Thursday, March 3, 2011

Homosexuals at ang Lipunan





" I believe that the children are our future. Teach them well and let them lead the way. Show them all the beauty they posses inside..."


Iyan ang mga linyang mapapakinggan sa sikat na kanta ni Whitney Houston, "Greatest Love of All". Kahit si Jose Rizal ay sinabi rin na ang kabataan nga ang pag-asa ng bayan. E panu kung isinisigaw din ng Federasyong Homosexual na kasali sila at mas gaganda pa nga daw ang kinabukasan ng bayan sa mga kamay nila? Sasang-ayon ka ba?


Makikita sa sitwasyon natin ngayon na nag-aalab ang isyu tungkol sa homosexuality. Lalo pa itong nagningas nang lumabas ang libro mula sa simbahang katoliko na may pamagat na "Homosexuality and the Catholic Church". Ang sinasabing libro ay direktang umaatake sa existence ng mga ika nga'y kabilang sa third sex dahil ang pagiging bading,tibo,bi at yung nagpapapalit na ng kasarian ay kasalanang mortal "daw" o imoral at kasalanan sa diyos. Ang sabi pa nga ni Bishop ay nilikha daw ng diyos ang tao na babae't lalaki at wala namang nilikhang bading o tomboy. Syempre umalma ang buong federasyon lalo na ang mga sisterette dahil feeling nila at talagang iniisip nila na sila ay dinidiscriminate, inaalipusta,dinedegrade at inaapakan ang kanilang karapatan especially ng simabahan. Likha din naman daw sila ng diyos. Ang banggaang ito ay nagdudulot ng pagkalito at hinahati nito ang paniniwala ng publiko tungkol sa homosexuality. Pag nagpatuloy ang isyung ito at lalo pang lumubha, magdudulot ito ng gulo. At alam nating pag magulo, walang peace at pag walang peace, mahihirapan mag exist ang love at habang ang isyung ito ay umiikot sa pagitan ng mga third sex simbahan at ng general public, hindi maaattain o maabot ang hinahangad na lipunang may pagkakapantay-pantay, unawaan at pagmamahalan. Ngayon, ano nga ba ang magagawa ng mga homosexual para sa ikakaganda ng lipunan kung hahayaan na lang natin sila (as long as wala silang ginagawang masama sa kapwa at hindi gumagawa ng anumang KRIMEN)? 


Mag-focus tayo sa mga bading since sila yung mas dominante in terms of number among homosexuals. Narito ang tatlong "powerful" na katangian na sa aking palagay ay ang pinakapositbo sa katangian ng mga bading.


1. Masayang Kasama. Bata pa lang ang bading ay marunong nang magpatawa. Kasama na sa package ng pagiging bading nila ang magpatawa ng kapwa. At pag masaya ang kasama mo, masaya ka na rin. At pag masaya ang lahat, maganda ang kalalabasan dahil pag maganda ang mood ng isang tao, nagiging productive sya at mas ganado magtrabaho. Pag productive ang mga mamamayan, magbebenefit ang ekonomiya ng bansa.


Taguan


batang straight: Sabi ni Kuya Reyner wag daw magdiscriminate ng mga bading. Kaya gusto ka sana naming makalaro ng tagu-taguan.
baklita: Wit na lang. Bet ko sana  kaya lang wit keri ng beauty kes. Kayes na lang.
batang straight: Sige na. Kung ano man yang sinasabi mo. Sali ka na. Di ka pa nakakalaro ng tropa e.
baklita: Haist sige na nga. Gora na tayes. Mga biway naman kayo e, ok lang naman siguro.
batang straight: huh?


Playtime na. Si baklita ang taya:


batang straight: Tatago na kami!


baklita: Gora!
"Shogu-shoguan, Ning ning galore ang buwan, Pagcounting ng krompu, Nakashogu na kayey. Jisa...Krolawa...Shotlo...Kyopat...Jima...Kyonim...Nyotert...
Walochi...Syamert...Krompu!!! Mga beki, andetrax na atashi!!!!"


Nanay: San ka galing bata ka? Gabi na ah!
batang straight: Naglaro po kami ng shoguan?
Nanay: Huh? Anong laro yun? Ikaw talaga natututo ka na magmura. Siguro kakasama mo jan sa batang bading na yan ano?
batang straight: Ma, wag nyo namang ganunin si baklita. Nice naman sya e. Tsaka enjoy sya kasama. Hmmm...
Nanay: Abat! Totoo nga yata yung sinabi sakin ng kapatid mo na bading ka raw.
batang staright: Echos! Hindi ako bading Ma! Wit!


Nagsimula sa larong taguan. Naging malapit sa isat-isa. Naging best of friends. Ano kaya ang kahahantungan ng kwentong ito?


2. Masipag. Sa napapansin ko lang nu. Masipag ang mga bading. Hindi sila tumitigil hanggang hindi nila namimeet yung goal nila, at yun ay ang magkaroon ng maraming datung. Ang problema lang at ang ugali na dapat nila alisin ay ang magtrabaho ng sagad para may pambigay sa mga boylet nila. Mabuti sana kung ang lahat ng binibigay nila sa mga papa nila ay napupunta sa kaban ng bayan.


Taguan Part II


dating batang straight: Girl hindi ko na kaya. Sobrang haggard na sa parlor para may maibigay na anda kay Takgoh tapos inuubos lang naman nya sa alak at sugal. Anung gagawin ko Teh?
full grown bading: Teh keri lang yan. Ginusto mo yan eh. Sabi ko naman sayo nung maliit pa tayo ok lang maging bading basta wag lang o.a. mag-giblab ng mga datung sa mga boylet. Kalurkey ka, pati yung ref ng nanay mo binenta mo na para lang sa boylet mo na yan. Haisst..
dating batang straight: Girl, di ko alam kung anung raket na papasukin ko para lang may maisustento kay Takgoh. Love ko kasi talaga sya.
full grown bading: Girl mangholdap ka. Magaling ka naman magtago kaya di ka mahuhuli ng pulis. Naalala ko ng lilet pa lang tayo, naloka talaga ako sayo ng bongga nung nagtago ka tapos alas dose na ng hatinggabi di ka pa rin lumalabas, bakla ka.
dating batang straight: Teh wag namang ganun. Gusto ko pa rin naman yung sa marangal na paraan. Tsaka yung makakatulong sa bansa.
full grown bading: Wish ko lang te. Wit muna magpara getlak ng umbaw para sa future ng nation, anes?


3. Intelektwal. May mga kukontra siguro pero ayon sa aking naoobserbahan, maraming mga bading ang nag-eexcel sa edukasyon at marami din sa kanila ang professionals (yung isa sa kanila ay kalbo at sikat). Siguro dahil na rin sa attributes na meron sila na pinagcombine nila tulad nga ng nasabi ko na pagiging masayahin nila na nakakatulong sa kanila para maayos ang mood nila at makapag isip at pagiging masipag lalo na sa pag aaral na dahilan  para mas marami silang maging kaalaman. Napapakinabangan ito ng isang bading lalo na kung sya'y nag aaral pa lamang at mas lalo itong kapaki-pakinabang sa kanya kapag ganap na syang isang careeer person. Ang resulta, isang mayamang bansa dahil marami ang intelektwal na naninirahan dito, at sila ay ang mga propesyonal at produktibong bading (at sangkatutak na surgery clinics din, ahahaha..)


Taguan Part III


After 15 years ay nagreunion ang mga magkababatang dati ay naglalaro lang ng taguan pero ngayo'y bakla na. Apat sa kanila'y may natapos, titulado at mapera habang ang dalawa sa kanila hanggang ngayong hinahanap pa rin ang magandang kapalaran.


dating bully, ngayo'y booty: Girl, naloloka ako sa mga pasyente ko. Ang gagwapo kahit maliliit pa ang notey. Love it. Mmmmm...
dating pogi, ngayo'y faggy: Hoy baklang nurse na manyakis. Magtigil ka, may magandang kinabukasan pa yung mga batang tinutuli mo. E kung kasuhan kaya kita ng pedophile nu? Ayan si Mang Gusting na lang ang cardiakin mo, majunda na rin naman yan. Makalasa man lang ng bading na me bigote.
dating bully, ngayo'y booty: Girl yan ba tinuturo sa law school? Ang kiyawti ng banat mo ha. Kung makapagsalita ka parang yun ka at eto lang ako. Haissst...
dating kargador, ngayo'y rampadora: Mga Becky wag kayong maglaitan dahil pareho lang kayo ng kulay ng dugo. Mga halamang dagat kayo, di nyo dapat dinadown ang isat isa. Hay naku, minsan nga punta kayo sa opis ko at nang ma-counsel ko kayo. Me problema na kayo sa behaviors.
dating pogi, ngayo'y faggy: Hoy Teh parang anghel magsalita. E Sigmund Freud ka din naman. Last time na-sight ka ni atashi me kasamang biway, jumosok kayo sa bahay na walang kusina. Kaloka ka.
dating kargador, ngayo'y rampadora: Teh kimidora ka hindi atashi yun. Si Bakla yung nasight mo kasama yung assistant nya. Ayan tingnan mo di makakuda si Bakla.
dating patay gutom, ngayon ay bongacious: Tantanan nyo ko mga isdang kanal. Hindi akes low class nu.. high class itechewa. Hindi barya barya ang kinikita ng kumpanya ko. Kaya kong cardiakin kahit si Richard Gutierez. Kabog kayo sa beauty ko mga bading.


full grown bading: Kafatid nakakarelate ka ba sa kanila? Ang yayabang na ng mga sisterette natin. Parang kelan lang kinagat ko sila sa leeg para mahawaan, ngayon mas bakla pa sila kesa sa akin. 
dating batang straight: Ok lang yan sister. Time will come tayo naman ang ookray sa mga yan.
full grown bading: Korek. O sige na tumalikod ka na at tatago na kami. Galingan mo paghanap ha. Bakla ka sayang ang pagigng Miss Bulalakaw mo pag di mo kami nahanap.


Sigaw ng limang bakla: Game na!!!!!


dating batang straight"Shogu-shoguan, Ning ning galore ang buwan, Pagcounting ng krompu, Nakashogu na kayey. Jisa...Krolawa...Shotlo...Kyopat...Jima...Kyonim...Nyotert...Walochi...Syamert...Krompu!!! Mga beki, andetrax na atashi!!!!"


              
Ang kailangan lang ng mga bakla ay respeto. Hindi tinitingnan kung ano sinasabi ng bibliya tungkol sa pagiging third sex kundi mas dapat tingnan kung ano ang sinasabi ng bibliya tungkol sa kung paano dapat ituring ang isang "TAO". Tao din ang mga bading, tomboy,bi,transgender,  mga baklang kalye, mga baklang bukid etc. Ang sabi nga daw sa bibliya ay "ibigin ang iyong kapwa" and it happened na kapwa tao natin ang mga homosexuals. Ang bagay lang siguro na dapat ay kondenahin at wag nating konsentihen mula sa grupong ito (homosexuals) ay ang lantaran at di-katanggap tanggap sa ating kultura na uri ng kalaswaan na tanging sila lang ang nakakagawa. Dapat ay maging magandang ehemplo sila sa mga kabataan at gamitin nila ang mga positbong katangian na meron sila para pamarisan sila ng marami. Sanay magkaroon sila ng discretion at ang bagay na sa tingin nila ay pag abuso na sa ika ngay "freewill", dapat ay sila na mismo ang magmoderate sa mga sarili nila.


Sa publiko naman, dapat tayo ay hindi nangmamata, hindi nangdidiscriminate na base sa kung ano ang popular impression sa mga homosexuals. Mag karoon ka ng distinct at sariling pagsusuri kung ano nga ba ang dapat na maging trato sa mga taong ito na bagamat pareho kayo ng kasarian pisikal pero di kayo pareho ng kasariang mental at emosyonal ay katulad mo pa ring tao na may rasyonal na pag iisip at nabubuhay at lumalakad sa iisang mundong kapwa nyo ginagalawan.


Kahit ang kanta ni Whitney Houston at ang sinabi ni Jose Rizal ay nagkakapareho sa hindi pag sambit ng tiyak na gender kung anung uri nga ba ng mga kabataan ang magbibigay ng pag asa at kinabukasan sa lipunan. May kinabukasan ang lipunang ito lalo na kung ang mga straight (hetero) at mga homosexuals ay magkakapit bisig at magkakaisa para sa iisang diwa at iisang layunin. Layuning mapabuti ang estado ng ating lipunan sa paraang may pagkakapantay-pantay ang bawat isa at walang diskriminasyon.


TAMA ba mga Becky!?


TAMA Papa Reyner!!!!!!!


Good. hehe..

Share