Wednesday, March 27, 2013

Lessons from Hancock


You have to leave. The further you get from me, the better you're going to feel...


I  Won’t Give Up

May mga bagay sa mundo na wari'y itinadhanang magsama pero mas ok kung magkahiwalay na lang. Mga taong wari'y para sa isa't isa pero hindi pwedeng maging sila dahil sa matinding dahilan. Yung tipong sa una pa lang ay ramdam na nila na iisa ang tinitibok ng kanilang puso pero mas ok kung panatilihin na lang nila ang distansya sa isa't isa dahil siguradong hindi yun magdudulot ng kaayusan sa kanilang buhay sa mga susunod na panahon kung lubusang magiging magkalapit sila.

Lately ko lang napanuod yung movie na Hancock ni Will Smith at Charlize Theron. Naghahanap kase ako ng balita sa TV tungkol sa giyera sa Sabah na sumira ng mga property, buhay at kabuhayan ng mga Malaysian at Pilipino na nanduon. Bigla ko napindot ang remote sa Channel 6 at nahook-up ako sa mga nagigibang building, nabibitak na mga kalsada at nagliliparang mga kotse sa movie na Hancock. Anyway, sa movie na aksidente kong napanuod, dating magkasintahan sina Mary (Charlize Theron) at John (Will Smith) pero sa matinding kadahilanan, kelangan nilang maghiwalay. Pareho silang imortal at may superpowers. Sa madaling salita, magkauri sila. Ayon kay Mary, sila ni John ang itinadhana, ang soulmates sa uri nila. Pero tuwing magkasama sila, habang tumatagal ay nagiging mortal sila o nagiging normal na tao na nasusugatan, nagkakasakit, tumatanda at namamatay. Kung titingnan, parang ok lang naman. E ano naman kung maging normal sila? Mas ok nga yun kase di na sila magiging weird. Pero tulad sa mga superhero movies, "great power, comes great responsibility". Sa kanilang dalawa, si John ang nakatakdang gampanan ang trabaho ng isang superhero. Bilang superhero, kakalabanin mo ang mga masasamang loob, isang tungkulin na napakahirap at isang napakalaking responsibilidad na nakaatang sa kanyang balikat. Kaaway niya ang mga masasamang loob na walang magiging hangad kundi mapaghigantihan sya. Syempre idadamay ng mga kaaway nya ang pamilya nya na dahilan para laging malagay sa alanganin ang buhay ni Mary. Dahil dumarating sa punto na nawawala ang superpowers nila pag magkasama sila, hindi sila magiging capable na iligtas ang kanilang sarili. Dahilan para laging magbuwis-buhay si John sa pagligtas kay Mary. At kung malubha ang tama ni Mary na halos ikamatay na nito, the best na dapat gawin ni John ay lumayo para bumalik ang superpowers ni Mary at magamot nito ang kanyang sarili. Sa pagkakalayo nila, kapwa babalik ang superpowers at immortality nila na dahilan para magpatuloy ang buhay nila.

Nung mga unang panahon na marami pa ang uri nila sa mundo, ok lang na parang maging cycle ang pagsasama at pagkakalayo nila. Malalagay sa alanganin ang buhay ni Mary, ililigtas ni John, lalayo si John para mabuhay si Mary at after years magtatagpo ulit sila, hihina na parang mga tao, may makakaaway si John, idadamay si Mary, mamemeligro na naman buhay ni Mary at lalayo na naman si John and so on and so forth. Pero pagkalipas ng 3,000 years dalawa na lang silang natira sa uri nila. Dahil nga sa animo'y sumpa na ibinigay sa uri nila na tuwing magkakasama sila ay nagiging mortal at namamatay, unti-unting naubos ang lahi nila hanggang sa silang dalawa na lang ang natira. Sa puntong ito, kelangan na nilang isalba ang lahi nila at mangyayari lang yun kung magkalayo sila. At para maipagpatuloy ni John ang tungkulin bilang superhero, kelangan nyang tiisin ang pagiging single at walang lovelife all the time. :(

Commercial Break:
Ishinare ko kay Richie (kapitbahay ko) ang tungkol sa weird na love story ng Hancock at tinanong nya kung anung nationality ng author ng Hancock kase may mali daw sa pagkakasulat nito. Hindi daw binigyan ng kakayahang magkaanak ang mga uri nina John at Mary samantalang kung pagpapatuloy lang ng lahi ang problema, madali lang naman gawin yun kung fully-functioned ang reproductive system ng magkasintahan. Ang sabi ko naman, hindi nagkamali ang author ng Hancock at buti na lang dahil hindi Pinoy ang nagsulat nito. Dahil kung Pinoy ang author ng Hancock, siguradong bibigyan ng ability magka-anak sina Mary at John na dahilan para magkaroon ng "squatter" ng mga may superpowers sa mundo. Hindi rin magugustuhan ni Richie kung ganun ang mangyayari lalo na kung maya't maya ay sira ang bubong ng bahay nya dahil sa mga naglalarong, makukulit na mga anak ng kapitbahay nyang mga Hancock. Higit sa lahat, hindi sya magiging masaya kung mga manginginom ang mga kapitbahay nyang Hancock at mag-aya silang makipag-inuman sa balkonahe ng bahay nya.

Hindi ko na babanggitin yung iba pang detalye ng usapan namin dahil nauwi lang sa puro kalokohan at tawanan ang naging takbo ng usapan. Hahahaha...
Continuation:
Ang istorya ng Hancock ay maihahalintulad sa tunay na buhay particularly sa mga sitwasyon sa isang relasyon. May mga pagkakataon na mapupunta tayo sa isang relasyon na bagama't masaya tayo sa ating partner, time will come na kelangan natin itong putulin. Tulad kay John Hancock na may mabigat na tungkulin na kelangan gampanan and in exchange to that ay di pwedeng maging sila ni Mary, may mga kalalakihan din sa totoong buhay na may kaparehong istorya.

Ayaw ko na sanang isali si Pope Francis dito pero kase nung kabataan nya, nainvolve din sya sa isang lovelife pero dahil may calling sya mula sa itaas, kelangan nyang i-give up ang itago na lang natin sa pangalang "Aling Girlie" (actually, di ko talaga alam ang pangalan nung girl. Itatanong ko pa lang kay Cardinal Tagle).
Hindi ko rin sana gustong idawit dito si Rustom Padilla pero kung minahal man nya o hindi si Carmina, obviously, kelangan nyang makipaghiwalay para gampanan ang natatanging tungkulin sa pagtataguyod ng...(ayoko maka-offend).
Teka nga pala, wala na ko nababalitaan kay Grace Lee at Noynoy. Ginive-up na ba ni Pnoy si Grace Lee para makafocus sya sa solusyon sa mga problema ng bansa or baka naman si Pnoy ay....(shut up. wala tayong basehan).
Ilan na kaya ang ginive-up na babae ni Manny Pangilinan para ma-establish ang negosyo nya at magkaroon ng "all boys" team sa PBA? At puzzle ngayon sa akin kung may igi-give kaya si Sen. Lacson kung mapatunayan ni Mirriam ang seryosong akusasyon nito sa kanya.

To apply the lessons of Hancock in a serious manner, lets take examples from common people. May alam akong isang relasyon na kelangan nyang i-give up ang partner nya after a while para mapanatag ang loob ng isa't isa. Ang relasyong ito ay halos kahawig ng Hancock in various ways:

1. Mas masaya at harmless kung magkalayo sila.
- Sa medyo matagal ding panahon ay naging masaya sila kahit thru FB chat lang at text ang ugnayan nila. Parang sa Hancock nung ending at tawagan na lang sa phone ang naging ugnayan nina John at Mary.

2. Masaya sa simula.
- Nung nagsstart pa lang ang relasyon nila, masaya sila. Not until maencounter nila ang problema sa pagsasama nila. Nasesettle naman nila at magsisimula silang muli pero ayun at magkakaproblema na naman. Habang tumatagal at nawawala na ang peace of mind, disturbance ang naging tema ng relasyon nila. Parang sa Hancock, sa una at buo pa ang superpowers at immortality nila, masaya pa sila. Pero pagtagal at unti-unti na lang silang humihina at nagiging isyu na ang kaligtasan, puro pag-aalala na ang namayani sa pagsasama nila.

3. Puro problema pag magkasama sila.
-  Nung nagdecide silang magkasama (offline), dahil sa differences ng gusto nila sa buhay, maraming times na nagkakaproblema sila. Si lalaki ay inclined sa "social studies", si babae ay focus sa "social life". Parang sa Hancock kung saan nagustuhan na ni Mary ang normal na social life habang si John ay kelangan pa rin maging superhero at para walang problema, dun na lang dapat sila sa mga gusto nila sa buhay at hindi yun mangyayari kung magkasama sila.

4. Mahina sila pag magkasama.
- Though hindi masyadong similar sa Hancock pero ang relasyon na ine-example ko dito ay naging mahina pag magkasama sila dahil tuwing ayaw nila mag-away, sinasakyan na lang nila ang gustong mangyari ng bawat isa kahit hindi naman talaga sila kumportableng gawin yun. Ang resulta, sumasama ang loob ng isa at itatago nya na lang yun sa partner nya pero pag napuno na, biglang sasambulat na dahilan para mas lumaki ang awayan nila.  Sa Hancock, literal na humihina sila pag magkasama dahil yun ang nakatadhana sa kanila.

5. Cycle ang paghihiwalay at pagbabalikan.
- Tinry nilang i-settle ang mga problema pero pag di na kaya, maghihiwalay. Then magkakabalikan muli dahil mahal nila ang isa't isa. Pero finally, for the sake of peace and order sa mga pribado nilang buhay, tuluyan na nilang ginive-up ang isa't isa. Parang sa Hancock na dahil sa kumplikasyon ng pagiging superhero ni John sa buhay nila ni Mary, kelangan niyang lumayo. Pero dahil sa mahal na mahal nya si Mary, hinahanap nya pa rin ito after a while para makasama muli. Pero nung bandang huli, kelangan na nilang tuluyang maghiwalay para hindi sila tuluyang mag-extinct.

6. Ang replacement.
- Sa paghahanap ng kasiyahan at pag-asang lumigaya sa love, isa sa kanila ay masigasig na naghahanap o nakahanap na ng kapalit samantalang ang isa ay piniling manatiling single at iprioritize muna ang napili nyang misyon sa personal na buhay. Isa pa'y bakit sya maghahanap ng iba kung ang babaeng hindi na nya pwedeng makasama ang sya lang at ang natatanging gusto at minamahal nya. Parang sa Hancock kung saan after nilang maghiwalay, nagsettle down na si Mary kasama ng isang guy habang naiwang single si John na wala namang ibang mahal kundi si Mary lang at dahil hindi pwedeng maging sila habang ginagampanan nya ang tungkulin sa bayan, better be single than be worthless.

Meron lang akong tatlong komento tungkol sa pagkakaiba ng inihalimbawa kong relasyon dito at ng Hancock:

1. Nagka-amnesia si John for 80 years na dahilan para malimutan nya ng literal si Mary samantalang si lalaki sa kwentong inihahalimbawa ko, gustuhin man mang makalimot ay walang mahanap na epektibong paraan. Kaya naman kung magkakaamnesia sya, siguradong ipagpapasalamat nya yun.

2. Almost 80 years bago nagdecide si Mary na i-consider ang paghahanap ng kapalit ni John pero ang babae sa kwentong inihahambing ko ay wala pang 24 hours nang i-consider ang paghahanap ng kapalit ni lalaki.

3. Ayaw ni John ang amnesia na nangyari sa kanya kaya't pinilit nyang paaminin si Mary sa katotohanan ng kanilang nakaraan. Pero kung si lalaki sa kwentong inihahalintulad ko ang tatanungin, gusto nyang magka-amnesia forever at kung hindi forever at manumbalik man ang ala-ala nya, hindi na nya gugustuhing balikan pa ang nakaraan.

Share