Wednesday, November 20, 2013

Kwentong Volunteering

1460043_555248791219127_974168327_nNaranasan mo na ba magbuhos ng oras at pagod na walang hinihintay na kapalit makatulong lamang sa mga nangangailangan? Eto ang kwento ko.

Linggo, ika-17 ng Nobyembre, boring, nakakatamad at parang gusto kong mahiga na lamang. Dapat ay papunta ako sa Villamor Airbase pero naging malabo ang usapan sa plano kong samahan na grupo kaya pinasya kong mag stay na lamang sa bahay kasama si G at magpakabulag sa sangkatutak na movies sa PC ko. Biglang nagtxt si G para tanungin kung anung gagawin sa araw na yun. Ito ang reply ko: “Maglalaboy tayo…indefinitely.”

Pagkatapos magfoodtrip, tulog naman. Ipinahinga ko ang hapo kong katawan sa isang linggong trabaho, aral at puyat. Gabi na nang marealize kong hindi pwedeng walang mangyari sa araw na ito. Nagpasya kami ni G na tumungo sa Resorts World Manila. Bakas sa mukha nya ang malalim na tanong kung ano ba talaga ang gagawin namin. Lakad, lakad at lakad pa sa loob at labas ng mall na yun. Hanggang sa maisip ko na bat di kaya dumiretso na kami sa Villamor Airbase at kumuha ng pics ng mga dumarating na survivors sa Manila. Tapos uwi na din. Sunod na napansin ko, nasa Villamor Airbase na kami.

Suot ang makasaysayan kong rubber shoes, pantalon at Pilipinas shirt, nagpalakad-lakad na naman ako kasama si G na nakaredshoes at white pants pa na akala ay magsstroll lang kami kung saan. Umakyat kami sa Grandstand ng airport at tumambad saken ang kalunos-lunos na itsura ng sangkatutak na survivors na inaasikaso ng volunteers at DSWD. Dun ko na niyaya si G para magparegister…para magvolunteer…para makiisa sa pagod na dinadanas ng mga nais makatulong.

Napunta kami ni G sa counseling team na kung saan ay in charge kami sa pag-stress debriefing ng mga typhoon survivors. Nagdoubt pa nga ako sa kapasidad ko sa task na ito dahil malayong kamag-anak lang ng Psychology ang course na tinapos ko unlike kay G na Psychology talaga ang background nya. But equipped with pure heart, spirit and determination na makatulong sa mga nasalantang ito…magiging adventurous ang gabing ito, nasabi ko sa sarili ko.

Halos hindi ako makapagsalita sa unang pamilya na inassist ko. Halos hindi ko mahagilap ang mga dapat kong itanong sa kanila. Nang lumabas sa bibig ko ang unang tanong sa unang survivor na nakausap ko (“Kumusta po kayo?”) halos bumulwak ang luha sa mga mata ko sa kanyang isinalaysay. Dalawang araw na pumila para makasakay sa eroplano papunta sa kamag anak sa Manila. Sa dalawang araw na ipinila nila, gutom, puyat  at hindi masukat na stress ang kinaharap nila. Hindi sila nakakatulog ng maayos pero habang nasa pila, tulog man sila o gising ay paulit-ulit na inaatake sila ng bangungot na dulot ng bagyong Yolanda. Paulit ulit na hinahagupit ng mapait na ala-ala ang mga puso at isip nila tuwing babalik sa gunita nila kung panung sa mismong harapan nila ay tinangay ng malakas na hangin ang bahay nila at nilubog ng baha ang kanilang kabuhayan. Ginawa ko ang best ko para ibahagi sa kanila ang mga bagay na alam kong dapat nilang gawin para malagpasan ang krisis na yun lalo sa aspetong psychological. Pagkatapos ng stress debriefing, walang kasing-rewarding ang makita ang mga ngiti na para bang papasikat na araw na unti-unting gumuhit sa kanilang mukha. Tumaas ang energy ko at tulad ng orasan na walang pagtigil sa pag-ikot, ginamit ko ang bawat sandali para makapagbigay ng kapanatagan sa iba pang mga survivors.

1452518_555249454552394_1722451197_nPagod na ang lampas kalahati ng mga volunteers at staffs ng DSWD nang maghahatinggabi. Pero walang tumitigil sa pagkilos. Habang kumakain ang mga kararating lang na mga survivors, tumulong na rin ako sa mga marshalls na magbigay sa mga tao ng mga pangangailangan nila mula sa mga donations. Katawan at utak ko na ang magkasamang napapagod pero wala akong regret, nag-eenjoy ako sa ginagawa ko. Sa kabilang banda, ang aking si G ay walang complain, tuloy din ang pagkilos.

Mula sa pagtulong sa isang hindi alam kung panu hahanapin ang kaanak sa Manila hanggang sa pagcomfort sa batang pati tunog ng eroplano ay kinatatakutan, hindi ako pumili ng kahit sinong nangangailangan ng assistance dahil lahat sila ay biktima. Hindi ko malilimutan si Ana, isang 10 year old na batang babae na bakas na bakas ang matinding anxiety sa kanyang mukha. Hindi alam ng kanyang ama ang gagawin sa bata. Sobrang payat na nito at bahagya lang kumain. Kinausap ko sya at inalam kung anung nangyari. May mga kalaro syang napasama sa 4,000 na mga namatay at kahit ang pagkakataong makumusta man lang ang mga kaklase at teachers nya ay hindi nya magawa. Pero gustuhin man nyang makasama ang mga kaibigan, pinili na rin nyang sumama sa Maynila dahil ayon sa kanyang ama, baka hindi makarecover agad ang anak nya habang nasa lugar na kung saan ay naganap ang matinding trauma sa buhay nila. Pagkatapos kong kausapin ang kanyang ama, bumalik ako kay Ana at sa paraang maiintindihan nya ay ipinaliwanag ko sa kanya ang mga nangyari at kung panung ang isang tulad nya ay makakaraos sa krisis na iyon. Positive ang response nya. Napansin kong may pagkafashionista ang batang ito at ang ending? Naging counselor/fashion consultant ako ng kanina lang ay puno ng lungkot na si Ana at ilang saglit pa ay naghahanap ng fitting room sa gitna ng airport/evacuation area. Salamat pala sa mga nagdonate ng mga damit, sa ganda at quality ng mga damit na idinonate nyo, baka magmula pa sa mga taga-Samar ang susunod na Next Top Model. Ooops..wala nga pala ako alam sa fashion so maaaring ako pa ang naturuan ni Ana sa part na yun. Ahehe..

1465182_555249021219104_909525656_nTumatakbo ang oras at 6 hrs, nonstop na kami ni G na nagvovolunteer. Lagi ko syang tinatanong kung kaya pa at kaya pa naman daw. So sige, tuloy ang aksyon. Isang pamilya naman ngayon na galing sa Brgy. Guian sa Samar ang inassist ko. Iba na ang approach ko ngayon sa pakikipag-usap. Mas cool na at ewan ko kung standard pero effective din pala ang mag-crack ng mga jokes na para bang nasa tindahan lang kayo ni Aling Puring at umiinom ng malamig na sopdrings na nasa plastik.

Me: Ate kumusta kayo? Mukang nastress kayo ng konti. Sori dahil di natuloy shooting nyo sa Tacloban dahil sa bagyo.

Ate: (sa salitang War-log=Waray+Tagalog) Ay anu ka ba. Di naman ako artista.

Me: Ay sori kala ko si Marian Rivera ka po na nagulo lang ng konti ang hair.

Hagalpakan ng tawa. Pagkatapos ng tawanan ay naisalaysay nya saken ng buong buo ang nangyari at parang soap sa TV, may iyakan din na nangyari…pero walang malisya yakap ko sa kanya ha. Para macomfort lang (wag judgmental ok?)

Isa pang klasik:

Me: Boy ikaw ba ay nakapag-paalam sa girlfriend mo?

Boy: Hindi nga po kuya e.

Me: Ikaw ba ay magiging loyal sa gf mo ngayong nandito ka na sa Maynila?

Boy: Ay oo naman kuya. Ay san po pala pwede makigamit ng cp kase nasira po cp ko, sim lang naisalba ko.

(Sinamahan ko sa libreng tawag at text booth)

Boy: Kumusta ka na dyan Yolly? Andito na ko sa Manila.

Me: Anug pangalan ng gf mo?

Boy: Yolly po.

Me: Short for?

Boy: Yolanda

Me: Nagpramis ka ha. Hindi mo iiwan yan.

Boy: Opo.

Me: Magaling kung ganun.

Another one:

Sa CR habang pila-pila ang gumagamit. May lumapit saking babae. Nakiusap kung pwede gumamit ng CR ng lalaki dahil blockbuster nga yung sa babae. (Ako ngayon ay counselor/fashion consultant/utility) Go lang ate. Ako bahala. Nagkekwentuhan pa kami ni Ate habang nasa loob sya ng cubicle ng dumagsa ang mga lalaki at kanya kanyang pwesto sa urinal. Ang iba ay naghihintay mabakante ang cubicle. Nagpapawis na ko ng gamunggo dahil ako lang ang naka-ID ng volunteer sa CR at alam ng mga lalaki na ako nag nagpapasok sa babae. Paglabas ni Ate sa cubicle, mistulang dinaanan ng Yolanda ang mga lalaki sa urinal sa lakas ng patak ng ihi dahil sa pagmamadali. Nang makalabas na kami ni Ate ng CR, nagpasalamat sya saken habang ang ibang lalaki ay chinecheck kung tamang CR ba talaga yung napasukan nila. At least walang nabitin sa pag-ihi at lahat ay nakaraos.

Hindi lang sa mga survivors nagkaron ng nakakatawang experience kundi pati na rin sa mga co-volunteers ko.

Sa clothing section:

Me: Bro damit naman para kay lola please.

Bro: (Iniaabot saken ang evening gown)

Me: Ahmmm… Hindi pa nya kayang dumiretso ng party after nito pre. Magpapahinga muna daw sya. Pwede yung mejo pambahay lang?

Bro: Ay sori pre.

(At saglit naging comedy bar ang clothes section na dahilan para mawala ang antok ng mga puyat na volunteers.)

1461205_555249284552411_192942033_nNang almost 10 hrs na kaming nakaduty ni G, lumabas na ang mga signs na talagang pagod na kami. Pero dahil napakarami ng nangangailangan ng assistance, di pa rin kami humihinto. 1390470_555249151219091_2039513140_n (1)Pagkatapos kong isakay ang isang pamilya sa taxi na hindi sinuwerteng makatyempo ng volunteer na maghahatid (mula sa Oplan Hatid na talaga namang napakalaking tulong sa mga survivors na magtatravel sa M. Manila at karatig probinsya) bumalik ako sa airbase para kumustahin naman ang isang mag-ina na ki-nounsel ko din. Inindorse ko sila sa dalawang madre for spiritual guidance. Laking gulat ko nang maging ganun na lang ang pasasalamat saken ng mag ina at pati ng mga madre. Pinagtagpo ko ang dalawang relatives na dekada na ang nakakalipas bago muling magkita…si mother superior at si nanay. Niyakap ko ang mag-ina bago ako umalis pero humirit si Sister.

Sister: Anak, akin na ang cel number mo.

Me: Ay sure po Sister. Bakit po pala?

Sister: May opening sa seminary. Tulungan kita magpari.

Me: Di nga po. Seryoso?

Sister: Alam mo anak, kahit di mo na kami tinawag, ramdam ko ang spiritual guidance na naibigay mo sa mag-ina.

Me: (My god nag-adrenaline rush ako, naalala ko lahat ng mga verses sa bible na sinabi sa isang channel sa TV na aksidente ko lang napanuod.) Ahhmm…itutuloy ko na lang po pagiging public servant sister. Magugustuhan din naman po nya yun (sabay turo sa taas) di po ba?

Sister: Magpapari ka anak, magpapari ka. Ok?

Gisselle: (Worried)

Pagkatapos ng halos 12 hrs na volunteering works sa Villamor Airbase, pauwi na rin kami sa wakas. Magkakahalong emosyon ang naramdaman ko. Saya, tuwa at lungkot. Saya dahil sa isang hindi malilimutang experience. Tuwa dahil kahit hindi ko talaga to pinlano ay nangyari ito at higit pa sa ineexpect ko ang satisfaction na naramdaman ko sa pagkakawangawa. Lungkot dahil sa napaikling panahon na nakasama ko ang mga kapwa ko Pilipinong buong tapang na hinarap ang malaking hamon na ito sa kanilang buhay…saglit ko lang silang nakasama at mawawalay na ko sa kanila. Mabuhay ang mga mga survivors ng typhoon Yolanda! Hinding hindi ko kayo makakalimutan.

1452064_555249201219086_520123428_n

Friday, November 8, 2013

Makibonding sa Sarili…pag may time

May time na gusto mo nasa isang sulok lang at nakatulala, nag iisip kahit di naman malalim ang iniisip. Gusto mo lang makalayo sa mga bagay na nasanay kang kasama. Di mo alam kung bakit. Siguro for a change? Pero kung madalas nang nangyayari sayo to at mukhang naa-isolate ka na. Wag mong sayangin ang ginagawa mong pag iisa para tanungin ang sarili mo. May problema ba? Wag sayangin ang pagkakataon na yun para makibonding sarili.

Marami ang may gustong palaging may kasama, palaging may kakwentuhan, katawanan at kakulitan. Hindi sila kuntento na mag-isa lang at nakatengga sa isang sulok. Pero hindi man nila aminin, may kung anung nagsasabi sa likod ng isip nila “try mo din kausapin ang sarili mo pag may time”. Sabi ng isa sa mga kaibigan ko, hindi daw magandang idea ang gumawa ng space para lang makapag-isa. Kelangan daw natin palagi ng kasama, ng mga taong makakashare natin ng mga ating mga thoughts. Pero pansinin mo ang nagiging takbo ng mga interactions ng mga tao pag habitual na o yung palagian na lang. Nagiging dull, at worst nawawalan na ng sense ang mga pinag-uusapan. Yet, if you look at them, masaya pa rin sila nagtatawanan sa kahit anung bagay na lang na napapagkwentuhan na mostly kababawan na. Therefore, minsan hindi na yung kung panu tayo makikipagcommunicate o makikipag interact sa tao ang nagpapasaya o nagbibigay ng enjoyment satin kundi yung mindset natin na “masaya kung hindi nag-iisa”. Ewan ko kung may mag-aagree saken pero minsan, tinetake for granted na lang natin ang pakikipag-socialize sa kapwa.

HIndi ko sinasabi na masaya maging loner. Dahil malamang hindi ko naman pinu-point na maging loner ka. Ang sinasabi ko lang, try to talk to yourself minsan. Try to understand yourself. Ask mo sarili mo, bakit may times na kahit andyan ang tropa, di pa rin ako masaya? Bakit may times na kahit nasa gitna ako ng gimik o party, di pa rin ako masaya? Bakit may times na kahit sangkatutak ang mga kabarkada ko, hindi pa rin ako masaya? Kase marahil ay may namimiss ka…ang sarili mo.

Sabi daw ang pagmamahal sa sarili ay nakikita sa kung ganu kaayos ang appearance ng isang tao. Kung neat kang tingnan, maganda ang porma, mahal mo sarili mo. Palagay ko hindi sa lahat ng oras. May mga taong kapag kasama ng isang grupo ay okey, parang walang problema pero oras na makapag-isa ay parang kawawa dahil sa lungkot dulot ng kung anuman na pinag-dadaanan. Despite na ganun ang sitwasyon nya kapag mag-isa na lang, BB, FB chat, txting pa rin ang nakakaugalian nyang asikasuhin kung wala talagang makausap sa paligid nya. Pipilitin nyang wag isipin ang pinagdadaanan nya at ida-divert sa ibang bagay. Hindi ko sinasabing mali ang way na yun para maibsan ang lungkot pero kung never mo pa nakausap ang sarili mo ng masinsinan at puro diversion lang ang ginagawa mo…hindi mo sinusolusyonan ang problema mo. Para kang isang bangkang naglalayag na may butas na imbes na tapalan mo ang butas ay nililimas mo lang ang nakapasok na tubig sa iyong bangka at itutuloy ang paglalayag sa sandaling nalimas na ang tubig.

Kung sa tingin mo ay kelangan mo ng time para mag-isa, go ahead. Find some place na kung saan ay pwede kang umiyak, pwede ring tumawa mag-isa, kumustahin at kausapin ang sarili at sa puntong aalis ka na para makuhalubilo muli sa tao ay sabihin mo sa iyong sarili…”babalik ako. hanggang sa next time na bonding natin.” Smile

Sunday, August 18, 2013

Ulan

Isa sa mga gusto kong gawin pag maulan? Gumawa ng tula. Heto ang isa sa mga tulang nagawa ko ngayong maulang umaga ng Linggo:

ULAN

hindi sumikat ang araw ngayong umagang ito
siguro'y nahiya dahil sa ganda ng ngiti mo
kahit gaano man kaganda ang umagang may liwanag ng araw
mas gugustuhin kong magising na maulan at ikaw ang kaulayaw

sa bawat pagpatak ng ulang tikatik
pusong kong hawak mo'y tuloy ang pagpintig
parang champoradong kahit ubod ng init
pilit nating pagsasaluhan katulad ng pag-ibig

hindi tayo maiinis, hindi tayo magagalit
magiging masaya tayo, umulan man o uminit
kahit anong panahon, ikaw lang ang mamahalin
at kahit anong panahon, ikaw lang ang susuyuin

sa loob ng mga ulap, doon ay nagkukulong
ang luha ng langit na papatak sating bubong
sa sandaling dumating na ang hagupit ng ulan
magiging payong mo ang pag-ibig kong walang hanggan

lahat ng tag-ulan ay walang kasing sarap
kung ang taong mahal mo ang kapiling at kayakap
sa gitna ng tag ula'y bumubuo ng pangarap
at kahit bumaha pa'y hinding hindi matitinag

Tuesday, July 30, 2013

11 na mga Kakaibang Tradisyon sa Kasal

Inspired by my Professor sa graduate school, nagkaroon ako ng interes na magsaliksik sa mga weird na traditions sa kasal sa buong mundo. Nagsimula akong maamaze sa tradisyon sa India na kung saan ay kelangang magbayad ang babae sa lalaki para makasal. Sa paghahanap ko sa internet, nakita ko tong “25 Extremely Strange Wedding Traditions” at nacurious ako kung anung tungkol dito. Pumili ako ng ilan sa pinaka-nakaagaw ng atensyon ko mula sa site na to at eto na nga ang mga yun:

1. There is a group of people called the Daur that live in Chinese Inner Mongolia. In order to finalize the wedding date the bride and  groom are required to kill a chick while holding the knife together. They then proceed to gut the chick and inspect it’s liver. If the liver looks good then they are allowed to set a date. If not, then they have to repeat the process until they find a satisfactory liver.

Bride to be: Syet darling, bakit ba hindi tayo makakuha ng magandang atay ng sisiw? E halos nauubos na mga sisiw natin ah. Pati yung binebentang sisiw na may mga kulay dun sa piyesta na pinakyaw natin ubos na. Ano bang pinapakain mo sa mga yan at ganyan ang itsura ng mga atay nila?

Groom to be: Hmmmm... kwek-kwek darling. Pinapakain ko sila ng kwek-kwek.

Bride to be: Kaya naman pala. Ayan tuloy nagka-hepa sila. Tsk. Ang tanga mo!

Groom to be: Haisst.. Mali.

2. In India women born as Mangliks (an astrological combination when Mars and Saturn are both under the 7th house) are thought to be cursed and likely to cause their husband an early death. In order to ward of this curse they must be married first…to a tree. The tree is then destroyed and the curse is broken.

Nanay: Anak Mangliks ka. Kelangan mo magpakasal sa puno.

Bride to be: Ay talaga Nay? Anung puno naman ang pakakasalan ko?

Nanay: Di pa nakakapagdecide kung Narra o Yakal. Pero Medyo matatagalan pa dahil kelangan pang kumuha ng permit sa DENR. Relax ka lang muna dyan.

3. For tribes of the Tidong community in Northern Borneo newly married couples are required to be confined to their house while not emptying their bowels or urinating for three days and nights.

Newly wed guy: Tangna. Kung itong tradisyon na ito ay ginagawa bago ikasal, Di na ako magpapakasal sa'yo! Ang baho mo! Nakakaturn-off ka!

Newly wed girl: Tanga wala pang tumatae satin. Yang naaamoy mo, hininga mo. Kase naman, di naman sinabi na bawal magtooth brush. Tooth brush-tooth brush din pag may time. Tsk..

4. In Fiji not only are men expected to ask their father in law for his daughters hand in marriage, they are also expected to bring him a whale tooth.

Aspiring Husband: Syet! Wala na bang ibang option? Hindi ba pwedeng kahit ngipin na lang ng janitor fish? Haisst.. nakakastress mag-asawa dito sa Fiji!

5. In Southern Sudan people of the Neur tribe believe that the marriage is not complete until the woman has had two children. If she fails to do so, the groom is able to seek a divorce.

Husband: 2 years! 2 years na ko naghihintay sa pangalawa nating anak. Hanggang kelan ba ko maghihintay?! Pag naasar ako ide-divorce na talaga kita!

Wife: Ay ang kapal ng mukha. Kung di pa nga ako dumiskarte ni hindi tayo magkakaroon ng kahit isang anak man lang. Baog! Baog! Baog!

6. In Sweden, whenever either the bride or groom leaves their table to use the restroom the other gets kissed a lot. If the groom has to go to restroom, then every guy in the reception will get a chance to kiss the bride and vice versa.

Poging dating Klasmeyt ni Groom sa Hayskul: Te tagay ka pa. Dami pang alak oh. Hehe...

Bride: Bakit ako pinapatagay mo ng pinapatagay? Di ba dapat si Groom? Hi,hi..

Poging dating Klasmeyt ni Groom sa Hayskul: Ang tagal kong hinintay tong pagkakataon na to te. Syet, wag kang epal. Ok?

7. In Yugur culture (an ethnic Chinese minority) the groom will actually shoot his bride with a bow and arrow before the wedding…three times. Ok, so the arrows don’t have arrowheads, but still, thats like getting shot with rubber bullets. Once the deed is done, the groom will collect the arrows and break them, thus ensuring that they will love each other forever.

Groom: Pa bakit di natuloy yung una mong kasal sa ibang babae at si nanay ang nakatuluyan mo?

Groom’s father: Wag mo na itanong anak. Sadyang hindi lang talaga magandang sports ang archery.

8 . In some parts of India the groom is required to take off his shoes before approaching the wedding altar. As soon as he does this mayhem ensues. Everyone from the bride’s side of the family tries to steal them while everyone from the groom’s side of the family tries to protect them. If the bride’s family succeeds in their endeavor, then they are allowed to hold the shoes hostage until they get paid a ransom.

Eksena bago ang kasal:

Groom: Bhe mahal na mahal kita. Di kita iiwan.

Bride: Mahal din kita Bhe. Lab yu. Mmmwahh..

Groom: Teka lang Bhe ha. Haisst ang kati…hmmmm ang kati talaga….Syet ang kati! Ang kati ng paa ko!! Ang kati ng mga daliri ng paa ko!!!

Bride to be: (nagtxt sa mga kapamilya) “Kung mahohostage nyo ang sapatos nya…please…wag nyong subukang isuot… nakakamatay ang ALIPUNGA nya.”

9. Although no country in the world officially recognizes human/animal marriages it is practiced in many countries like India to ward off bad spirits.

Girl: Di ako makapaniwala na kelangan ko magpakasal sa hayop dahil dito sa umaaligid na bad spirit saken. Friend may suggestion ka ba na hayop na pwede ko pakasalan? Gusto ko yung mabait ha tsaka friendly.

Friend ni Girl: Daga

Girl: Leche bakit daga? Mabait nga tsaka friendly e tapos daga?

Friend ni Girl: Gaga di pa ko tapos. Daga…si Doding Daga. Kung gusto mo, ipapakilala ka pa nya sa mga friends nya…si B1, si B2, si Amy at si Lulu.

10. In the Congo, if you want to ruin someone’s wedding just hire a comedian. In order for the marriage to be taken seriously the bride and groom are not allowed to smile throughout the entire ceremony.

Groom: Syet ayoko talaga makasal sa kanya. Pinikot lang ako. Kelangan ko gumawa ng paraan.

Sa venue ng kasal:

Nanay ng Bride: Anak malinis ang venue. Wala kahit isang nakakatawang bagay na makikita kayo. Siguradong tuloy na tuloy ang kasal.

Bride: Thanks mom. You’re the best.

Habang nasa altar:

Groom: (pabulong) Babe may kandila ka ba dyan?

Bride: Wala babe. Bakit?

Groom: (pabulong pa rin) Ititirik ko lang sana sa puso kong patay na patay sa’yo.

Bride: (kinilig, napangiti)

Groom: (ngumiti din)

Pari: At hindi na po matutuloy ang kasal na to. Paumanhin.

Groom: Yes!!!

11. Beauty is relative and there is nothing in the world that exposes that more than the country of Mauritania. Mauritanian girls go to fat farms to get fat…and eventually married.

Girl: Baby ang taba taba ko na. Tara pakasal na tayo. Hi,hi..

Boy: Ay oo nga. Lintik ang braso mo parang hita ko na. Tara pakasal na tayo.

Habang nasa harap ng altar. Girl, hinimatay.

Doctor: Ang BP nya ay 280/150.

Boy: (habang nasa tabi ng naistroke na bride to be) Ang sabi ay magpataba…hindi magsuicide.

Thursday, July 11, 2013

Matilda the Dancer

(Eto na ang pinakahihintay ni Eve. hahaha..)

Meet Matilda, ang dancer ng Sims 3 world ko (Bridgeport). Katulad ni Matilda, bored din ako ng umagang yun at medyo pagod from work  kaya binuksan ko ang PC ko at nilaro ang best game of all time, Sims 3.

Isang umaga, pagkabangon ni Matilda, di nya alam ang gagawin. Tapos na ang labahin, nakapaglinis na si Reyner at walang pasok si Rosevei (unica hija nila) sa school dahil matindi ang snow sa labas. Wala din syang pasok sa work (TV host sya). Di ko sya kinontrol nung time na yan dahil busy ako kay Reyner na noo'y nag-aaral ng new recipe para mailuto sa pinakamamahal nyang asawa na si Matilda. Since writer by profession si Reyner palaging sya lang ang naiiwan sa bahay pag wala ang mag-ina nya kaya sya ang nakatoka sa house chores (houseband sya).

So pagkagising ni Matilda, binuksan nya ang radyo (na may sentimental value sa kanya dahil minana pa nya sa tito nya)  at nang magplay ang music ni J-lo (custom music na ininstall ko sa game) di na nya napigilang sumayaw. Magaling sumayaw si Matilda. Palibhasa'y party goer sya nung dalaga pa at tumigil lang sya sa pag-gimik mula nung makilala nya si Reyner mula sa isang "online dating". Thanks to Matilda's new found love dahil nagkaroon ng direksyon ang buhay nya. Kung hindi naging sila ni Reyner ay malamang laman pa rin sya ng mga gimikan, walang career at nilulustay ang pera ng pamilya nyang may kaya.

Aksidente kong nacapture yang moment na yan at ngayo'y namimiss ko na si Matilda. Patay na kase sya dahil sa katandaan. Pero dahil healthy sya dahil sa everyday exercise nya (dancing) di na rin nakakapanghinayang na namatay sya sa edad na 100+. Hahaha.. Ngayo'y biyudo na si Reyner at naghahanap ng bagong pag-ibig. Suppose to be ay patay na rin si Reyner pero salamat sa writing career nya, natupad ang lifetime wish nya ($50,000 worth of royalties sa mga naisulat nyang nobela) na dahilan para maka-avail sya ng "stop aging" potion (sana may ganun sa totoong buhay).

In the works ang new lovelife ni Reyner at hopefully ay makatuluyan nya ang babaeng bumihag ng puso nya nung mag-aral syang muli sa University at nagtapos ng Fine Arts. Thats another story na pwede niyong subaybayan. (kung gusto nyo) hahaha...

O sya, itutuloy ko na paglalaro. Till next time. :)

Tuesday, July 2, 2013

History


RV: Naappreciate ko ang pagshare mo ng story yesterday. In return, I brought something for you. I’ll give it to you later.
Reyner: Really? That’s so sweet. Thank you so much.

RV is a very sweet looking, young lady and she’ also exceptionally clever. Isa rin sya sa mga killer ng dull moments sa office dahil sa mga kakaibang hirit nya. Well’ I guess dahil na rin yun sa pagiging masayahin nya at pagiging friendly sa lahat. Hindi ko sya masyadong pinapansin noon dahil  di ko pa sya masyadong kilala. Masyado rin syang good looking para sa akin na dahilan para dumistansya ako sa kanya. Dumistansya? Oo, dahil sa ilang mga dahilan. Ang tinutukoy ko ay ang mga naexperience ko nito lang nagdaang mga buwan na naging dahilan para maging mailap ako sa tao at maging mas mailap sa mga babae. I managed na hindi maki-get along sa mga babae lalo na sa tulad nya dahil siguro sa tinatawag na “phobia”.
Sinabi ko sa mga naunang post ko ang mga dahilan kung bakit napaaga ang pagdating ng mga bagyo sa buhay ko nitong nagdaang summer. Naikuwento ko rin sa mga malalapit na kaibigan ang istorya ng isa sa mga “biggest failure” ko sa lovelife. Its almost 7 months mula nung maghiwalay kami and sa mga unang buwan ng paghihiwalay na yun ay naghanap ako ng sari-saring outlet para lang gumaan ang pakiramdam ko. Salamat sa mga nakinig at sumuporta saken lalo na sa mga nagbigay ng mahahalagang payo. Pero ang pinakamalaking pasasalamat ko ay napunta sa mga taong totoong nakinig at nakaintindi ng pinagdaanan ko at so far for the longest time, I found an exceptional listener na inakala kong magiging passive lang sa mga maririnig nya.
While waiting for the clock to be at 5 am para makauwi na, napagpasyahan kong makipagkwentuhan naman sa mga hindi ko usually nakakakwentuhan. Lately kase, inilock ko lang ang interaction ko sa iilang mga tao kasali ang mga team mates ko. Sadyang pinili kong bawasan ang social life ko at i-spend lang ang spare hours ko with a handful of people na mapagkakatiwalaan ko. Katunayan, deactivated pa rin ang facebook ko para maiwasan ang too much socializing online at di ko alam kung mareretrieve ko pa ito. Anyway, nakita ko si RV na available that time for some chit-chatting and we started off from simple conversation. Then naging love ang tema nung time na sinabi nyang, historically speaking, highest form of love daw ang male to male relationship  (e.g. Alexander the Great and his relationship with his childhood, male friend Hephaestion). Bilang isang ma-utik na thinker pagdating sa mga bagay na may kaugnayan sa love, in-express ko ang madugong pag-oppose ko sa sinabi nya (madugo talaga?) Mangyari kase (pasintabi sa mga gays) ay masidhi ang pagka-dislike ko sa mga gays (pero noon yun) at lately lang nabawasan ang pagkadislike na yun nang may mga naging friends ako na kasali sa koponan ni Bb. Gandanghari. Ayon kay RV, due to superiority na meron sa mga kalalakihan, naisip nang ilan na makipagrelasyon sa mga kapwa nila lalaki para mamaintain ang superiority na yun sa iisang gender lamang. Since love ang pinag-uusapan namin, I pointed it out na hindi matatawag na love ang pakikipagrelasyon dahil lamang sa isang tiyak na purpose. Therefore, hindi matatawag na love at hindi matatawag na highest form of love ang relasyong lalaki sa lalaki kung ibabase sa argument na meron sya. Its still the relationship between opposite sex ang matatawag na highest form of love.
Just to prevent the conversation to turn into an unexpected debate, ipinasya kong i-example sa kanya ang naging lovelife ko na nag-end months na ang nakakalipas. Sinabi ko sa kanya na I so love a girl (who happened to be my total opposite) that I tried hard to blend in sa mga gusto nya para lang magkasundo kami sa mga bagay-bagay. Marami akong mga bagay na hindi ko ginagawa before kahit na sa mga relationships ko, na ginawa ko during our relationship just to show that girl na kaya kong magsacrifice in the name of love, na kaya kong makagawa ng change for that said cause. For example, I almost quit my studies (masteral) just to give her (my ex) enough time and that action, kung natuloy ay masasabi kong pinaka-irrational na nagawa ko sa personal kong buhay. Ngunit worthless yun kung nagkataon dahil sa dikta ng matinding pagkakaiba namin, nauwi rin kami sa hiwalayan. Idagdag pa ang na-short na effort ko para i-please ang mga taong naging isa mga dahilan para tuluyan na kaming magkawalaan…ang mga kaibigan nya. Mga kaibigang hindi ko na-anticipate ang magiging role para sa relasyon naming yun. Well, inisip ko na lang na ginawa ko naman yung best ko…di nga lang enough(Ikaw ba yan James Ingram?  ♪♫)
I will not forget the great humiliation that I’ve ever experienced in my whole life mula sa kanya at mula sa mga kaibigan nya nung panahong nagmamakaawa ako for another chance. Despite failure to get that chance, I still managed to recover at ituloy ang buhay. More importantly, hindi ko iwinala ang pag-asa na somehow, somewhere, with a right time, I can still attain happiness with whoever that might come to my life.
Bahagya akong nalungkot pagkatapos kong magkwento at hindi ako sure kung napansin yun ni RV. Matipid ang naging reaksyon nya after ko magsalita at nagbitaw lang sya ng ilang words of encouragement. 5 am na at tapos na ang shift. Tapos na rin ang halos 30 minutes na maiksi pero worth to remember na pag-uusap naming yun.
Kinabukasan, hindi ko inexpect ang sincere na pag-express ni RV ng appreciation sa naging kwentuhan namin lalo na sa pagshare ko ng past lovelife ko. She even gave me a book na talaga namang nagpasaya sakin ng husto. Ang libro ay tungkol sa history. Napakainteresting ng nilalaman nito at para sa history lover na tulad ko, ito ay isang prize possession. Isang sincere na “thanks” ang nasabi ko sa kanya pagkatapos nyang ibigay sakin ang libro.
Si RV ay isang malalim na tao. Ako man ay napagsasabihan din na malalim at minsa’y mahirap “maarok” (diksyunaryong Pinoy translation: maarok-maintindihan). Perp siguro ang pinagkaiba namin, medyo mabigat akong dalhin pero si RV, mas alam nyang makiayon sa agos ng iba’t-ibang sitwasyon kaya di nakakapagtakang mas bukas ang isip nya sa mga bagay bagay. Sa puntong ito, ipinaliwanag nya sakin ang kahulugan at kahalgahan ng pag-move on sa pamamagitan lamang ng isang aksyon at simbolismo. Parang sinasabi nya na ang lahat ng bagay ay nangyayari at lumilipas, pero ang history ay mananatili sa pamamagitan ng ala-ala. At pangit man o maganda ang alaala ng history, tiyak na may mapupulot tayong kaalaman sa mga ito. Kaalamang magagamit natin para maging handa sa pagharap sa mga kaganapang dadating pa sa buhay natin. Mga kaganapang susubok sa abilidad nating magdesisyon. Desisyong magrereflect sa kung anuman ang magiging kasagutan natin sa mga tanong na ito: Papayagan ko bang mangyari itong muli o hindi na?

Tuesday, June 18, 2013

When to jump to “a pool of both delight and misery”?

Eve: How’s your first day of school?

Reyner: Oh it was fine.

Eve: Have you met a beautiful girl that you can maybe end up having a relationship with?

Reyner: I don’t think so.

Eve: Why?

Reyner: Coz I’m not into it…not yet.

That was a small conversation between me and Eve. She’s one of those people I can talk with all day (if she’s not on a call and as long as there’s lync.).

Eve was so aware of my situation that she’s so eager to find my pair if she only get a chance. But I told her that I’m fine and I’m not looking for one and I don’t even need one. I’m pretty much contented right now of my status.. “Single from head to toe…(rock and roll!)”. It’s been a while since I had a relationship and I can barely remember how it feels like to be in it. All I know right now is the pleasure that I’m getting from having no strings attached to mine. Yes I sometimes feel so alone, I even get too emotional at worst melancholic when the past rudely enters on my mind. But hey that’s not on a regular basis. I actually  feel so grateful that I can do a lot of things I want with all that freedom in my hand.

Sure, the idea of going into a relationship again is something indispensable. I cannot live these long years without even having a bit of romance. Now why prolong the “singularity” (what a word) having realize that? Now I say of course, we have things to consider first especially if we’ve gone through a bitter past and those considerations are what I'm after for before I jump in again to what I call “a pool of both delight and misery'”.  Let me cite some of those considerations that I’m talking about:

1. Consider being 100% moved on. Not 99%, not 101% just no more, no less than a hundred percent. We know its tough to get over things that already marked to our memories especially those that gave so much meaning to our lives. But hey, even how slow would it gets, even how long it is to heal the wounds, you will surely reach the point where you will feel that attachment has already gone away. This is to avoid comparing and at worst re-enacting most of the things from your past that are supposed to be thrown away. Another benefit of this is you can have a brand new start without worrying that same thing would happen again. I do believe that circumstances shouldn’t be necessarily the same from each other, they should be unique and has its own story. Surely, you can create a great story once you’re totally moved on.

2. Secure sufficient love for yourself. How will you share love if what you have for yourself is not even enough? Love should start from loving yourself first (thanks to Vive for being tireless of reminding me that). Fools say that true love is giving it all without minding of losing everything. I bet you have been a fool once and you would never want to be a fool again. We know great love stories such as those that we are seeing in movies and telenovelas but this a real world my friend. We don’t buy and mimic things that are just product of someone’s imagination, we have our own. And if we actually stumbled to an experience in the past that we let ourselves to be a slave of what they call “stupid love”, are you gonna stick to that and let that happen again? Of course you don’t. So the best thing to do is look back to where you are on that awful past, be an engineer of your own change, change for the better and love yourself more. While you are single, take time to give yourself full attention and know yourself more. It’s not selfish to be so in love to yourself when no one’s actually need your love yet. So when one day and you saw someone right across the street and you feel that feeling again, you surely know what to give out and what to keep.

3. Don’t expect too much. Focus on timing. Lots of people use to say this but only few can make sense of giving its meaning. But to tell you honestly, I’ve never spoke about this thing until I proven that it is indeed worthy to consider. When we get to a relationship, we almost think that the world is so perfect and even the universe revolves around us. We sometimes think that we’re on a fairy tale with a happy ending. Then after a while, when things are starting to be a nightmare, we will realize that we aimed for everything but ended up for nothing. Lots of things can affect a relationship. Expectations shouldn’t be just about the person you ended up to have a relationship with. I see timing is the most important thing that we should observe in this kind of matter. Is it the right time to open the book and wander through its pages or should we keep it unopened and undisturbed till its content is ready to be explored? I know we tend to be aggressive sometimes that we allow ourselves to face the risk and danger in the wilderness of love (did I just say that? Oh god im getting poetic here. Smile) in exchange for what we believe is absolute happiness that we might get out of it. We are barely aware that we are just over expecting everything because we’re blinded by our fantasies. In love, let it move however mysterious it takes (Ok, I just rephrased a song). In this way, we can avoid thinking too much, assuming too much and expecting too much…(and loving too much coz we might get killed? Oh that’s another song again but hey its true. Right?) If we caught on a bad timing, should we expect things to click the way we want them to be? No, but we can work it out. Good Timing is a friend of Patience. Even how slow good timing may come, if you can hold on till it finally arrive, you will reap its sweetness. From there you can start expecting…still…not too much please.

I still have few things in mind that I think would help us in preparing ourselves before jumping to the “pool of both delight and misery”. But I believe those that I mentioned are the fundamentals as far as getting into a new relationship is concern. at the end of the day, its still an individual preferences that will rise over whatever thought that may need to be considered first. Its still a freewill that will be followed that everyone has inside of them. But always remember, love is so powerful that you can be its victim, you can be it’s slave. You maybe rational and strong person but remember that many of your kind have fallen and already victimized by love. However, you will not be a whole person if you didn’t have even a bit of failure from this so called love. But if you must recover, recover big time. Learn from mistakes. It’s not wise to be a victim of love especially for the second or maybe at third time around.

(Hmmm…I just got so hungry…for love? Not yet. For food? YES! Open-mouthed smile)

Friday, June 7, 2013

Lovesong

1 pm. Kagagaling ko lang sa school at kakatapos ko lang mag-enroll for my the 3rd sem of my MA course. Bago ko buksan ang pc ko ay napansin ko ang flash drive ko na hindi ko nagagamit mula pa nung end of the class nang nakaraang sem. Wala sa loob kong isinaksak ito sa pc at binisita ang mga files doon. Nakita ko ang mga shortcut ng mga folders na kung saan ay nakalagay ang mga pictures nya at pictures namin. Naalala kong binura ko na ang mga yun sa laptop ko pero for some reason ay natira pa rin ang mga shortcuts. Napabaliktanaw tuloy ako sa past namin. Halos di ko napansin ang isa sa pinakamalalim na buntong hininga na nagawa ko mula nung maghiwalay kami. Itinuloy ko ang pagcheck ng files hanggang sa makita ko ang “Lovesong” na kanta ni Adele, pinatugtog ko yun. Napakaganda ng sound quality ng kanta, crystal clear at talaga namang very senti ang lyric. Tuloy pa rin ako sa pagbrowse habang nagpe-play ang kanta. Nakita ko ang letter na sinulat ko na balak ko sanang ibigay sa kanya ilang araw bago nya tapusin ang lahat samin. Nasa letter na yun ang matinding paghingi ko ng tawad sa nagawa kong kasalanan sa kanya at kung gaano ako kainteresado na i-submit ang sarili ko sa kanya, sundin ang mga gusto nya at mangako na hinding-hindi ko na hahayaang maranasan nya ulet ang mga pangit na dinanas nya saken. Nalala ko pa kung gaano ako kaemosyonal nung mga sandaling yun na ginagawa ko ang nasabing sulat. Sobrang sakit tanggapin na ang taong nagbigay ng kahulugan sa buhay mo ay hindi mo na makakasama sa mga susunod pang mga araw. Isinulat kamay ko ang sulat na yun at balak kong iwan sa locker nya nang umagang yun pero hindi ko na yun ginawa nung sandaling makita kong kasama nya ang lalaking bago nyang “ka-date”.

Huminto ako saglit sa pagbalik tanaw sa parteng yun ng aming paghihiwalay na tinuturing kong isa sa pinakamahabang parusa na dinanas ko sa buhay. (Tuloy pa rin sa pag-play ang “Lovesong” ni Adele.) Balak ko nang magpahinga, matulog at baka sa panaginip ay may magandang bagay pa akong masumpungan. Nang ieexit ko na ang folder ay napansin ko ang photo icons sa loob ng isang sub-folder at nang binuksan ko ang file na yun ay halos hindi ko na mailarawan ang tindi ng emosyon na bumalot sa buong pagkatao ko sa mga sandaling yun. Hindi ko nabura ang tatlo sa pinakamemorable na pics namin. Kuha yun sa lugar kung saan paborito naming magbreakfast. Ang lugar na yun kung saan madaming masasaya (kilig moments), malulungkot at crazy things na nangyari between us. Halos doon nagsimula at nabuo ang relasyon namin. Sa lugar na yun ilang beses kaming nagkabati mula sa mga matitinding away at saksi ang lugar na yun sa hindi na namin naitangging damdamin para sa isa’t isa… Ilang minuto akong natigilan…nakatitig lang sa monitor. Ilang sandali pa ay namalayan kong umaagos na ang luha sa pisngi ko…ilang sandali pa ay humahagulgol na ko.

Halos limang buwan na simula nung kami’y maghiwalay. Pero ang sakit na idinulot nun sakin ay hindi pa rin nawawala. Parang kinukurot pa rin ang puso ko tuwing maaalala ko ang mga masasayang sandali na kasama ko sya. Hindi ako iyakin pero hindi ko ikinahihiyang sabihin na maraming beses akong naluha dahil sa tindi ng emosyon ko dulot ng paghihiwalay namin. Maaari ngang hindi nya alam at wala syang ideya kung ano ang pinagdaanan at pinagdadaanan ko pa rin dahil sa nangyari samin. Ganito talaga siguro pag mahal mo ang isang tao pero wala ka nang magawa kundi i-let go sya dahil naniniwala ka na dun sya mas masaya.

Habang sinusulat ko to ay patuloy pa rin ang pagtugtog ng napakalungkot na kantang nabanggit ko. Sobrang late na pero gising pa rin ako. Mukhang hindi na nga yata ako makakatulog. Walang ibang laman ang isip ko sa mga sandaling ito kundi sya lang. Alam kong masaya at kuntento na sya ngayon. Wala na akong balak na gambalain pa sya. Ni hindi na ako nag-iintensyon na mapansin man lang nya. Pero kung nalalaman lang sana nya kung gaano ako nahihirapan sa araw-araw na nakikita ko sya at bumabalik saken lahat ng ala-ala. Kung nalalaman lang sana nya kung gaano kahirap dalhin sa loob ang katotohanan na sya lang ang mahal ko…mahal na mahal ko.

Kung isang araw magigising ako na hindi na sya ang laman ng isip ko, masaya na kaya ako sa pagkakataong yun? Maaaring ang sagot ko ay “oo”. Pero nakasisigurado ako na darating ang araw na yun na ako ay nag-iisa pa rin…alone. Bakit? Dahil sya pa rin ang laman ng puso ko at kahit kailan…mananatili sya dito.

NoteHow ever far away, I will always love you. How ever long I stay, I will always love you. Whatever words I say, I will always love you…I will always love you…Note

Tuesday, April 23, 2013

Ang Kwento ng Babaeng Bulag

May isang bulag na babae na may matinding galit sa halos lahat ng bagay sa mundo maliban sa boyfriend nya. Mahal na mahal sya ng boyfriend nya at lagi itong nasa tabi nya kahit anuman ang mangyari. Kaya nasabi nya na kung makakakita lang sya, pakakasal sya sa boyfriend nya agad-agad.

Isang araw, nasurprise ang babae sa balitang may isang di nagpakilalang tao nag-donate ng mata sa kanya. Lubos ang kanyang pasasalamat dahil sa wakas ay makakakita na rin sya. Natapos ang operasyon at di mailarawan ang kanyang excitement  na masubukan na ang kanyang bagong mata. Pagkatapos maghilom ng sugat dala ng operasyon ay naimulat na ng babae ang kanyang mata at ganap na nyang nakikita ang mga bagay sa paligid. Nung sandaling nabaling ang tingin nya sa kanyang boyfriend ay hindi nag-atubili ang lalaki na tanungin sya “Ngayong nakakakita ka na, pakakasal na ba tayo?”

Sandaling natigilan ang babae at di makapaniwala sa nakita. Bulag din pala ang boyfriend nya. Agad nyang binawi ang sinabi nya noon na pakakasal sya sa boyfriend nya at noon din ay nakipaghiwalay sya. Lumakad palayo ang lalaki na labis na nasaktan at di napigilang maluha.

Isang araw, may natanggap na sulat ang babae na may kasamang mga larawan. Ito ang laman ng sulat:

Mahal ko,

Ikaw ang pinakamagandang babae na nakita ko sa buong buhay ko. Hinding hindi ko malilimutan ang mga panahon na kasama kita at malayang namamasdan lalo na ang iyong matipid ngunit napakatamis na ngiti. Sayang hindi na mangyayari yun. Sa pamamagitan ng mga litratong ito, sana wag mo malimutan kung gaano kita kamahal. Please ingatan mo ang mga larawang yan, ingatan mo ang ala-ala natin at…paki-ingatan na rin ang mga mata ko.

Pagkatapos basahin ng babae ang sulat ay tumulo ang mga luhang nanggagaling sa mga matang matagal na panahon na nagmasid,nagbantay at umalalay sa kanya. Mga matang ni minsan ay hindi nakita ang kanyang kapintasan bilang hadlang para sa kanilang pagmamahalan…

Monday, April 15, 2013

Professor “X”

I’m just done with the first year of my graduate school and I can’t wait to finish it in one more year. I can’t imagine how tough it is to deal with everyday things when you are working to earn money and at the same time, going to school to earn your Master’s degree. But its fine and I still manage to enjoy it. Guess you will endure all the sufferings if you really want what you are doing. There are just some things that you will encounter along the way that maybe added to your challenges and whatever you are up to, you really have to deal with those accordingly.

People who knew me well sometimes call me “the gay magnet”. I am honestly confused if this is a positive connotation or something that I should be alarmed with. I mean I don’t see no harm with gays. I see they are fun to be with and I actually did blog unbiasedly about them and you can check it right at this link: Homosexuals at ang Lipunan. Its just sometimes, I get a little to seriously uncomfy when a certain person of my same gender shows a certain kind of affection to me and what bothers me more is if that person is one of those you are greatly respected. I know there’s a lot of stories out there about the professor who get hooked up with their student and consequently became their lover. I can say that I’m on the same page with the majority of students who experience such, but mine is a bit intense in as far as having homosexual lover is concern. Back in college, I got few indecent proposals from gay faculties that I certainly rejected and actually, will never ever accept. The same story is happening to me here in graduate school when one of my professor confessed that he really likes me and he’s willing to give me all I want if I agree to be his partner. Of course I refused so hard that I told him “Never in a million years that I will accept such kind of proposal Sir. I respect you a lot and it will never change unless you insist what you desired.”. He gave the respect back and promised to retain our professional relationship as student and professor.

I know that it will be uneasy specially to my part because he’s one of my favorite and well respected professors but I have to be honest to myself, “I am not into same sex relationship.”. I keep hearing good things about same sex relationship and lots of homosexuals already tried to convince me to at least try it but no one succeed, no one will ever be. I condemn homosexual relationship not because of the morality issue but because it is not my heart is desired or wanted. I follow whatever my heart is saying because I do believe that things will get well if your decisions are carefully considered using more of your heart than mind. I agree that we think of practicality and in this material world, Its really important to use our mind than heart. But we should always think that there are things that can’t be exchanged for material things and real contentment and real happiness are one of those. At situations like what I’ve mentioned  that I frequently get into, I admit that its sometimes tempting. Tempting that at one time few years back, I almost said “yes” to one of the offer but that didn’t happen because I don’t feel like being into it and I’m sure that I won’t be happy if I agree to that kind of set-up.

It is so important that we understood that homosexuality exists from the very beginning and I don’t believe that it’s a moral sin to be included with one of them. However, just because we see no big deal with involving ourselves to such orientation doesn’t mean that we can always give it a try. Of course we have to be true to ourselves and if we don’t feel like being into it, then leave it alone. At the end of the day, its still the respect that people should give to one another especially when we talk about respecting differences.

Left hugRight hug

Monday, April 8, 2013

Usapang "Pakikipagrelasyon"

"Napapgod na kasi akong magboyfriend. Sino bang gusto ng break up? Sino ba ng gusto ang hiwalayan?" Yan ang mga katagang hindi ko malilimutan na binanggit ng isa sa mga officemates ko. Mangyari kase ay may lovelife problem syang pinag-dadaanan at ramdam ko kung gaano kaimportante na may mapagsabihan sya neto at isa ako sa mga proud na tao na nakarinig ng kwento nya at nagbigay din ng konting advices na maaaring makatulong sa kanya.

Sa loob ng tatlong taon na pagba-blog ko about love and relationship, wala pa ko nameet na reader ko na kasing honest ng kaofficemate ko na yun na hindi ko na irereveal ang identity. Honest sya in a way na talagang sasabihin nya ang totoong feedback niya sa sa mga entries ko and she even compare them sa mga experiences nya. On that way, talagang naaappreciate ko sya and I thank her kase nasheshare din nya yung mga thoughts na wala pa ako.

One day, she called my attention to ask me about what she needs to do. She wanted to know kung paano makipag-deal sa kanyang partner na para bang walang plano sa buhay at hinndi nya kinakikitaan ng seriousness sa relasyon. Nafeel nya na parang wala syang security sa iba't ibang aspeto sa relasyon nila. Isa sa mga article ko na nabasa nya ang naging cause para iopen up nya saken ang problema nyang to(ang blogpost kong yun ay may title na "Mahirap ka lang! Wala kang karapatang mahalin ako!". ) Ayaw nya dumating sa point na maging tulad nya ang character na babae sa kwentong nakapaloob sa blog entry ko na yun dahil naniniwala sya na may potential ang bawat isa na ma-improve ang quality ng buhay nila. Initially, sinabi ko sa kanya na dapat ay wag mauuna ang judgement at kung kelangang siya na ang gumawa ng paraan para lang malaman ang tunay na hangarin at mga plano ng partner nya ay gawin nya. Madami kami napag usapan nun pero hindi ko na idedetalye lahat. For the purpose of this post, pinili ko lang yung isang part na kung saan ay nagbigay ako sa kanya ng isang mahalagang view tungkol sa mga mga lalaki.

Hindi talaga kami actual na nag-uusap in person kundi sa chat lang during unbusy hours sa work. At ito nga ang naging response ko sa kanya na copy pasted na lang sa original na reply ko sa chat nya.

------

You sound too serious pagdating sa relasyon and im not sure if ako lang ang nakapansin nito. I dont know u that much pa and because we have our different beliefs and philosophy sa pakikipagrelasyon, I can't be very specific pa on my responses and reactions base sa personal situations na shinare mo saken. So for now i can only give you few general facts about guys na pwedeng makatulong sayo (somehow) until we get chance na magkausap in person, we can continue giving answers about the "why's" of life and love.

Facts about most of the guys pagdating sa pera at pagpaplano:

1. "i can get money in many ways." or "i can earn a living in many ways."- base sa survey, mas maraming babae ang nakapagtapos sa studies at nakakuha ng blue collar jobs kesa mga lalaki dahil literal na maraming lalaki ang hindi naniniwala na kelangan nilang i-work out ang future nila through education; na kaya nilang mabuhay sa maraming paraan. ito yung selfish na side ng mga lalaki na narerealize lang ng marami na mali pag tumanda na sila. unfortunately, pag naisip nilang maghanda na para sa future nila kase either may family na sila, its too late na. ito yung dahilan kung bakit maraming lalaki na maginhawa ang buhay nung binata pa at naghihirap nung nagkapamilya na.

2. "i can have money if i want to, so why do i save it?- dahil over confident na kaya nilang magkapera agad pag ginusto nila, di sila nagsesave ng pera. makikita mo yan sa kung panu sila gumastos sa pakikipagdate despite of their financial status na obviously, di naman ganun ka well off. yung perception din na kayang i-sustain ng trabaho nila yung financial needs nila ang isa sa dahilan kung bakit di sila nagsesave. at dahil most of the guys think life is about hapiness lang, nabubuhay sila sa kasalukuyan lang and ni hindi nag-aattempt na magsave for the future. in relation to this and to convince you more, watch or read news and observe kung sino ang laging laman ng balita about mga panghoholdap, pagnanakaw, kidnapping...mga lalaki. coz they believe that they can earn money right away, whenever they need it. (pero hindi naman lahat ay ganyan).

3. "why plan if things can be instantly obtained?"- ang planning para sa relasyon sa karamihan ng mga lalaki ay sign ng pagiging feminine at dahil masculinity dictates that we can have things right here, right now, then why do we plan? sa part na to nagpe-play yung role ng babae as a planner. opposite kase ng lalaki, ang babae ay concern sa future. ang problema naman sa babae pagdating sa relasyon, dominated sila ng superiority ng lalaki at nagiging submissive lang sila. in effect, di sila nakakapagcommunicate ng maayos kay guy kung ano ang gusto nya mangyari o planuhin. or masabi man nya kay guy, at napansin ni guy na di sya masyadong confident, babalewalain lang din sya. ang ending, makikipaghiwalay si girl kase iisipin nyang wala syang security sa relationship na yun.

Base on the mentioned things above, you may think na girls need to understand guys deeper than they usually do. Sometimes, it sounds like girls are obliged to understand guys since sila yung by nature, may kapasidad na mag-isip ng mas malawak lalo na sa relasyon. but of course girls may think na hindi fair kung laging sila na lang ang uunawa which is true naman. so dapat, both should meet halfway pag ganito yung situation.

no relationship will last kung walang unawaan. unfortunately, kokonti lang ang totoong may sense ng tunay na pag-unawa, mapababae man o mapalalaki. it also varies and depends on situations and to people. so to be on a safe side, dont settle down just yet hanggat hindi ka pa handang unawain nang mas malalim ang mga bagay-bagay sa loob ng isang relasyon. take time para pag-aralan ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa pakikipagrelasyon. hindi kelangan magmadali at lalong hindi advisable na magpadalus-dalos sa desisyon. i dont advise to learn from mistakes kung alam mo na ang kahihinatnan ng pagkakamaling magagawa mo.

look after change and make sure that the change you are looking after is the change for the better.


Wednesday, March 27, 2013

Lessons from Hancock


You have to leave. The further you get from me, the better you're going to feel...


I  Won’t Give Up

May mga bagay sa mundo na wari'y itinadhanang magsama pero mas ok kung magkahiwalay na lang. Mga taong wari'y para sa isa't isa pero hindi pwedeng maging sila dahil sa matinding dahilan. Yung tipong sa una pa lang ay ramdam na nila na iisa ang tinitibok ng kanilang puso pero mas ok kung panatilihin na lang nila ang distansya sa isa't isa dahil siguradong hindi yun magdudulot ng kaayusan sa kanilang buhay sa mga susunod na panahon kung lubusang magiging magkalapit sila.

Lately ko lang napanuod yung movie na Hancock ni Will Smith at Charlize Theron. Naghahanap kase ako ng balita sa TV tungkol sa giyera sa Sabah na sumira ng mga property, buhay at kabuhayan ng mga Malaysian at Pilipino na nanduon. Bigla ko napindot ang remote sa Channel 6 at nahook-up ako sa mga nagigibang building, nabibitak na mga kalsada at nagliliparang mga kotse sa movie na Hancock. Anyway, sa movie na aksidente kong napanuod, dating magkasintahan sina Mary (Charlize Theron) at John (Will Smith) pero sa matinding kadahilanan, kelangan nilang maghiwalay. Pareho silang imortal at may superpowers. Sa madaling salita, magkauri sila. Ayon kay Mary, sila ni John ang itinadhana, ang soulmates sa uri nila. Pero tuwing magkasama sila, habang tumatagal ay nagiging mortal sila o nagiging normal na tao na nasusugatan, nagkakasakit, tumatanda at namamatay. Kung titingnan, parang ok lang naman. E ano naman kung maging normal sila? Mas ok nga yun kase di na sila magiging weird. Pero tulad sa mga superhero movies, "great power, comes great responsibility". Sa kanilang dalawa, si John ang nakatakdang gampanan ang trabaho ng isang superhero. Bilang superhero, kakalabanin mo ang mga masasamang loob, isang tungkulin na napakahirap at isang napakalaking responsibilidad na nakaatang sa kanyang balikat. Kaaway niya ang mga masasamang loob na walang magiging hangad kundi mapaghigantihan sya. Syempre idadamay ng mga kaaway nya ang pamilya nya na dahilan para laging malagay sa alanganin ang buhay ni Mary. Dahil dumarating sa punto na nawawala ang superpowers nila pag magkasama sila, hindi sila magiging capable na iligtas ang kanilang sarili. Dahilan para laging magbuwis-buhay si John sa pagligtas kay Mary. At kung malubha ang tama ni Mary na halos ikamatay na nito, the best na dapat gawin ni John ay lumayo para bumalik ang superpowers ni Mary at magamot nito ang kanyang sarili. Sa pagkakalayo nila, kapwa babalik ang superpowers at immortality nila na dahilan para magpatuloy ang buhay nila.

Nung mga unang panahon na marami pa ang uri nila sa mundo, ok lang na parang maging cycle ang pagsasama at pagkakalayo nila. Malalagay sa alanganin ang buhay ni Mary, ililigtas ni John, lalayo si John para mabuhay si Mary at after years magtatagpo ulit sila, hihina na parang mga tao, may makakaaway si John, idadamay si Mary, mamemeligro na naman buhay ni Mary at lalayo na naman si John and so on and so forth. Pero pagkalipas ng 3,000 years dalawa na lang silang natira sa uri nila. Dahil nga sa animo'y sumpa na ibinigay sa uri nila na tuwing magkakasama sila ay nagiging mortal at namamatay, unti-unting naubos ang lahi nila hanggang sa silang dalawa na lang ang natira. Sa puntong ito, kelangan na nilang isalba ang lahi nila at mangyayari lang yun kung magkalayo sila. At para maipagpatuloy ni John ang tungkulin bilang superhero, kelangan nyang tiisin ang pagiging single at walang lovelife all the time. :(

Commercial Break:
Ishinare ko kay Richie (kapitbahay ko) ang tungkol sa weird na love story ng Hancock at tinanong nya kung anung nationality ng author ng Hancock kase may mali daw sa pagkakasulat nito. Hindi daw binigyan ng kakayahang magkaanak ang mga uri nina John at Mary samantalang kung pagpapatuloy lang ng lahi ang problema, madali lang naman gawin yun kung fully-functioned ang reproductive system ng magkasintahan. Ang sabi ko naman, hindi nagkamali ang author ng Hancock at buti na lang dahil hindi Pinoy ang nagsulat nito. Dahil kung Pinoy ang author ng Hancock, siguradong bibigyan ng ability magka-anak sina Mary at John na dahilan para magkaroon ng "squatter" ng mga may superpowers sa mundo. Hindi rin magugustuhan ni Richie kung ganun ang mangyayari lalo na kung maya't maya ay sira ang bubong ng bahay nya dahil sa mga naglalarong, makukulit na mga anak ng kapitbahay nyang mga Hancock. Higit sa lahat, hindi sya magiging masaya kung mga manginginom ang mga kapitbahay nyang Hancock at mag-aya silang makipag-inuman sa balkonahe ng bahay nya.

Hindi ko na babanggitin yung iba pang detalye ng usapan namin dahil nauwi lang sa puro kalokohan at tawanan ang naging takbo ng usapan. Hahahaha...
Continuation:
Ang istorya ng Hancock ay maihahalintulad sa tunay na buhay particularly sa mga sitwasyon sa isang relasyon. May mga pagkakataon na mapupunta tayo sa isang relasyon na bagama't masaya tayo sa ating partner, time will come na kelangan natin itong putulin. Tulad kay John Hancock na may mabigat na tungkulin na kelangan gampanan and in exchange to that ay di pwedeng maging sila ni Mary, may mga kalalakihan din sa totoong buhay na may kaparehong istorya.

Ayaw ko na sanang isali si Pope Francis dito pero kase nung kabataan nya, nainvolve din sya sa isang lovelife pero dahil may calling sya mula sa itaas, kelangan nyang i-give up ang itago na lang natin sa pangalang "Aling Girlie" (actually, di ko talaga alam ang pangalan nung girl. Itatanong ko pa lang kay Cardinal Tagle).
Hindi ko rin sana gustong idawit dito si Rustom Padilla pero kung minahal man nya o hindi si Carmina, obviously, kelangan nyang makipaghiwalay para gampanan ang natatanging tungkulin sa pagtataguyod ng...(ayoko maka-offend).
Teka nga pala, wala na ko nababalitaan kay Grace Lee at Noynoy. Ginive-up na ba ni Pnoy si Grace Lee para makafocus sya sa solusyon sa mga problema ng bansa or baka naman si Pnoy ay....(shut up. wala tayong basehan).
Ilan na kaya ang ginive-up na babae ni Manny Pangilinan para ma-establish ang negosyo nya at magkaroon ng "all boys" team sa PBA? At puzzle ngayon sa akin kung may igi-give kaya si Sen. Lacson kung mapatunayan ni Mirriam ang seryosong akusasyon nito sa kanya.

To apply the lessons of Hancock in a serious manner, lets take examples from common people. May alam akong isang relasyon na kelangan nyang i-give up ang partner nya after a while para mapanatag ang loob ng isa't isa. Ang relasyong ito ay halos kahawig ng Hancock in various ways:

1. Mas masaya at harmless kung magkalayo sila.
- Sa medyo matagal ding panahon ay naging masaya sila kahit thru FB chat lang at text ang ugnayan nila. Parang sa Hancock nung ending at tawagan na lang sa phone ang naging ugnayan nina John at Mary.

2. Masaya sa simula.
- Nung nagsstart pa lang ang relasyon nila, masaya sila. Not until maencounter nila ang problema sa pagsasama nila. Nasesettle naman nila at magsisimula silang muli pero ayun at magkakaproblema na naman. Habang tumatagal at nawawala na ang peace of mind, disturbance ang naging tema ng relasyon nila. Parang sa Hancock, sa una at buo pa ang superpowers at immortality nila, masaya pa sila. Pero pagtagal at unti-unti na lang silang humihina at nagiging isyu na ang kaligtasan, puro pag-aalala na ang namayani sa pagsasama nila.

3. Puro problema pag magkasama sila.
-  Nung nagdecide silang magkasama (offline), dahil sa differences ng gusto nila sa buhay, maraming times na nagkakaproblema sila. Si lalaki ay inclined sa "social studies", si babae ay focus sa "social life". Parang sa Hancock kung saan nagustuhan na ni Mary ang normal na social life habang si John ay kelangan pa rin maging superhero at para walang problema, dun na lang dapat sila sa mga gusto nila sa buhay at hindi yun mangyayari kung magkasama sila.

4. Mahina sila pag magkasama.
- Though hindi masyadong similar sa Hancock pero ang relasyon na ine-example ko dito ay naging mahina pag magkasama sila dahil tuwing ayaw nila mag-away, sinasakyan na lang nila ang gustong mangyari ng bawat isa kahit hindi naman talaga sila kumportableng gawin yun. Ang resulta, sumasama ang loob ng isa at itatago nya na lang yun sa partner nya pero pag napuno na, biglang sasambulat na dahilan para mas lumaki ang awayan nila.  Sa Hancock, literal na humihina sila pag magkasama dahil yun ang nakatadhana sa kanila.

5. Cycle ang paghihiwalay at pagbabalikan.
- Tinry nilang i-settle ang mga problema pero pag di na kaya, maghihiwalay. Then magkakabalikan muli dahil mahal nila ang isa't isa. Pero finally, for the sake of peace and order sa mga pribado nilang buhay, tuluyan na nilang ginive-up ang isa't isa. Parang sa Hancock na dahil sa kumplikasyon ng pagiging superhero ni John sa buhay nila ni Mary, kelangan niyang lumayo. Pero dahil sa mahal na mahal nya si Mary, hinahanap nya pa rin ito after a while para makasama muli. Pero nung bandang huli, kelangan na nilang tuluyang maghiwalay para hindi sila tuluyang mag-extinct.

6. Ang replacement.
- Sa paghahanap ng kasiyahan at pag-asang lumigaya sa love, isa sa kanila ay masigasig na naghahanap o nakahanap na ng kapalit samantalang ang isa ay piniling manatiling single at iprioritize muna ang napili nyang misyon sa personal na buhay. Isa pa'y bakit sya maghahanap ng iba kung ang babaeng hindi na nya pwedeng makasama ang sya lang at ang natatanging gusto at minamahal nya. Parang sa Hancock kung saan after nilang maghiwalay, nagsettle down na si Mary kasama ng isang guy habang naiwang single si John na wala namang ibang mahal kundi si Mary lang at dahil hindi pwedeng maging sila habang ginagampanan nya ang tungkulin sa bayan, better be single than be worthless.

Meron lang akong tatlong komento tungkol sa pagkakaiba ng inihalimbawa kong relasyon dito at ng Hancock:

1. Nagka-amnesia si John for 80 years na dahilan para malimutan nya ng literal si Mary samantalang si lalaki sa kwentong inihahalimbawa ko, gustuhin man mang makalimot ay walang mahanap na epektibong paraan. Kaya naman kung magkakaamnesia sya, siguradong ipagpapasalamat nya yun.

2. Almost 80 years bago nagdecide si Mary na i-consider ang paghahanap ng kapalit ni John pero ang babae sa kwentong inihahambing ko ay wala pang 24 hours nang i-consider ang paghahanap ng kapalit ni lalaki.

3. Ayaw ni John ang amnesia na nangyari sa kanya kaya't pinilit nyang paaminin si Mary sa katotohanan ng kanilang nakaraan. Pero kung si lalaki sa kwentong inihahalintulad ko ang tatanungin, gusto nyang magka-amnesia forever at kung hindi forever at manumbalik man ang ala-ala nya, hindi na nya gugustuhing balikan pa ang nakaraan.

Friday, February 15, 2013

Ang Chuck Taylor



Minsan ang chucks ay marumi at gusgusin pero sa ganitong paraan napepreserve ang tibay nito. Samantalang kung palagi mo itong  lilinisan para laging maganda sa paningin, maaaring maging marupok ito at masira agad. Parang relasyon na minsan hindi magandang tingnan dahil dinadatnan ng pagsubok at kalungkutan pero nalalagpasan at lalong napapagtibay na kabaligtaran naman sa relasyon na oo nga't maganda sa mata dahil palaging masaya pero bumibigay agad oras na datnan ng pagsubok.

Ang design ng chucks ay hindi pa nagbago simula ng una itong lumabas noong early 90's. Obvious na hindi basta-basta  nagcome-up ang designer ng chucks sa kung ano lang klaseng design. He took time until naisip nya na dapat ay yung tipong magmamatch sa future fashion at mananatiling uso kasama ng mga modernong porma. Sa tagal ng panahon, ilang beses pa lang lumamlam ang kasikatan ng sapatos na to pero dahil classic dahil sa napakagandang foundation, bumabalik ang pagkagusto sa kanya ng mga mamimili. Parang relasyon na hindi lang basta-basta nabuo at nagsimula. Relasyon na maingat na kinonsidera ng dalawang puso pagkatapos ng mahaba at mabatong daan. Relasyong nagtatagal, mahirap tibagin at magkahiwalay man, magkakabalikan pa rin.

Isa lang ang pagkakaiba ng chucks at ng intimate na relasyon. Materyal na bagay lang ang chucks pero ang relasyon kailanman ay hindi magiging materyal na bagay lang. Tamang pakinggan na ang material ay ginagamit o nagagamit pero ang immaterial ay kadalasang hindi magandang pakinggan na ginagamit lang o nagagamit. Naluluma at nasisira ang materyal na bagay dahil sa pisikal at specific na dahilan at maaaring tuluyan nang mawalan ng silbi. Pero ang immaterial ay di naluluma. Oo nasisira ito pero kadalasan ay dahil sa malabong dahilan at nawawalan ng silbi..ngunit by choice lamang. Ang material na bagay ay narerecycle pero ang immaterial ay naibabalik sa dati nitong estado at posibleng makaya pang higitan ang dati nitong kalagayan...sa pangalawa o higit pang pagkakataon.

Thursday, January 31, 2013

9 Palatandaan na Magtatagal ang Isang Relasyon



Dahil sa napapansin kong dami ng hiwalayan na nangyayari simula pa lang ng taon, nagresearch ako ng konti para makakuha ng kahit konting kasagutan man lang kung anung elemento ba ang nakakaapekto sa mga hiwalayang ito. At habang binubungkal ko ang kalaliman ng google ay umagaw ng atensyon ko ang impormasyong ito mula sa link na to. At dahil english ito, hayaan nyong i-translate ko to sa bisaya para maintindihan ng mas nakararami. Pero syempre, dahil di ako marunong mag-bisaya, hayaan nyong tagalugin ko na lang. haha.. Para may konting twist, mas pinakwela ko ang paliwanag sa tips na ito at maaaring sumang-ayon o hindi sumang-ayon ang ibang makakabasa sa idinagdag ko ring ilang opinyon.

Sa totoo lang, di ako credible magsalita at magbigay ng tips tungkol sa kung paano tatagal ang isang relasyon. Sa natatandaan ko kase, dalawang taon lang ang pinakamatagal na naging relasyon ko mula sa apat na relationship na nagkaroon ako. At compare sa mga relationships na nagkaroon at meron ang mga kakilala ko, ang dalawang taon ay parang dalawang araw lang sa kanila. Pero katulad nyo'y naghahanap din ako ng mga paraan para tumagal ang "susunod" na relasyon na magkakaroon ako (owwww) at sa post kong ito, free ang lahat na magbigay ng sarili nilang opinyon. Anyway, heto ang 9 signs na ang relasyon ay magtatagal at mananatili sa marami pang mga taon o maaaring hanggang sa huli. (now playing: Kahit Maputi na ang Buhok)

1. May time sa isa't-isa

Sa panahong ito, busy ang karamihan. Maaaring sa trabaho, business, studies etc. Dahil sa hectic na schedule, nawawalan na ng time sa romance at sa mga love related matters. Maaaring minsan na lang lumabas for breakfast or movie date. Pero kung sa kabila ng pagiging busy ay nakakahanap pa rin ng oras ang love partner mo, no doubt na mahal ka nga nya talaga. Kelangan mo nga lang talaga i-extend ang understanding mo kung sa inyong dalawa ay ikaw ang mas nakakaluwag ang oras at nagugugol mo ang free time mo na di sya kasama. Wala naman kaseng mapagkukumparahan ng saya pag kasama mo na sya at ka-share sa mga masasayang moments...kahit hindi ganun kadalas.

2. Tamang age gap

"Age doesn't matter." Tama ang kasabihang yan pero hindi daw yan ang ideal na kasabihan kung pangmatagalang relasyon ang gusto mo. Totoong mas delayed daw mag-mature ang lalaki kesa sa babae kaya't karamihan sa magkakasing-edad ay nagkakahiwalay agad. Mas worst naman ang istorya kung mas matanda ang babae kesa lalaki. Kaya dapat daw ay mas matanda ang lalaki sa babae pero hindi ito dapat hihigit ng 7 years. Ofcourse hindi absolute ang ideyang ito at pwedeng teorya lang. May mga relasyon na nagtatagal kahit weird ang age gap na meron ang mag-partners. Meron ding mas matanda nga ng 7 years ang lalaki kay babae pero pang 7 years old lang din ang pag-iisip ni lalaki. Depende pa rin. Kaya't kung ma-fall ka sa older guy at napansin mo na ang maturity nya, give it a try and you might not regret.

3. Magandang background ng past relationship

HIndi naman siguro "kautikan" (what a word) kung alamin mo ng medyo mas malalim pa ang past relationship ng partner mo. Kung galing sya sa matatagal na relasyon, good sign yun. Alamin din kung ano ang naging dahilan ng break-ups nya para mas maintindihan mo at maiwasan mangyari sa relasyon nyo. Isa pang dapat mong tingnan ay ang dami ng relasyon na nagkaron na sya. Maaari kaseng tumagal nga ang ibang relasyon pero 3 out of 20 pala yun at ang indikasyon na nanggaling na sya sa maraming relasyon ay hindi rin magandang senyales. Alamin din kung anung klaseng lifestyle meron sya para mapagtugma mo kung ang taong ito ba ay nasa experimentation period pa rin ba o nasa punto na ng pagseseryoso. Di mo naman magugustuahng maging guinea pig sa relasyon nyo di ba?

4. Sex compatibility

Hindi ito masyadong applicable sa mga conservatives pero mag-wowork ito sa mga open minded at may pagkaliberated. May mga instances na in the midst of series of datings pa lang ay may sexual intercourse na beween partners and nangyayari naman yun dahil pareho nilang gusto. Di ko inaadvice na mag-go-down na sa sex agad as early as dating period pero kung into sex ka, oportunidad mo yun para malaman kung compatible ba ang sex drive nyo. Kung sya ay tipong sex lang for pleasure, delete mo na sya. Kung wala syang passion at very normal lang sa bed, mag-isip ka ulet. Kung newbie sya pero willing mag-explore, thumbs up. Kung pareho kayong newbie at di sya cooperative sa fantasies mo, di rin magandang sign. Kung plain sex lang ang gusto nyo at wala nang masyado pang adventure at ok lang dahil pareho nyo namang gusto, ok lang din. Wag kayong maging ipokrito kung pareho kayong into sex dahil sabi nga ni Sigmund Freud, necessity ito at napakaimportante nito sa intimate relationship. Pero tulad pa rin ng sinabi ko, sa kulturang konserbatibo, hindi kelangang sex agad, pwede nyong skip-an ang part na to at magfocus sa ibang signs na mababanggit ko dito.

5. Good friends

Sa kultura natin, kelangan may ligawan. Pero sa modern times at siguro dahil mas liberal na ang mga tao ngayon, "dating" na ang sistema at ang kadalasan nga nagiging friendship muna ang set-up hanggang sa magkalapit ang mga loob at magkadevelopan. I suggest lalo na sa mga kababaihan na may manliligaw, wag masyadong i-emphasize sa kanya na sya ay manliligaw lang at kelangang gawin ang lahat para makuha ang kanyang matamis na "oo". Kadalasan kase, iba ang treatment ng isang nililigawan sa kanyang manliligaw. Hindi naman sa anti-ligawan system ako pero kung babae ka at tingin mo may potential si guy, tell him you could start from friendship. Kung ikaw naman ay lalaki, try not to start from typical na panliligaw na magsisilbi at magpapa-alila. May mga girls na ayaw nila na halos ginagawa na silang panginoon ng manliligaw nila. Gusto nila ay yung someone na makakashare din nila sa ibang mga bagay na apart sa direkatang motibo ng pakikipagrelasyon. Yung someone na willing makinig sa kanila, samahan sila kahit sa kaweirduhan nila at may genuine na willingness para makilala kahit ang not so good na side nya. Sa ganitong way, after a while at dumating na ang takdang sandali at pareho nyo nang gustong i-confirm ang relasyon nyo, siguradong mas naiintindihan nyo na ang isa't isa at malaki ang tsansa na maresolve nyo ang major problems sa relasyon nyo in the future na dahilan para magtagal kayo. Basta lagi lang tatandaan na dapat hindi iwawala ang komunikasyon. Sa oras na dumating ang pinakamatinding away nyo at nabigo kayong pag-usapan ito, asahang maghihiwalay kayo. Kaya't mahalaga na mag-usap at magkalinawan sa anumang conflict tulad nung good friends pa kayo dahil yun ang susi para magkaintindiahan at maiwasan ang hiwalayan.

6. May pangarap

Kung ang karelasyon mo ay wala man lang nababanggit tungkol sa long term dreams nya at ang mahalaga lang sa kanya ay kung ano yung meron ngayon, ahmmm... hindi rin magandang palatandaan yan. Much worst kung ang partner mo ay hindi nagpapakita ng sign na kasama ka sa future plans nya. Isa sa magandang halimbawa ay kung ang partner mo ay isang estudyante na nagsisikap sa pag aaral at sinabi sayo na hindi ka dapat mawawala sa graduation nya dahil ikaw ang naging inspirasyon nya at ginagawa nya ang lahat ng yun para rin sa inyong dalawa. Pero syempre. dapat mo pa ring obserbahan ang sincerity nya sa pagbitaw ng mga katagang yan. Kung wala ka naman makalkal at talagang nabubuhay lang sa kasalukuyan ang partner mo, e wag mong pilitin. Kelangang natural na manggaling sa kanya ang mga plano nya at hindi dahil lang napilitan syang sabihin yun.

7. Pareho ng gusto

May kasabihan na opposites attract. Tama pero may kulang dahil kung interesado kayong maging mag-on, hindi dapat na habang panahon ay attracted lang kayo sa isa't isa. Dapat ay magkasundo rin kayo and at least pareho ng gusto kung di man sa lahat ng bagay, at least sa maraming bagay. Sure na magtatagal ang realsyon sa ganitong picture. Pero ang reyalidad ay nagsasabi na somehow, may differences pa rin kayo. Much worst kung talagang attrracted kayo sa isa't isa pero ang tindi ng diffrences nyo. Pag ganito ang sitwasyon, mahalaga na magkaroon kayo ng compromises at kung kelangang may baguhin ang isa sa kanyang sarili para magtugma lang ang kagustuahn nila, then dapat ay isakatuparan ito alang-alang sa partner nya. Syempre hindi kelangang lumabis ang gagawing pagbabago dahil at the end of the day, mahalaga pa rin ang original identity mo at hindi dapat isakripisyo ang totoong ikaw sa kadahilanang may mga bagay sa pagkatao mo na ang kailangan lang ay tanggapin ng partner mo kung totoong mahal ka talaga nya.

8. May basbas o suporta ng mga kaibigan o pamilya

Kung pareho kayong tanggap ng mga kaibigan at pamilya nyo, magandang senyales yan. Kung magkaroon kayo ng problema sa relasyon nyo at kelangan ng intervention ng malapit sa inyo, may tutulong o rerescue lalo na kung matindi ang away nyo. Tandaan lang na hindi dapat maging sobrang trying hard na makisama sa mga kaibigan o kapamilya nya dahil may tendency na maging pretender o plastik ka lang. Mahalaga pa rin na ipakita ang totoong pagkatao at para makilala ka bilang ikaw.

9. Nagmamahalan

Literal pero dapat lang. Maaaring tumagal kayo bilang kayo pero hindi nyo magugustuhan na matawag na "naglolokohan lang". In reality, meron ding mga magkarealsyon na naggagamitan lang. Siguraduhin na mahal nyo ang isa' isa at ipakita at iparamdam ito araw-araw.

Sa relasyon, natural lang na may awayan. Pero kung mababaw lang naman ito at maaayos pa naman, humanap ng paraan para magkasundo. Huwag pairalin ang sobrang pride at sa lalong madaling panahon kung talagang malalim na ang unawaan ninyo, subukang ayusin agad ang gusot. Magkaroon at patibayin ang commitment dahil dito magsisimula ang lahat. Kung may strong commitment kayo sa isa't isa, siguradong hindi kayo basta basta bibigay sa mga pagsubok na darating sa relasyon nyo.

Share