Monday, October 31, 2011

Love, Kamultuhan atbp.


Sa mga readers, sobrang pasensya na po talaga dahil sobrang busy ko po talaga this month kaya di ako nakapagsulat. Pero no worries dahil andito na po ako ulet para mag-share ng something sa inyo. Dahil undas ngayon, hayaan nyong i-share ko sa inyo ang mga makukulit na ideya na naglalaro sa utak ko habang nanunuod ng "Kababalaghan" ni Kabayan kagabi. Pero siyempre may twist ito at sinubukan ko talaga na iugnay ang lahat sa nag-iisang klasik na topic na ika nga ay "love":

1. Ang pag ibig ay hindi katulad ng multo na to see is to believe ang tema. Mas maihahalintulad ang pag-ibig sa hangin na kahit hindi mo nakikita ay paniniwalaan mong totoo. - Actually, ang hangin at multo ay may pagkakapareho din. Kung wala kang third eye, di mo makikita ang multo at forever na hindi mo makikita ang hangin. Pero hindi mo man makita ang mga ito, maaaring maramdaman mo sila. Tulad ng love, hindi mo makikita pero definitely, mararamdaman mo. Pero di tulad ng multo, ang hangin ay mahalaga at hindi mo kayang mabuhay nang wala ito. Parang love, although sometimes minumulto ka nito...ito pa rin ang oxygen na magbibigay sa'yo ng paliwanag kung bakit masarap mabuhay. :-)

2. Third eye sa paranormal, isang puso lang sa love- Ang ghost encounter at love encounter ay may pagkakapareho. Ayaw ng ibang tao na makakita ng multo at ayaw din ng iba na ma-fall in love. Ang iba nama'y gusto ma-in love intentionally na walang pinagkaiba sa mga naglalaro ng spirit of the glass para makaencounter ng multo. Pero di tulad nga sa paranormal na may third eye, sa love, isang puso lang ang dapat na magbukas. Yun nga lang, kapareho sa paranormal, may mga taong nahihirapan na buksan ang kanilang puso para magmahal tulad ng kung gaano kahirap buksan ang third eye para makakita ng multo.

3. Multo ng nakaraan- Marami ang takot sa multo ng nakaraan. Ang malagim na experience sa pag-ibig na nagbibigay ng matinding takot sa kanila para magmahal muli. Ngunit katulad ng multo, ang pag-ibig ay bumabalik at di mo maiiwasan na maencounter muli. Ang hindi lang tiyak ay kung ang dating multo pa rin ba ang magpapakita sayo o panibagong multo naman. :-)

4. Haunted heart at haunted house- Ang pusong inaagiw na sa katagalan ng panahon na hindi nagmahal o umibig ay tulad ng haunted house na pinamamahayan ng kung anu-anong kaweirdohan. Ang pinagkaiba lang ng haunted house sa haunted heart, ang haunted heart ay pwede ulet pamahayan ng pag-ibig na tanging pag-ibig lang ang maninirahan dito. Samantalang, ang haunted house ay maaari pa rin namang gawing tirahan pero di ka makakagarantiya na ikaw lang ang residente dito. May kakayahan ang puso na paalisin ang mga negatibong elemento na naninirahan dito at umibig muli nang puro at wagas...pero choice mo kung pananatilihin mo ang mga multo ng nakaraan mo sa puso mo tulad sa isang haunted house.

5. Doppelganger- Ang doppelganger ay term sa isang elementong nanggagaya ng itsura ng buhay na tao na nakikisalamuha sa iba pang buhay. Sa pag-ibig, ang doppelganger ay ang boyfriend mo ngayon na sinasabi mong mahal mo dahil...eksaktong eksakto at katulad siya ng ex-boyfriend mo. :-P

HAPPY HALLOWEEN!!!

Share