Matagal tagal na rin akong hindi nakapagsulat at sobrang namiss ko talaga ang mag-share ng kahit ano na lang dito sa site ko. At dahil nag-uumapaw na sa utak ko ang mga bagay na gusto kong i-share sa inyo, sisimulan ko na at eto nga ang mga "softcore" at "hardcore na mga naencounter ko recently.
Hardcore: Ang Pagbabalik Eskwela ni Reyner
Habang umiinom ako ng kape isang umaga at hawak-hawak ang isang pirasong pandesal, bigla ko na lang naisip ang college life ko. Ang mga masasayang sandali kasama ang barkada, ang mga adventure sa exams at thesis, ang mga kabaliwan na sana hindi ko ginawa pero nagawa at napagsisihan ko na etc. ay ang mga bagay na nagpangiti sakin nung umagang yun. Wala pang 5 minutes ay nakapagdesisyon na kong mag-aral ulit. Eto nga at 2nd week ko na sa graduate school o yung tinatawag na masteral. Naeenjoy ko naman ito kahit kelangang gising ako 24 hours tuwing Saturday dahil yun lang ang araw ng pasok ko. Trabaho buong gabi ng Friday then aral buong maghapon ng Saturday. Alam kong mahirap ito pero dahil ginusto ko to, paninindigan ko to at pagsisikapan kong makuha ang Masters Degree na pinapangarap ko.
Softcore: Ang naghihingalong OKC ni Reyner
So, isang umaga nadatnan ko ang mga kapitbahay na nagdidiwang. Maya-maya pa ay nilapitan na ko ni Richie para isiwalat sakin ang dahilan ng selebrasyon...panalo ang Heat. Shet! yun na lang ang nasabi ko. Hindi pwede matalo ang OKC dahil ang dami kong kapustahan at dahil fan talaga ako ni Kevin Durant, sa OKC lang ako pumusta. Pag nagkataon nga ay lilipaprin sa hangin ang 600.00 ko dahil sa pagkatalo sa pustahan. Pero ayos lang,
habang sinusulat ko ito ay kakatapos lang ng game 4. Di pa tapos ang championship.at di pa rin ako nawawalan ng pag-asa...actually....malapit na ako mawalan ng pag-asa sa OKC... Ipanalo nyo yan OKC! Parang awa nyo na!
Hardcore: Abnormal ang tibok ng puso ni Reyner
Wala akong sakit sa puso at hindi ako tinatalaban ng mga cholesterol ng pares at mami na paborito kong kainin tuwing umaga sa tapat ng overpass, malapit sa pinagtatrabahunan ko. Pero lately, sobrang iba tong nararamdaman ko (basahin ang post na to para sa clue). Matagal ko na syang crush pero mula nung magkaroon kami ng chance na magkasama at magkausap in person...wow...she's so incredible...niyanig niya talaga ang mundo ko. :-) Pag nakikita ko sya, parang laging first time yung reaction ko. Hindi talaga nagbabago yung pagtingin ko sa kanya at parang tumitindi pa nga lalo yung nararamdaman ko para sa kanya. Ano ba tong nararamdaman ko Kuya Cesar? Pakiesplika naman po.
Softcore: Naextend ang mundo ni Reyner
Hindi naman sa burn-out kundi totally burned out na talaga sa pagiging call center agent kaya naghanap ako ng paraan na magpapaiba ng takbo ng routine ng buhay ko. Narealize ko lately na ang nature ng trabaho ko ang siyang nagbibigay ng kalawang sa utak ko kaya't para magfunction naman ito sa medyo ibang paraan ay talagang nagpursue akong pasukin muli ang unibersidad. Marami akong nameet na friends na galing sa ibat-ibang "walks of life". May police officer, may konsehal ng siyudad, may propesor, may bank employee, may tambay at may mayaman na bored lang kaya napadpad sa akademya. The best part nito, despite of differences ay nagkakaisa ang lahat at mararamdaman mo ang equality sa loob ng klase. Sabado ang ice breaker ng linggo ko. Mahirap man sigurong maintindihan ng mga kapwa ko call center agent, pero im having fun to what i'm doing. :-)
Hardcore: Si Honey...
Magtataka ka kung bakit lahat ng mga naunang title ng mga sub-posts ay laging may kadugtong na salitang "..ni Reyner".
Si Honey...siya ang pinakamalaking dahilan kung bakit ako masaya sa mga panahong ito. Siya yung dahilan kung bakit natutulog ako at nagigising na may built-in na ngiti sa mukha ko. Siya ang dahilan kung bakit mas naaappreciate ko na ang mas maraming bagay sa mundo. Matyaga nyang tinatanggal ang monotony ng buhay ko araw-araw.
Si Honey na noong una ay nagbigay ng abnormal na tibok sa puso ko pero ngayon ay...siya nang...nagmamay-ari nito. Ganunpaman, may isang malaki at seryosong bagay kung bakit hindi ko pwedeng itulad sa format ng naunang titles ang title ng sub-post na to. Kung anuman yun ay hindi ko na idedetalye. :-( Pero despite of that reason, buong buo ko siyang tinatanggap sa buhay ko at talagang proud ako sa kanya.
Kung magbabago man ang resulta ng naging pangyayaring yun sa buhay nya ay alam kong matatagalan pa.
Pero hindi mawawala ang pag-asa ko na ma
kumpleto pa rin ang title ng sub-post na to...
Hanggang dito muna mga kapatid dahil kelangan ko rin matulog. Ciao!