Thursday, January 31, 2013

9 Palatandaan na Magtatagal ang Isang Relasyon



Dahil sa napapansin kong dami ng hiwalayan na nangyayari simula pa lang ng taon, nagresearch ako ng konti para makakuha ng kahit konting kasagutan man lang kung anung elemento ba ang nakakaapekto sa mga hiwalayang ito. At habang binubungkal ko ang kalaliman ng google ay umagaw ng atensyon ko ang impormasyong ito mula sa link na to. At dahil english ito, hayaan nyong i-translate ko to sa bisaya para maintindihan ng mas nakararami. Pero syempre, dahil di ako marunong mag-bisaya, hayaan nyong tagalugin ko na lang. haha.. Para may konting twist, mas pinakwela ko ang paliwanag sa tips na ito at maaaring sumang-ayon o hindi sumang-ayon ang ibang makakabasa sa idinagdag ko ring ilang opinyon.

Sa totoo lang, di ako credible magsalita at magbigay ng tips tungkol sa kung paano tatagal ang isang relasyon. Sa natatandaan ko kase, dalawang taon lang ang pinakamatagal na naging relasyon ko mula sa apat na relationship na nagkaroon ako. At compare sa mga relationships na nagkaroon at meron ang mga kakilala ko, ang dalawang taon ay parang dalawang araw lang sa kanila. Pero katulad nyo'y naghahanap din ako ng mga paraan para tumagal ang "susunod" na relasyon na magkakaroon ako (owwww) at sa post kong ito, free ang lahat na magbigay ng sarili nilang opinyon. Anyway, heto ang 9 signs na ang relasyon ay magtatagal at mananatili sa marami pang mga taon o maaaring hanggang sa huli. (now playing: Kahit Maputi na ang Buhok)

1. May time sa isa't-isa

Sa panahong ito, busy ang karamihan. Maaaring sa trabaho, business, studies etc. Dahil sa hectic na schedule, nawawalan na ng time sa romance at sa mga love related matters. Maaaring minsan na lang lumabas for breakfast or movie date. Pero kung sa kabila ng pagiging busy ay nakakahanap pa rin ng oras ang love partner mo, no doubt na mahal ka nga nya talaga. Kelangan mo nga lang talaga i-extend ang understanding mo kung sa inyong dalawa ay ikaw ang mas nakakaluwag ang oras at nagugugol mo ang free time mo na di sya kasama. Wala naman kaseng mapagkukumparahan ng saya pag kasama mo na sya at ka-share sa mga masasayang moments...kahit hindi ganun kadalas.

2. Tamang age gap

"Age doesn't matter." Tama ang kasabihang yan pero hindi daw yan ang ideal na kasabihan kung pangmatagalang relasyon ang gusto mo. Totoong mas delayed daw mag-mature ang lalaki kesa sa babae kaya't karamihan sa magkakasing-edad ay nagkakahiwalay agad. Mas worst naman ang istorya kung mas matanda ang babae kesa lalaki. Kaya dapat daw ay mas matanda ang lalaki sa babae pero hindi ito dapat hihigit ng 7 years. Ofcourse hindi absolute ang ideyang ito at pwedeng teorya lang. May mga relasyon na nagtatagal kahit weird ang age gap na meron ang mag-partners. Meron ding mas matanda nga ng 7 years ang lalaki kay babae pero pang 7 years old lang din ang pag-iisip ni lalaki. Depende pa rin. Kaya't kung ma-fall ka sa older guy at napansin mo na ang maturity nya, give it a try and you might not regret.

3. Magandang background ng past relationship

HIndi naman siguro "kautikan" (what a word) kung alamin mo ng medyo mas malalim pa ang past relationship ng partner mo. Kung galing sya sa matatagal na relasyon, good sign yun. Alamin din kung ano ang naging dahilan ng break-ups nya para mas maintindihan mo at maiwasan mangyari sa relasyon nyo. Isa pang dapat mong tingnan ay ang dami ng relasyon na nagkaron na sya. Maaari kaseng tumagal nga ang ibang relasyon pero 3 out of 20 pala yun at ang indikasyon na nanggaling na sya sa maraming relasyon ay hindi rin magandang senyales. Alamin din kung anung klaseng lifestyle meron sya para mapagtugma mo kung ang taong ito ba ay nasa experimentation period pa rin ba o nasa punto na ng pagseseryoso. Di mo naman magugustuahng maging guinea pig sa relasyon nyo di ba?

4. Sex compatibility

Hindi ito masyadong applicable sa mga conservatives pero mag-wowork ito sa mga open minded at may pagkaliberated. May mga instances na in the midst of series of datings pa lang ay may sexual intercourse na beween partners and nangyayari naman yun dahil pareho nilang gusto. Di ko inaadvice na mag-go-down na sa sex agad as early as dating period pero kung into sex ka, oportunidad mo yun para malaman kung compatible ba ang sex drive nyo. Kung sya ay tipong sex lang for pleasure, delete mo na sya. Kung wala syang passion at very normal lang sa bed, mag-isip ka ulet. Kung newbie sya pero willing mag-explore, thumbs up. Kung pareho kayong newbie at di sya cooperative sa fantasies mo, di rin magandang sign. Kung plain sex lang ang gusto nyo at wala nang masyado pang adventure at ok lang dahil pareho nyo namang gusto, ok lang din. Wag kayong maging ipokrito kung pareho kayong into sex dahil sabi nga ni Sigmund Freud, necessity ito at napakaimportante nito sa intimate relationship. Pero tulad pa rin ng sinabi ko, sa kulturang konserbatibo, hindi kelangang sex agad, pwede nyong skip-an ang part na to at magfocus sa ibang signs na mababanggit ko dito.

5. Good friends

Sa kultura natin, kelangan may ligawan. Pero sa modern times at siguro dahil mas liberal na ang mga tao ngayon, "dating" na ang sistema at ang kadalasan nga nagiging friendship muna ang set-up hanggang sa magkalapit ang mga loob at magkadevelopan. I suggest lalo na sa mga kababaihan na may manliligaw, wag masyadong i-emphasize sa kanya na sya ay manliligaw lang at kelangang gawin ang lahat para makuha ang kanyang matamis na "oo". Kadalasan kase, iba ang treatment ng isang nililigawan sa kanyang manliligaw. Hindi naman sa anti-ligawan system ako pero kung babae ka at tingin mo may potential si guy, tell him you could start from friendship. Kung ikaw naman ay lalaki, try not to start from typical na panliligaw na magsisilbi at magpapa-alila. May mga girls na ayaw nila na halos ginagawa na silang panginoon ng manliligaw nila. Gusto nila ay yung someone na makakashare din nila sa ibang mga bagay na apart sa direkatang motibo ng pakikipagrelasyon. Yung someone na willing makinig sa kanila, samahan sila kahit sa kaweirduhan nila at may genuine na willingness para makilala kahit ang not so good na side nya. Sa ganitong way, after a while at dumating na ang takdang sandali at pareho nyo nang gustong i-confirm ang relasyon nyo, siguradong mas naiintindihan nyo na ang isa't isa at malaki ang tsansa na maresolve nyo ang major problems sa relasyon nyo in the future na dahilan para magtagal kayo. Basta lagi lang tatandaan na dapat hindi iwawala ang komunikasyon. Sa oras na dumating ang pinakamatinding away nyo at nabigo kayong pag-usapan ito, asahang maghihiwalay kayo. Kaya't mahalaga na mag-usap at magkalinawan sa anumang conflict tulad nung good friends pa kayo dahil yun ang susi para magkaintindiahan at maiwasan ang hiwalayan.

6. May pangarap

Kung ang karelasyon mo ay wala man lang nababanggit tungkol sa long term dreams nya at ang mahalaga lang sa kanya ay kung ano yung meron ngayon, ahmmm... hindi rin magandang palatandaan yan. Much worst kung ang partner mo ay hindi nagpapakita ng sign na kasama ka sa future plans nya. Isa sa magandang halimbawa ay kung ang partner mo ay isang estudyante na nagsisikap sa pag aaral at sinabi sayo na hindi ka dapat mawawala sa graduation nya dahil ikaw ang naging inspirasyon nya at ginagawa nya ang lahat ng yun para rin sa inyong dalawa. Pero syempre. dapat mo pa ring obserbahan ang sincerity nya sa pagbitaw ng mga katagang yan. Kung wala ka naman makalkal at talagang nabubuhay lang sa kasalukuyan ang partner mo, e wag mong pilitin. Kelangang natural na manggaling sa kanya ang mga plano nya at hindi dahil lang napilitan syang sabihin yun.

7. Pareho ng gusto

May kasabihan na opposites attract. Tama pero may kulang dahil kung interesado kayong maging mag-on, hindi dapat na habang panahon ay attracted lang kayo sa isa't isa. Dapat ay magkasundo rin kayo and at least pareho ng gusto kung di man sa lahat ng bagay, at least sa maraming bagay. Sure na magtatagal ang realsyon sa ganitong picture. Pero ang reyalidad ay nagsasabi na somehow, may differences pa rin kayo. Much worst kung talagang attrracted kayo sa isa't isa pero ang tindi ng diffrences nyo. Pag ganito ang sitwasyon, mahalaga na magkaroon kayo ng compromises at kung kelangang may baguhin ang isa sa kanyang sarili para magtugma lang ang kagustuahn nila, then dapat ay isakatuparan ito alang-alang sa partner nya. Syempre hindi kelangang lumabis ang gagawing pagbabago dahil at the end of the day, mahalaga pa rin ang original identity mo at hindi dapat isakripisyo ang totoong ikaw sa kadahilanang may mga bagay sa pagkatao mo na ang kailangan lang ay tanggapin ng partner mo kung totoong mahal ka talaga nya.

8. May basbas o suporta ng mga kaibigan o pamilya

Kung pareho kayong tanggap ng mga kaibigan at pamilya nyo, magandang senyales yan. Kung magkaroon kayo ng problema sa relasyon nyo at kelangan ng intervention ng malapit sa inyo, may tutulong o rerescue lalo na kung matindi ang away nyo. Tandaan lang na hindi dapat maging sobrang trying hard na makisama sa mga kaibigan o kapamilya nya dahil may tendency na maging pretender o plastik ka lang. Mahalaga pa rin na ipakita ang totoong pagkatao at para makilala ka bilang ikaw.

9. Nagmamahalan

Literal pero dapat lang. Maaaring tumagal kayo bilang kayo pero hindi nyo magugustuhan na matawag na "naglolokohan lang". In reality, meron ding mga magkarealsyon na naggagamitan lang. Siguraduhin na mahal nyo ang isa' isa at ipakita at iparamdam ito araw-araw.

Sa relasyon, natural lang na may awayan. Pero kung mababaw lang naman ito at maaayos pa naman, humanap ng paraan para magkasundo. Huwag pairalin ang sobrang pride at sa lalong madaling panahon kung talagang malalim na ang unawaan ninyo, subukang ayusin agad ang gusot. Magkaroon at patibayin ang commitment dahil dito magsisimula ang lahat. Kung may strong commitment kayo sa isa't isa, siguradong hindi kayo basta basta bibigay sa mga pagsubok na darating sa relasyon nyo.

Wednesday, January 23, 2013

Doomsday

Marami rami na rin akong naisulat for the past days na hanggang ngayon ay di ko pa rin mai-post at ang iba ay hindi ko na rin balak i-post dahil sa harsh na contents. Yung mga post na yun ay patama sa taong nagdulot ng matinding sakit sa damdamin ko pero i dont think na makatutulong sakin kung patuloy ko syang uusigin instead na hayaan na lamang.

Nasa gym ako together with my gym buddies habang nag-uusap kami about prices of current gadgets. Out of the blue, bigla ko naitanong, "magkano kaya ang peace of mind?". Nagulat lahat at walang nakapagsalita ng ilang segundo. Iniisip siguro nila na malala na ko at kahit simpleng usapan ay ineexpress ko how much i desire for relief sa pinagdadaanan ko.

Hindi ko gusto na maging ganito ang kahinatnan ng lahat ng bagay sakin ngayon. Pero minsan sa buhay natin, magmamahal tayo and sooner or later, masasaktan. Cycle ito na mahirap iwasan lalo na sa era nating tinatawag na young adults kaya't kahit akoy di ito maiiwasan dahil ito ay katotohanan na mahirap iwasan o takasan. Dahil kapag iniwasan mo ang magmahal, iniwasan mo na rin ang opportunity na matuto ng mas malalim sa buhay. Kapag tinakasan mo naman ito, i-ginive up mo ang pagkakataon na makita pa ang ibang kulay ng buhay. Totoo na maraming danger sa pagmamahal. Sabi ko nga ay laging nandyan ang posibilibidad na masasaktan ka, mabibigo and at worst mawawalan ng pag-asa. Kaya nga bilib ako sa mga taong matapang na sumusubok at patuloy na parang nakikipagsugal sa pag-ibig. Sila ang mga risk taker na layunin lang na hanapin ang tunay na pagmamahal, ilang ulit man silang masaktan. In fact nakikita ko ang sarili ko na kabilang sa kanila. Pero kabilang nga ba ako sa kanila kung ang sinapit kong kabiguan ay dahil din sa sarili kong pagkakamali?

Sa tagal na rin ng panahon, mangilan-ngilang beses na rin ako sumubok magmahal at mahalin. At napansin ko na ilan sa mga naging kalaban ko ay ang uncertainty at indecisiveness. Late ko lang nafigure-out na ang dalawang nabanggit ko ay resulta ng immaturity. Kung mature ang isang tao, bibigyan nya ng pansin ang detalye ng isang bagay at pag-iisipan para mabigyan ito ng tamang kahulugan. Minsan hindi nya makikita agad ang totoong ibig sabihin ng isang bagay until the right time comes. Ang tinutukoy ko ay yung mga instances na magsisimula kayo as friends kahit alam nyo na you're not just working on a mere friendship but also looking up on something else. Habang lumilipas yung panahon sa ganung set-up nyo, lalabas na ang mga indications na more than friendship na ang relasyon nyo. Nung naexperience ko to, hinayaan ko lang at ipinagpatuloy ko ang closeness namin ng inakala kong magiging "friend" ko lang. Until such time na puso ko na ang nagdikta na i have to do something dahil mas malalim na sa friendship ang estado ng nararamdaman ko sa kanya. Ngunit hindi nakinig ang isip ko sa puso ko dahil sa madaming kadahilanan. Isa sa mga dahilan ay ang pagka-disgusto ko sa complicated na estado na meron ang taong nung time na yun ay unti-unti ko nang minamahal. It took time bago ako nag-try maging certain sa nais ko talaga mangyari saming dalawa. Pero mali ang way na ginawa ko dahil hindi ako naging open sa kanya. Sinolo ko ang mga bagay na nais ko iparating sa kanya. Mas lalo ko pa itong ginawang broad na dahilan para masabi nya na "shakey" pa ko para sa gusto kong mangyari saming dalawa. Selfishness on my part really emerges sa pagtatago ng mga bagay na dapat ay i-shinare ko sa kanya. Sobrang playing safe din ako dahil tiniis kong wag ipakita ang totoong nais ko dahil katwiran ko'y "kuntento na ko at masaya na ko sa ganung set-up na walang label at kung magkandaleche-leche ay walang masyadong hard feelings dahil hindi naman talaga kami". Mali ako dun dahil later on, nag desire na ko na tiyakin ang realtionship namin at hingin ang permiso nya para sa gusto ko mangyari. Ngunit napakarami kong namiss na bagay na dapat ay ipinakita ko sa kanya nung mga nagdaang panahon to prove her na may "K" na ko para sabihin ang salitang "I love you". Ang laki ng delay na nangyari dahil sa uncertainty kong yun.

Alam kong nahulog na rin sya saken pero girls are girls daw at naghihintay lamang sila. Nung time na narealize ko yan tungkol sa mga babae, huli na ang lahat, napansin na nya ang ika nga'y pagiging "shakey" ko. Nagkaroon sya ng mindset na uncertain talaga ako and at the same time undecided. Napansin ko din naman na ganun na nga ang sitwasyon at sinubukan kong i-repair. At last pinahayag ko sa kanya na mahal ko na sya pero deep inside me, undecided pa rin ako kung magcocommit ba ko o hindi. Ang pagkakamali ko pa, dinaan ko sa sapilitan na mauna syang magcommit bago ako which is a great disrespect sa pagiging babae nya. There comes a time na sinabi pa nya na "parang sya ang lalaki sa aming dalawa". Nakakainsulto yun sa parte ko kaya sinubukan kong bumawi, pero again, medyo huli na din. Kumbaga, parang pinilit kong i-make up ang mga bagay sa konting panahon at hindi masyadong nag-effort para mangyari ang gusto ko. Ganunpaman, dahil na rin siguro sa confusion, finally sumang ayon na din sya na maging kami na nga dahil san pa ba pupunta ang lahat ng yun kundi doon din. Sa kabila ng napakaraming kulang bago kami lumagay sa tiyak na relasyon, naging kami rin at last at dun nagsimula ang problema.

Indecisiveness ang bagay na namayani sakin. Hindi pa pala ako decided.  Hindi pa pala ako ready. Nung time na confirmed na ang lahat saken, hindi pa rin ako nagbago. Same problems, same headaches and same punishments yung ipinaranas ko sa kanya. Guess i was unaware na i should be more careful that time, i should be more responsible that time and i should be more loving that time. Pero dahil shakey ako nung una pa lamang, tuluyan akong bumagsak. Tuluyang nawala ang lahat, tuluyan syang nawala. Wala akong ibang sinisisi kundi ang sarili ko. Naging pabaya ako at nagkulang ako sa pagpapahalaga. Halos puro salita lang ako at halos konti lang ang naipakita ko. Hindi lang pagsisisi kundi matinding hiya ang umatake sakin ng tuluyan na syang gumive-up. Pagkahiya sa sarili ko dahil sa lahat ng pride at ego na sabi ko'y hindi magigiba pero lahat bumaba nang marealize ko lahat ng shortcomings ko. Sobrang nahiya din ako sa kanya dahil naging puro salita lang ako at nagkulang ako sa gawa. Pero huli na ang lahat at di na maibabalik ang lahat sa amin.

Araw-araw, guilt at pagsisisi ang namamayani sa loob ko. Wala akong peace of mind. May times na namamalayan kong nangingilid ang luha sa pisngi ko. Mahal na mahal ko pala siya pero sinayang ko lang. Ngayon helpless na at kahit anung attempt ko na muli ay makausap man lang siya ay hindi ko na magawa dahil firm and decided na rin sya na wag na ko kausapin. Napagod na sya na makinig sakin at sa mga excuses ko. Matindi rin ang naging epekto sa kanya at wala siyang ibang ipinapaabot sakin kundi hatred at big dissapoinment na dahilan para totally i-reject nya ko. Hindi ako makamove on or makamove on man ako, nararamdaman ko na matatagalan pa. Nasa anino pa rin ako ng matinding panghihinayang. Panghihinayang na sinasabi ko noon na hinding hindi ko mararamdaman kung magkawalaan man kami pero ngayo'y siyang nagpapahirap sakin. Panghihinayang na siyang dahilan para araw-araw mula pagkagising ko hanggang pagtulog ay paulit-ulit na nagsasabi sakin "sana kaya ko pang ibalik ang panahon".

Dadaan ang mga araw, linggo at buwan o maaring taon, pero alam ko na sya at sya pa rin ang mahal ko. Kung mabibigyan nga lang ako ng second chance, talagang ipapakita ko sa kanya ang tindi ng pagnanais ko na wag na syang mawala. Irerespeto ko sya, mas magiging mature ako, iintindihin ko sya bilang babae at wala akong gagawin sa bawat araw kundi iparamdam sa kanya kung gaano ko sya kamahal. :(


Share