Tuesday, July 28, 2020
Once Upon a Time in Facebook Dating
Thursday, July 23, 2020
My Quarantine Story
April 28, Tuesday night. Magdadalawang buwan na kong
nakalockdown, literal. I mean lahat naman except sa mga di nagcocomply. Ano
yun? Debold? Bastos. Anyway, eto kwento ko.
Sobrang toxic ng taon na to. Ang daming nangyari saken. Start pa
lang ng taon, umaapaw na yung mga kamalasan sa buhay ko. Alam ko madami din ako
nagawang kamalian pero grabe naman yung naging balik sa akin. So I decided to
quit my job para makalanghap ng sariwang hangin sa Bicol, its just too much. Di
ko alam ang naghihintay saken sa probinsya pero either magstay ako at mag-end
up sa Mandaluyong or harapin yung kawalan ng kasiguraduhan sa hometown ko na
nilisan ko for 17 years.
Dumating na ang sasakyan ng kuya ko. Time check, 10 pm. Isinakay
ko na ang mga gamit ko. Nang maipagpag ko ang aking huling alikabok sa Pasig,
handa na kong lumisan. Hindi ko sasabihing maluha-luha ako para lagyan ng
flavor ang kwento ko pero ganun talaga nangyari e. Tsaka *&*#!! ang sakit
talaga mangagat ng mga lamok sa Pasig, quantity na, quality pa.
Habang lulan ng sasakyan ng kuya ko, pinag-uusapan na namin kung
panu kami lulusot sa mga checkpoint. Nasa height ng ECQ ang Metro Manila nun na
mistulang ghost town ang EDSA. Kahit may food pass siya dahil nagdedeliver ng mga
goods sa North Luzon, hindi pa rin sya confident. Pero sabi nya ang mahalaga ay
mailabas nya ko ng Metro habang matino pa akong nakakausap. Sweet.
First challenge sa SLEX, hinabol kami ng mobile despite na may
food pass kami. Yun pala e nakalabas ang armchair ko sa likod. Habang puno din
ng produkto ang loob ng maliit na truck, halos di na rin magkasya ang mga gamit
ko. Napa exit kami sa bandang Laguna kahit di naman yun ang plano. Dahil nawala
kami sa expressway, natagalan kami kakahanap ng tamang daan. Sinuggest ko na sa
kanya na baliktarin na namin mga damit namin. Ayaw nya.
Nakalabas kami ng Laguna dire-deretso hanggang Quezon province.
Pagdating sa Calauag, medyo mahigpit ang checkpoint, medyo natagalan kami dun.
Pero level 1 pa lang pala yun kase ang tunay na aksyon ay nasa entrance ng
Camarines Norte. Pinalagpas na kami ng bantay sa Calauag pagkatapos nyang
sabihin ang verbatim nya, parang may QA lang. Sa dami siguro ng dumaraan na
chinecheck nila, naging parang sound na sila ng nagtitinda ng hanger at ipit sa
Divisoria. "Sampu lang lahat ng klase, bili na suki 99999x".
Putok na putok na ang araw nang dumating kami sa Sta. Elena.
Putok na putok na rin ang mukha ko sa puyat at pagod. Pinagsanib na pwersa ng
sundalo at pulis ang nakabantay. Parang papasok kami ng Marawi. Eto ang
gameplan: Magpapanggap akong pahinante nya, papasok kami sa Cam. Norte at
magpefeeling naisahan namin yung mga bantay. Hindi nagwork.
Lespu: Ano ka nitong driver?
Me: Kapatid po tsaka pahinante.
Lespu: First time mo ba papasok ng Bicol?
Me: Ay hindi po. Duh. Pang-ilang byahe na namin to.
Lespu: Patingin ng dala nyo.
(Tiningnan ang loob ng truck. Bawas na ang laman dahil
dinrop-off na ang ibang produkto sa Quezon.)
Lespu: Namputsa lipat bahay to nu? Di ka pahinante nito. Ngayon
ka pa lang papasok sa Bicol.
Me: Mali ho. Pang-ilang byahe na namin to. Pinadala lang po yan
samin. Nagmagandang loob lang kami. Di mo lang kase ako napapansin, di naman
kase ako famous (sana sinabi ko yung huling sentence pero baka ipinalo saken
yung M16 so nagshatap na lang ako)
99.9% nang convinced yung bantay at itataas na lang yung harang
nang umepal naman yung isang sundalo. Chineck ang permit ng kuya ko at
natuklasan na hindi ganun kagwapo yung totoong pahinante ng kuya ko. Masyado
daw akong fresh para maging pahinante lang (nagdedelusyon na ko ng mga oras na
yun). Ikinakasa na ng officer yung charge laban samen sa paglabag sa Bayanihan
Act pero nagbago isip nung nakiusap ako na iquarantine na lang ako sa island
with coconut trees, beach everyday (malapit na ko maheatstroke sa part na yan).
Nadamay pa kuya ko, binawian sya ng permit to enter sa Cam. Norte. Nagsorry ako
sa kanya. Sabi nya ok lang, kesa naman mastuck ako sa Pasig. Sweet.
So isinakay na ko sa military truck papuntang holding area sa
Sta. Elena, Cam. Norte. Sa sobrang bilis nung takbo pati kaluluwa mo parang
gusto na humiwalay. Pagdating ko sa holding area, within 24 hrs lang daw dun
then susunduin na ng bayan na nakakasakop sa PUM. Ah ok, cool, e di sige
maghihintay lang ako. After all patience is virtual.
Masaya sa holding area. Iba't ibang istorya ang maririnig mo.
Nariyan yung mga naglakad from Manila to Bicol. Yung mga nastranded sa Quezon
Province na unli-quarantine kase magto-two months nang nakaquarantine at di pa
rin nakakauwi. Kase naman lahat yata ng probinsya na daanan ng isang kasama ko
na PUM ay naquarantine sya. Masaya. Nakikita na raw nya si Hesus.
Mababait ang mga pulis na bantay sa Tabugon. Friendly sila at talagang
secured ang area. Mababait ang mga kasama kong PUM. Marami kaming
napagkwentuhan. Naenjoy ko ang pag-stay sa sinabing holding area. Naenjoy ko sa
loob ng 5 days. P*****-*** Paracale anu na?!!! Susunduin nyo pa ba ako dito?
Yes, ang 24 hrs na sinabi ay fake news. Nanatili ako dun until napalapit na ang
puso ko sa mga nakaquarantine na taga Sta. Elena (sa isang area ay quarantine
naman ng mga taga dun). Minsan nawawasak ang puso ko pag may umaalis at
sinusundo na ng bayan nila. Magkahalong lungkot at inggit ang naramdaman ko.
Sana ol.
Mandatory ang diet sa holding/quarantine area. Pang Kim
Kardashian ang portion ng pagkain. Tipong pati buto ng karne ay kakainin mo na
rin dahil sa konti ng portion (I think di naman kase ako meant magtagal dun
pero nangyari na e). Buti na lang malinis palagi ang rest room, lagi naming
nililinis. Laging walang dahon na nagkalat kase uma-umaga kami nagwawalis. Ang
galing, para kaming larawan ng pabalat ng tsitserya nung 90s. Pero inip na ko
nun.
Sa ika-limang araw, ganap na 9 pm, dumating ang Vinzons at Labo
LGU para sunduin ang mga PUM nila. Wala pa rin ang Paracale. Unti-unti na ko
nasasanay. Sabi ko gagawa na lang ako ng Boysen commercial dito. Pero on my
surprise, isinakay na rin ako ng mga nasabing LGU para i-drop off sa entrance
ng Paracale. Parang pusa lang na ililigaw. Ok na rin, at least makakaalis na ko
sa holding area at MAGSISIMULA NA ANG 14 DAYS QUARANTINE KO (Tama, inabot ng 19
days in total ang quarantine ko.). Nagpaalam na ko sa mga lamok sa Sta. Elena
na nakapalagayan ko kaagad ng loob sa unang gabi pa lang. Di sila ganun kasakit
mangagat di tulad sa Pasig na parang laging may "karga" ang mga lamok
dun.
Malakas ang ulan nung gabing yun ng Linggo. Salamat pa rin sa
NDRRMO ng Labo dahil kahit ibinaba nila ako sa boundary ng Paracale na parang
pusang matakaw sa ulam, e nakaramdam na ko ng pag-asa, andito na ko sa hometown
ko. Nagsindi ako ng sigarilyo pagbaba ko bilang selebrasyon. Nakita ako ng mga
kakilala ko at agad akong binati at inalok ng kape. Natuwa naman ako. Pero ang
hindi nakakatuwa, magpapalipas ako ng gabi sa checkpoint na yun sa tabi ng
kalsada dahil hindi available ang NDRRMO ng Paracale para ihatid ako sa
quarantine facility. Dito na ko nagbreakdown, literal na naluha ako. Malamig sa
checkpoint, nabasa ako ng ulan, gutom na din ako at kahit mga lamok dun ay
hindi ako winelcome. Di nila ako kinakagat kase PUM nga ako pero ang ingay nila
sa tenga. Holy ****. Kalbaryo ang buong magdamag pero sa wakas ay nasundo na
rin ako para dalhin sa quarantine facility. Welcome to hell!
Masaya sa quarantine area ng aking bayan kahit mala walk-in
oven. 7 kaming nandun na umaga, tanghali, gabi na pinagsasaluhan ang sardinas
or corned beef or tuyo. Di naman palaging ganun pero madalas e yun ang rasyon
samin. May times na nakakatikim kami ng isda or manok pero sa sobrang bihira,
yung kasama ko halos di na ma-autopsy yung natitira sa plato nya. Marami ang
distribution ng kanin sa quarantine facility na yun at mahihiya ang Mang
Inasal. Pero kanin lang talaga. Kaya nagpasalamat ako sa mga friends and family
ko na naghatid ng pagkain saken. Lab yu ol.
May mga nakasama ako sa quarantine na hindi kasali sa free food
at hindi yun katanggap-tanggap. So sharing is caring sa oblo at nagsheshare
kami sa isa't isa sa lahat ng pagkakataon. Lagi rin kami nagkekwentuhan,
nagtatawanan para lang madivert yung atensyon namin. Sa harap ng quarantine
area ay simbahan na itinayo nung 1611 na magpapaalala sayo na pagsubok lang ang
lahat. May libre pa kaming panalangin everyday at san ka pa, ang laki ng alarm
clock namin, pag tumunog, gising ang buong baranggay. Tinry namin magpuslit ng
pang tattoo sa loob para may extra kaming libangan. Kidding.
Isang gabi, may narinig kaming boses "I want to play a
game" at lumabas sya na nakabisekleta sa room, ang pangit nya. San na nga
ba yung kinekwento ko? Ang haba na e nu? Congrats pala ha nakarating ka sa part
na to.
So ayun nga, isang gabi, hindi maganda pakiramdam ko. Nakaubos
na ko ng pitong baso ng kopiko black sa buong maghapon. 3 days na lang lalaya na
ko at bumubulwak na yung sobrang inip kaya ginawa kong tubig yung kape (at
least di ako nagtiktok, ewww...Harry). Time check, 10pm at nahihilo ako.
Dumungaw ako sa bintana at dinama ang malakas na hangin dahil sa bagyo. Ang
sunod na namalayan ko, ginigising ako ng kasama ko kase bumagsak ako sa sahig.
Seizure ang nangyari at nangingisay daw ako. Nagpanic lahat sa loob. Wtf.
Positive yata ako. Sinisipon din ako nun at inuubo. Positive nga yata talaga.
Isa sa mga kasama namin na miyembro ng BFP ang kumontak sa nurse para icheck
ako. Inasikaso ako ng mga kasama ko. Wapakels sila kung covid man yun. Damay
damay na. Dumating ang nurse, binigyan ako ng gamot sa high blood. High blood
lang daw yun. Medyo na-offend ako kase sa payat ko na yun na parang POW nung WW2,
high blood pa ko. Bukas na lang daw ako itetest. Ang galing talaga kase
kinabukasan, walang test na nangyari. Matira na lang matibay. Buti na lang at
gumaan na pakiramdam ko pero wala pa rin talagang nagcheck saken para man lang
malaman ko kung bakit ako nagpass out. Pero hinala ko caffeine overdose tsaka
kulang sa tulog.
Day 19, May 17, araw ng paglaya. Excited na ko lumabas.
Nakaraang gabi pa lang nakagayak na mga gamit ko. Ang araw ding ito ang isa sa
mga araw na hindi ako pinakain maghapon. Wala na daw akong rasyon. Ah ok, fine.
Siguro naman di nyo ako paaabutin ng gabi dito at ihahatid nyo rin agad ako sa
bahay nu? Mali. Inabot ako ng 6:30pm sa quarantine sa last day ko, no brekfast,
no lunch and no girlfriend. Mabuti na lang at nakita ng kasama ko si Mayor at
agad na tinawag para ipaalam na laya na ko and either ihatid nila ako sa bahay
ko or ihatid ako sa huling hantungan dahil walang kain at walang mautusan
bumili ng pagkain at bawal kami lumabas at wala na rin akong pambili talaga.
Anyway, nagrespond naman si yorme at naihatid ako sa bahay. Bago ako umalis sa
quarantine, nagpasimple muna ako ng dirty finger dun sa place.
Nakita ako ng tatay ko at ngumiti sya. Sa wakas nakalabas na rin
ako. Di agad ako nakakain dahil nalipasan na nga ako ng gutom. Non-stop ang
kwentuhan namin, pangangamusta. Mas masarap ang redhorse pag halos 3 months mo
nang di natitikman.
Tinanong ako ng mga kabaranggay kung anung nangyrai saken, sabi
ko natrap ako sa Bermuda Triangle. May diskriminasyon pa rin sa kabila ng cleared
na ko at nagdusa na ko sa quarantine.
2 weeks pa nakalipas bago nag sink in saken na malaya na nga
ako. Nagsisimula na ulet ako ng buhay dito. Yung nakikita mo sa picture na may
six packs, dark skin at nakahard hat at nagmimina ng ginto? Wish ko din maging
ganun.
Masaya ako na nagiging positive na ko, I mean sa pananaw. Pero
nakatakas man ako sa malalang sitwasyon sa Metro Manila, ang agam-agam ko pa
rin ay nasa mga kaibigan ko na nandun pa rin at patuloy na nakikipagpatintero
sa chances. Sana ok lang kayong lahat palagi.
At dito nagtatapos ang walang kakwenta kwentang quarantine story ko. Pero mas better naman kesa sa story ni Marlou. So sana may napulot kayo. Ciao.