June 1996, sobrang proud mo saken nun. Kahit naging second
honor lang ako nung grade 2, masaya ka pa ring umakyat ng stage at isinabit ang
mga medalya ko. Sinabi mo saken na sana sa grade 3, first honor na ako kase
kakain tayo sa restoran para iblow out ako. Sobrang motivated ko nun kase
usapang food trip. Hindi man masyadong nakakaproud pero ipinamana mo saken ang
kakaibang takaw mo sa pagkain kaya alam mo kung anung magmomotivate saken.
Nung mage-grade 3 na ko as transferee, nasaksihan ko ang isa
mga epic fail na nagawa mo sa buhay mo. Sa kabila ng pagka-proud mo sa
kabibuhan ko, ine-enroll mo ulet ako sa grade 2. Sobrang tiwala ko sayo nun
kase lagi mo sinasabi saken na nagmana ako sayo ng katalinuhan. Ni hindi ako
nagduda na ibinalik mo ko sa grade 2.
Pero sa pangalawang araw ko sa grade 2, napansin ko na rin
na kabisado ko na lahat ng lectures na inisip ng teacher ko na im some kind of
gifted. Lagi nya ko pinupuri. On the 3rd day naconclude ko na na
wala ako sa grade 3. Sinabi ko sayo yun at pinagalitan mo ko. So tyinaga ko
until day 5. Umiiyak ako nun sa klase. Kase baka pag sinabi ko sa teacher ko na
grade 3 na ko, iparating sayo at paluin mo pa ko. Kaya sinabi ko na kay mama at
dun lang lumabas ang katotohanan at dun lang naaksyunan. Nang tinanong ulet
kita kung bakit mo ako ibinalik sa grade 2, ang sagot mo “kakilala ko kase yung
teacher mo”. Hindi ako kumbinsido sa sagot mo dahil nakita ko ang matamis na
ngitian nyo nung teacher sa grade 2. Nawala ka sa focus sa kakyutan ni maam at
ni-hindi mo na inusisa kung tama pa ba yung paglalagyan mo saken. Pero ok na
yun, natawa na lang talaga ako sa epic fail mo na yun. Anyway, nakatapos ako ng
grade 3 as first honor kahit transferee lang. Muli ka na namang nagbuhat ng
bangko. Pero sa hirap ng buhay, hindi mo ko natreat sa restoran at naintindihan
ko naman.
I made you proud sa buong elementary days ko. Nasa top ako
ng klase at natapos ko with highest honor. Pero feeling ko hindi worth it ang
mga naachieve ko. Alam mo ba na wala kang tinupad sa lahat ng prinamis mo saken
kung magiging top one ako or valedictorian nung elementary? Pero lahat ng
ninais mo, tinupad ko. Although napagod na ko nung hayskul dahil feeling ko,
nagtatry ako ng husto pero ikaw, hindi. I think naging malinaw sayo ang mensahe
ko lalo na nung makita mo kong sumusuka ng green dahil masyado kong naenjoy ang
kwatro kantos. Tinitigan mo lang ako, di ko alam ang iniisip mo pero kung
sasaktan mo ako, maiintindihan ko pa rin, first year high school lang ako nun.
Tumalikod ka lang at walang sinabi na kahit ano.
Hindi naging madali para saken ang makapagcollege. Sobrang
hirap pa rin ng buhay natin at hindi mo ko kayang suportahan. Pero nung
nag-initiate ang ate ko na makapag-aral ako, pinamukha ko sayo na walang
imposible kung gusto. Kumakayod ako sa part time jobs habang nag-aaral. To think
na naimpress na kita, hindi pa rin. Tutol ka na magpatuloy pa ako at napakasakit
nun para saken. Tila nawalan ka ng amor dahil sa naging performance ko nung
highschool at hindi ka na naniwala.
It all started sa sablay na pag-enrol mo saken nung
elementary at nagtapos sa kawalan mo ng gana na mag-enrol pa ko nung college.
Inisip ko, kung magbabarter ng mga tatay, ibabarter na kita sa mas supportive
at maunawain na ama. Pero hindi. Hindi kita ipagpapalit.
April 2011, supposed to be ay espesyal na araw sa mga
graduates pero normal na araw lang saken. Umorder na ng tuxedo mga classmates
complete with fancy neckties habang ako’y nagpapakalunod sa trabaho. Suddenly,
I felt na wala ring kwenta ang tinapos ko since hindi ka naman proud. Ikaw na
nagmotivate saken na mag-aral mabuti pero nagbago kinalaunan. So hindi ako
nagprepare ng get up. Kung ano yung suot ko sa magdamag na trabaho sa opisina,
yun din ang isusuot ko sa graduation ceremony. Matatapos din naman ang okasyon
na yun. In fact mas nilolook forward ko pa na makabalik sa trabaho pagkatapos
ng ceremony dahil marami pa ko gagawin.
Isang araw bago ang graduation ay niyaya ko si mama na umatend.
Sabi nya masyado daw malayo at mahirap ang byahe at subukan ko na lang daw na
yayain ka. Binanggit ko sayo ang tungkol sa graduation pero di ako umasa na
dadalo ka. Pero kinabukasan, nagtxt ka saken na malapit ka na sa venue. Holy
shit mas nauna ka pa dumating sa venue kesa saken. Ikaw ang gagraduate? Nakita
kita sa parents/guardians area at bakas na bakas sa mukha mo ang kasiyahan.
Proud na proud ka pala saken. Hinintay mo ng ubod ng tiyaga ang pag-akyat ko sa
stage pero nadissapoint ka na hindi ako nakaakyat nung natawag ang pangalan ko.
Pasensya ka na. Ang magagaling kong kaklase ay nainip at nagyaya magyosi kaya
sumingit na lang kami sa pila ng ibang graduates. Ganunpaman, natuwa ka pa rin
ng tumingin ako sa kinauupuan mo nung nakaakyat ako ng stage. Nakangiti ka at
hindi mo man sabihin, dama ko na sinasabi mo sa isip mo “I’m proud of you son.”.
Lahat ng prinamis mo saken nung elementary na kakain tayo sa
restaurant pag nagtop 1 ako na hindi natupad, tinupad ko nung gumradweyt ako ng
college. Nagdinner tayo sa restaurant after ng ceremony except ako rin naman
ang nagbayad. Pero hindi na masama ang loob ko. That day turned out to be one
of the happiest moments of my life. From that day on, kinalimutan ko lahat ng
mga sablay mo saken. On that day, natupad natin ang mga prinamis mo saken nung
ako’y bata pa.
Kung nasaan ka man ngayon, sorry. Sorry kase ang dami ko pa
ring plano para sayo pero hindi na matutupad. Gusto ko magtravel pa tayo
magkasama sa lugar na hindi mo pa napupuntahan. Kumain sa mga restaurant na
hilig mong gawin. Gusto ko na lang i-spend mo yung natitirang taon sa buhay mo
na masaya. I’m so thankful na umuwi ako ng Bicol at nakasama kita sa loob ng
ilang buwan. Madami tayong naging laftrip sa mga kwento mong walang kakupas
kupas. Pero kase naging malihim ka e. Masama na pala pakiramdam mo, masama na
pala kondisyon mo pero iniisip mo pa rin na KJ ka kapag pinakita mo samen. Ayan
tuloy.
Hindi ko pa rin kaya harapin yung mga darating na umaga na
gigising at hindi kita makikita. Hindi ko pa rin matanggap na hindi na tayo
makakapagkwentuhan habang nanunuod ng KMJS at Nat Geo. Hindi ko pa rin matanggap
na wala na ako mapapagbintangan na nagtago ng lighter ko. Hindi ko matanggap na
wala na ako kayosihan. Sana naman lumaban ka. ECQ nga nag-extend nang
nag-extend pero ikaw tinapos mo agad. Tsk, tsk, sana ok dyan Tay sa napuntahan
mo. Sana maging masaya ka dyan. Miss na agad kita.
Hanggang dito na lang.