Monday, February 27, 2012

TIMELINE ng Love Life ni Reyner


Sa pagkakaalam ko ay nagmahal din ako. Natatandaan ko pa nga kung paano ako nagpasailalim sa kapangyarihan ng tinatawag na pag ibig:

2001-2002 - Around 14 y/o ako nito nang maranasan ko ang tinatawag na "first love". Di ako makatulog, di ako makakain, gusto kong lagi syang nakikita. Ito rin yung time na una akong nabigo. Record breaking din ang ginawa kong  paglalasing nun na halos isuka ko na ang bituka ko sa sobrang dami kong nainom na gin("kwatro kantos, gin-tubig"). Sinabi ko nun sa sarili ko na hindi pala masaya ang magmahal...nakakapraning.

2003- Isa na namang pag-ibig ang kumatok sa pintuan ko at nagpromise na hindi ako sasaktan. Ang problema, ang pag ibig na ito ay mali dahil sa laki at tindi ng hadlang. Naging patago ang pag-iibigan hanggang sa mabisto ng hindi dapat makabisto. Nagtapos ang love story na mala "meteor garden" ang tema. Aalis na sya at maaaring hindi na kami magkita. Muli na namang nadurog ang puso ko at sa puntong yun...gin,tubig,kornik at mga lasenggo sa baranggay ang aking kadamay. High school love life yun na walang kasing-pait.

2004- Isang unexpected na pag-ibig ang umatake sa puso kong katatapos lang maghilom ang mga sugat. Pag ibig na kahit ang mga kindergarten ay makakapagbigay ng saktong opinyon sa kahihinatnan. Ang pag-ibig na ito'y intensity 10 kung sa lindol at signal no. 9 kung sa bagyo. Pero kahit gaano pa ito katindi, sadyang wala talaga itong kahihinatnan dahil nagmahal ako nun sa isang "straight"...."straight na tibo". Lesbian, tomboy, "alagad ni Rosa Rosal" (sabi ni Mina) etc. at kung anupaman ang itawag mo sa kanya, iisa lang din ang meaning "walang kapag-a-pag-asa". Ang pag-ibig na yun ay basura at walang kwenta. Ganunpaman, naging masaya ako nun kahit puro painting lang ng mukha nya sa kwarto at mga notebook ko ang naging kapiling ko. Uso na ang tanduay white nun at gin-po...gin-poso. Ba-bye high school! Gwaaaarrrrkk!!! (tubig-poso  ang chaser natin! tang*#$ nyo palitan nyo to!!!)

2005-2006- Dead kid. Natrauma. Ayaw na magmahal ulet. Unti-unti nang nilulumot ang pusong nadala sa pag-ibig. Good news! 85% alcohol free ang katawan ko nun. (90% dapat kaya lang yung 5% ay dahil nakainom ako ng rubbing alcohol...accidentally.)

2007- College life. Ako ay nasa isang "jungle" na puno ng mga hayop...hayop sa ganda at hayop sa sexy. Mas tumindi ang kumpetensya ng pag-ibig at tukso sa aking pagkatao. Pero nilabanan ko ang tukso at di rin pinayagan makapasok ang pag-ibig sa buhay ko. Ngunit sadyang makapangyarihan ang pag-ibig at dinaig nito ang aking prinsipyo. Ang "San-chai" na nang-iwan sakin nung 2003 ay muling pumasok sa eksena upang i-torture ang puso ko para lang paaminin na...mahal ko pa rin sya. Mahal ko pa rin talaga siya at saan pa nga ba hahantong ang kwento kundi sa "pagbabalikan". Muli kong naappreciate ang pag-ibig at dinaig ko pa ang nakatira ng benteng enervon kada araw sa sobrang taas ng energy ko nung mga panahong yun. Masaya, maligaya, at ang paligid ay puno ng kulay, in-love e. Pero ang lahat nang iyon ay nagtapos sa isang iglap nang malaman kong...dalawa pala kami sa buhay nya. Bilang mapagparayang mamamayang Pilipino, masakit man pero hinayaan ko na lang siya sa isang yun. Alam ko na mas nauna ako sa buhay nya pero ang lalaking yun ang nag-fulfill ng emptiness na dinulot ko sa kanya nung nagkahiwalay kami ng matagal na panahon.
RED HORSE..."guidance when you need it most".

2008 - Ito ang taon ng "baseball bat". Bakit?
Dear Ate Charo,
Puno po ng kamunduhan ang utak ko ng gabing yun kung kaya't pinatulan ko ang dare ng cute na college chick na nag-invite sakin sa bahay nila, mag-aala-una ng madaling araw. Nakainom po ako nun kaya't sa utos ng Emperador ay buong tapang ko pong pinuntahan ang nasabing bahay. Malapit ko na po sanang maisakatuparan ang asul na balak ko nun kay Ms. Cute nang biglang i-surprise kami ng mala gladiator nyang ama (na nandun pala) at iwinasiwas sakin ang baseball bat ng kamatayan. Sa nangyari pong iyon ay hindi ko na nakalimutan si girl at lagi na syang laman ng isip ko (less green). Naging malapit po kami sa isat isa at nahulog ang loob ko sa kanya. Minahal ko po sya ng husto at halos buong atensyon ko ay binuhos ko sa kanya. Pero tulad po ng mga istorya sa inyong programa, sa ending po ay ang kantang "maala-ala mo kaya"...naghiwalay din kami dahil may isang guy na gusto rin yatang magpapalo ng "baseball bat" sa ama niya.
BORACAY= coffee + condensed milk + Tanduay rum

2009- Pagkatapos ng Ondoy ay muling umusbong ang bagong pag-ibig. Hindi bawal, normal at hindi expose sa intriga-ganun ko mailalarawan ang pagmamahalan namin ni KC. Hanggang sa early part of 2011 ay tuluyang nagtapos ang aming relasyon dahil sa isang napakalaking iskandalo na kinasangkutan ni girl. Napakasensitive ng bagay na yun na hanggang ngayon ay wala pa rin akong lakas ng loob na sabihin sa publiko kung ano talaga ang iskandalong yun. Hindi ko pa rin matanggap hanggang ngayon at may bahid pa rin ng pagsisisi sa pagkatao ko kung bakit sya ang minahal ko. Ang alam ko lang ay naging masaya naman ako sa mga sandaling naging kami pero honestly, may pagka-"bitter" pa rin ako mula nung nagkahiwalay kami hanggang ngayon.
Hindi masyadong matapang ang tanduay ice kaya pinanatili ko ang loyalty ko sa red horse.

2011- Sinubukan kong makipagrelasyon sa iba pero sadyang napakasincere ko sa nararamdaman ko kaya't minabuti kong kalimutan muna ang love lalo't hindi naman talaga ako in love. May malaking pagkakaiba ang relasyon na nagmula sa pag-ibig at relasyon na nagmula sa pangangailangang emosyonal. Hindi tamang manggamit ng tao para sa pansariling kaligayahan.
Iwagayway ang watawat ng mga single!
(Health Benefits of Alcohol)

2012- Habang sinusulat ko ang article na to ay may isang babaeng nagpaparoo't-parito sa mga sulok ng utak ko. Hindi ko alam kung anung meron pero sadyang napakalakas ng dating nya sakin. Ganunpaman, hindi pa rin ako nagpapadalos-dalos dahil ayaw ko nang masaktan or shall i say..."ayaw ko pang masaktan sa ngayon". May mga usap-usapan na imposibleng magustuhan din ako ng girl na to dahil ayon sa aking impormante, alagad din daw ni Rosa Rosal ang nasabing babae at kalinga mula sa kapwa nya Eba ang kanyang hinahanap.
Ang taon na to ay maraming promises at maraming bagay na iniooffer sakin pero napakaliit na portion lamang ng pag-asa sa love life ang malinaw na ipinapakita nito sakin.
Anyway, masaya pa rin ang buhay at sa kabila ng mga kabiguan na dinanas ko, positive thinking pa rin ako at hindi nawawalan ng pag-asa na sooner or later, right person and right love will come.
(Tubig muna this time. Baka puro  puso lang pinoproblema ko yun pala malapit nang magpaalam ang atay ko. Pabili nga pong liveraide...)