Sunday, July 25, 2021

Betrayal


 Hindi ko alam paano sisimulan ang entry na to. Ang tagal ko na nagsusulat sa blogsite ko na to pero ngayon lang siguro ako maglalahad dito ng pinakamasakit na karanasan na dumating sa buhay ko.

Nakilala kita sa dating app. Kasagsagan ng "total devastation" ko nun sa buhay. Betrayal. Natagpuan mo ko sa kalagitnaan ng krisis ko. Sariwang sariwa pa kung paano ako iniwang sugatan at lasug-lasog ng ex kong sumama sa ibaba at pinagmuka akong tanga sa mahabang panahon para mabunyag bandang huli, napakalaki ko palang gago. Sa ganung tagpo ng magkrus ang landas natin sa dating app na kung saan nakuha mo agad ang atensyon ko dahil sa kakaibang karisma na meron ka.

Masaya kang kausap. Huling huli mo ang kiliti ko. Natumbok mo ang pagiging narcissistic ko at binusog mo ko sa atensyon na kinaoobssesan ko. Ipinadama mo saken "hindi ako loser" katulad ng nararamdaman ko para sa sarili ko nung mga panahong yun dahil na rin sa pagiging nasa "lowest point" ko ng buhay ko. Lumevel ka sa takbo ng utak ko. Nagrespond sa mga unorthodox na way of thinking ko at hindi ko na napigilang bumulusok sa pagkagusto sayo.

Araw araw tayong in-touch. Laging updated sa bawat isa. Gustong gusto ko ang pagiging mayumi mo. May innocence level ka nagpaimpress saken at nagpaniwala saken na napaka-pure mo. Lumalim nang lumalim ang tinginan natin hanggang sa puntong automatic na ikaw na ang babaeng magpapaliko at babali ng hatred ko sa mga kauri mo. Ang babaeng tutulong saken para itapon na lahat ng negatibong bagay at kalimutan ko na ang noo'y solid nang pagiging "woman hater" ko. Isinurrender ko na sayo ang aking sarili, inilaylay ko na ang tiwala at sinabing "ikaw na ang bahala saken".

Parang gabing hindi naman hinuhukay pero lumalalim, naging ganun ang ugnayan natin. Bagamat lahat ay virtual dahil na rin sa sitwasyon na nagpipigil satin para magkita, we made the most out of "online relationship". You got my back, I got your back. Nang iniwan tayo ng mahal natin sa buhay sa halos magkadikit na panahon, pinagsaluhan natin ang timba timbang luha. Nandun tayo para sa isa't-isa, malayo pero hindi kinapos ng presensya. Nasambit ko, ikaw na nga, ikaw na talaga ang siyang hahawak ng puso ko at hindi na ito magbabago sa matagal na panahon kundi man hanggang sa huling hininga ko.

Lumalakad ang panahon at ang sitwasyon ay unti-unti nang lumuluwag. Ang pag-asa koy di na mapigilan sa pagpiglas, nalalapit na ang araw na tayo'y magkakapiling. Pinuno kita ng pagmamahal sa araw-araw na dumaan at pinangako ko na sa oras na magkasama na tayo, ikaw at ikaw lang ang tatamasa ng lahat kaligayahan na ibibigay ng pag-ibig ko sayo. Lumalapit na, ramdam ko na ang pagdating ng araw na mayayakap na kita for real. Madarama na din ang init ng iyong yakap na ipinangako mo rin saken. Lahat ay gumuho na parang kastilyong buhanging hinampas ng galit na alon. Anung nangyari?

Tumabang ang kapeng inakala kong hindi kakapusin ng tamis. Nahalata ko at inalam ko kung bakit. Sa pinakashocking na revelation na natanggap ko sa buhay ko, inamin mo saken na meron kang ka-affair na iba maliban saken. Bago ko ituloy sa puntong ito, masakit pero irereview ko muna ang nangyari saken bago kita nakilala.

Alam mo kung panu ako binetray ng ex ko. Alam mo kung paanong pati bulsa ko ay nalaspag dahil sa pang-iiscam ng ex ko at ng kalaguyo nya. Alam mo kung paanong halos nasiraan ako ng bait dahil sa intensity ng panloloko na ginawa saken. Sa sobrang lala ng betrayal na inabot ko sa kanya na kinuwestyon ko na ang self worth ko. Alam mo yun dahil nilay-down ko sayo lahat ang pinanggalingan ko na dinamayan mo naman ko sa best na magagawa mo. Pero ginawa mo rin yun sa akin. At alam mo kung anung masakit? Alam ko sa kaibuturan ng damdamin ko na mahal na mahal kita at ang betrayal na ginawa mo saken ang siya nang pinamasakit na naranasan ko sa buhay ko to date.

Inamin mo saken na hindi lang ako ang lalaking nakakacommunicate mo. Inatake ka ng konsensya kaya't brineakdown mo saken ang kasalaulaan na ginawa mo kasabay ng paghingi mo ng tawad at second chance. Chance dahil sabi mo'y tuluyan ka ng "ginhost" ng lalaking gumalaw sayo and chance dahil napatunayan mong mahal mo pala ako? Ipinaramdam mo saken kung panung isa lang akong spare tire na nakadikit sa likod ng sasakyan mo na gagamitin mo sa panahon ng kagipitan.

Naging loyal ako sayo. Naalala mo nung nasugatan ako sa mukha dahil nagdrive ako ng lasing makauwi lang sa bahay dahil dun lang may wifi at para makita ang matamis mong ngiti at marinig ang boses mo. Miss na miss kita sa kada pagpitik ng orasan. If I died that night thats because I just wanted to go home and not miss the night na hindi ka makapiling kahit virtually. I guess I could've died for nothing then.

Sinubukan kong iproseso ang ginawa mo. Dininig kita kahit parang nilalatigo ng may tinik ang puso ko. Masakit, sobrang sakit na sumuka pa ko dahil sa stress na idinulot ng rebelasyon mo. Namanage kong maging mahinahon. Iyak ka ng iyak dahil walang pagsidlan ang paghingi mo ng tawad. Naawa ako sayo dahil bumalik sa ala-ala ko ang palahaw mo nung nawalan ka ng mahal sa buhay. Buong taimtim kong inunawa, ni-rationalize ang pangyayari. Ipinagdiinan mo na hindi mo gusto ang naging affair mo at ako talaga ang mahal mo. I get that but why? Paano na ako in the long run?

Paano na yung respeto ko sa sarili ko na binuild up ko ng husto at napagtagumpayan kong taglayin sa sarili ko? Tinulungan mo pa nga ako na ma-gain yun e. With you, naboost ang confidence ko na meron pang babae na "pure", dalisay na deserve ingatan at hindi dapat hayaang mawala sa piling. Sa pagkakataong inilahad mo saken ang totoo mong kulay, naappreciate ko ang honesty mo pero ang motive mo ay hindi katanggap tanggap.

Sinabi ko sayo na wala pa ring nagbago. Buo ka pa rin para saken. It was just a physical encounter with you and that guy and we can still go as planned leaving all those stuff behind na hindi natin kailangan. Pero nagsusumigaw ang likod ng utak ko..."kelan ka tatanda at kelan pa magtatanda brod?". Tang-ina, tama na. I've had enough.

Hinampas ako ng reyalizasyon na eto na naman ako, nagpapakabayani. Ilang beses kong pinatawad ang ex ko nun sa mga kababuyan nya para lang sa ultimatum ay sabihin nya saken na wala akong kwenta na hindi sya naging masaya saken kahit kelan. Sinabi nya yun saken habang nakangisi silang dalawa ng bago nya. Ngayon, kung bibigyan kita ng tsansa, ano ang assurance ko na hindi mo na ulet gagawin? And in the process, panu na ang magiging treatment ko sayo ngayong sadsad na sa putik ang pagtingin ko sayo? At ano ang assurance na hindi ako magse-seek ng revenge along the way na sure na hindi rin makakatulong saken? Basag na. Paano pa ibabalik sa dati? Grabe ka...grabe ka.

Sa huling minuto ng ilang oras ding pag-uusap natin, tila may malaking hollow block na tumama sa ulo ko. Natauhan ako. And tang-ina ulet, I AM BETTER NOW THAN WHAT I USED TO BE. I'm a new version of myself now, stronger, mightier, fiercer. Never again that I will be invaded by my failures and miseries. I know na ipinagsisigawan ng puso ko na mahal kita at may room pa ng kapatawaran sa ginawa mo at kaya ko pa rin lumigaya pero malinaw din na ang kalidad ng naturang kaligayahan ay wala nang kasing-worst. Quality na sobrang fucked up, bakit mo pa ike-keep? Itapon mo na lang.

Sayang yung mga kantang kinanta ko sayo. Sayang yung mga tulang ginawa ko para sayo. Sayang ang lahat nang oras na ginugol ko sayo. Sa isang iglap, naging alikabok lahat.

Alam kong hindi madali pero its just a matter of time. Time will heal. Rest assure na hindi ako gaganti sa mga babae na tulad ng tipikal na ginagawa ng karamihan sa mga lalaking binetray. Di ako magiging ganun. The respect that I want for myself, I will relay sa ibang tao, sa mga babae so I can get the same back. Sa dalawang instance ng magkasunod na panloloko na ginawa saken, tawagin mo na kong pa-victim if thats how sound to you, pero if you can dive deep down kung saan ako nanggagaling, you might as well try to learn from me. And what I can tell you is, iba-iba pa rin ang mga babae just like iba-ba pa rin ang mga lalaki. But for me, I might as well rest and heal for a good, long time.

My family loves me. Tuwing nakikita ko ang ngiti ng pamangkin ko sa umaga, napapawi lahat ng lungkot ko. Somewhere, may uri ng pagmamahal na walang kondisyon, puro o dalisay. It doesn't have to be a person but love itself that will give us happiness. Draw it from somewhere if a certain person failed you. 

Let time take the wheel for now. 

To you, sorry sa pangit na word na nasabi ko sayo at the end. I still wish you well. I hope na hindi naman maging kumplikado sa personal mong buhay yung consequences ng ginawa mo. Please learn from it and move on. Wala akong magiging ibang basis ng "feeling inlove" maliban sa naramdaman ko sayo. Though if I feel the same again, sa itinuro mo saken, I may not end up to your kind anymore..hopefully. 

Di magpe-fade ang nararamdaman ko sayo sa mahabang panahon but it will be gone eventually. In the process, I aim zero contact with you. At the same time i Will focus sa kung paanong mamaintain na hindi magtanim ng universal na galit sa mga babae dahil alam kong kakatok na naman yan saken sa hindi ko alam kung kelan. 

Be well "sinta" ko. Hanggang dito na lang. 

Salamat.




Share