Sunday, March 25, 2012

Reyner in Wonderland (Gumaus 2012)

Intro: Taong 2004, emosyonal at wari'y hindi matangap ng mga puno ng niyog, saging at bayabas ang aking paglisan sa Gumaus, Paracale, Camarines Norte. Bawat puno na aming madaanan ay waring kumakaway upang magpaalam. Pati mga "damo" sa kinalakhan kong lugar ay nagtangis sa aking pag-alis. Sa gitna ng tanawing iyon ay aking ipinangako ang matamis na pagbabalik bagamat hindi tiyak kung kelan.
(Vroooommm... Syet ang usok ng sasakyan namin. Papacheck-up ako ng baga pagdating sa Manila)

Fast forward: Summer 2012! Isang biyayang maituturing nang maaprubahan ang vacation leave na matagal kong minithi. May listahan ng destinasyon na pwede kong puntahan i.e. Mars, Moon, Jupiter at Boracay pero isa lang ang gusto kong puntahan at yun ay ang aking lupang sinilangan (hindi ito panunumpa sa watawat ng Pilipinas). Inimpake ko na ang mga bagahe at binitbit na rin ang aking utol para sa sumasabog sa kasiyahan na bakasyon 2012!

Yes!!
March 14, Wednesday - Hindi na ko nakaligtas sa mutant na humahabol sa kin at ganap na nyang itinarak ang palakol ng kamatayan sa aking dibdib. Maya-maya pa ay pinagsasaluhan ng mga cannibal ang aking karne. Wala pa talaga akong tulog nun dahil sa excitement kaya pati ang Wrong Turn na palabas sa bus ay nakapasok sa aking unang panaginip nung ako'y maidlip pagkalipas ng 20 oras na gising. Masaya ang byahe lalo na nang mameet namin ang cool na mag-kaibigang ito:
Hindi po sila mga characters sa sesame street at mas kwela po sila kesa kay Willie Revillame at Joey de Leon.
Mach 15, Thursday- Madaling araw at tuluyan na akong iginupo ng pagod. Biglang may isang maliwanag na ilaw na animo'y galing sa spacecraft ng mga alien ang tumama sa aking mukha. Syet, piniktyuran ako ng utol ko habang nagliliwaliw sa mundo ng panaginip...with mouth wide open:
Pero ang aga ng karma ng utol ko at daig pa nya ang tumira ng isang case na redhorse nang dumaan ang bus sa zigzag road ng Sta. Elena...mabuti na lang at may CR sa loob ng bus at dun sya nagpakain ng itik.
Ilang sandali pa at narating namin ang Bicolandia. First stop sa bahay ng tita ko sa motherside. Sa unang pagkakataon sa loob ng 8 years ay noon lang ulet ako nakakita ng "carabao shit" (sosyal) o tae ng kalabaw. Gusto sana itong tikman ng kapatid ko para makumpirma kung tae nga ng kalabaw pero pinigilan ko sya at piniktyuran na lang namin ang inosenteng tumpok ng "forbidden cake".
yummy!








Sunod na stop ay sa pinagpipitagan at labis kong iniirog na Jose Panganiban National Highschool kung saan ako grumadweyt ng hayskul. Napaka-conservative ko nung ako'y nasa highschool at ang mga usapang sexual para sakin ay imoral (kung maniniwala ka na ganun nga ako nun e bahala ka. hahahahaha!!!)

Si Sir Joven, ang taong nagkaloob sakin ng karunungan na kahit ilang beses akong holdapin sa Manila ay hinding hindi sa akin mananakaw.
Ready na kami ng utol ko na magparty-party sa bundok kaya't nakaposisyon na kami sa jumbo bus ng Gumaus na literal na aahon sa bundok.
Kuha ang matarik, paahon at mabatong kalsada na to mula sa bubong ng sasakyan kung saan ako nakasakay. Top load kung tawagin at pwedeng pwede pumwesto sa bubong dahil wala namang MMDA na manghuhuli.

Narating na namin ang Baranggay Gumaus, ang lugar na nagturo sakin ng pagmimina, pagbubukid, pangingisda at pagdadamo este paggapas ng damo. Maganda pa rin ang lugar bagamat marami nang new faces dahil sa pagdagsa ng mga taga-ibang lugar para magmina ng ginto. Malalaki na rin ang mga dating bata lang nung umalis kami. Sa katunayan ay nakagawa na rin sila ng bata. Matanda na ang lola ko pero malakas pa. Naipagluto pa nga nya kami ng pinakamasarap na tinolang native na manok:
Pasintabi po sa PETA at sa mga vegetarian dyan pero napakasarap po talaga ng tinola na to na luto ng lola ko.
Pagkatapos namin kumain, dumiretso na kami sa "tailings dam" kung tawagin. Ito ay dating minahan ng ginto pero ilang dekada nang abandonado at nag-iwan ito ng magandang tanawin at paliguan.

Ang mga diwatang Bicolana na nagbabantay sa nakatagong paraiso ng Gumaus at ang mga bida ng Bourne Legacy at Terminator na wala pang tulog.
Tailings dam ilang dekada na ang nakalipas. Swimming pool ngayon.
Sinasabing may buwaya sa lawa na to pero wala pang matibay na patunay na meron nga talaga. Isa lang ang sigurado at may matibay na ebidensya...totoong may buwaya sa mga opisina ng gobyerno.
Ang buwis buhay na planking ni utol sa puno ng aguho.
Pagsapit ng dilim, sumigaw na ang umaluhokan upang ipaalam sa mga tao na oras na para uminom ng alak upang ipagdiwang ang aming pagdating. Naganap nga ang munting kapiyestahan at hindi umuwing luhaan ang lahat ng aming kababata at kamag-anak na nakipag-inuman samin...umuwi silang gumagapang at sumusuka ng konti. Hahahaha!!! Ang yabang ko pero mas matindi ang nangyari sakin nung nalasing ako. :-)

March 16, Friday- Binisita namin ang aming alma mater kung saan kami nagtapos ng elementary. Masaya ang naging experience lalo na't inulit namin ang dati'y araw-araw naming ginagawa noon, ang maglakad ng nasa 5 kilometers gamit lamang ang aming paa at pudpod na tsinelas.

Share