Ang mga regalo kasama ng isa pang regalo na syang pinakamagandang ipinagkaloob nya sa akin ngayong 2012. :) |
Sabi ni Master Oogway: "Yesterday is history, tomorrow is a mystery, but today is a gift. That is why it is called the "present." (Sa di nakakakilala kay Master Oogway, sya yung matandang pawikan na kung fu master sa Kung Fu Panda.) Ang linyang yan na sobrang tumatak sa isip ko ay lalong naging meaningful ngayong Christmas 2012 dahil sa taong ito pumutok ang sikat na hula na magugunaw na ang mundo ngayong December na nagdulot ng matinding pag-aalala sa marami.
Sumapit ang 12/21/12 ngunit andito pa rin tayo't buhay. Hindi natuloy ang Doomsday 2012 kaya't tulad ng mga nakaraang hula sa pagtatapos ng mundo, ito ay part na lang din ng history. Hindi natin alam kung ano talaga ang totoo sa pagtatapos ng mundo pero tuwing may mga hula na ganito at hindi nagkakatotoo, ituring natin itong second chance:
-Second chance na bigay ng maykapal para tayong mga residente ng mundo ay magbago at makapag-isip ng magandang idea kung paano gagawing mas makabuluhan ang buhay natin.
-Second chance para patuloy na mai-share natin ang tamis ng buhay kasama ng ating mga minamahal.
-Second chance para mai-remind nya satin na "theres always a second chance" at kung sya'y kaya itong ibigay, tayo pa kaya ang hindi nito makapagbigay sa kapwa natin na nakagawa satin ng mga kamalian.
Ang chance na ito ay isang uri ng regalo na pinagkaloob nya na ang importansya ay nagrereflect sa ating pagiging tao at sa buhay. Sigurado akong sa ganitong klase ng thinking natin dapat simulan ang pag-appreciate ng kasalukuyan. At dahil ang tsansang ito na magpatuloy ang mundo ay isang regalo, wag na tayong mag-alala sa kung anumang pangit na misteryo meron ang hinaharap dahil hindi sya mapapagod sa pagbibigay ng regalo sa atin na bagama't lalong umaabuso habang tumatagal ay sya pa ring nag-iisa at tinatangi nyang mahal na mga nilikha.
Maligayang pasko sa lahat!