Minsan ang chucks ay marumi at gusgusin pero sa ganitong paraan napepreserve ang tibay nito. Samantalang kung palagi mo itong lilinisan para laging maganda sa paningin, maaaring maging marupok ito at masira agad. Parang relasyon na minsan hindi magandang tingnan dahil dinadatnan ng pagsubok at kalungkutan pero nalalagpasan at lalong napapagtibay na kabaligtaran naman sa relasyon na oo nga't maganda sa mata dahil palaging masaya pero bumibigay agad oras na datnan ng pagsubok.
Ang design ng chucks ay hindi pa nagbago simula ng una itong lumabas noong early 90's. Obvious na hindi basta-basta nagcome-up ang designer ng chucks sa kung ano lang klaseng design. He took time until naisip nya na dapat ay yung tipong magmamatch sa future fashion at mananatiling uso kasama ng mga modernong porma. Sa tagal ng panahon, ilang beses pa lang lumamlam ang kasikatan ng sapatos na to pero dahil classic dahil sa napakagandang foundation, bumabalik ang pagkagusto sa kanya ng mga mamimili. Parang relasyon na hindi lang basta-basta nabuo at nagsimula. Relasyon na maingat na kinonsidera ng dalawang puso pagkatapos ng mahaba at mabatong daan. Relasyong nagtatagal, mahirap tibagin at magkahiwalay man, magkakabalikan pa rin.
Isa lang ang pagkakaiba ng chucks at ng intimate na relasyon. Materyal na bagay lang ang chucks pero ang relasyon kailanman ay hindi magiging materyal na bagay lang. Tamang pakinggan na ang material ay ginagamit o nagagamit pero ang immaterial ay kadalasang hindi magandang pakinggan na ginagamit lang o nagagamit. Naluluma at nasisira ang materyal na bagay dahil sa pisikal at specific na dahilan at maaaring tuluyan nang mawalan ng silbi. Pero ang immaterial ay di naluluma. Oo nasisira ito pero kadalasan ay dahil sa malabong dahilan at nawawalan ng silbi..ngunit by choice lamang. Ang material na bagay ay narerecycle pero ang immaterial ay naibabalik sa dati nitong estado at posibleng makaya pang higitan ang dati nitong kalagayan...sa pangalawa o higit pang pagkakataon.