang muli
…Kung 'di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?” ♪ ♫
Seriously, it was really painful. I couldn’t describe the feeling. Its like being hit simultaneously by a chain with thorns. I was standing at the bridge staring at the murky water of Floodway while tears run down my face. “When will all these punishments end!” I wanna shout that agony but I don’t wanna make a scene so I just kept it inside.
I reached a lollipop in my pocket and took out the small note stuffed inside its handle. All the lollipops I gave her had a note inside the handle saying how grateful I am that I met her, that shes so lovely, that she was so beautiful that day, all those sweet compliments and what not. This last lollipop though is supposed to say “I love you.”. But I guess I’ll just pass on this one. I will never find out if she will go out on a date with me.
After the last look at the chupachups, I’ve thrown it at the floodway. “It was quite a journey” I told myself.
“That’s it? You gave up just like that?” asked the kid. I almost forgot its already 2020. I got carried away by my story.
“Didn’t I tell you from the beginning that you’re barking on a wrong tree? You’re not listening attentively are you?” hes starting to annoy me.
“Did she find out about the notes inside the lollipops?” his follow up question.
“How would I know? She resigned and we never saw each other again.”
“There are lots of ways. You’re just weak”.
“Kid, its not weakness when you know when to give up.”
♩ ♬ “Kung 'di rin tayo sa huli…
Aawatin ang sarili na umibig pang muli
…Kung 'di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?” ♪ ♫

Wednesday, August 12, 2020

Kwentong Pila

Lining Up Cartoons and Comics - funny pictures from CartoonStock

Tirik na tirik na ang araw pero hindi pa rin ako nakakapasok sa BDO. Hindi naman ako manghoholdap although mukha na akong holdaper dahil lumalampas na sa facemask ko ang mahaba kong balbas, dagdagan pa ng nanglilimahid kong kasuotan at shades na ala Romy Diaz. Magdedeposito lang ako ng perang pambayad utang pero hindi ko inexpect na extended din ang lenten season hanggang August. Ito na marahil ang pinakamahabang Biyernes santo ngayong taon. Nagsimula ang araw na yun na puno ng sigla pero mukhang disaster ang kahihinatnan.

Nang tumilaok ang manok ng kapitbahay ay gising na ako. Mangyari ay susugod ako sa mga bangko sa kabisera hindi para magkamal ng salapi, kungdi para magbayad ng utang. Sinabi ko na nga sa unang paragraph pa lang. (paulit-ulit nu). Wala nang ligo-ligo, mumog lang, hilamos nang konti at isang dakot na tiwala sa sarili na kasing fresh pa rin ako ni Kwon Sang-woo. After all di naman ganun ka-crowded ang mga bangko dito sa probinsya.

Naghintay ng medyo matagal then nakasakay din sa bus papuntang sentro. May nakatabi akong dalaga sa upuan na parang hindi kumportable sa pagkakakupo. Nais kong sabihin sa kanya na ako lang to miss, wag ka magpanic. Hindi araw-araw na may nakakatabi syang oppa.

Narating ko ang BPI branch pagkatapos ng halos isang oras na bus ride. Masyadong maaga ang dating ko at mainam yun dahil walang pila. Lingid sa aking kaalaman, may pila pala, hindi ko lang napansin dahil nagsisiksikan ang mga tao sa kakapirasong lilim ng building na para bang mga bampirang ayaw maarawan. “Welcome po sa tropical country na Pilipinas!” gusto kong ibulyaw sa kanila.

“Brod andun ang pila. Pila tayo ha.”sambit ng mamang mukhang stress na mula nang ipinanganak sabay turo ng dulo ng pila.

“Sensya na sir” at tumalima ako sa pagpunta sa dulo ng pila. Gosh, 8 am pa lang at ganito na ang pila at 9 am pa magbubukas ang bangko? “This is unbelievable” ang nasabi ko na lang sa sarili. Wala naman nakarinig so ok lang mag-English.

Nag-iinit na ang mukha ko. Pwede ko nang pigain yung facemask sa dami ng pawis tapos iwiwisik ko sa kasunod kong bading na andaming hanash.

“Panu na lang ang mga shampoo commercials na pagmomodelan ko kung magkakasplit ends ako dito?” complain ni ateng na hindi ako sure kung sa tao ba yung commercial na tinutukoy nya o sa livestock. Basta, hindi talaga kumportable pumila lalo na nang marealize ko na labindalawang bayan nga pala ang pinagsisilbihan ng iilang mga bangko dito at talagang dadagsa sila lalo pa’t holiday nung nakaraang araw. Hindi rin umuusad ang pila dahil pinaghalo ng mga henyong sekyu ang pila ng papasok sa bangko at gagamit ng atm. Very organized. Pero tahimik lang ako, composed, inisip ko na lang na para sa mga Kadamay to.

Umusad ang pila past 9 am na. Ito yung mga time na magiging proud ka sa pagiging senior citizen dahil priority ka sa pila. Isa rin sa mga perks na fronliner ka kase dire-diretso ka lang din sa transaction. Pero sa mga karaniwang maglulupa na tulad ko, kelangan ko manatili sa pila at isipin na lang na may talent scout na makakadiscover saken. This time ay hindi na ko stress sa haba ng pila kungdi sa pagsusuot ng mask. Kase nga panu ako madidiscover ng talent scout?

Magte-10 am at malapit na ko sa entrance. Pinafill-up ako ng form na katunayang hindi ako posibleng covid carrier. Buong sigla kong sinulatan ang form at dahil pabibo ako, nakipagkwentuhan pa ako sa gwardya. Ang inakala kong smooth lang na kwentuhan ay naging abala pa nang punahin ng gwardya ang punto o accent ko.

“Ay galing ka po bagang Manila sir. Kailan ka pa po dito? Patingin daw po ng quarantine cert ninyo kung mayroon?” in a split second naging detective Conan si manong.

“Ay meron po. Naito baga po o.” nagkumahog akong ipakita ang quarantine cert at kinausap sya sa puntong hindi ko naman talaga kinalimutan pero “Kuya, hindi katulad ng ex ko, babalik din ang punto ko, bigyan mo lang ako ng panahon.” gusto ko sanang sabihin sa kanya.

Nasa ganun kaming tagpo nang pinauna na nilang papasukin ang becky na kasunod ko. Hindi naman sa pag-aano pero sumingit na lang sya sa pila e tapos nauna pa sya saken dahil lang TH si kuya guard? Masama rin ang tingin ng isa pang babae na siningitan ni ateng. “Hayaan mo na ate, di natin sya bati” napangiti si ate ng bahagya lang. Asawa nya yata kase yung pinabili nya ng palamig na kasama nya sa pila. Bago pa ako mapa-trouble pumasok na ko sa bangko.

“Walang kikilos ng masama! Ilagay ang lahat ng pera sa bag!” gusto ko sanang isigaw nang masayaran ng aircon ang perfectly tanned kong balat nung nasa loob na ko ng bangko. Nakakainit ng ulo ang hassle na dala nitong lintek na pandemyang ito. Buti na lang medyo mabilis ang transaction sa loob, kudos BPI. Pero yun din pala yung time na gusto kong huminto ang oras.

“Hi sir, anu pong sa atin?” tanong ng binibining teller na may pinakamagandang mata na nakita ko sa araw na yun (mata-mata na lang ang labanan dahil sa facemask). Para makasiguradong hindi lang puro mata ang dalagang nasa harapan ko, tiningnan ko ang ID nya at kumpirmadong marikit nga talaga sya.

“E miss gusto ko sanang malaman kung available ka after ng shift mo. Yayain lang sana kita magpahangin sa Bagasbas.” yun sana ang gusto ko ibulalas, pero hindi kase kami ganung mga taga-Paracale.

“Sir, ok ka lang po? Patingin na lang po ng transaction slip nyo.” follow up ng dalagang nasa 25 yata ang edad na nahalatang na-starstruck ako. Iniabot ko ang slip para iwithdraw lahat ng laman ng account ko. Habang pineprepare nya ang pera ay naisip ko, anung plano ng mga bangko sa mga naggagandahang mga teller na to? Balak ba nila magtayo ng pageant agency? Gosh.

Nang maiabot ni binibini ang pera sa akin ay parang ayaw ko pa umalis. Hindi man matuloy na holdapin ko yung bangko pero at least yung puso nya na lang sana. Ngunit kelangan ko na umalis, magpipenetensya pa ko sa BDO. Paalam binibini, hanggang sa muli.

Paglabas ko ng BPI ay dumiretso ako sa Jollibee. Ahh… Jollibee you never let me down, ang paraiso ng chickenjoy at pambansang CR.

“Masain ka po sir?” tanong ng gwardya ng Jollibee.

“Mabakal lang sana ng sarong hot fudge” sagot ko.

“Ay sige sir pero bago ka maglaog magfill up ka muna ning form” utos ng gwardya. Form na naman?!!! Medyo kumplikado ang form ng Jollibee. Para bang kahit wala kang covid ay gusto nilang magkaroon ka. Sa dami ng tanong parang gusto mo na lang mag “yes”. Anyway, finill-up-an ko ang form at hinulog sa drop box. Iraraffle daw yun tapos kung sino mabunot ay ipapadala sa isolation facility. Then dumiretso na ko sa CR na sya naman talagang sadya ko. At dahil wala ngang hot fudge sa Jollibee, dirediretso na ko sa labas. Btw, bago mo ko i-judge, gusto ko talagang kumain na nung mga oras na yun, hindi pa ko nag-aalmusal pero nagmamadali kase talaga ako.

Merong dalawang BDO (o tatlo, di ako sure) sa kabisera na pwede ko pagpilian. Ang gameplan ay simple lang, piliin ang may kokonting pila. Sa isang branch na napuntahan ko, sa sobrang haba ng pila, parang gusto mo na magdala ng kumot at unan pati supply ng pagkain. Sa sobrang haba ng pila, gusto ko itanong kung magsasara na ba yung bangko bukas. So chineck ko ang isa pang branch at narealize ko ang plot twist ng kung bakit sobrang haba ng pila sa unang branch, kase dun ay malilim habang dito sa pangalawa ay gagawin kang solar panel.

“Ate san ang dulo ng pila?” tanong ko kay ateng nakashades na parang vocalist sa banda.

“Mag-e-atm ka ba o over the counter?” tanong nya na medyo smart ang dating.

“Over the counter teh” sagot ko.

“Dito lang ang pila. Sira ang ATM”.

Di ko alam kung naluto na ng araw ang parte ng utak ni ate kung bakit tinanong pa nya yung sa ATM e sira naman pala. Pero cool lang ako, pila na lang ako. “Pero bakit tatlo ang pila teh?” curious na tanong ko kay ate.

“Zigzag kase yan. Pero magkakadugtong yan. I-confirm mo na lang sa gwardya. Basta pumila na lang ako dito” paliwanang ni ate. Ang problema sa ting mga Pilipino kung ano yung nadatnan nating sistema, ayun na lang ang ina-adopt natin. Hindi na ko nagconfirm sa gwardya dahil medyo malayo sa entrance. Isa pang problema nating mga Pilipino, tamad.

Time check, 10: 45 am. Literal na nakabilad kami sa araw na parang dilis. Parang gusto ko magchange career at magtraining bilang bumbero. Kaya kong tiisin yung haba ng pila pero parang bibigay ako sa tindi ng sikat ng araw. Tama nga yung becky na nakasabay ko sa pila ng BPI, ang lakas maka-split ends. It’s a disgrace na ang dating leading man sa Stairway to Heaven ay heto’t sinasangag ng buhay. Hindi ito maaari, kelangan meron akong gawin. Ngunit walang salitang namumutawi sa king bibig, ako’y Pilipinong matiisin. Kakayanin ko to.

Marami na kaming napagkwentuhan ni ate. Puyat lang daw sya kaya medyo sabaw yung sagot nya saken kanina. Sabi ko di naman nya kelangan magpaliwanag, di pa naman kami. Pero di ako makafocus sa mga kwento nya, lagi ako nadidistract tuwing nag-aalis sya ng mask para uminom ng tubig. Haysss sana bottled water na lang ako. Perfect teeth at may biloy sa pisngi (di mo alam yung biloy nu? I-google mo). She has a very charming personality. Mage-11:30 na nun at nagbeastmode na sya at napagpasyahang kumprontahin ang gwardya. Gusto ko sya, fierce.

Pinabantayan nya saken ang pila. Babalik din daw sya. Sabi ko naman “Sige lang te, ako’y maghihintay”. Habang nakikipagdiskusyon si ate kay kuya guard na aking natatanaw, pinagmasdan ko ang usad ng pila. Sobrang bagal at bagama’t kalahati lang ito nung sa isang branch, ay ito pala ang paborito ng mga senior citizens at frontliners. Teka lang, mukang mali ang desisyon ko. Isang oras na nakakalipas pero isang dipa pa lang ang iniuusad ko. Panay-panay ang paalam saken ng mga kalapit ko sa pila para bumili ng tubig, snacks, diaper etc. Ginawa nila akong Guardian of Pila. Pero ok lang, mahalaga bumalik si ateng perfect teeth.

20 minutes ago na, mukang di na babalik si ate, nakitang kong pumasok pero di ko napansin lumabas. Ang dami kaseng kwento nung ale na nasa likuran ko. Ginawa akong Tiya Dely. Wheww…akala ko pa naman babalikan nya ko sa pila. Heto ako, sinusunog sa ilalim ng araw, nauuhaw at pinaasa.

Lumapit ang gwardya sa pila mga bandang 12:15. Kinumusta ang mga kalagayan namin na parang pulitiko at humingi ng paumanhin. Pinagfill up na naman kami ng form. Wow, unli form nang araw na yun. Maingay na rin sa pila. May mga nag-iiskandalo na dahil sinisingitan sila, mga nagcocomplain dahil sa kondisyon nila etc. All eyes sa entrance ng bangko dahil everytime na may pumapasok na hindi pumila ay mistulang asin na ibinubudbod sa sugat, ganun kasakit na nauna pa sila samantalang kami ay nagpapakahirap sa pila. Tapos from time to time, dumarating ang mobile ng pulis para paalalahanan kami ng social distancing. Gusto ko na nga sigawan na hulihin na yung magdyowang naglalampungan dun sa pila hindi dahil lumalabag sa protocol kung di dahil ang lakas makapa bitter. Get a room!

Mag-aala una y media at malapit na kami makapasok. Nakilala ko si Paul na nagtitinda ng isda sa palengke na tinorotot ng asawa kamakailan lang. Si Tiyang Sita na treasurer sa baranggay na professional na sa pilahan sa dalas nyang pumila dun at unli din ang bunganga sa kwento. Si Carol at Lyn na mga kolehiyala na dun na lang din naging friends sa pila dahil pareho silang hater ni DJ Loonyo at si Mang Oka na hater ng DDS pero di daw sya dilawan. Naging close na kaming lahat dahil sa tagal ng pila.

Nang makapasok na kami, napansin ko na may lalaking bigla na lang din pumasok at lumapit sa deposit machine. Di ko napigilan magtanong sa guard.

“Kuya, pwede pala dumirestso na sa loob pag gagamit ng deposit machine?”

“Oo. Bihira naman may gumamit nyan. Pag nakita mo available, pasok ka na agad kase isa lang allowed sa loob para sa machine” buong bibong paliwanag ni kuya guard.

Parang nagsaklob ang langit at lupa sa narinig ko. Gusto ko manakit ng gwardya pero ayoko ma-Tulfo so kalmado ko lang din syang kinausap.

“E kuya sana inannounce nyo kanina sa mga nakapila na available ang deposit machine at pwede na sila dumiretso. Nagmuka akong tanga na pumila at nagpakahirap para magdeposit tapos eto at maluwag naman pala sa deposit machine” ang dismayado kong pahayag. “May napansin ka bang babae kanina na pumasok na naka-red at nakashades?” tanong ko na lang kay kuya guard at tinutukoy ko si ateng smart na sinabing babalik sya pero hindi naman. “Ah oo yung palung-palo? Nagdeposit yun dyan sa machine.” nakangiting sagot ng gwardya.

I felt betrayed. Paano nagawa ni ate na iwan ako sa pila pagkatapos nya akong pagbantayin. Hinintay ko pa naman sya. Wala na ko pakialam kung hindi man lang nya ko ininform na pwede na pala ako gumamit ng deposit machine. Pero sana binalikan man lang nya ako at nagpaalam ng maayos para nakapagdesisyon ako kung pipila pa ba ako or magpapahangin na lang kami sa Bagasbas!

Successful kong naideposit ang pera. Almost 2pm na nang makauwi ako sa bahay. Makakaligo na rin sa wakas. Pagod, haggard, hopeless at naging disater nga ang araw na ito. Yan ang nararamdaman ko habang pumapatak ang tubig sa tustado kong balat. Sana maisip ng mga bangko yung convenience ng mga clients nilang nakiki-cooperate naman at naiintindihan ang kasalukuyang sitwasyon sa gitna ng pandemya. Lahat ay hindi gustong maglaan ng ganung katagal na unproductive hours sa pila. Sana ayusin din yung porma ng pila at hindi yung parang snake and ladder ang sistema. Sana rin consistent yung komunikasyon ng mga nag-oorganize ng pila para updated ang mga nakapila sa cause ng delay at kung merong mga exemptions. At sana din yung mga nangakong babalik ay bumalik. Masakit umasa at maghintay sa wala.

 


Tuesday, July 28, 2020

Once Upon a Time in Facebook Dating

Zoosk - Home | Facebook

"Magmahal ka ng welder para lagi kayong may spark." – Anonymous

Tumunog ang kampana ng simbahan. Malakas! Wala naman syang PTSD pero bigla syang napabalikwas na para bang natrauma siya sa giyera. Hindi na healthy ang sobrang mobile game. Nakakastress din maging tambay pagmiminsan.

Bumangon sya sa higaan, nag-pakulo ng tubig para magkape. Isang kutsarang kape, gusto nya yung matapang, yung nananapak. Dumungaw sya sa bintana, maganda ang umaga. Medyo OA ang sikat ng araw. Papasikat pa lang pero ang init na. Parang social media influencer na napakaingay online e bobo naman. Haisst, sana kase kung di naman pinagpala sa intelektwal, sumayaw na lang. Apparently, you cannot disguise your true intellectual capacity by constantly saying things in English e Pinoy ka naman. At dahil napa-english na rin sya sa isip nya sa mga wala naman talagang kwentang mga bagay, nagsindi na lang sya ng kaputol na yosi na iniwan nya sa sa lamesa kagabi (krisis, tipirin ang yosi). Habang hinihitit ang kapirasong sigarilyo, inisip nya kung ano ang pwedeng gawin sa araw na yun. Ah teka, makapaglog-in nga sa FB. Ano kayang pauso ng mga DDS ngayong araw?

Inopen ang facebook app, nagscroll ng konti. Sa bandang taas ng app ay may icon ng puso. Inusisa, facebook dating app daw. Ah ok, matry nga ito. Ngunit nag-alala sya saglit kase para lang sa mga single ang app na to. Sabay naisip nyang wag umambisyon, wala syang dyowa. Sa madaling salita ay gumawa na rin sya ng profile sa FB dating. Pinili nya yung mga palung-palo nyang picture para ipost tulad nung isa na may yakap syang aspin para animal rights advocate ang peg nya. Yung isa ay yung nakasandal sya sa puno ng makopa habang shirtless at kunwari ay candid. Wala naman syang pakahulugan sa pic na yun pero sana ay kita yung bunga ng makopa para may variety yung kulay at hindi kasing monotonous ng lovelife nya nung kinunan yung pic na yun. So ano pa ba? Ah ok sagutan ang mga walang kakwenta kwentang questions sa profile: 

Q: Dogs or cats? Something else?
A: Style wise, I’ll go for dogs.

Q: You can only eat one food for a week, what is it?
A: If I may be honest, sardinas. Accidentally, 2 months nang ito ang kinakain ko thanks sa  COVID19.

Q: My favorite time of the day is…
A: Eight o’ clock. Its not  just the time, it’s the memory.

Q: If I could live anywhere in the world for a year, I’d choose…
A: Sa “E di sa puso mo”. Marami kase nagtatrabaho dun pero wala naman stay in.

Q: Something I’m embarrassed to admit that I love is…
A: My narcissistic self.

Q: My idea of a perfect day is…
A: Nothing in particular but if I matched with a non-Krusty Crab employee now, It’ll be a perfect day.

Q: One movie I can watch over and over is…
A: “Saving Reyner’s Private”

Q: The song that always gets me on the dance floor is…
A: “Magayunon sa Kabikulan”

(At dahil Bikolano/Bikolana ka at namiss mo ang square dance ngayong taon, sinearch mo sa youtube yung kanta. LSS ka na ngayon.)

Nang na-set na ang mga kasagutan sa mga tanong na di nya alam kung binabasa ba ng mga swipers e sinet naman nya ang preference. Must be 18-25 years old, within 240km radius, no other restrictions in particular, as long as you’re female human being in legal age. Though sa age limit na sinet nya ay may guilt na konti lalo na sa 18 y/o na part. Higit isang dekada ang gap nya if ever may kumagat man sa profile nya. “So ano naman?” tanong ng kabilang banda ng utak nya. “Age doesn’t matter” pagpatuloy nito. Oo nga naman, age doesn’t matter but why not extend the age preference to 33? “Kase age doesn’t matter lang sa mga lalake if mas bata yung babae sa kanya” sambit ng isa pang bahagi ng utak nya which is realtalk. Bago pa magkainitan nang husto ang mga parte ng utak nya sa walang kwentang argumento na parang mga kongresman sa batasan sa gitna ng pandemic ay napagdesisyunan na lang nyang simulan ang pag-swipe.

Mga dalawang oras onwards din syang nagswipe nang maencounter nya ang mga interesanteng mga nilalang sa FB dating. Narito ang breakdown:

Match 1-4:
Him: Hi.
Her: Hello
Him: Kumusta?
No more response.

Match 5, 25 y/o:
Him: Hi
Her: Hello
Him: ASL
Her: Ano to 2010? ASL? Ano to clan?
Unmatched.

Match 6, 18 y/o:
(Medyo binago nya ang opening spiel.)
Him: Hello Neng
Her: Ang creepy nyo po
Unmatched.

Match 7, 24 y/o:
Him: Hi. Ang ganda ng ngiti mo.
Her: Ganun? Hehe..
Him: Ganun nga. Working or studying?
Her: Working. Hehe..
Him: Anung stand mo sa anti terror law?
Her: Ok lang. hehe
Him: E sa kabobohang motorcycle barrier?
Her: Ok lang din. Haha
Him: Alam mo madaming letters ang alphabet.
Her: Jeje
Unmatched.

Match 8, 22 y/o:
Him: Judging sa smile mo, mukang happy ka sa buhay. Kumusta ka?
Her: Ok naman po. Masaya naman ako sa kambal ko.
Him: Ah may ganyan talaga. Yung sobrang close na magkakapatid.
Her: Mga anak ko.
Him: Ano ginagawa mo dito? Baka magalit asawa mo.
Her: Single mom po ako.
Him: I have high regard sa single moms. Pagpatuloy mo ang pagtaguyod sa kanila.
Her: Salamat po. Tagasaan ka?
Him: Hindi na mahalaga kung saan ako nanggagaling. Ingat ka palagi.

Match 9 (itinaas nya ang edad sa 33):
Her: Hello po.
Him: No offense pero magkasing edad lang tayo.
Her: So? Pag-galang lang yun.
Him: I appreciate the pag-galang pero its not cute lalo na’t same age tayo. Pero nevermind. You look gorgeous. So anung pinagkaka-abalahan mo sa buhay?
Her: Meron akong tindang aligue ng alimango. Pramis, masarap.
Him: Talaga ba. Ilan na nabentahan mo dito?
Unmatched.

(Balik sa 18-25 age range) Match 10, suspicious 19 y/o:
Her?: Hello
Him: Hi. May natuklasan na bang recipe para sa damit? Mukang naisangkap na yung dapat ay suot mo. Kumusta?
Her?: Bi po ako.
Him: Bi what? You mean gay?
Her?: Nakakaoffend ka po. Lesbian po ako.
Him: Ang layo na ng narating mo. Di ka pa nagiging ganap na babae, lesbian ka na agad? No disrespect sa partido nyo but please at least tell the truth.
Unmatched.

Match 11 and 12:
Them: Top or bottom?
No response.

Wow. 12 matches in few hours at walang man lang naka-chat nang maayos. Ganito na ba ang society natin ngayon? Wala nang makamatch na ok sa dating app? Bago pa manganak ng mga nonsense na sagot ang nonsense na tanong ay napagdesisyunan nyang magkape ulet. Nakakalimang tasa pa lang naman sya ng araw na yun, di pa sya quota. Habang hinahalo ang kape na mala eksena sa “Get Out” ay buong mangha nyang pinagmasdan ang papalubog na araw. Nasambit nya sa sarili “Sana kase nagpakumbaba si Vice. Ngayon tuloy medyo di maGanda ang nangyari sa kanya”. Nagpapalaman sya ng Coko jam sa lumang tinapay na meryenda nya habang iniisip ang mga kakatwang nangyayari sa paligid nang mapansin nyang umilaw ang cellphone nya. Ting! “My god I’m exhausted today. Enough of non-sense FB dating. Delete ko na yan” sambit nya sa sarili.

Alas siyete y media ng gabi. Medyo matumal, wala pa rin syang nakakamatch na bago na may sense. 2 hours ago, pinagbigyan nya ng chance ang mga uhaw na kaluluwa na matuklasan sya bago nya i-delete pero wala talaga, “Their lost” wika nya sa sarili. Akmang idedelete na nya nang…ting! “Bettina likes you”. Ay wow, new match. 18 y/o, 50 miles away at hindi sya nagtatrabaho sa Krusty Crab.

Him: Hi Bettina.
Bettina: Hello kuya.
Him: Ang sakit naman nung “kuya”.
Bettina: E kase matanda ka na po.
Him: Ilang minuto pa lang tayong nagmamatch pero grabe na yung pananakit na ginagawa mo saken.
Bettina: Ay bakit po? In denial kayo sa age nyo? E ayan may kasama pa kayong mini tyrannosaurus rex sa pic.
Him: Are you always that mean? Sayang ang ganda mo pa naman.
Bettina: I will not apologize po if you are wondering.

(Halos nailuwa nya ang kinakaing sili na may konting tulingan na ulam nya nung gabing yun dahil sa response ng kachat.)

Him: How could you disrespect elders like me? You know sa Korea it’s a big deal.
Bettina: We’re not Koreans po.
Him: But you get my point di ba? Tsaka bakit ganyan ka kaharsh sa mga millenials? 
Bettina: Millenials are bunch of losers po. 

(Narealize nya sa point na to na kelangan nya muna maghugas ng kamay bago sya magtype ng response.)

Him: And so Gen Z is the best generation? Yan ba pinopoint mo?
Bettina: Thanks for helping me getting to that. That is so right.
Him: Gen Z are lazy and so dependent sa technology. Don’t get us wrong, we both know the analogs and digital version of things. We watched things evolve at mas alam namin pahalagahan ang mga bagay bagay.

Bettina: Well good luck sa pagiging mapagbigay ng halaga. Pero sounds to me na excuse nyo lang yan sa sobra nyong maramdamin. Konting masaktan lang ang ego at pride nyo, nag-oover react na kayo.

(On point. Ano kayang rebut nya dito?)

Him: At masyadong rational ang mga Gen Z? Tipong mabilis makamove on sa mga bagay bagay? That’s probably because nabuhay kayo sa mga instant. Emojis lang ok na kayo.
Bettina: Whats the reason para mag-dwell sa mga negativities? Readily available ang mga diversions. Friends are one VC away. Welcome po sa 2020.
Him: So Gen z are just fond of escaping things? Mobile games/apps lang sapat na? How could you even argue to me about inner feelings with your technological dependency?

(Mejo natagalan magreply ang bata.)

Bettina: Its not escaping. Its embracing the current norm.
Him: We’ll papunta pa lang kayo pabalik na kami.
Bettina: And I assume na hindi tayo magkakasalubong kase nakasakay kami sa isang vessel habang kayo’y naglalakad. Kayong mga living relics kase kahit digital na gusto nyo manual pa rin.

(Hindi na nya napigilang magtaka kung saan nanggagaling ang batang ito at ganun na lang ang pagkadisgust sa mga Titos.)

Him: Wait lang. Are you disgusted sa mga mas matatanda? Does age matter?
Bettina: Generation gap po. And I think on our case sobrang layo talaga. You seem like a very protective and obsessive person. I personally loves freedom. Yoko ng may kumokontrol saken.

(Come on! 15 years gap lang yan…wait…oo nga ang layo.)

Him: Ok palalagpasin ko yung pagiging asyumera mo kase mas napansin ko na may bitter kang nakaraan sa mga tinatawag mong “living relic”. Pwede mo bang i-share saken?
Bettina: Its none your business.
Him: Sorry I don’t mean to piss you off but I insist. Maybe I can help.

Moments passed at talagang hindi na siya nagreply. Naging mainit ang palitan nila ng sagot. Nakaramdam siya ng panghihinayang dahil talaga namang napaka-gorgeous ni Bettina. Long black hair, beautiful smile, napatanong tuloy sya kung maeere pa ba ang Darna ni Jade De Leon. Isa pa sobrang rare na may ma-meet kang ganito makipag-argue sa henerasyon ng tiktok. May sustansya ang bawat ipinupukol nya at wala syang ibang maramdaman kundi respeto para sa dalaga. Kung maibabalik lang nya yung mga minuto  na ginugol nya para baguhin yung takbo ng usapan nila para lang hindi ma-upset si Jade este Bettina, pero mukhang tuluyan nang naturn off ang FB dating match nya. Anyway, why expect so much sa platform na ito? This is just a virtual medium and nothing beats the real thing. Mas maganda pa rin yung personal interaction. Hayss… paglabas nya talaga sa quarantine facility na yun…

Pagkatapos ng ika-pitong baso ng kape habang nakatanaw sa bintanang hinahampas ng medyo malakas na hangin, di nya namalayang naghihintay pa rin sya sa response ni Match #13. Hindi kaya malas talaga ang #13? Imbes na maging numerologist sya sa mga sandaling yun, binuksan na lang nya ang youtube para makinig kay Lewis Capaldi. Wala sa loob na pinindot nya ang search result at nagplay ang kanta…Magayunon sa Kabikulan. Pwede na rin yun. Nagmimini square dance sya sa may bintana ng tumunog muli ang cellphone:

Bettina: Does it matter to you if you hear my story?
Him: Yes it does.
Bettina: I don’t think so. You’re just like them.
Him: You matter.
Bettina: Define matter.
Him: Matter is anything that occupies space and has mass.
Bettina: Lol. How is that relevant?
Him: Your reasons have mass. If theres a chance that you can occupy the empty spaces of my heart, you’ll see its relevant.

(Sa point na to, medyo nahihilo na sya at di nya alam kung dahil sa tama ng kape or sadyang tulak na ng sidhi nya na bumawi sa dalaga.)

Bettina:  Haha… no chance. You don’t know me yet for you to say that. Thanks nga pala sa time. Goodnight.

(Medyo napalakas ang sampal ng hangin sa bintana. Nasaktan sya. Nag-apuhap sya ng isasagot.)

Him: Sometimes you think you know a person pero strangers pa rin kayo sa isa’t isa after a long time. I guess its not how much you know a person, its how much you feel for him/her and how much you accept and how much you’re willing to take a risk. Love doesn’t respect reason. Love is blind. Love makes you happy but you have to decide when you are ready to be blind again.

(Sa puntong ito, mukhang nailatag na nya ang kanyang huling baraha. Its just a matter of accepting defeat. FB dating is a scam, its toxic. Buti pang i-delete na lang. But wait!)

Bettina: May whatsapp ka?
Him: Wala e. Why?
Bettina: Nevermind.
Him: Mag-iinstall ako.
Bettina: Pakibilisan.

Thursday, July 23, 2020

My Quarantine Story

April 28, Tuesday night. Magdadalawang buwan na kong nakalockdown, literal. I mean lahat naman except sa mga di nagcocomply. Ano yun? Debold? Bastos. Anyway, eto kwento ko.

Sobrang toxic ng taon na to. Ang daming nangyari saken. Start pa lang ng taon, umaapaw na yung mga kamalasan sa buhay ko. Alam ko madami din ako nagawang kamalian pero grabe naman yung naging balik sa akin. So I decided to quit my job para makalanghap ng sariwang hangin sa Bicol, its just too much. Di ko alam ang naghihintay saken sa probinsya pero either magstay ako at mag-end up sa Mandaluyong or harapin yung kawalan ng kasiguraduhan sa hometown ko na nilisan ko for 17 years.

Dumating na ang sasakyan ng kuya ko. Time check, 10 pm. Isinakay ko na ang mga gamit ko. Nang maipagpag ko ang aking huling alikabok sa Pasig, handa na kong lumisan. Hindi ko sasabihing maluha-luha ako para lagyan ng flavor ang kwento ko pero ganun talaga nangyari e. Tsaka *&*#!! ang sakit talaga mangagat ng mga lamok sa Pasig, quantity na, quality pa.

Habang lulan ng sasakyan ng kuya ko, pinag-uusapan na namin kung panu kami lulusot sa mga checkpoint. Nasa height ng ECQ ang Metro Manila nun na mistulang ghost town ang EDSA. Kahit may food pass siya dahil nagdedeliver ng mga goods sa North Luzon, hindi pa rin sya confident. Pero sabi nya ang mahalaga ay mailabas nya ko ng Metro habang matino pa akong nakakausap. Sweet.

First challenge sa SLEX, hinabol kami ng mobile despite na may food pass kami. Yun pala e nakalabas ang armchair ko sa likod. Habang puno din ng produkto ang loob ng maliit na truck, halos di na rin magkasya ang mga gamit ko. Napa exit kami sa bandang Laguna kahit di naman yun ang plano. Dahil nawala kami sa expressway, natagalan kami kakahanap ng tamang daan. Sinuggest ko na sa kanya na baliktarin na namin mga damit namin. Ayaw nya.

Nakalabas kami ng Laguna dire-deretso hanggang Quezon province. Pagdating sa Calauag, medyo mahigpit ang checkpoint, medyo natagalan kami dun. Pero level 1 pa lang pala yun kase ang tunay na aksyon ay nasa entrance ng Camarines Norte. Pinalagpas na kami ng bantay sa Calauag pagkatapos nyang sabihin ang verbatim nya, parang may QA lang. Sa dami siguro ng dumaraan na chinecheck nila, naging parang sound na sila ng nagtitinda ng hanger at ipit sa Divisoria. "Sampu lang lahat ng klase, bili na suki 99999x".

Putok na putok na ang araw nang dumating kami sa Sta. Elena. Putok na putok na rin ang mukha ko sa puyat at pagod. Pinagsanib na pwersa ng sundalo at pulis ang nakabantay. Parang papasok kami ng Marawi. Eto ang gameplan: Magpapanggap akong pahinante nya, papasok kami sa Cam. Norte at magpefeeling naisahan namin yung mga bantay. Hindi nagwork.

Lespu: Ano ka nitong driver?

Me: Kapatid po tsaka pahinante.

Lespu: First time mo ba papasok ng Bicol?

Me: Ay hindi po. Duh. Pang-ilang byahe na namin to.

Lespu: Patingin ng dala nyo.

(Tiningnan ang loob ng truck. Bawas na ang laman dahil dinrop-off na ang ibang produkto sa Quezon.)

Lespu: Namputsa lipat bahay to nu? Di ka pahinante nito. Ngayon ka pa lang papasok sa Bicol.

Me: Mali ho. Pang-ilang byahe na namin to. Pinadala lang po yan samin. Nagmagandang loob lang kami. Di mo lang kase ako napapansin, di naman kase ako famous (sana sinabi ko yung huling sentence pero baka ipinalo saken yung M16 so nagshatap na lang ako)

99.9% nang convinced yung bantay at itataas na lang yung harang nang umepal naman yung isang sundalo. Chineck ang permit ng kuya ko at natuklasan na hindi ganun kagwapo yung totoong pahinante ng kuya ko. Masyado daw akong fresh para maging pahinante lang (nagdedelusyon na ko ng mga oras na yun). Ikinakasa na ng officer yung charge laban samen sa paglabag sa Bayanihan Act pero nagbago isip nung nakiusap ako na iquarantine na lang ako sa island with coconut trees, beach everyday (malapit na ko maheatstroke sa part na yan). Nadamay pa kuya ko, binawian sya ng permit to enter sa Cam. Norte. Nagsorry ako sa kanya. Sabi nya ok lang, kesa naman mastuck ako sa Pasig. Sweet.

So isinakay na ko sa military truck papuntang holding area sa Sta. Elena, Cam. Norte. Sa sobrang bilis nung takbo pati kaluluwa mo parang gusto na humiwalay. Pagdating ko sa holding area, within 24 hrs lang daw dun then susunduin na ng bayan na nakakasakop sa PUM. Ah ok, cool, e di sige maghihintay lang ako. After all patience is virtual.

Masaya sa holding area. Iba't ibang istorya ang maririnig mo. Nariyan yung mga naglakad from Manila to Bicol. Yung mga nastranded sa Quezon Province na unli-quarantine kase magto-two months nang nakaquarantine at di pa rin nakakauwi. Kase naman lahat yata ng probinsya na daanan ng isang kasama ko na PUM ay naquarantine sya. Masaya. Nakikita na raw nya si Hesus.

Mababait ang mga pulis na bantay sa Tabugon. Friendly sila at talagang secured ang area. Mababait ang mga kasama kong PUM. Marami kaming napagkwentuhan. Naenjoy ko ang pag-stay sa sinabing holding area. Naenjoy ko sa loob ng 5 days. P*****-*** Paracale anu na?!!! Susunduin nyo pa ba ako dito? Yes, ang 24 hrs na sinabi ay fake news. Nanatili ako dun until napalapit na ang puso ko sa mga nakaquarantine na taga Sta. Elena (sa isang area ay quarantine naman ng mga taga dun). Minsan nawawasak ang puso ko pag may umaalis at sinusundo na ng bayan nila. Magkahalong lungkot at inggit ang naramdaman ko. Sana ol.

Mandatory ang diet sa holding/quarantine area. Pang Kim Kardashian ang portion ng pagkain. Tipong pati buto ng karne ay kakainin mo na rin dahil sa konti ng portion (I think di naman kase ako meant magtagal dun pero nangyari na e). Buti na lang malinis palagi ang rest room, lagi naming nililinis. Laging walang dahon na nagkalat kase uma-umaga kami nagwawalis. Ang galing, para kaming larawan ng pabalat ng tsitserya nung 90s. Pero inip na ko nun.

Sa ika-limang araw, ganap na 9 pm, dumating ang Vinzons at Labo LGU para sunduin ang mga PUM nila. Wala pa rin ang Paracale. Unti-unti na ko nasasanay. Sabi ko gagawa na lang ako ng Boysen commercial dito. Pero on my surprise, isinakay na rin ako ng mga nasabing LGU para i-drop off sa entrance ng Paracale. Parang pusa lang na ililigaw. Ok na rin, at least makakaalis na ko sa holding area at MAGSISIMULA NA ANG 14 DAYS QUARANTINE KO (Tama, inabot ng 19 days in total ang quarantine ko.). Nagpaalam na ko sa mga lamok sa Sta. Elena na nakapalagayan ko kaagad ng loob sa unang gabi pa lang. Di sila ganun kasakit mangagat di tulad sa Pasig na parang laging may "karga" ang mga lamok dun.

Malakas ang ulan nung gabing yun ng Linggo. Salamat pa rin sa NDRRMO ng Labo dahil kahit ibinaba nila ako sa boundary ng Paracale na parang pusang matakaw sa ulam, e nakaramdam na ko ng pag-asa, andito na ko sa hometown ko. Nagsindi ako ng sigarilyo pagbaba ko bilang selebrasyon. Nakita ako ng mga kakilala ko at agad akong binati at inalok ng kape. Natuwa naman ako. Pero ang hindi nakakatuwa, magpapalipas ako ng gabi sa checkpoint na yun sa tabi ng kalsada dahil hindi available ang NDRRMO ng Paracale para ihatid ako sa quarantine facility. Dito na ko nagbreakdown, literal na naluha ako. Malamig sa checkpoint, nabasa ako ng ulan, gutom na din ako at kahit mga lamok dun ay hindi ako winelcome. Di nila ako kinakagat kase PUM nga ako pero ang ingay nila sa tenga. Holy ****. Kalbaryo ang buong magdamag pero sa wakas ay nasundo na rin ako para dalhin sa quarantine facility. Welcome to hell!

Masaya sa quarantine area ng aking bayan kahit mala walk-in oven. 7 kaming nandun na umaga, tanghali, gabi na pinagsasaluhan ang sardinas or corned beef or tuyo. Di naman palaging ganun pero madalas e yun ang rasyon samin. May times na nakakatikim kami ng isda or manok pero sa sobrang bihira, yung kasama ko halos di na ma-autopsy yung natitira sa plato nya. Marami ang distribution ng kanin sa quarantine facility na yun at mahihiya ang Mang Inasal. Pero kanin lang talaga. Kaya nagpasalamat ako sa mga friends and family ko na naghatid ng pagkain saken. Lab yu ol.

May mga nakasama ako sa quarantine na hindi kasali sa free food at hindi yun katanggap-tanggap. So sharing is caring sa oblo at nagsheshare kami sa isa't isa sa lahat ng pagkakataon. Lagi rin kami nagkekwentuhan, nagtatawanan para lang madivert yung atensyon namin. Sa harap ng quarantine area ay simbahan na itinayo nung 1611 na magpapaalala sayo na pagsubok lang ang lahat. May libre pa kaming panalangin everyday at san ka pa, ang laki ng alarm clock namin, pag tumunog, gising ang buong baranggay. Tinry namin magpuslit ng pang tattoo sa loob para may extra kaming libangan. Kidding.

Isang gabi, may narinig kaming boses "I want to play a game" at lumabas sya na nakabisekleta sa room, ang pangit nya. San na nga ba yung kinekwento ko? Ang haba na e nu? Congrats pala ha nakarating ka sa part na to.

So ayun nga, isang gabi, hindi maganda pakiramdam ko. Nakaubos na ko ng pitong baso ng kopiko black sa buong maghapon. 3 days na lang lalaya na ko at bumubulwak na yung sobrang inip kaya ginawa kong tubig yung kape (at least di ako nagtiktok, ewww...Harry). Time check, 10pm at nahihilo ako. Dumungaw ako sa bintana at dinama ang malakas na hangin dahil sa bagyo. Ang sunod na namalayan ko, ginigising ako ng kasama ko kase bumagsak ako sa sahig. Seizure ang nangyari at nangingisay daw ako. Nagpanic lahat sa loob. Wtf. Positive yata ako. Sinisipon din ako nun at inuubo. Positive nga yata talaga. Isa sa mga kasama namin na miyembro ng BFP ang kumontak sa nurse para icheck ako. Inasikaso ako ng mga kasama ko. Wapakels sila kung covid man yun. Damay damay na. Dumating ang nurse, binigyan ako ng gamot sa high blood. High blood lang daw yun. Medyo na-offend ako kase sa payat ko na yun na parang POW nung WW2, high blood pa ko. Bukas na lang daw ako itetest. Ang galing talaga kase kinabukasan, walang test na nangyari. Matira na lang matibay. Buti na lang at gumaan na pakiramdam ko pero wala pa rin talagang nagcheck saken para man lang malaman ko kung bakit ako nagpass out. Pero hinala ko caffeine overdose tsaka kulang sa tulog.

Day 19, May 17, araw ng paglaya. Excited na ko lumabas. Nakaraang gabi pa lang nakagayak na mga gamit ko. Ang araw ding ito ang isa sa mga araw na hindi ako pinakain maghapon. Wala na daw akong rasyon. Ah ok, fine. Siguro naman di nyo ako paaabutin ng gabi dito at ihahatid nyo rin agad ako sa bahay nu? Mali. Inabot ako ng 6:30pm sa quarantine sa last day ko, no brekfast, no lunch and no girlfriend. Mabuti na lang at nakita ng kasama ko si Mayor at agad na tinawag para ipaalam na laya na ko and either ihatid nila ako sa bahay ko or ihatid ako sa huling hantungan dahil walang kain at walang mautusan bumili ng pagkain at bawal kami lumabas at wala na rin akong pambili talaga. Anyway, nagrespond naman si yorme at naihatid ako sa bahay. Bago ako umalis sa quarantine, nagpasimple muna ako ng dirty finger dun sa place.

Nakita ako ng tatay ko at ngumiti sya. Sa wakas nakalabas na rin ako. Di agad ako nakakain dahil nalipasan na nga ako ng gutom. Non-stop ang kwentuhan namin, pangangamusta. Mas masarap ang redhorse pag halos 3 months mo nang di natitikman.

Tinanong ako ng mga kabaranggay kung anung nangyrai saken, sabi ko natrap ako sa Bermuda Triangle. May diskriminasyon pa rin sa kabila ng cleared na ko at nagdusa na ko sa quarantine.

2 weeks pa nakalipas bago nag sink in saken na malaya na nga ako. Nagsisimula na ulet ako ng buhay dito. Yung nakikita mo sa picture na may six packs, dark skin at nakahard hat at nagmimina ng ginto? Wish ko din maging ganun.

Masaya ako na nagiging positive na ko, I mean sa pananaw. Pero nakatakas man ako sa malalang sitwasyon sa Metro Manila, ang agam-agam ko pa rin ay nasa mga kaibigan ko na nandun pa rin at patuloy na nakikipagpatintero sa chances. Sana ok lang kayong lahat palagi.

At dito nagtatapos ang walang kakwenta kwentang quarantine story ko. Pero mas better naman kesa sa story ni Marlou. So sana may napulot kayo. Ciao.

Tuesday, April 16, 2019

Paano humingi ng tawad sa minamahal gamit ang SULAT?

Image result for sorry letter icon
Ano daw? Sulat? Uso pa ba yun? Bakit di na lang sabihin ng personal? Ipasabi na lang kaya. I-chat na lang. etc, etc.

Pag nasagot ba ang mga yan ok na? Sapat na? Solve na? Bati na?.

How about the question "Paano ako magsosorry?". Maraming ways para magsorry pero bakit ang daming hangal o walang pakialam sa napakahalagang bagay na ito? And sa totoo lang, mas maraming taong hirap na hirap o sadyang walang kakayanang magsorry sa nagawa nilang kasalanan. Specially people in a relationship na madalas mamisinterpret ng mga partner nila na either weak o di kaya nama'y sobrang taas ng ihi (ma-pride). Sa previous blog ko, nadiscuss ko ang mga "Paraan kung paano humingi ng tawad sa boyfriend?" (just click the link) na applicable din mostly sa general aspect ng pagso-sorry. Pero ang dami ko narecieve na email kung paano daw ba ito gagawin sa pamamagitan ng sulat. Kaya naman susubukan kong i-discuss sa entry na to, paano nga ba mag-sorry sa sulat?

Wait lang. Magreview nga muna tayo. I-refresh natin ang mga challenges kung bakit nahihirapan humingi ng tawad and much more bakit hindi nila bet ang daanin ito sa sulat?:

Mahirap tumanggap ng pagkakamali at magsorry dahil:
*Natatakot na baka husgahan ng pangit ang buong pagkatao nya base sa pagkakamaling yun.

*Super defensive. Sadyang madami syang justification sa nagawa nya, bilib na bilib sa sarili.
Pero minsan, nagpapalusot na lang para wag lang magmukang sya ang may kasalanan o dapat sisihin.

*Natatakot na baka maging dahilan ito para lagi na lang syang pagsuspetsahan o akusahan at maging dahilan ng palaging pag-aaway. Which is tama naman yung kinakatakot nya pero ang tanong: Paano naman sya matatanggap kung ano sya at paano mag-aadjust ang partner nya sa kanya kung ganyan ang mindset nya?

Mahirap magsulat ng sorry letter dahil:
*"Ano ito 1999? Masyado nang modern, baduy na. May social media naman or text."
*Sadyang hindi fan ng pagbibigay ng sulat at ayaw subukan.
*Misconception na hindi "manly" or hindi sign ng "pagka-macho" ang daanin ito sa sulat (para sa mga lalaki).
*Tamad magsulat.
*Hindi marunong magsulat.

Once na marealize mo at tingin mo nag-fall ka sa mga challenges na nabanggit, nakadepende sa reaksyon mo kung itutuloy mo pa ba ang pagbabasa ng blog na to or ihihinto mo na sa part na to.....................................................................................wow congrats tinuloy mo! Curious ka din? :D

Ang mga sumusunod ay ang good and bad version ng letter na pwede mong gawin. Kung bakit ka nag-agree sa good version ay masasagot sa huling bahagi ng artikulong ito.

Example 1

Bad version:

"Bhe sensya na sa kaka-ML ko ha. Lakas kase makaimpluwensya ng tropa lalo na si Estong. Kilala mo naman yun di ba? Tsaka minsan kase busy ka din, di ka makontak. Pero mahal na mahal kita. Kaw lang po talaga. Pramis. Please stay by my side Bhe. I need you."

Good version:

"Bhe pasensya ka na sa pagka-adik ko sa ML. Sorry talaga dahil di mo na ko maawat. Nilamon na ko ng game na to at napapabayaan na kita. My bad Bhe, naliwanagan na ko na di isang mobile game lang ang sisira sa relasyon natin kaya dinelete ko na yung game app para di na ko makapaglaro at para di ko na mamiss yung mga chat at call mo, para marami na kong time sayo. Peace na tayo please."

Example 2

Bad version:

"Love sorry po dahil nakikipag-communicate pa ako sa ex ko. E kase ang kulit nya, nireplyan ko na lang din para tumigil na. Pero minsan kase sobrng busy mo, wala kang time kaya siguro narereplyan ko sya. Pero ikaw lang ang mahal ko. Matagal na kaming wala nun. Sana maintindihan mo."

Good Version:

"Pagpasensyahan mo na sana kung nagawa ko pang magreply sa mga mensahe ng ex ko. Mali po yun kahit saang anggulo tingnan. Kaya ko pong magpaliwanag sayo na parang abogado pero di ko nakikita yung point kase mali talaga ako. Nagsisisi po talaga ako love. Gusto ko malaman mo na mahal na mahal kita at pinutol ko na lahat ng posibleng magiging komunikasyon namin ng ex ko. If you give me a chance po hindi ko sasayangin. Please forgive me."


Kung bakit ang dalawang halimbawa ang ginamit ko ay makikita ang dahilan sa sumusunod. Hango ito sa
"Elements of a Perfect Apology".


1. Say you’re sorry. Not, “I’m sorry, but . . .”, just plain ol’ “I’m sorry.”
- Mag sorry lang. Wala nang kung anu-ano pang side comments. Wag na kung anu-ano pang paliwanag bakit yun nagawa. Kase magtatalo lang kayo.

2. Own the mistake. It’s important to show the other person that you’re willing to take responsibility for your actions.
- Wag na mandamay pa ng kung sino o kung ano. Tanggapin mo pagkakamali dahil ikaw talaga ang nakagawa nun. Maluwag sa dibdib pag marunong tumanggap ng kamalian.


3. Describe what happened. The wronged person needs to know that you understand what happened and why it was hurtful to them. Make sure you remain focused on your role rather than deflecting the blame.
- Minsan kelangan mong ilagay ang sarili mo sa sitwasyon nya para bilang nagawan mo ng pagkakamali at try mo isipin kung ano ang nararamdaman nya. Kung ilalagay ito sa sulat, pwede mong isama yung struggles ng partner mo sa personal na buhay nya tapos dumagdag ka pa sa pasaway at gets mo yung feeling kaya di mo na gagawin yung pagkakamaling yun sa kanya.

4. Have a plan. Let the wronged person know how you intend to fix the situation.
- Wag kang basta mangako. Ilahad mo ang plano mo, be specific sa remedyo na naiisip mo para di na mangyari ulet yun. Di na uubra ang kakapangako. Dapat aksyon!

5. Admit you were wrong. It takes a big person to own up to being wrong. But you’ve already reminded yourself that you’re a big person. You’ve got this.
- Katulad ng nabanggit sa #2, tanggapin ang pagkakamali. At tanggapin ito bilang isang mature na tao na alam mong hindi ka perpekto at lagi kang may pagkakataon na ituwid ang pagkakamali at magbago.

6. Ask for forgiveness. A little vulnerability goes a long way toward proving that you mean what you say.
- Ang paghingi ng kapatawaran na siyang pinaka-buod ng sulating ito ay dapat gawin ng buong katapatan. Hindi mo kelangan umiyak epek pa o magpa-flash mob o magdala ng boquet sa hallway ng school nyo. Sapagkat kung marunong kang magsulat at hindi naman kawalan sa dignidad mo na magpadala ng liham sa minamahal mo, gawin mo! Dahil the fact na na-gather mo ang thoughts mo, nag-take time ka para i-summarize yun sa pamamagitan ng panulat, ibig sabihin seryoso ka talaga sa paghingi ng tawad!

Sana'y nakatulong ang munting presentasyon ng aking saloobin tungkol sa isa na namang topic tungkol sa "pagso-sorry". Pero ito ha, mga kapatid, wag naman abusuhin. Sabi nga nila puro ka sorry, para saan pa daw ang parak? Tandaan na ang patuloy na paggawa ng parehong kamalian ay pagpapakita rin ng kawalan ng respeto at pagiging selfish. Treat your love partner as sacred, someone who's very precious na iniingat-ingatan mo. Kung di mo sinasadya, learn from it, be better next time at wag gawin kung di naman talaga tama or gawin lamang kung ano ang tama.

Share