Thursday, August 16, 2012

Status Quo


Naranasan mo na bang ma-hotseat? Hindi ka normal kung hindi mo pa nararanasan na mapunta sa isang sitwasyon na lahat nang nasa harapan mo ay mistulang machine gun sa sunod-sunod at dami ng tanong na ibinabato sa'yo. Mabuti sana kung masasagot mo lahat ng tanong nila. E panu kung ang itinatanong nila ay something na hindi mo masagot o kaya mong sagutin pero sobrang dami mong kino-consider na mga bagay bago ka magbitaw ng salita?

Napapatanong ako kung bakit may mga bagay na dapat lagyan ng eksaktong label o katawagan samantalang kaya naman nitong mag-exist na maayos at walang aberya kahit hindi tiyak ang tamang katawagan dito. At nagtataka ako kung bakit hindi maintindihan ng ilang mga tao na may mga bagay na sadyang hindi pa talaga kayang tawagin sa kung anumang dapat itawag dito lalo na kung nangangailangan pa ito ng sapat na panahon bago ito tuluyang maestablish sa kung anumang kategorya na dapat ito'y makabilang. Anyway, wag kukunot ang noo mo kung hindi mo masyado magets ang sinasabi ko. Ang tinutukoy ko lang dito ay ang "intimate na relasyon" sa pagitan ng dalawang indibidwal. Alam nyo sa sarili nyo na gusto nyo ang isa't isa. Pero isang hindi popular na desisyon ang pinili nyo para sa inyong pagtitinginan at yun ay ang manatiling nasa "status quo". Nosebleed? Kase ayoko gamitin ang ON, MU,complicated, exclusively dating etc. Status quo ay term na inaapply lang sa mga state and political matters na applicable din para bigyan ng katawagan ang bagay na gustong mangyari ng dalawang taong involve sa isang relasyong may goal, may objective, maayos na tumatakbo pero walang tiyak na label. Sa status quo, nasa sitwasyon kayo na maayos ang halos lahat ng bagay at gusto nyong panatilihin ang mga nangyayari na hindi masyadong pinagtutuunan ng pansin na maging "kayo officially" unless magkaroon ng isang malinaw at unquestionable na dahilan na magbibigay ng go signal sa inyong dalawa para kumawala sa status quo at maging ganap na "officially, kayo" Naisip ko ang konseptong ito dahil sa dami ng mga kaso ng mga relasyon na heavily complicated on its own reason at both party involve are extremely confuse on where they are. Ang key words lang sa salitang status quo ay preservation, patience at open mindedness. Preservation para sa pagpapanatili ng maayos na pagtitinginan. Patience o paghihintay sa tamang panahon. Open mindedness o pagiging bukas ang isip sa mga pagbabago.

Hindi ka tinitigilan ng mga tanong. "Ano na ba talaga sitwasyon nyo?" "Kayo na ba?" "Makakahigop na ba kami ng mainit na sabaw?" Hindi mo mahagilap ang isasagot. May sagot ka na nagpaparoo't parito sa mga sulok ng utak mo pero ni hindi mo maibulalas. Nanatili kang tahimik hanggang madisapoint na ang lahat sayo. Sa huli, naisip mo na hindi mo man naplease ang nakararami, at least naipreserve mo ang mga salitang mas mainam na makita sa gawa kesa marinig lamang sa salita. Hindi ka nag-iisip ng perfect timing pero magpapasalamat ka kung may maka-appreciate sa patience mo sa paghihintay ng tamang panahon para ilagay sa ayos ang mga bagay-bagay.

Time understands love. Mahirap intindihin ang love kung materyal, literal o pisikal na pakahulugan ang gagamitin na batayan. Pero kung "magtetake-time" kayo at hahayaang mangyari ang mga bagay-bagay na susubok sa tatag ng pagsasama ninyo habang nasa status quo, siguradong magkakaroon kayo ng matibay na pundasyon na mapapakinabangan ninyo pag tuluyan nang "officially, kayo". Hindi ito playing safe kung alam nyo sa sarili nyo na hindi kayo naglalaro. Hindi ito lokohan kung alam nyo sa sarili nyo na seryoso kayo.

Maaaring sabihin mo na hindi makatotohanan ang mga binanggit ko at maaaring imposible ang mga thoughts na inilatag ko sa post na to. Anupaman ang maging perception o opinyon mo sa mga nasabi ko, igagalang ko yan.  At the end of the day, respeto pa rin para sa kanya-kanyang paniniwala at pilosopiya ang sana ay mamayani sa bawat isa. :-)

Friday, August 10, 2012

Unawain ang Damdamin ni Kuya


Pa'no ko ba ilalarawan ang araw  na to? Masaya? Nakakatuwa? Oo, kase finally wala ng baha. Malungkot? Nakakabadtrip? Oo din dahil may mga nangyari sakin na hinding hindi ko ikatutuwa at sadyang hindi talaga masaya.

Ako ay nasa estado na hindi ko talaga alam kung ano ang tawag dito. I'm not into a relationship but i'm with someone (a girl ofcourse) whom i really care and give importance the most. For a certain reason, di ko na ieelaborate kung panu nangyari na di tiyak kung ano kami.  Basta ang magiging sentro ng laman ng post ko ngayon ay tungkol sa nangyari sa araw na to sa aming dalawa ng babaing tinutukoy ko.

Aminado ako na minumulto pa rin ako ng past relationship ko. My ex-gf cares for me so much that she still show concern in certain events good or bad sa buhay ko until now. The worst thing is, shes already committed with someone and she got caught by his guy that she's still communicating with me. I got really upset when his mad guy texted me accusing me of different things. Of course, foul talaga yun kase i and my ex are good friends at kaya nga sya nag-bf ay dahil alam nyang wala ng pag-asang magkabalikan kami. I also got mad kay ex-gf dahil sa pagpayag nya na makuha ni guy ang number ko samantalang alam nya na i treat my number as part of my private life. Alam din nya na kahit ako ay hindi basta basta nagbibigay ng cel number ko kung kanino man. And so nagstart na kaming magtalo ni ex until things got worst that i have to warn "my current girl" about surprise, annoying  messages or calls that she may receive from unknown. I managed to end our argument at that day and ex-gf even sent me her "sorry's" as im writing this article.

So curious si current girl kung anung nangyari and im about to tell her about it na kami lang dalawa pero we're with her friend that time and its odd to tell this kind of matter with someone else around. I ended up telling her the bottomline of the story and hoped to tell her the whole thing na kami lang dalawa after the shift. Aware din kase ako na ayaw nya as much as possible ang anything na involve ang ex ko so if by chance may issue na ganito, she always want to straighten it out. On my surprise in less than 10 minutes, nasabi nya agad and i quote "baka ikaw ang unang nagtext at may something na ikinagalit ng bf nya". Hindi yun naging maganda sa pandinig ko at lalong hindi yun nakatulong sa pilit kong pinapagandang mood ko sa mga oras na yun. Doubt and suspicion agad ang sumalubong sakin sa bagay na tanging intensyon ko lang ay ipakita sa kanya na sincere ako at ipapaalam ko sa kanya ang bagay na dapat nyang malaman. Confident kase ako na maiintindihan nya ang sitwasyon at mas may magiging maayos syang judgement o conclusion at the end of the day. The first time narinig ko ang panghuhusga nya, di na ko nagpakita ng reaksyon pero hindi naging ok ang mood ko throughout the day after nun.

At the end of the shift, hinintay ko sya nang matagal until shes done para magkausap kami. I've been so honest with her na hindi ko tinatago ang emosyon na dapat lumabas sakin. Ofcourse dissapointed ako at feeling ko ay inalisan ako ng karapatan na marinig ang side ko bago ako husgahan. Unusual para sakin na silent lang at straight face when im with her. Pero that time, sinabi ko sa sarili ko na once masabi ko sa kanya ang mga gusto ko pa sabihin ay back to normal ako. Surprisingly, after a long wait, isang walang kaabog abog na "bakit di ka na lang umuwi?" ang tanong na bumulaga sakin. Hindi ako masaya sa narinig ko at lalo akong nalungkot. Sa point na yun, nilamon na ko ng emosyon ko and when she tried to re-open the topic, hindi na ko makapagsalita dahil nalito na ko kung alin ang ioopen up ko. Kung yun pa rin bang issue na binabanggit ko dito o ang sintimyento sa klase ng treatment na biniggay nya sakin pagkatapos ng matyaga kong paghihintay.

Lumipas ang mga minuto at nanatili akong tahimik. Gusto ko nang magwalk out pero hindi ako bastos na basta na lang tumatalikod dahil lang sa dissapointments ko etc. For the second time ay itinaboy nya ko paalis dahil aniya ay hindi ko masabi ang dapat ko sabihin in detail. Sobrang kontrolado na nya ang sitwasyon at sa bandang huli'y naiwan akong hindi lang dissapointed kundi sobrang frustrated na rin. Noon ko naisip na may mga bagay tungkol sa'ting mga kalalakihan na hindi naiintindihan ng mga kababaihan...

Aminado ako na pagdating sa pagmanage ng emosyon, below average ako. It will take a while until ma-ease out ang pakiramdam ko bago ako makapagsalita. Naniniwala ako na hindi ako nag-iisa sa ganitong category. Pero ang kalalakihan na tulad ko ang mas nangangailangan ng pag unawa kesa sa mga may kakayanang magsalita ng magsalita at mag insist ng point nila. Hindi kami dapat jina-judge agad base sa sandaling pananahimik namin at kung hindi man namin masabi ang mga gustong marinig ng mga babae ay hindi ito katwiran para tuluyan na kaming mamisinterpret. Sa part ng kababaihan, may magagawa kayo maliban sa pagsabay sa negative na damdamin naming mga lalaki na kung dissapointed kami, dissapointed na rin ba dapat kayo agad? Siguro dapat nyong simulan sa pag-attempt na basahin kung ano ang naiisip o nararamdaman nya bago nyo sya akusahan sa di pagsasabi ng nasasaloob nila. Katulad ninyo, may mga bagay din na nahihirapan kaming mga kalalakihan na iexpress sa salita lalo na kung may kaugnayan ito sa emosyon o damdamin. Alalahanin nyo sana na mas mahirap para samin ang maghayag ng nararamdaman lalo na pag emosyonal at ito ang malaking pagkakaiba ng mga babae samin. Actually, hindi mo na kelangan mag-ask ng detalye o specifics o facts ng subject matter  kung nais mo syang intindihin lalo na kung hindi naman kelangan maging technical ang approach para masolusyonan ang problema nyo. Kelangan mo lang maging "SENSITIVE" sa nararamdaman nya. Ang komunikasyon sa relasyon ay hindi tungkol lamang sa mga tiyak na salita at lenggwahe kundi tungkol din sa pagkakaintindihan ng mga damdamin. Without even saying words and by so called body language, you will be able to tell whats going on. Kung gusto nyo pala ng mga madetalyeng description ay bakit hindi na lang kayo magtayo ng law firm at kayo mismo ang abogado. Ayaw nyong magtalo na parang mga lawyer at tandaan na the more you ask for details, the more you ask for argument at hindi essential sa relasyon ang puro argumento. Kahit ang obligation and contacts na naglalaman ng teknikal na interprtasyon ng batas ay sang ayon na masesettle-down ang isang bagay kung merong "meeting of mnds". At kelan magmemeet ang minds sa isang relasyon? Kapag napatunayan nyo despite of tough situation, you can still have the "meeting of hearts".

Although sa kaso ko at magiging honest ako sa inyo, mahihirapan akong iapply ang mga sinabi ko dito dahil we're not even official and it will take a real hard time para maging posible na maging official kami (but it will help guys who has the same situation as mine). Dapat lahat ng sinabi ko dito ay sinabi ko sa kanya in person pero natatakot ako na sabihin nya o isipin man lang na "lumalagpas na ko sa limit na itinakda namin...". Pero kung mababasa niya to, sana malaman nya how i try hard para maisurvive ang relasyon namin following only very simple ways na tulad ng nabanggit ko sa taas. I hope she do the same. I hope magtulungan kami. Siya lang ang nasa puso ko at walang kahit sino man  lalo na ang naging parte ng nakaraan ko ang magmamay-ari pa nito... (korni pero totoo).

Ngayong natapos ko nang isulat ito, medyo gumaan na pakiramdam ko. Sana kahit panu magkaroon ng sense sa inyo ang naishare ko na to ngayong araw. Till next time. :-)

Wednesday, August 8, 2012

Nameless Bagyo/Baha 2012



Kinilala sya bilang Ondoy noong 2009. Ang bagyo/baha na nagparealize sa mga Pilipino kung paano mapraning ang kalikasan. Ngayong 2012, ano ang itatawag natin sa pamysterious type na disaster na to na suppose to be ay may pangalan kasama ng bagyo? Nakikilevel na rin ba sya sa mga lindol, tsunami, tornado (isama na rin ang mga political maneuvers ng mga sugapang pulitiko) na dumadating at namemerwisyo kahit walang pangalan? Aba hindi pwede to. Sinasalanta tayo pero hindi natin alam kung anong itatawag sa kanya.

Juan: Pare naalala mo pa ba nung 2012, nung sinalanta tayo ng baha? Ang tindi nun nu? Parang Ondoy nung 2009.

Peter: Oo nga pre. Anu na nga pala pangalan nung bagyong yun?

Juan: Di bagyo yun pre. Dala lang yun ng habagat na tinulak nung bagyong "haynaku" sa bandang Taiwan.

Peter: Juan di ko alam kung bobo ka o sadyang galit ka lang sa mga Intsik.  "Haikui" pare, yun ang pangalan nung bagyo.

Juan : Bobo na agad? Di ba pwedeng...di ba pwedeng hindi lang talaga alam?

Peter: Pre dumidilim ang langit. Uulan na naman yata ng malakas.

Juan: Tanga paningin mo lang ang dumidilim. Di pa kase tayo kumakain simula kahapon. Hayup din naman dito sa evacuation center oh. Mukang dito pa tayo matutuluyan ah.

Peter: Juan tama nga ang dinig ko kay Doc kahapon...matatagalan ka pa dito sa mental. Tsk... ang tindi ng naging epekto sayo ng pagkawala ng pamilya mo dahil dun sa "bahang walang pangalan" na yun nung nakaraang taon.

(Nurse, dumating para painumin ng gamot si Juan.)

Nurse Marian: Juan lika na. Oras na ng medication mo. Alam mo sana makaget-over at gumaling ka na. Kase nahihirapan na rin yung janitor maglinis dun sa kanal natin sa labas. Lagi mo na lang tinatapon yung basurahan dun. Akala mo siguro katulad pa din ito sa labas na wala kang habas magtapon ng basura sa ilog at mga estero. Haynaku... tara na Juan. Tsaka nga may iinjection ako sayo, mas malaki kesa dun sa kahapon.

Peter: Nurse Marian kelan daw pala ako lalabas? May info ka ba?

Nurse Marian: Pag narealize mo nang hindi puno yung poste na trip na trip mong lagariin ng patpat araw araw dyan sa labas. Tingin ko matatagalan ka pa dito Peter. Malubha ang tama mo sa ulo nung mabagsakan ka nung puno na ini-illegal log nyo.

Doc: Guys, narinig ko na una nyong pinagtalunan yung bagyo/baha na walang pangalan nung 2012.
Alam nyo hindi problema kung anuman ang pormal na pangalan ng isang kalamidad. Ang problema ay ang perwisyong dulot nito. Kaya ikaw Juan, sana magbago ka na at wag mo nang ugaliin magtapon ng walang pakundangan sa mga ilog at estero natin. Bumabalik satin ang mga basurang itinapon natin e. Ikaw naman Peter, wag ka na mag-illegal logging. Daig pa ng grupo nyo ang barbero ko kung kalbuhin nyo ang gubat.

Peter: Dati ka nang kalbo Doc. Nagpapabarbero ka pa ba?

Doc: Di ko na maalala kung kelan yung last. Este, hindi yun ang pinag uusapan natin Peter. Ang mga punong pinutol nyo ay wala nang kakayanan para higupin ang mga tubig ulan at matulungan maiwasan ang baha.
Ikaw naman Juan, sana rin pag gumaling ka na, matuto ka nang makinig sa  mga paalala ng otoridad. Pag kelangan nang lumikas, lumikas na agad. Hindi natin kaibigan ang baha o bagyo at kahit kaaway natin ito, wala tayong magagawa kundi maghanda na lang at kumilos para sa kaligtasan.

Juan:  Doc bakit mo samin sinasabi to e baliw kami di ba? Hindi ka namin maiintindihan.

Doc: Bakit Juan? Ang panahon ba naiintindiahan mo din nung matino pa pag-iisip mo? Kahit nga ako ay hindi ko maintindihan kung ano na talaga ang klima natin dito sa Pilipinas. Tsaka ito ang gustong mangyari ng nagsulat ng blogpost na to kaya wag ka na makulit. Pareho lang tayong character dito. : P

Nurse Marian: Doc itutuloy ko na ba ang pagbigay ng gamot kay Juan?

Doc: Marian, hubarin mo ang uniform ni Nurse Lovi. Nalusutan mo na naman ang security ha. At pwede ba? Hindi Marian pangalan mo....MIRIAM!

May Part 2...

Share