Ngayong araw marahil ang isa sa pinakamatinding kaso ng relapse na napaglabanan ko. Anong epic sa araw na to? Hindi ko alam kung bakit drain na drain ako at umatake na naman ang anxiety ko na matagal tagal ko na ding hindi nararanasan. So naisip ko dahil namiss nyo ko at matagal na kong hindi nagsusulat, heto at hayaan nyong magkwento ako.
Karamihan ng mga entry ko sa site kong ito nitong mga nagdaang buwan ay tungkol sa recovery ko sa alcoholism kase ano pa nga ba ang iko-content ko kungdi itong project na inimplement ko sa sarili ko na initially binigyan ko ng 365 days para realistic ang pure at 100% na no alcohol intake. Then after a year, saka ako magdedecide kung kaya ko na ba ang occasional na alcohol intake or tuluyan na kong bibitaw sa bisyong ito. So far so good at hindi pa ko nagrerelapse sa kabila ng madami na ding challenges na halos bumuwag sa hangarin ko na huwag uminom ng alak. Ngunit sa araw ngang ito, ay naranasan ko ang temptation na uminom sa mga kadahilanang kelangan ko pang isipin nang mabuti kung bakit. Nanatili akong nakaupo sa harap ng monitor ko habang nakikinig ng music pagkatapos ng trabaho pero tila nasa ibang dimensyon ako at wala ako dun sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung dahil lang sa pagod or stress pero one thing for sure, hindi ako ok at biglang nanuyo ang lalamunan ko sa malamig na redhorse na sobrang accessible saken anytime kung gugustuhin ko. "Hindi maaari!" ang pagsusumigaw ng isip ko dahil mangyari e papunta na ko sa pangatlong buwan ng sobriety ko at hindi ko papayagan na masayang yun. Dali-dali akong tumayo at isinuot ang sapatos. Tatakbo ako at ipapawis na lang ang lahat nang to.
Halos maputol ang hininga ko pagkatapos ng limang kilometrong pagtakbo. Nilagok ko ang napakaraming tubig at umupo para magpahinga. Ilang sandali pa, muli na namang umatake ang di ko maipaliwanag na kalungkutan na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Parang may kung anong kunektado saken na nangyayari somewhere na baka part ng past ko o kung anupaman na nagbibigay saken ng negatibong enerhiya na to na usually e napapaglabanan ko sa pamamagitan ng pagtakbo pero sadyang napakalakas ng isang to at hindi ko maipaliwanag. Then naalala ko ang sinabi sa podcast na pinakikinggan ko habang tumatakbo na kapag uncertain ka sa negative emotions na nararanasan mo, maglakad ka pero wag kang makinig ng music or kung anupaman sa gadget mo at hayaang mong malayang kausapin ang sarili mo. Hindi ako convinced sa pahayag na yun at kako e pagud na pagod na ko sa pagtakbo, bakit pa ko maglalakad naman this time? Then the thoughts of redhorse came back sa isip ko at dun ako nakumbinsi na tanging ang pag-alis ko lang sa bahay ang ultimate solution para labanan ang potential na relapse na to. Kaagad akong naligo, nagfreshen up para this time e maglakad naman. San ako pupunta? Hindi ko rin alam.
All set and ready to go. Nakawhite shirt lang ako with vape syempre at nakapang-stroll na shorts and sneakers. Para akong genggeng na magsisimbang gabi with matching jeje-cap. I don't mind. I'm going 37 and titos don't give a shit about outfit check anymore. Nakasalpak ang earbuds ko sa tenga at ready na maglakad hanggang naalala ko ang sinabi sa podcast to just listen to yourself while walking and not to anything else. Never ko pa natry maglakad without my earbuds pero I will give it a try this time. So lumabas na nga ako at sinimulan ang pagninilay-nilay. 3k steps ayon sa walking app ko nang may weird na thoughts ang biglang umatake saken. Bigla kong naalala ex ko. June na nga pala at birth month nya ngayon. Eto yung month last year na nag-away kami ng malala kase di ko sya na-greet sa birthday nya and yun na pala ang sign na malapit na kami maghiwalay for good. Saglit ako natawa sa sarili ko sa epic na memory na yun na naayos din naman namin later on pero I don't know. She was not like that before and she started to change that time. Pero hindi rin naman justified talaga na malimutan ko yung birthday nya. No excuse on that and nag-apologize ako sa kanya. Pero what really is happening to me today at kelangan kong magbawas ng ganitong karaming calories?
Unconsciously, naglog-on ako sa socmed to check her out only to realize na she already blocked me everywhere and I have no freakin idea how she's doing at all which is good. Not seeing her in any medium helped me combat the biggest relapse threat especially sa first month. Pero since sumagi sya sa isip ko, I wonder, is she in a new relationship now? If she is then thats good since deserved naman nya maging masaya. In the middle of that thought, bigla ako napareflect kung anung klaseng boyfriend ba ako sa kanya dati? Good. Now may topic na ko sa sarili ko although nagsisi ako kase iniwan ko earbuds ko and the boredom is becoming brutal habang lumalayo ang paglakad ko.
Medyo matagal ko na to nafigure out since few weeks pa lang na nagkaroon ako ng clarity mula sa paghinto sa pag-inom kung anong klaseng boyfriend ako in general. I'm a narcissist. Never kong inadmit sa sarili ko ang pagiging narcissist ko sa mga ex ko until recently with June Girl. Lahat na siguro ng signs ng extreme narcissism ay nailabas ko na kay June Girl especially nitong tinatry ko na makipagbalikan sa kanya. Yung level ng pagiging entitled ko kahit wala na kami, through the roof at yung resistance ko sa rejection na sa totoo lang e wala na talaga ako magagawa e ganun na lang katindi. Those qualities are the most fucked up form of narcissism lalo na't nagcome up na ko sa mga threats just because hindi ko nakuha ang gusto ko. I blamed alcohol for that na nagspike up yung addiction ko nung nagko-cope up ako sa break up namin pero later on, it wasn't alcohol. Alcohol is the product of my narcissism and not the other way around. Ang naging ambag lang ng alcohol ay lalo nyang pinalala yung narcissism ko which is a pretty fucked up na ambag kaya nang magquit ako sa pag-inom at narating ko tong realization na to, nagstart akong iwork out ang paggamot sa pagiging narcissist ko.
Tuloy lang ako sa paglakad at unti-unti nang sumasakit ang mga paa ko. Nakaka 8k steps na ko pero balewala yung sakit ng paa kase naeenjoy ko na ang pakikipag-usap sa sarili ko. I wanna go down to how I figured and came up to plans to cure my narcissm pero daanan ko muna ng bahagya ang history ni June Girl at kung paano sya naging pinaka-importanteng memory sa buhay ko. She's a very quiet and a woman of few words. Mahirap makipag-usap sa kanya kase kelangan mo ng maraming inputs at stimulation para maging steady yung convo nyo. That's at least on my experience since may generation gap kami pero one thing for sure, nabridge namin yang gap na yan kase pag interesado sya sayo, she will try. Nung time na nagkakilala kami, my narcissism was almost non-existent. It was all about entertainment lang talaga and I didn't even have the hint na madedevelop ako sa kanya. But her other attribute na sadyang attractive at strength nya, she listens. If a guy finds her boring at first impression and quit on her immediately? They are going to miss out one of the finest gems they will ever find sa buhay nila. Coz she doesn't show off and only speak of few but practical and realistic things. She doesn't have that much of a humor and she tends to be very serious, pero pag naexplore mo na yung deepness nya, she's very attractive and seductive at the same time. Now here's the tricky part. Pag nahukay mo na yung pinaka character nya at nahulog ka na? You may wish na sana hangggang dun ka na lang at wag mo na sya ipursue kase kung narcissist ka na katulad ko, you're gonna regret it later. She's smart and resilient and she will always have the last laugh if trouble comes along the way sa relationship nyo.
She's a narcissist magnet but also a kryptonite. I met her when she was younger and inexperienced and ok naman kami nung una until my narcissism finally reached its ripe form. Due to her innocence and an easy victim sa mata ng naunang narcissist na nameet nya, she made a serious mistake. Dahil sa mistake na yun, nagising ang evil side ko na sya kong palagiang ginagamit na justification whenever I commit mistake sa relasyon namin. Ako palagi ang tama at inalisan ko sya ng karapatan na magreason out. I abused her verbally but she was helpless that time. My narcissistic schemes always work for her and I was on the top of my game. The guilt trip, gaslighting, threats and manipulations, she always fell for those at lagi ko nakukuha yung gusto ko sa kanya. But not for long. Since she's smart and adaptable, she read all the trends sa relasyon namin like a book and her time for vengeance came. She killed me with her strongest weapon...silence. Wala na sa kahit anong narcissistic methods ko ang nagwork sa kanya coz she went into complete silence. And that my friend is the deadlieast weapon na kakaharapin mo pag isa kang narcissist. At wish mo lang, pag dumating sa point na ginamit na ng target mo ang weapon na yan laban sayo ay hindi tayo magkatulad. Dahil inexpose nya saken ang isa pa sa true form ko...ang pagiging weak. Bilang isang narcissist na tinatawag din nilang sadboi na manipulative, I tried to stand strong when she broke up with me and tried to counter her silence with silence. Pero pre, pag narcissist ka, you will never be quiet. Words are your weapon pero what good is your weapon when your target literally used invisibility completely? At panu ko nasabi kanina na sana wish mo e hindi na lang naging kayo? Kase kung narcissist ka and you found her as a willing victim, you will fall for her so hard kase she will feed all your narcissistic hunger. Then she will detach herself from you like a pro once she's completely fed up.Walang matitira sayo kungdi yung weakness mo na syang kakain sayo at payback time yun. My weakness when she gave me up was my alcoholism na syang nagpalugmok saken nang husto. Pero alam mo ba kung paano ako nakarecover? I took the first step to cure my narcissism and that is to accept and to give up pride.
Yung first day na ginive-up ko ang alcohol, yun na din ang first day na tinanggap ko ang defeat. Masakit saken and the pain wasn't normal sa isang narcissist na tulad ko. It was a combined withdrawal effects of alcohol and narcissism. I almost killed myself kase sabi ko nga, hindi naman talaga ako ganun ka-strong and dinedisguise ko lang ang strength ko through narcissistic tricks. Now that shes gone and I have no one to show my fake strength and dominance, naiwan akong parang basang sisiw na hinang-hina at hindi alam ang gagawin sa buhay. Pero alam mo? I gave up my pride and kahit nakita ko ang sarili ko na sadsad na sadsad na sa lupa, hinayaan ko lang. Kase kaya exxagerated ang reaction ko sa break up namin e dahil andun pa din yung narcissism ko and until it died down, dun ko lang makikita ang mga bagay differently. Para akong kabayo na nakatakip ang mata sa sides at walang ibang nakikita kundi yung ego ko and guess what? I removed those covers at sinubukan kong tumingin sa ibang aspeto ng buhay. Nung una, feeling victim ako kase iniwan ako sa ere, binago ko yun. Instead inisip ko na deserve ko yun and this is an eye opening event saken. I practice humility at sinimulan ko yun sa hindi na pagsend pa ng emails or messages sa kanya sa kahit anong way coz thats still a sign of pride. Nagpakahumble ako in a way na tumatanggi na ko sa mga tagay at nakakarinig ng mga panglalait na minsan nga ay personal pa kase pagkalalaki ko na yung binabanatan nila pero tinanggap ko yun. I stopped drinking to maintain clarity at all times. Lahat nang bagay na kaya ko naman idisguise sa kabila ng defeat na tinamo ko, hinayaan ko lang. Hindi na to stage para mag-angas pa ko at i-cover up ang lahat gamit ang pagiging narcissist ko. This is a stage of complete acceptance by letting the damage lie down and be in front of my eyes then draw an honest and transparent plans na pure at walang hint ng pagmamataas at pagkamakasarili. Here I am walking a long mile refecting all the misseries and punishment na natamo ko dahil sa sarili ko ring kagaguhan and these work outs that I'm doing are now the start of my new life.
Going 3 months now, never akong nagstop sa pagiging active. Pati pagiging delivery rider, pinasok ko just to keep myself busy and be outside to avoid alcohol na madalas kung ginagawa sa bahay mag-isa. Face to face with people na hindi ako nahihiyang humarap at palagi kong binibigyan ng ngiti coz I'm genuinely happy seeing them maging customer man sila or kung sino man na makasalamuha ko. Then I will run or walk or magbike or do calisthenics to sweat and almost cry in agony dahil sa physical pain ng mga exercises pero tuloy lang. I post results sa social media not to portray my superiority over others but to show na desidido ako sa pagbabagong ito at kakayanin ko to hindi lang after 365 days, hindi lang after maging ok na naman ako kungdi as a way of life. Its just a matter of time actually para magstop na rin ako gamitin ang socmed for this vanity as it promotes narcissism too. I'm doing all the steps to defeat narcissism gradually. I know time will come na hindi ko na need ng likes just to fuel myself on doing these workouts and to stay alcohol free and when that time comes, I know na hindi na rin ako worst kind ng narcissist. I know I'm a narcissist and changing this is impossible as its like changing my character and personality pero I'm determined to throw away this fucked up behavior or disease at maging better version ng sarili ko. Hindi lang para saken kungdi lalot higit para sa kapwa ko.
As for June Girl, alam nya nagpasalamat na ko sa kanya for making me realized all these things that led to this changes na winoworkout ko pero never akong naging sincere sa pasasalamat na yun unlike now na talagang hindi ko mademonstrate yung appreciation ko sa pagbago nya ng buhay ko. She's gonna be a very good girlfriend or wife sa lalaking opposite ko. Lalaking hindi narcissist, hindi mapangmata, may respeto, hindi judgemental at may true courage sa pagharap sa mga challenges ng buhay. Lalaking may disiplina at hindi kinakain ng bisyo at higit sa lahat, hindi bayolente. She deserved better and I can't wait to see her happy and worry free sa piling ng tamang tao. Happy birthday June Girl.
I finally arrived home after a very long walk at eto nga nakatapos din ako ng bagong blog entry sa wakas. The walk and this journal now made me feel better. It turns out na I'm lacking social life now kase wala ako masyado nakakausap dahil sa pinili ko maging loner so I'll meet up with college friends within this week to fill that gap. The thought of June Girl indeed contributed to that low point na masaya ako na nailahad ko din sa entry na to what went wrong to us and what I learned from that experience na sure ako na magmamanifest sa next relationship ko yung positive developments. Kung kelan yun? Hindi ko din alam. I don't wanna call it self-love coz that also sound narcissist but I think its more on rehabilitation. Until I'm fully recovered mentally and emotionally, thats the time na maybe babalik ako sa pakikipagdate. Masarap din magmahal at mahalin lalo na kung walang kulay ng extreme dominance at pagiging narcissist. Also with my heart completely closed at the moment na honestly still healing? I don't think having an intimate partner is a good idea. Time will tell and time will decide.