Saturday, December 18, 2010
Anung Meron sa SMP?
Ito yung basic na pakahulugan sa SMP. Ito daw yung mga single, walang boyfriend/girlfriend, walang asawa, walang kalive-in, wala man lang kahit ka-"complicated relationship". Kaya daw lumamig ang pasko dahil wala man lang mayakap, walang ma-hug, walang makapalitan ng "i love you" sa text o sa tawag, walang makaputukan (syempre ng pikolo, rebentador o kwitis di ba? pero pwede na din yung iniisip mo), walang palad na maapuhap o makaholding hands tuwing fireworks habang sinasabi ang katagang "i love you baby, ang ganda ng fireworks nu? (namangha lang sa fireworks at malakas ang loob magsabi ng i love you dahil malakas ang putukan)".
Ano ngayon kung single ka ngayong pasko? Ano ngayon kung wala kang someone na malalambing at sasabihan ng:
Boy:Mahal, Merry Christmas. Sana di pa ito ang huling paskong magkakasama tayo. (kung wala pa kong mahahanap na kapalit mo.)
Girl: Merry Christmas din mahal.(Sana next year iba naman. Bad breath ka e.)
Single ka man ngayong pasko hindi problema yan. Aanhin mo naman ang karelasyon kung di naman talaga kayo nagmamahalan? :
Boy: Ayoko maging member ng SMP. Kelangan ko magkasyota.
Girl: Di na ako magiging member ng SMP dahil andito na sya.
Magiging sila para maglokohan. Magtatagal ang relasyon nila ng isang taon dahil January next year magbebreak na sila.
Bakit ka mag aalala sa pagiging kasapi ng SMP? May love partner ka nga ngayong pasko tinetake for granted ka lang naman:
Girl: Shet naman tong boyfriend ko alang kwenta. Kung di lang pasko bebreakin ko na tong basurang to e. Tsaka kung di lang dahil dito sa Black Berry na regalo nya sakin...naku. (choosy pa si ate? alang kwentang gf.)
Boy: Di ko sya maintindihan kung bakit parang CEO ng Meralco ang turing nya sakin. Ilang pasko na ding ganito. Kung inipon ko sana yung nairegalo ko sa kanya baka naipagamot ko at magaling na sana ngayon yung kapitbahay naming may TB. (ngayon isang bulate na lang ang di pa pumipirma para tuluyan ng madedo yung kapitbahay nila). Tsk.. mahal ko ba talaga sya? O baka naman sinusubukan nya lang ako.
(kawawa naman si kuya, ang totoo'y wala syang pakelam sa SMP dahil mawalan man sya ng gf ngayong pasko...sangkatutak naman ang nagmamahal sa kanya na mga kapamilya at kaibigan dahil sa sobrang bait nya....bulag at tanga lang talaga sa pag ibig ang malas na si kuya. nangyayari talaga yung ganun...huhuhuhu...nakakarelate ka ba? ako din e. huhuhu..)
Hindi mahalaga kung meron ka mang love partner ngayong pasko o wala! Ang mahalaga ay inienjoy at naeenjoy mo ang buhay kahit mag isa. Meron ka ngang karelasyon pero kabilang ka naman sa uri ng relasyong unang nabanggit, wala din, jejemon ka pag ganun. (ahehehe.. panu napasok jejemon dun? gulo nu?)
Sabi nga ni father nung minsang nagsimbang gabi ka na mag isa (at wala man lang masandalan ng ulo pag di na kinaya ang antok) "Ang pasko ay pagdiriwang para sa kapanakan ni Hesus na panginoon. Tanggapin mo sya sa iyong puso at magiging maligaya ka ngayong pasko." Ibig sabihin, hindi lang gf,bf,asawa o kabet (bigla ko naisip yung market! market! Ultimate Fighting Championship) ang magpapasaya ngayong pasko. Tingin ka lang sa paligid mo at makikita mo na nasa paligid mo lang ang mga taong magpapainit ng pasko mo (ooops.. dont get me wrong. hindi mga bading ang tinutukoy ko dito. kala mo ha. hmmm..). Andyan ang nanay mo (nestea commercial ito?), erpat mo, mga kapatid mo, mga kapatid mo sa labas, mga pamangkin mo, mga inaanak mo (o wag kang tumago..) mga tropa mo, bespren mo, kapitbahay mo at madami pang iba. WALANG DAHILAN PARA MALUNGKOT KA NGAYONG PASKO DAHIL LANG SA PAGIGING MIYEMBRO MO NG SMP! Maraming mga bagay na pwedeng magfulfill ng pasko mo at magpapasaya sayo. Kaya wag ka sanang magpanggap na "in a relationship" ka at baguhin mo na yang facebook status mo. Mas mabuti ng maging single kesa magkaron ng imaginary bf teh!
Huling Hirit:
"Maaaring naging tunay ang pagmamahalan nyo at naging maligaya kayo...di nga lang umabot ng pasko. Mabuti na yun kesa ilang pasko na ang dumaan na magkasama kayo pero nananatili pa rin kayong naglolokohan. hehe.."