Sunday, June 29, 2014

Facts tungkol sa Call Center Agents sa Pilipinas

PALALA: Hindi lahat ng Call Center Agents sa Pilipinas ay pare-pareho. Pero karamihan sa kanila ay nagtataglay ng mga katangiang mababasa nyo sa page na to.

1. Karamihan ay fresh grad o college undergrad na ayaw mag-start sa maliit na sahod kaya pinasok ang call center job.

2. 20-25 years old ang average age ng mga call center agents.

3. Insomnia at hypertension ang karaniwang sakit ng mga CC agents dahil sa hindi healthy na diet at kawalan ng sapat na night time sleep. Marami rin ang asthmatic at may sakit sa baga dahil sa tindi ng pagyoyosi. Marami rin ang lulong sa alak at sad but true, marami rin ang lulong sa droga. Mataas din ang rate ng mga nagkaka STD sa industriyang ito.

4. Hindi totoong satisfied ang mga CC agents kumpara sa ibang nagtatrabaho sa ibang industriya. Dahil ito sa kawalan ng quality social life na meron ang iba tulad ng karamihan na nasa day job. Ang mas nagpapasaya sa kanila ay ang "sweldong" nakukuha at benefits sa trabaho dahil sadyang mahirap makahanap ng matatawag na kaibigan sa work na to bagamat marami ang matatawag na tropa o barkada.

5. Bukod sa health issues, isa rin ang relationship o marital issues sa problema ng mga call center agents. Marami ang naghihiwalay dahil sa trabahong ito. Marami rin ang nagkakaroon ng maraming partner sexually o intimately sa industriyang ito. Para ring machine ang isang CC agent (mapababae o mapalalaki) sa bilis magpalit ng partner oras na magkahiwalayan.

6. Call center hopper ang tawag sa CC Agent na hindi nagtatagal sa isang call center company at palipat-lipat ng call center na pagtatrabahuhan.

7. Palaging pressured at stress ang isang CC agent dahil kelangan nyang maging laging productive at ma-hit ang goal na set ng management.

8. Karamihan ng CC agent ay walang pakialam sa karapatan nila tulad ng nasususlat sa labor code at policy ng DOLE. Wala silang problema basta't sumusweldo. Kung di magustuhan ang patakaran ng kumpanya, magreresign at lilipat sa ibang call center company. Hypocrite pero wala rin namang kaayusan ang policy ng gobyerno pagdating sa call center worker's rights so the hell they care.

9. Kung hindi lilipat sa ibang CC company ay mag-aabroad ang isang CC worker.

10. Sadyang mahilig sa gadgets.

11. Karamihan ay magaling magpronounce ng english, mahilig magsalita ng English, pero hindi lahat ay kayang makipag-converse sa pure English.

12. Laging topic ang trabaho kahit nasa labas na ng workplace.

13. Mahilig sa gossip.

14. Halos hindi updated sa mga balita at karaniwang napupulot lang ang balita sa facebook at hindi sa TV o dyaryo. Mas updated pa sa PBA o NBA or local or international showbiz news. At karamihan ay mas gustong manuod na lang ng TV series tulad ng Game of Thrones.

15. Bukambibig ay outing or out of town or kung saan na pwede mag hangout pag free time.

16. Mahusay na team player kesa sa nasa ibang line of jobs.

17. Masayang kasama kahit stress out at puyat.

18. Level up sa pagiging kwela ang baklang CC agent.

19. Matiisin at walang choice kundi maging hardworking.

20. Analytical. Pati taxi na sasakyan o lugar na lalakaran sa gabi ay inaanalyze dahil paranoid din sa holdaper at the same time.

21. Waterproof, Fil-Am (Filipino-Amphibian). Hindi adventurer pero nagiging adventurer lalo na tuwing tag-ulan o tagbagyo. Walang choice kundi pumasok sa work dahil yun ang utos ng management at kliyente.

22. May pagka-racist lalo na tuwing may marerecieve na Chinese o Indian calls.

23. Karaniwang nagreresign tuwing December pagkatapos ng 2 o 3 taon na pagstay sa company.

24. Parehong alam ang holiday sa Pilipinas at US o bansang may hawak ng account nya. Additional pay para sa holiday sa Pinas at walang pasok pag holiday sa US o sa kliyenteng bansa.

25. PINOY PA RIN SA PUSO AT DIWA AT ITINUTURING NA BAGONG BAYANI kasama ng mga OFWs.

R.I.P. Mamita.

Saturday, June 28, 2014

Bagong Adbentyur, Bagong Hamon

Matagal na panahon na mula nung huli akong magsulat sa blog na to. At sa mga panahong nagdaan na naiwang nakatiwang-wang ang blogsite na to, ako'y busy sa paggawa ng sari-saring mga bagay. Nariyang halos di ako natutulog para matapos lang ang mga assignments sa masteral, malasing ng todo na mala "Hangover" movie ang tema, magbisikleta ng walang humpay hanggang sa magbakbak ang balat ko sa sunburn at halos di na maigalaw ang binti sa pagod, ano pa ba? Ah basta madami. Pero ang highlight ay ang kasalukuyang pinasok ko na alam ng lahat na di biro pero dala ang sapat na lakas ng loob at determinasyon, pinasok ko ang mundo ng pagtuturo...Isa na kong instructor/lecturer ngayon sa isa sa mga kolehiyo dito sa Manila.

Feeling ko, karamihan sa mga pinagbabanggit ko sa blog na to sa nakalipas na apat na taon ay kahit paano'y nagkaroon ng katuturan. At least ngayon, hindi ko na masasabi sa sarili ko na bunga lang ng malikot na imahinasyon ko ang mga nalikha ko sa blog na to. Dahil araw-araw, sa loob ng apat na taon, iba't ibang uri ng tao ang nakasalamuha ko. Nandyan ang mga katrabaho ko sa call center, mga kaklase ko sa masteral course, mga propesor, abugado, duktor, atleta, taksil na ex, adik, kriminal at libo-libong kawawang taxpayers at marami pang iba. At lahat nang natutunan ko mula sa karanasan at mga istorya ng iba't ibang mga tao na yan ay naibabahagi ko sa klase ko. Ang mga positibo at negatibong aspeto ng mga leksyong napulot ko ay maingat kong hinimay para maibahagi saking mga estudyante upang nang sa ganun ay mairelate nila sa tunay na buhay ang mga itinuturo ko.

Hindi madaling magturo ng social science at iba pang subject discipline na relevant sa field of specialization ko. Kelangan mong maideliver ang klarong picture ng tunay na buhay habang iniingatang hindi maalis ang application ng science sa bawat piraso ng impormasyon o konsepto na nakapaloob sa bawat lecture. Bagamat may mga pagkakataon nagiging hadlang ang emosyon sa pagpapalaganap ng mga kaalamang iyon, lagi akong bumabawi upang wag ma-stuck ang discussion sa iisang topic lamang. Hindi ko rin hinahayaan na hindi marinig ang boses ng mga kabataang inihabilin sakin ng institusyon upang gabayan sa kanilang edukasyon. Oportunidad para sakin ang marinig ang kanilang mga ideya dahil gaano man kaliit,kalaki, kakitid o kalawak ang mga ideya nila, mahalagang magkaroon ng makikinig at uunawa sa kanila.

Ang isang educator para saken in a general sense ay taong hindi naqualify mula sa mga kaalamang napulot nya sa libro kundi ang taong naqualify dahil sa balanseng paggamit nya ng wisdom at knowledge. Hindi ka naman kase gagawa ng mga halimaw sa institusyon na kulang sa puso at mayaman sa utak. Ang dapat na nakikita ng isang educator ay ang isang indibidwal na nadevelop ang tamang malasakit sa kapwa at sa lipunan habang taglay ang teknikal o academic skills na napulot nya sa kolehiyo. Marahil ay wala nang kukumpleto pa sa pakahulugan ng "higher education" kung ang bawat bagay na matututunan ng isang estudyante ay tatatak hindi lang sa kanilang memorya o kaisipan kundi pati sa kanilang damdamin.

Ang bagong adventure kong ito ang itinuturing ko nang pinaextreme at marahil ay mananatiling bago hanggat ang hamon ng kasalukuyang sistema sa edukasyon ay walang pagbabago. Nagkaroon ako ng napakataliwas na pamumuhay sa mga nagdaang taon na sapat na para mabuksan ang puso at isip ko upang makita ang totoong kulay ng mundo. Malabo man at ni sa imahinasyon ay hindi ko nakita ang sarili ko na tatayo sa harapan ng mga kabataang ito upang tulungan silang labanan ang kamangmangan, hindi naging mahirap saken na tanggapin ang biglaang hamon na to dahil alam kong sapat ang kaya kong ibahagi sa kanila. Salamat sa mga mali at baluktot na pareho kong naranasan at naobserbahan sa paligid ko. Ngayon ay handa na kong maging instrumento para magapi ang numero unong kaaway ng naghihingalo nating lipunan...ang kamangmangan. Kamangmangang hindi lang nag-ugat sa kawalan ng pormal na edukasyon kundi kamangmangang dulot ng saradong isipan na nagpasalin-salin na sa bawat henerasyon.