Marami rami na rin akong naisulat for the past days na hanggang ngayon ay di ko pa rin mai-post at ang iba ay hindi ko na rin balak i-post dahil sa harsh na contents. Yung mga post na yun ay patama sa taong nagdulot ng matinding sakit sa damdamin ko pero i dont think na makatutulong sakin kung patuloy ko syang uusigin instead na hayaan na lamang.
Nasa gym ako together with my gym buddies habang nag-uusap kami about prices of current gadgets. Out of the blue, bigla ko naitanong, "magkano kaya ang peace of mind?". Nagulat lahat at walang nakapagsalita ng ilang segundo. Iniisip siguro nila na malala na ko at kahit simpleng usapan ay ineexpress ko how much i desire for relief sa pinagdadaanan ko.
Hindi ko gusto na maging ganito ang kahinatnan ng lahat ng bagay sakin ngayon. Pero minsan sa buhay natin, magmamahal tayo and sooner or later, masasaktan. Cycle ito na mahirap iwasan lalo na sa era nating tinatawag na young adults kaya't kahit akoy di ito maiiwasan dahil ito ay katotohanan na mahirap iwasan o takasan. Dahil kapag iniwasan mo ang magmahal, iniwasan mo na rin ang opportunity na matuto ng mas malalim sa buhay. Kapag tinakasan mo naman ito, i-ginive up mo ang pagkakataon na makita pa ang ibang kulay ng buhay. Totoo na maraming danger sa pagmamahal. Sabi ko nga ay laging nandyan ang posibilibidad na masasaktan ka, mabibigo and at worst mawawalan ng pag-asa. Kaya nga bilib ako sa mga taong matapang na sumusubok at patuloy na parang nakikipagsugal sa pag-ibig. Sila ang mga risk taker na layunin lang na hanapin ang tunay na pagmamahal, ilang ulit man silang masaktan. In fact nakikita ko ang sarili ko na kabilang sa kanila. Pero kabilang nga ba ako sa kanila kung ang sinapit kong kabiguan ay dahil din sa sarili kong pagkakamali?
Sa tagal na rin ng panahon, mangilan-ngilang beses na rin ako sumubok magmahal at mahalin. At napansin ko na ilan sa mga naging kalaban ko ay ang uncertainty at indecisiveness. Late ko lang nafigure-out na ang dalawang nabanggit ko ay resulta ng immaturity. Kung mature ang isang tao, bibigyan nya ng pansin ang detalye ng isang bagay at pag-iisipan para mabigyan ito ng tamang kahulugan. Minsan hindi nya makikita agad ang totoong ibig sabihin ng isang bagay until the right time comes. Ang tinutukoy ko ay yung mga instances na magsisimula kayo as friends kahit alam nyo na you're not just working on a mere friendship but also looking up on something else. Habang lumilipas yung panahon sa ganung set-up nyo, lalabas na ang mga indications na more than friendship na ang relasyon nyo. Nung naexperience ko to, hinayaan ko lang at ipinagpatuloy ko ang closeness namin ng inakala kong magiging "friend" ko lang. Until such time na puso ko na ang nagdikta na i have to do something dahil mas malalim na sa friendship ang estado ng nararamdaman ko sa kanya. Ngunit hindi nakinig ang isip ko sa puso ko dahil sa madaming kadahilanan. Isa sa mga dahilan ay ang pagka-disgusto ko sa complicated na estado na meron ang taong nung time na yun ay unti-unti ko nang minamahal. It took time bago ako nag-try maging certain sa nais ko talaga mangyari saming dalawa. Pero mali ang way na ginawa ko dahil hindi ako naging open sa kanya. Sinolo ko ang mga bagay na nais ko iparating sa kanya. Mas lalo ko pa itong ginawang broad na dahilan para masabi nya na "shakey" pa ko para sa gusto kong mangyari saming dalawa. Selfishness on my part really emerges sa pagtatago ng mga bagay na dapat ay i-shinare ko sa kanya. Sobrang playing safe din ako dahil tiniis kong wag ipakita ang totoong nais ko dahil katwiran ko'y "kuntento na ko at masaya na ko sa ganung set-up na walang label at kung magkandaleche-leche ay walang masyadong hard feelings dahil hindi naman talaga kami". Mali ako dun dahil later on, nag desire na ko na tiyakin ang realtionship namin at hingin ang permiso nya para sa gusto ko mangyari. Ngunit napakarami kong namiss na bagay na dapat ay ipinakita ko sa kanya nung mga nagdaang panahon to prove her na may "K" na ko para sabihin ang salitang "I love you". Ang laki ng delay na nangyari dahil sa uncertainty kong yun.
Alam kong nahulog na rin sya saken pero girls are girls daw at naghihintay lamang sila. Nung time na narealize ko yan tungkol sa mga babae, huli na ang lahat, napansin na nya ang ika nga'y pagiging "shakey" ko. Nagkaroon sya ng mindset na uncertain talaga ako and at the same time undecided. Napansin ko din naman na ganun na nga ang sitwasyon at sinubukan kong i-repair. At last pinahayag ko sa kanya na mahal ko na sya pero deep inside me, undecided pa rin ako kung magcocommit ba ko o hindi. Ang pagkakamali ko pa, dinaan ko sa sapilitan na mauna syang magcommit bago ako which is a great disrespect sa pagiging babae nya. There comes a time na sinabi pa nya na "parang sya ang lalaki sa aming dalawa". Nakakainsulto yun sa parte ko kaya sinubukan kong bumawi, pero again, medyo huli na din. Kumbaga, parang pinilit kong i-make up ang mga bagay sa konting panahon at hindi masyadong nag-effort para mangyari ang gusto ko. Ganunpaman, dahil na rin siguro sa confusion, finally sumang ayon na din sya na maging kami na nga dahil san pa ba pupunta ang lahat ng yun kundi doon din. Sa kabila ng napakaraming kulang bago kami lumagay sa tiyak na relasyon, naging kami rin at last at dun nagsimula ang problema.
Indecisiveness ang bagay na namayani sakin. Hindi pa pala ako decided. Hindi pa pala ako ready. Nung time na confirmed na ang lahat saken, hindi pa rin ako nagbago. Same problems, same headaches and same punishments yung ipinaranas ko sa kanya. Guess i was unaware na i should be more careful that time, i should be more responsible that time and i should be more loving that time. Pero dahil shakey ako nung una pa lamang, tuluyan akong bumagsak. Tuluyang nawala ang lahat, tuluyan syang nawala. Wala akong ibang sinisisi kundi ang sarili ko. Naging pabaya ako at nagkulang ako sa pagpapahalaga. Halos puro salita lang ako at halos konti lang ang naipakita ko. Hindi lang pagsisisi kundi matinding hiya ang umatake sakin ng tuluyan na syang gumive-up. Pagkahiya sa sarili ko dahil sa lahat ng pride at ego na sabi ko'y hindi magigiba pero lahat bumaba nang marealize ko lahat ng shortcomings ko. Sobrang nahiya din ako sa kanya dahil naging puro salita lang ako at nagkulang ako sa gawa. Pero huli na ang lahat at di na maibabalik ang lahat sa amin.
Araw-araw, guilt at pagsisisi ang namamayani sa loob ko. Wala akong peace of mind. May times na namamalayan kong nangingilid ang luha sa pisngi ko. Mahal na mahal ko pala siya pero sinayang ko lang. Ngayon helpless na at kahit anung attempt ko na muli ay makausap man lang siya ay hindi ko na magawa dahil firm and decided na rin sya na wag na ko kausapin. Napagod na sya na makinig sakin at sa mga excuses ko. Matindi rin ang naging epekto sa kanya at wala siyang ibang ipinapaabot sakin kundi hatred at big dissapoinment na dahilan para totally i-reject nya ko. Hindi ako makamove on or makamove on man ako, nararamdaman ko na matatagalan pa. Nasa anino pa rin ako ng matinding panghihinayang. Panghihinayang na sinasabi ko noon na hinding hindi ko mararamdaman kung magkawalaan man kami pero ngayo'y siyang nagpapahirap sakin. Panghihinayang na siyang dahilan para araw-araw mula pagkagising ko hanggang pagtulog ay paulit-ulit na nagsasabi sakin "sana kaya ko pang ibalik ang panahon".
Dadaan ang mga araw, linggo at buwan o maaring taon, pero alam ko na sya at sya pa rin ang mahal ko. Kung mabibigyan nga lang ako ng second chance, talagang ipapakita ko sa kanya ang tindi ng pagnanais ko na wag na syang mawala. Irerespeto ko sya, mas magiging mature ako, iintindihin ko sya bilang babae at wala akong gagawin sa bawat araw kundi iparamdam sa kanya kung gaano ko sya kamahal. :(