Monday, February 21, 2011

Heart to Heart

Nagmumuni muni ako sa mga oras na to. Hindi ako si Papa Jack pero sa mga oras na to, gusto ko dinggin ang mga hinanaing ng mga taong sawi, mga iniwan ng minamahal, mga taong kusang lumayo dahil nagpaubaya, mga taong nagmahal at naghangad lang naman maging masaya pero kalungkutan at luha lang pala ang mapapala after all...pause.... Haisst... Hindi rin naman ako emo.. tsaka me kalawang na yung blade. Baka matetano ako at matuluyan. Tsk.. di pwede to. Divert natin to sa ibang bagay. Idinaan ko sa sound tripping. Medyo marami na rin akong napakinggan hanggang natagpuan ko nga tong song na to. Nahook-up ako sa lyrics. Ang ganda e, masaya yung sinasabi. Pero napaisip ako. Ganito kasi yung sabi ng kanta:

If there's one thing in this world that I know is true
It's the love that I feel when I'm thinking of you
No ocean or mountain can keep us apart
Coz no one can take away someone who lives in your heart
All the hopes and the dreams are alive
I'll carry you with me through distance and time
Nothing in this world can keep us apart
Coz no one can take away someone who lives in your heart.



Ito ba'y totoo o kalokohan lang? Ang sabi'y isa lang daw ang nalalaman nyang katotohanan at yun daw ay ang pagmamahal na nararamdaman nya pag sya'y naiisip nya. (Ang tindi nu?) Eto pa, wala daw dagat at bundok na makakapaghiwalay sa kanila. (Hardcore di ba?) Pero ang sabi'y kaya daw ganun ay dahil nandun at naninirahan ka na raw sa kanyang puso at wala nang makakapaghiwalay pa sa inyong dalawa. Ang tanong e, panu kung ang nangyari ay "illegal settler" lang pala sya dyan sa puso mo at gustuhin mo mang manatili sya dyan ay wala ka ding magagawa kung paalisin sya ng mas otoridad na katumbas ng gobyerno na nagpapademolish ng mga libo-libong squaters sa Manila? Panu kung meron naman pala talagang tunay na naninirahan dyan at sa kung anumang dahilan ay umalis muna pansamantala ngunit dala pa rin ang titulo at ang mga katibayan na pagmamay-ari nga nya ang tahanang iyan sa puso mo? Anung gagawin mo? Ikaw ngayon ay ang magsisilbing ahensya na kung saan ay didinig sa kasong ito at ikaw ang magdedesisyon kung sino ang may karapatang manatili sa nag-iisang tahanang iyan sa puso mo. Sino ang pipiliin mo? Si A na binigyan mo ng authentic na titulo at lahat ng teknikal na karapatan para panghawakan at gawing pagmamay-ari ang tahanan sa puso mo o si B na kumatok, pinahalagahan ka ng husto, minahal ka (kahit walang kondisyon) at pinatira mo sa tahanang iyan nung time na wala si A. Si A na inabandona ang tahanang iyong pinagkatiwala sa kanya para sa dahilang siya lang ang tunay na nakakaunawa. Kung si A ang pipiliin mo, bagamat legal at sya ang may hawak ng mga dokumentong binubuo ng mga pangako at naunang sumpaan, magiging masaya ka pa ba sa kanya? Kung si B ang pipiliin mo, handa ka bang balewalain ang lahat legalidad na orihinal na napasakamay ni A, ibasura ang long time commitment na meron kayo ni A kapalit ng totoong pagmamahal na naramdaman mo kay B? Si B na hindi humingi sayo ng kahit anong assurance na mamahalin mo sya ng totoo at magsstay ka para kanya dahil maligaya na sya na bigyan ka ng walang kapantay, wagas at handang magsakripisyo na uri ng pagmamahal at sinubok ng panahon ngunit di sya natinag at di sya umalis sa tabi mo.


Magdedesisyon ka. Sundin ang batas na binuo at pinagtibay ng matagal ninyong pagsasama at batas na nasaksihan at sinang-ayunan ng mahahalagang tao sa inyong buhay o kaya'y sundin ang exception na itinakda ng natural na pagbabago ng panahon na sinuportahan ng infamous na pilosopiya ng totoong pagmamahal ngunit tinututulan ng nakakarami. Quantity o Quality? Panahong napakahaba na nanatili kayo para sa isat isa na sinang ayunan ng lahat pero halos aksidente lang na naayos nyo ang mga gusot na sumubok sa inyong pagsasama o panahong maikli na ang naging aksidente lang ay minamahal nyo ng lubos ang isat isa, pinoprotektahan ang isat isa sa kabila ng kahit mundo'y tutol sa inyong pagmamahalan.


Close your eyes for a while and listen to this song... Try to feel kung ano ang sinasabi ng kanta. Sure ako na makakarelate ka at kung involve ka man ngayon sa isang relationship na magulo at walang kaayusan o sa tingin mo'y darating ka pa lang sa ganung sitwasyon...please dont control your tears to fall down...


Confusions o pagkalito. Ito ang nagpapalungkot satin, ito ang minsay nagbibigay ng extrang trabaho sa ating mga tear gland. Ito ang nagpapaluha sa ating mga matang hindi naman ginawa para sa ganitong purpose. Nasan ang masayang kulay ng mundo kung ang rainbow na nakikita mo ay nanggagaling sa crystal ng maiinit na luhang pumupuno sa iyong mga mata?


Sundin ang iyong puso. Masyado ka ng nag iisip. Ang utak mo'y pagod na at humihingi na ng pahinga... Andyan ang puso mo at bagamat itoy walang sariling isip, may kakayanan itong magdesisyon. Kelangan mo lang maniwala. At kung meron ka pa ring duda at natatakot na baka magkamali at lalo kang masaktan pag puso ang mas ginamit mo...hayaan mong ishare ko sayo ang paniniwala ko sa buhay..." I'd rather have a life full of mistakes than a heart full of regrets."


Ciao. Till next time. :-)

Share