Credit to my student Ian Angelo D.V. Umali
“Ang Mga Buhay na Ala-Ala”
By: Ian Angelo D.V. Umali
(Ang Mapag-isa)
Kakayanin
ko pa bang magmahal muli?
Sinubukan
kong magmahal ng iba ngunit alam kong ito ay mali
Sinubukan
kong ika’y palitan ngunit kaligayahan ay hindi nakamit
Pagkat
ang iyong pagmamahal lamang ang nais kong makamit
Iyong
binasag ang katahimikan ng aking buhay nang ika’y aking nakilala
Ito
ang bagay na mananatili at hinding-hindi mabubura sa aking ala-ala
Iyong
binigyang kulay ang aking buhay
Iyong
binigyang kasiglahan ang katauhang matamlay
Nagkakilala,
naging magkaibigan, at nagturingang magkapatid, magkarelasyon, mag-asawa
Pinaramdam
sa isa’t-isa ang pagmamahal na walang sawa
Nagdadamayan
sa tuwing may problema, Pinapalakas ang loob sa tuwing pinanghihinaan
Pagkat
nais nating dalawa na tumagal at tumatag ang ating pagmamahalan
Sa
loob ng halos dalawang taon ng ating pagsasama
Marami
tayong pinagdaanang pagsubok na ating hinarap ng magkasama
Ngunit
may mga bagay talagang hindi natin maiiwasan
Na
magbibigay sa atin ng kasawian
Isang
araw bago dumating ang araw ng mga puso
Iyong
inamin sa akin na may isang lalaking nagpahayag sa iyo ng kanyang nararamdaman
Buong
araw kong itinatanong sa aking sarili at sa iyo
Ngunit
nanatiling tikom ang iyong bibig at hindi inisip ang aking mararamdaman
Iyong
tinuro sa akin na kailangan natin ang salitang “tiwala”
Ngunit
bakit iyong pinaramdam na ang iyong tiwala sa akin ay nawala
Lubos
akong nasaktan dahil sa iyong ginawa
Ngunit
umpisa pa lamang pala ito ng aking kasawian
Araw
ng puso nang aking makita
Na
ika’y may ibang lalaking kasama
Ang
akin sanang surpresa sa iyo ay hindi na nagawa pa
Dahil
sukdulan na ang sakit na aking nadama
Isang
lingo ang lumipas at sumapit na ang aking kaarawan
Ika’y
aking inimbita ngunit iyong tinanggihan
Yaong
araw sana kita ipapakilala sa aking mga magulang
Ngunit
ito ay iyong binale-wala lamang
Isang
buwan ang lumipas, araw na ng ating pagtatapos
Hindi
ko malilimot ang araw na iyon sapagkat iyon ang araw na tayo ay nagka-ayos
Ika’y
nasa aking likod at iyong kinukulit sa mga panahon ng mga pagbati sa mga
magtatapos
Ako’y
lubos na nagpapasalamat sa Ama para sa araw na iyon pagkat ang ating problema
ay tuluyan nang natapos
Ang
lahat ay bumalik na sa dati
Muling
nanumbalik ang tiwala
Ating
relasyon ay lalong tumatag kaysa dati
At
umaasang ang pagmamahala’y hindi na muling mawawala
Ngunit
ang pagsubok kailanma’y hindi mawawala
Tayo’y
muling sinubok bago pa man sumapit ang ating ikalawang taon
Ika’y
aking sinama sa lakad ng aking barkada
Tayo’y
nagkaroon ng oras para mag-usap ngunit ibang tao ang palaging laman ng iyong mga
kwento
Akin
ipinagtapat sa iyo ang aking nadarama
Na
ako’y nagselos sa lalaking laman ng ating usapan sa buong araw nating pagsasama
Ika’y
hindi na sumagot pa at ilang araw ang lumipas
Aking
nakita ang inyong mga larawang puno ng saya
Akin
pang naaalala sa larawang ito
Ang
huling araw na tayo ay nagkasama at naging masaya
Patuloy
kong pinagsisisihan na sana ay hindi na lamang sinabi sa iyo
Ang
nadaramang panaghili sa kaniya
Ngunit
wala na akong magagawa pa
Dahil
ang mga bagay ay nangyari na
Hindi
ko na muling maibabalik pa
Ang
mga pangyayaring binura mo na sa iyong ala-ala
Batid
kong masaya ka na sa kaniyang piling
Na
ito naman ang aking palaging hiling
Na
kahit wala na ako sa iyong piling
Ay
patuloy mong makamit ang iyong mga hinihiling
Ako
ay mananatiling iyong kaibigan
Na
handa pa ring ika’y damayan
Huwag
kang mag-atubiling ako’y lapitan
Pagkat
ako’y darating kaagad sa panahon ng iyong pangangailangan
Maaaring
isipin ng ibang tao na baliw ako
Ngunit
wala na akong magagawa dahil ito ang totoong ako
Handa
pa rin akong maghintay sa iyo, Mahal ko
Dahil
sa iyo nabuo ang aking pagkatao
Hindi
man naging tayo
Ngunit
ikaw pa rin ang aking naging inspirasyon sa aking pag-aaral
Dahil
dati kong pinangarap na magkaroon ng magandang kinabukasan
Na
magiging daan ng magiging buhay natin bilang mag-asawa
Sa
iyo ko lamang pinangarap na magka-pamilya
Pamilyang
magsisilbing panibagong inspirasyon
Pamilyang
magbibigay ng lakas ng loob sa iyo na harapin ang mga pagsubok
Pamilyang
susuporta sa iyo sa lahat ng bagay na iyong ginagawa
Kung
aabutan man ako ng panahong magpapantay na ang aking mga paa
Na
hindi natupad ang aking mga pinangarap para sa ating dalawa
Itong
aking tulang ginawa habang ako’y isang binata pa
Ay
nais kong i-alay sa iyo at sana ay iyong madama
Na
hanggang sa aking huling hininga ay Ikaw pa rin ang aking minamahal