Ayun sa aking napag-aralan (parang tunay nu? Pero seryoso napag-aralan ko talaga to) ang isang ginang o ginoo na nawalan, nawawalan o hindi tiyak kung iniwanan na talaga sya ng kanyang asawa ay maaaring magpakasal na muli ng walang sabit na legal KUNG:
a. Inisyuhan na ng korte ng decree of annulment or nullity
b. Judicial decree of absolute divorce at syempre kung may maipapakita kang katibayan na tigok na nga sya tulad ng;
c. Death Certificate
Ngayon ang nangyari, si Simang me asawa. Apat na taon na ang nakakaraan nang huli nyang maexperience ang pag-ibig ng asawa nya sa kanya at simula nung isang gabing bumabagyo at nasa laot pa ang asawa nya (mangingisda kasi) ay hindi na nya nasilayan pa ni anino ng kanyang irog pagsapit ng umaga hanggang kasalukuyan. Sa loob ng apat na taon na palagi nyang hinihintay na dumating ang kanyang mister sa tabi ng dagat tuwing umaga, nabored sya.
FB stat ni Simang:
"Pilo, asan ka na? Darating ka pa ba? Antagal ko nang naghihintay. Parang di ko na kayang mag hold-on."
~Caesar Tirador like this
Sa madaling salita, naghanap ng bagong kalinga si Simang at isang araw nga sa tabi ng bangkang putol sa tabi ng dagat ay nagkakilala si Simang at si Caesar (it reminds me of "First Time", yung sa GMA. hehe..) Nagkatitigan muna sila ng mga 5 minutes at pagkatapos ay nagsalita na si Caesar
"Ako nga pala si Caesar. Friend mo ko sa FB. Do you re..."
"Ssshhh.. Yeah i know you Caesar, Ikaw yung nakacoat tapos may green na shirt na pang ilalim sa profile pic. Wag ka na magsalita dahil ampogi mo, crush kita."
"Ha hindi ako yun. Si Reyner yun, common friend natin. Ako yung naka yellow ng brief sa profile pic at walang ibang suot. Bagong lotion pa ko nung kinunan ko yung pic na yun."
"OMG, ang hot mo dun..blah,blah,blah,"
"Ikaw din, ang yummy mo sa personal. blah, blah, blah."
Wala pang 10 minutes mahal na nila ang isat-isa at isang linggo ang makalipas ay napagpasyahan na nilang magpakasal. Pero pinigilan sila ni Juan Miguel.
"Hindi. Hindi kayo pwedeng magpakasal Simang. (via FB Group chat from Friends Might be Lovers Group)
"Bakit hindi Juan Miguel? 4 years nang patay ang bestfriend mo. At ngayo'y may pangailangan akong hindi kayang ibigay ng isang ala-ala."
"Simang naiintindihan ko ang pangangailangan mo at kahit naman ako'y kaya kong ibigay yun sayo. Ay mali. Joke lang. Ang ibig kong sabihin ay kelangang daanin yan sa legal at dapat na kumpirmahin mo muna na patay na talaga si Pilo. Dapat ay magsubmit ka sa korte ng kinakailangang mga dokumento para maisaligal ang pagpaplano nyong pagpapakasal."
"Huh? Weird. Panu ka nakakapagsalita ng ganyan e ni hindi ka nga nakatapos ng first year highschool at kaya ka lang nag kalaptop at nakakapagchat ngayon dyan sa laot ay dahil dyan sa nakuha mong laptop mula dun sa lumubog na barko ng Hapon at yang globe tatoo na gamit mo ay nabili mo lang nung makahuli ka ng isang drum na dilis. Kala mo kung sino kang abugado ha. Hmmm.."
"Ahmmm... Tama si Pareng JM, Simang. Nakalagay yan sa Article 41 ng Family Code of the Philippines: A marriage contracted by any person during the subsistence of a previous marriage shall be null and void, unless before the celebration of the subsequent marriage, the prior spouse had been absent for four (4) consecutive years and the spouse present had a well-founded belief that the absent spouse was already dead..."
"O apat na taon na nga di ba? At well founded naman ang paniniwala ko na patay na si Pilo at wala na syang silbi. At sino ka nga pala? Ngayon lang kita nakita dito sa FMLG(Friends Might be Lovers Group...naks.)?
"Ako si Gardo. Highschool friend ni Pareng Juan Miguel nung nagtransfer sya sa school namin at tumagal lang sya ng dalawang buwan dun dahil nakick out sya nung manyakin nya yung titser namin."
"Pre andaming tao sa chat room. Nakakahiya ka."
"Ay sori pre, nacarried away lang ako. Going back sa topic natin, Simang hindi sapat ang presumption of death para gawing dahilan sa pagpapakasal muli ng present spouse at ikaw yun. Me proseso pa yan at dapat na may summary proceeding na tinatawag para madeclare nang tuluyan na dedo na nga si Pilo na mister mo at para ma-allow ka nang magpakasal muli ng legal. At kahit pa makumpleto mo yang proseso na yan at ma-annul na tuluyan ang unang pagpapakasal mo, pag biglang lumitaw si Pilo at nag file ng affidavit of reappearance sa korte, void din o mapapawalang bisa ang ang pangalawang pagpapakasal mo. Tsk.."
"Talaga? Bakit naman Gardo? E ok na nga e, aprub na ng korte. E kung sumulpot man si Pilo at kahit magfile pa sya ng kung anupaman, kinilala na ng batas ang kasal namin ni Caesar at wala na syang habol. Tsaka as if, sa lakas nung bagyo na yun malamang patay na talaga si Pilo. Haissstt..."
"Simang, ang sabi din sa batas kahit plantsado na at me kontrata nang legal para sa pangalawa mong kasal, still, nangyari lahat yun without prejudice to the effect of reappearance of the absent spouse. Ibig sabihin, kasama sa kontratang pipirmahan nyo sa 2nd marriage mo na anytime kung lumitaw si Pilo bastat magfile sya sa korte ng affidavit of reappearance, mapapawalang bisa ang kasal nyo ni Caesar at ibabalik ang bisa ng kasal nyo ni Pilo. Gets?"
"Ay ganun? Tsk.. balewala din pala. Actually di rin ako sure kung patay na si Pilo e. Anu sa tingin mo Juan Miguel?"
"Sana patay na siya Simang. Ah i mean, syempre naman sana buhay pa sya, para alam mo na, magkasama ulet kayo. Best friend ko yun eh. Mahal na mahal ka nun. Tsk... Haisst.."
"Hoy! Magsitigil kayong dalawa! Bine-brainwash nyo si Simang! Kala nyo ha. Dedz na si Pilo at ako na ang bagong kikilanin ng lahat na legal na asawa ni Simang! Kaya magsitigil na kayong dalawa! Lalo ka na Gardo! Kala mo kung sino kang abugado, e ginoogle mo lang naman yang mga yan! Pwe!
"Pareng JM anjan ka pa?"
"Oo Pareng Gardo. Palobat na laptop ko. Bakit?"
"Di ba ikaw ang admin ng group? Ikick mo nga tong si Caesar. Bad trip e."
"Teka pare di ko makita yung task na pwede mag kick ng member. Asan ba yun? Sablay to si Mark Zuckerberg o. Wheww.."
"Ah o sige hayaan mo na. Me nahuli ka na ba? Ako wala pa e. Madami ba jan sa pwesto mo?"
"Slight lang pre."
After few days...
Si Simang, nasa tabing dagat na naman. Nakatingin sa kawalan. Naaalala nya ang mga nakaraan na magkasama pa sila ni Pilo. Yung time na magkayakap sila sa dagat habang parang mga timang na kahit anim na oras na silang nakababad at nagkakahiyaan pang magsabi na nilalamig na sila at gusto na nilang umahon ay andun pa rin at nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasabi. Naalala nya yung masasayang sandali lalo na nung minsang nakabrief lang si Pilo habang naglulunoy sa dagat at nanunuod lang sya mula sa putol na bangka at nung biglang sinalubong ng malaking alon si Pilo at napatalon ito, at dahil maluwag ang garter ng brief ay...
"Oist, Simang! Simang! Anong ginagawa mo?"
"Ay pu&%%^**#! Bad trip naman Caesar oh! Istorbo ka eh! Hay naku!"
"Whatta! Ganyan ka na sumagot sakin ngayon? Aba pagkatapos ng lahat. Sinabi mong mahal mo ko at mahal din kita! At heto nga at bukas ay ikakasal na tayo! Sabihin mo nga, ano ang dahilan at nagkakaganyan ka!? Ano?!"
"Huhuhuhu... Hindi kita mahal Caesar... I just realized lately na hindi talaga kita mahal at si Pilo pa rin ang nasa puso ko. Malakas ang kutob ko na buhay pa siya. Nasesense ko eh!"
"Ah ganun ha. Dahil dyan, mamamatay ka din! Magsasama na kayo ni Pilo!"
"Caesar baka makalabit mo yan. Maraming maligno dito sa tabing dagat baka makalabit mo yan...!"
"Pak! Pok! Pak!"
( ♫Superman Theme Tune♪ )
"Kahit kelan, hindi ko pinagbuhatan ng kamay si Simang. Kahit kelan, hindi ko sya sinaktan! Buong buhay ko, sya lang ang minahal ko at mamahalin ko sya hanggang sa kabilang buhay!"
"Pilo? Pilo ikaw nga! OMG! Ikaw nga babes! Buhay ka! Totoo nga ang akala ko! Sabi ko na nga ba babalik ka e. (hugs...kisses..)
"Simang, nagbalik ako mula sa pagkalayo-layong isla. Nung gabing nawala ako, dun ako napadpad sa isang isla sa gitna ng Pasipiko. Apat na taon akong namalagi dun. Nabuhay sa kalungkutan, tiniis ang lamig, gutom at pangungulila sayo. Oh Simang...miss na miss kita. Ngayong nandito na ko, di na tayo maghihiwalay muli. (hugs..kisses...nakakaumay na)
"Oo, Pilo, at promise mawala ka man ulet, maghihintay pa rin ako sa pagbabalik mo. At hindi na ako papatukso sa mga lalaking nakabrief. Pwamis talaga."
"Ok kung ganun. Teka tawagin na natin yung pulis para maikulong na tong gagong to. At pagkatapos ay dumiresto na tayo sa kubo. Madami akong ikekwento sayo. Alam mo bang mas malalaki ang alon dun sa may bandang Pasipiko? Pero mas gusto ko ang alon dito sa dagat natin. blah,blah,blah..."
-FIN-