Wednesday, January 25, 2012

"Mahirap ka lang! Wala kang karapatang mahalin ako!"

Yan ang mga katagang narinig ng isang binata mula sa mayamang dalaga na matagal na nyang mahal at sa unang pagkakataon na nagpropose sya dito, sagad sa butong panlalait ang inabot nya.

"Wow! San ka kumuha ng lakas ng loob para magpropose sakin? Ang ginagastos ko araw-araw ay katumbas na ng pang-isang buwang sweldo mo. Mag isip ka nga! Di tayo bagay. Bakit di ka maghanap ng babaeng ka-level mo na mahirap at mababang uri at sya ang pakasalan mo!"

Lumisan na lulugo-lugo ang pobreng lalaki at pinilit kalimutan ang sosyal, alta sociedad at mapanghamak na rich girl na wala syang naging ibang kasalanan dito kundi ang mahalin ito ng totoo at buong katapatan.

10 years ang lumipas...

Sa isang mall:

Rich Girl: Hey! Ikaw pala Mr. Poor. Kumusta ka na? Alam mo bang may asawa na ako ngayon? Kasal na ko sa isang lalaking sumusweldo ng P200,000 kada buwan. Can you imagine? P200,000 at mas matalino pa sya kesa sayo! Hahaha!

Nangilid ang mga luha sa mata ng binata matapos marinig ang sinabi ng babae.

Ilang sandali pa at dumating ang asawa ni  Rich Girl  at bago pa masambit ng babae ang iba pang makapandurog pusong panghahamak sa tinawag nyang Mr. Poor na nasa harapan nya, nagsalita ang kanyang pinagmamalaking mister:

Mister: Oh Sir andito ka na pala! Syanga pala meet my wife. Honey, siya si Sir Randy at siya ang may-ari ng worth P2 billion project na itatayo sa area na to at isa ako sa mga assistant nya. Alam mo bang bachelor pa rin yan si Sir at hanggang ngayon ay hindi pa rin nag-aasawa dahil isang babae lang talaga ang mahal nya at gusto nyang makasama habang buhay pero ayaw ng babaeng ito sa kanya. Napakaswerte ng babaeng yun di ba honey? Kung sino man sya, its her lost to reject someone like Sir Randy who can love sincerely and perhaps eternally.

Rich Girl: Honey I'll just go to the restroom. Excuse me...Sir... (sinabi nya ito na hindi makatingin sa mata ng tinawag nyang "Mr. Poor").

@@@

Ang buhay ay hindi permanente sa isang bagay lamang. Magkakaroon ng pagbabago sa paglipas ng panahon dahil sa mundo, pagbabago lang ang tanging permanente. Wag maging mapangmata at wag maging mapagmalaki ng husto, baka magkapalit kayo ng sitwasyon ng taong hinahamak mo pagdating ng panahon. Respeto sa kung anumang pagkakaiba na meron kayo. 
At kung ang paniniwala mo sa pag-ibig ay pera-pera lang, ang masasabi ko sayo...ang masasabi ko sayo ay....(ayoko na magmura. nirerespeto kita kung yan ang paniniwala mo.)

Tuesday, January 10, 2012

Usapang Sex Scandal



Pag sinabing sex scandal...big tym yan. Meron kang Paris Hilton, Kim Kardashian, Katrina, Hayden at ngayo'y Janelle na syang pinakabago at marami pang iba! Matindi ang epekto nito sa sambayanang manyakol. Marami ang interasadong makapanuod nito at hindi natin alam kung pati ang mga moralistang kilala natin ay lihim na nanunuod nito dahil sa curiosity sa kung paano nga ba makipag-sex ang isang sikat na personalidad.

Si Charles P. Ginsburg ang naglabas ng pinakaunang video cam nung 1950's. Napakahalaga ng role na ginampanan nuon ng video cam para sa media upang maipakalat ng epektibo ang impormasyon sa publiko. Sobrang mahal pa nun ng video cam kaya mayayamang tao lang ang afford ang instrumentong ito. May mga naglabasang sex videos nung 70's at 80's pero halos lahat yun ay mga tinawag na old school porn at hindi sex scandal. Sa pag usad ng panahon lalo na ng dumating ang 90's, eto na, naglabasan na ang mga sex scandal. Sumulpot na kase ang mga digital camera. Maraming mga celebrities ang nagbuyangyang ng kanilang mga kaluluwa sa harap ng publiko at yun ay hindi nila inaasahan. Nasadlak sila sa kahihiyan pero wala na silang nagawa dahil nagbunga na ang kanilang extreme sex adventure.

Dumating ang 20's at ang kapatid ni digicam na si internet ay ganap ng mature. Dahil sa kompetisyon ng digicam sa merkado, nagbagsak presyo ang mga digicam at dahilan yun para si Kuya ay bumili rin ng sinsabing digicam na umano'y kayang magrecord ng mga masasayang ala-ala nya nang mas malinaw at efficient. Pero isang araw, kumain ng bicol express si Kuya at nakita nya ang girlfriend nya na naka miniskirt. Dahil gusto ni Kuya na macapture ang mga unforgettable moments, kinuha nya ang consent ni Ate para ivideo ang gagawin nilang ritwal. Pumayag si Ate at nangyari na nga. Pagkalipas ng ilang araw, linggo o buwan...namiss ni digicam ang kanyang kapatid na si internet kaya gusto nya itong dalawin pero hindi nya alam kung paano. Buti na lang nailipat na ang kanyang video sa isang memory device at ready nang isalpak sa computer. Naghintay pa ng ilang panahon si digicam para mameet nya ang kanyang kapatid na si internet at natupad iyon nung araw na masira ang laptop ni Kuya. Dinala ang laptop sa repair shop at nang marescue ni Boy Demonyo si sex video sa flash drive, hindi ito nagdalawang isip na papasukin si sex video sa tahanan ng kanyang kapatid na si internet. Mula noon ay namalagi na si sex video kasama ang kanyang kapatid at si digicam naman ay hindi na makapaghintay na makagawa ulit ng pag-uusapan at pagkakaguluhang sex scandal!

Kung paano naging ganun kahalaga ang video recorder nung unang panahon ay ganun na ito ka-mapanira sa panahong ito. Pero masisisi ba natin ang pag-unlad ng teknolohiya na sadyang walang ibang pupuntahan kundi ang ika nga'y maging mas high-tech pa sa mga darating pang panahon. Kung umuunlad pala ang teknolohiya, ibig sabihin mas uunlad ang mga isipan natin at mas magiging mature tayo at responsable. Ang digicam, camcorder, iphone mong bago na may 8 megapixel o kahit yang mp5 mo na nabili mo sa Muslim, ang mga yan ay nagrerespond lang sa kung panu mo gamitin ang iyong freedom o kalayaan . Malaya kayong mag-lugawan sa harap ng camera kung yun ang magpapasaya sa inyo(Papa Jack?) pero responsibilidad nyo ang maayos na pagdispose nito upang hindi mabulgar. Kung mabulgar man despite na iningatan mo ng husto, wag ka manisi ng kahit sino o ng kahit ano, ginusto mo yan e..ginusto nyo yan. Hindi ako relihiyoso pero ang mismong pagtatalik lalo na kung di kayo mag-asawa ay malaki nang pagkakamali at mas malaking pagkakamali kung itoy irerecord nyo pa.

Boy: Irekord natin hon.
Girl: Ayoko
Boy: Sige na. Buburahin ko din agad.
Girl: Sige na nga.

Headline sa dyaryo kinabukasan: Isang sex video scandal, kumalat sa buong motel.

Girl: Shet ka! Kala ko ba buburahin mo agad! I hate you!
Boy: Hon, sensya na nahigaan ko yung cellphone pagkatapos natin e... di ko namalayan...nasend via blue tooth ... hu! hu! hu!..pero don't worry, nabura ko na hon. Ayan wala na oh.

@@@

Monday, January 9, 2012

Daily Routine ng Taong Single


Weekdays

8:30 pm- Gigising, tatanga sa tv ng mga 10 minutes. Magbibigay ng opinyon sa napanuod na balita. Magkakape, magyoyosi. 9 pm maliligo then pasok sa trabaho.

10:30 pm- Magsstart na magtrabaho, hihikab, masstress, magkakape ulet, kakain, magyoyosi, makikipagkwentuhan ng konti at pipiliting maging masaya sa tatlong 30 minutes na break sa loob ng 9 hours.

7:30 am- Labasan na sa trabaho. Tatambay konti tapos susuntok ng ilang ulit sa punching bag ng company gym then magdedecide na magbuhat ng barbel...magbubuhat pa ng ilang ulit pag natripan hanggang sa mapansin na nanggigitata na sa pawis at saka titigil. Titingin sa muscle at hahanga sa sarili sabay magtatanong sa isip..."shet, bakit single pa rin ako?". Aalis sa building pagkatapos ng 10-15 minutes na pagcheck sa FB (inaabot ng 30 minutes pag nakasabay yung type na girl sa internet kiosk).

9:15 am- Nasa bahay na. Busog na dahil nag-chow na sa nadaanang kainan. Anung gagawin? Manunuod ng balita o maglalaro ng Final Fantasy 9? Manunuod muna ng News To Go (nagpromote pa ng show) then maglalaro ng antique na PS game sa antique na PS1.

11:00 am- Showtime na. Sisilipin ng konti ang outfit ni Anne Curtis at pag ok, manunuod ng konti. Pag nabadtrip sa mapanghamak na punchline ni Vice Ganda, ililipat ang channel. May laro ang NBA, dun muna. Hahanga sa mga NBA players at mangangarap na sana ay ganun din ako katangkad. Ichecheck kung HYY na para magpantasya ng konti kay Toni Gonzaga at sa mga contestant ng My Girl. Magugutom.

12:00 pm- Lalabas ng bahay para maghanap ng foodtrip. Kung anong mapagtripang kainin, bibilhin, lalantakan at kung nagkataong kaharap ang pusa ng kapitbahay, isheshare sa pusa. Halos tapos na ang araw, magbebrainstorming ng konti- matutulog o hindi muna? Magbabasa? Magsusulat? Manunuod ng TV? Manunuod ng X? (x-men,x factor, :))Maglalaro ng PS? Maglalaba? Maglilinis ng bahay? Mag*******?

1:30 pm- Kadalasan ay tulog na pero minsan ay gising pa. Nakikinig ng mga kanta ni Baby Face o ng Eheads. Nagmumuni muni habang nakatingin sa kisame. Tatanungin ulet ang sarili... "shet, bakit single pa rin ako?"

8:30 pm- Magsisimula na naman ang monotonous, boring, one-sided at walang kathrill-thrill na daily routine ng "Taong Single".

Weekends

Depende kung anung trip. Pwedeng uuwi sa Bulacan o magsstay sa apartment. Pag umuwi sa Bulacan, either maglalaro sa PC hanggang tumilaok ang manok o magpapatadyak sa pulang kabayo kasama ang utol ko. Pag nagstay sa apartment, either matutulog maghapon at magdamag o magpapatadyak sa pulang kabayo kasama ang mga mukang kabayo este mga tropapips. May times din na lumalabas, pumupunta sa mall, pumupunta sa beach, sa falls, sa swimming pool at sa kung saan-saan pero..."shet, bakit hindi girlfriend ang kasama ko?"
 @@@

Boring dre, boooring ang maging single. Pero syempre inexagerate ko lang. Masaya naman ako kahit walang lovelife e. Tootoot! Tootoot!"Sana naging manok ka na lang. Para lagi mong inuupuan ang mga itlog ko." (Anu to? Sori nadistract ako nung txt ng kaibigan kong maligaya na kahit walang lovelife kasi kamunduhan at hindi pag-ibig ang naghahari sa pagkatao nya. tsk..Moving on...)
Masaya naman ako kahit walang nagtetext sakin ng "i love you, ingats bhe mmmhwa..". Pero i should admit na hinahanap hanap ko yun. Sa ngayon ang kinakapitan ko na lang ay ang pag-asa na someday...someday...darating din sya ng kusa at hindi ko sya kelangang hintayin. Darating sya na parang magnanakaw na hindi nagpapaalam at nanakawin nya ang puso ko at magmamahalan kami ng wagas at dalisay. Pag dumating yung time na yun, sisiguraduhin kong...sisiguraduhin kong...hindi yun yung kapitbahay ko.

Monday, January 2, 2012

It Will Rain by Bruno Mars (Animated Music Video by Reyner)



 
Just another boring post-2012 new year celebration. I was playing this amazing PC game called The Movies. All of a sudden, i heard a song called "It Will  Rain" by Bruno M. I got stuck for a moment while listening to its lyrics. From how I understood, the guy is begging her fiancee to stay and don't get affected by her parent's warning.The message is very vivid a dumb lover may easily understand what it means. Its really painful if you lost someone just because you can't bend what your parents ask you to do even it will impair your own happiness. 

So I rushed to my game and begin conceptualizing my customized music vid then afterwards work on making it close to Obra Maestra. It took 4 hours to complete the whole thing. I must say after i finally published this creation, my new year became amazingly complete. I hope you enjoy watching this one. :-)

Share