Monday, July 25, 2011

10 Keys Para Matanggap sa Trabaho



Sabi sa SONA ni Pnoy, dumami daw ang may trabaho ngayon. Ang reaksyon ng mga fresh grads...."Wehhh, di nga?" Ahahaha... So siguro para makapag-landing tayo instead na mag-crash sa napupusuan nating trabaho, iimpress natin ang prospective employer natin sa mga qualities na to na dapat ay taglay ng isang employee.

1. Commercial awareness (or business acumen): Tamang kaalaman tungkol sa kumpanya na nais pasukan. Dapat ay alam mo at naiintindihan mo ang business ng kumpanya at ang competitiveness nila sa industriya. Magiging effective ito kung alam mo ang produkto at serbisyo na kanilang inooffer.

2. Communication: Kelangang klarado at naiintindihan ka ng kliyente o ng kustomer kaya dapat ay enhanced ang iyong kakayahang makipagcommunicate through verbal or written. Dapat din ay good listener ka.
  
3. Teamwork: Hindi mo kelangan maging basketbol player para maging team player, literal yun. Ang kelangan mo lang ay epektibong pakikisama sa katrabaho at tamang pagtupad sa responsibilidad na ibibigay sayo. Dapat ay meron kang sense ng pakikipagtulungan o kooperasyon para maachieve ang objectives ng kumpanya o organisasyon.

4.Negotiation and persuasion: Kakayahang makuha o maabot ang gusto sa pakikipagnegosasyon sa paraang ikaw at ang prospected na kliyente o customer ay magkakasundo o makakapag settle down. Hindi mo kelangang maging mabuladas pero ang skill sa panliligaw ay maaaring magamit dito. 

5.Problem solving: Logical at analytical na skills sa pag-solve ng problems at issues. Dapat din ay diskarteng malupet pero safe at hindi makakasira sa reputasyon ninuman. Hindi ko alam kung mag-eexcel dito ang mga DOTA players pero as long as relevant sa trabaho, bakit hindi subukan? Monster kill! 


6.Leadership: Ang pagkakaiba ng manager at leader ay minsan nang sinabi ni John Maxwell. Actually, kahit manager ka ay pwede ka maging leader. Basta matino ka lang sa pag-eexecute ng mga tasks sa mga tauhan at hindi mo dapat pinapayagan na parang palagi kayong nagkukumahog sa deadlines. Hindi rin katwiran na dahil bago ka lang o hindi ka naman talaga manager o bisor para manguna ay mananatili ka na lang na tameme at parang walang pakialam. Hindi mo naman pangungunahan, pero kelangan ang contribution mo sa pagmotivate ng bawat isa. Pag aralan din kung panu maging leader by example.
   
7.Organisation: Hindi mo kelangan maging perfectionist. Maging organized ka lang. Alam mo ang mga dapat unahin at nagagawa mo yun productively and efficiently dahil sa tamang time management. Dapat din ay alam mo kung saan dapat mag-focus para maiwasan ang mga delays.
   
8.Perseverance and motivation: Yung tipong kahit butas ng karayom ay papasukin mo? Yun yun. Alam natin ang nature ng working life at hindi dito uubra ang patulog tulog sa pansitan. Pero syempre mas ok kung magagawa mo yan na at the end of the day ay nakangiti ka pa rin. More energy mas happy!
  
9.Ability to work under pressure: Mind over matter lang yan. Dapat hindi nagpapanic at kalmado lang sa gitna ng mga problema o krisis mo sa trabaho. Wag kang magpastress. Alalahanin mo lang kung panu mo nasagutan ang lahat ng tanong sa test papers nung midterm nyo up to last second na sinabi ng prof nyo na "sa ibabaw ng desk ko o sa basurahan?". Ewan ko rin kung magegets mo to pero applicable din to pero hindi advisable na sabihin sa interview "The end will justify the means" ni Napoleon Bonaparte. Hahaha...

10.Confidence: Hindi lang confidence sa sarili kundi sa pangkalahatan na. Confidence para sa trabaho o sa ginagawa mo, confidence sa mga katrabaho at sa buong kumpanya o organisasyon. Wag lang sosobrahan ang confidence sa sarili dahil pupulutin ka sa kangkungan.

Open po sa criticism ang entry kong ito so please let me hear it from you kung may mga puna po kayo. :-)