Sa loob ng tatlong taon na pagba-blog ko about love and relationship, wala pa ko nameet na reader ko na kasing honest ng kaofficemate ko na yun na hindi ko na irereveal ang identity. Honest sya in a way na talagang sasabihin nya ang totoong feedback niya sa sa mga entries ko and she even compare them sa mga experiences nya. On that way, talagang naaappreciate ko sya and I thank her kase nasheshare din nya yung mga thoughts na wala pa ako.
One day, she called my attention to ask me about what she needs to do. She wanted to know kung paano makipag-deal sa kanyang partner na para bang walang plano sa buhay at hinndi nya kinakikitaan ng seriousness sa relasyon. Nafeel nya na parang wala syang security sa iba't ibang aspeto sa relasyon nila. Isa sa mga article ko na nabasa nya ang naging cause para iopen up nya saken ang problema nyang to(ang blogpost kong yun ay may title na "Mahirap ka lang! Wala kang karapatang mahalin ako!". ) Ayaw nya dumating sa point na maging tulad nya ang character na babae sa kwentong nakapaloob sa blog entry ko na yun dahil naniniwala sya na may potential ang bawat isa na ma-improve ang quality ng buhay nila. Initially, sinabi ko sa kanya na dapat ay wag mauuna ang judgement at kung kelangang siya na ang gumawa ng paraan para lang malaman ang tunay na hangarin at mga plano ng partner nya ay gawin nya. Madami kami napag usapan nun pero hindi ko na idedetalye lahat. For the purpose of this post, pinili ko lang yung isang part na kung saan ay nagbigay ako sa kanya ng isang mahalagang view tungkol sa mga mga lalaki.
Hindi talaga kami actual na nag-uusap in person kundi sa chat lang during unbusy hours sa work. At ito nga ang naging response ko sa kanya na copy pasted na lang sa original na reply ko sa chat nya.
------
You sound too serious pagdating sa relasyon and im not sure if ako lang ang nakapansin nito. I dont know u that much pa and because we have our different beliefs and philosophy sa pakikipagrelasyon, I can't be very specific pa on my responses and reactions base sa personal situations na shinare mo saken. So for now i can only give you few general facts about guys na pwedeng makatulong sayo (somehow) until we get chance na magkausap in person, we can continue giving answers about the "why's" of life and love.
Facts about most of the guys pagdating sa pera at pagpaplano:
1. "i can get money in many ways." or "i can earn a living in many ways."- base sa survey, mas maraming babae ang nakapagtapos sa studies at nakakuha ng blue collar jobs kesa mga lalaki dahil literal na maraming lalaki ang hindi naniniwala na kelangan nilang i-work out ang future nila through education; na kaya nilang mabuhay sa maraming paraan. ito yung selfish na side ng mga lalaki na narerealize lang ng marami na mali pag tumanda na sila. unfortunately, pag naisip nilang maghanda na para sa future nila kase either may family na sila, its too late na. ito yung dahilan kung bakit maraming lalaki na maginhawa ang buhay nung binata pa at naghihirap nung nagkapamilya na.
2. "i can have money if i want to, so why do i save it?- dahil over confident na kaya nilang magkapera agad pag ginusto nila, di sila nagsesave ng pera. makikita mo yan sa kung panu sila gumastos sa pakikipagdate despite of their financial status na obviously, di naman ganun ka well off. yung perception din na kayang i-sustain ng trabaho nila yung financial needs nila ang isa sa dahilan kung bakit di sila nagsesave. at dahil most of the guys think life is about hapiness lang, nabubuhay sila sa kasalukuyan lang and ni hindi nag-aattempt na magsave for the future. in relation to this and to convince you more, watch or read news and observe kung sino ang laging laman ng balita about mga panghoholdap, pagnanakaw, kidnapping...mga lalaki. coz they believe that they can earn money right away, whenever they need it. (pero hindi naman lahat ay ganyan).
3. "why plan if things can be instantly obtained?"- ang planning para sa relasyon sa karamihan ng mga lalaki ay sign ng pagiging feminine at dahil masculinity dictates that we can have things right here, right now, then why do we plan? sa part na to nagpe-play yung role ng babae as a planner. opposite kase ng lalaki, ang babae ay concern sa future. ang problema naman sa babae pagdating sa relasyon, dominated sila ng superiority ng lalaki at nagiging submissive lang sila. in effect, di sila nakakapagcommunicate ng maayos kay guy kung ano ang gusto nya mangyari o planuhin. or masabi man nya kay guy, at napansin ni guy na di sya masyadong confident, babalewalain lang din sya. ang ending, makikipaghiwalay si girl kase iisipin nyang wala syang security sa relationship na yun.
Base on the mentioned things above, you may think na girls need to understand guys deeper than they usually do. Sometimes, it sounds like girls are obliged to understand guys since sila yung by nature, may kapasidad na mag-isip ng mas malawak lalo na sa relasyon. but of course girls may think na hindi fair kung laging sila na lang ang uunawa which is true naman. so dapat, both should meet halfway pag ganito yung situation.
no relationship will last kung walang unawaan. unfortunately, kokonti lang ang totoong may sense ng tunay na pag-unawa, mapababae man o mapalalaki. it also varies and depends on situations and to people. so to be on a safe side, dont settle down just yet hanggat hindi ka pa handang unawain nang mas malalim ang mga bagay-bagay sa loob ng isang relasyon. take time para pag-aralan ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa pakikipagrelasyon. hindi kelangan magmadali at lalong hindi advisable na magpadalus-dalos sa desisyon. i dont advise to learn from mistakes kung alam mo na ang kahihinatnan ng pagkakamaling magagawa mo.
look after change and make sure that the change you are looking after is the change for the better.