Friday, June 3, 2011

Kwentong Condom



Sa araw na to, hayaan nyong magkwento naman ako tungkol sa isang...ummm...hindi naman masydong nakakatawang story pero tiyak na kapupulutan ng aral ng mga mambabasa lalo na ng mga nagbabalak nang magpakasal at mga pro-RH Bill. Actually medyo lumang kwento na to pero para sa mga katulad kong bilang na bilang na lang ang taon na lilipas at lagpas na sa kalendaryo ang edad pero single pa rin, ang kwentong ito ay masasabing "classic". Ganito kasi yung nangyari:

May isang lalaki na sinuwerteng nakabilang sa hanay ng mga pinagpala sa pagkakaroon ng isang maganda,sexy at mabait na girlfriend. Limang taon na din silang on kaya nagpasya na silang magpakasal. Meron lang isang bagay na sa limang taon na pagsasama nila bilang magnobyo ang palaging bumabagabag sa kalooban ni lalaki. Ang umiistorbo at minsa'y dumidemonyo sa utak ni lalaki ay walang iba kundi ang nakababatang kapatid ng kanyang girlfriend na mas sexy
, mas mabango at mas maganda sa kanyang irog. Ang Eba na ito na malapit na nyang maging sister-in-law ay madalas na nakasuot lang ng miniskirt at dahil lalaki lang sya kaya manyak din pag miminsan, napapansin din nya na hindi mahilig magsuot ng bra ang 19 year old na sister ng wife to be nya. Actually, hindi nya kasalanang matukso kung sakali lalo na at madalas nyang makita ang kanyang seksing seksing sister-in-law ( to be) sa posisyong gustong gustong tingnan ng mga kalalakihan sa google habang nakaturn-off ang safe search. Isang araw, tinawagan sya ng sister na ito ng gf nya para ipa-check sa kanya ang mga wedding invitations nila. Hindi naman nya ipinagdasal pero nadatnan nyang mag isa lang sa bahay nila ang nakababatang kapatid na iyon ng kanyang gf. Habang tinitingnan nya ang mga invitaions ay may naramdaman syang mainit na hininga at mayamaya'y nakakaakit na bulong sa kanyang tenga, "Alam mo bang...gusto kita higit pa sa kagustuhan kong mapangasawa ka ng ate kohhh?" sambit ng kanyang magiging sister-in-law. "Ahmmm...anong ibig mong sabihin? Attracted ka rin sakin?" tanong nya na parang grade six na inosente at walang idea. "Ummm...ok lang ba sayo na kahit once lang, kahit ngayon lang, pagbigyan mo ako na maipadama sayo ang init ng lihim kong pagtingin sa'yo?" paungol na sambit ng babae. "Ah kasi...ano...hindi kaya..." hindi na nya naituloy ang sasabihin ng biglang magsalita ang mala-dyosang kapatid ng mapapangasawa nya habang paakyat sa hagdan; "Alam mohhh...wala akong suot na panty ngayon...kung handa ka na...sundan mo ko sa itaas...wait kita bhabyyy..." Nanlalaki pa ang mata nya sa pagka-shock at hindi sya makapaniwala na abot kamay na ang isa nyang pinapangarap. Saglit syang "nanigas" sa kinatatayuan nya saka bigla syang tumakbo ng napakabilis palabas, papunta sa kanyang kotse at mala-Dwayne Wade sa pagmamadaling makaiskor kaya't ganun na lang kabilis ang naging pagtakbo nya. "Lord! Ngayon lang to, patawarin nyo po ako..." bulong nya habang punumpuno ng pagnanasa ang kanyang buong pagkatao. Bago pa man sya makarating sa kotse nya ay bigla na nyang narinig ang mga palakpakan sa labas ng bahay ng magiging asawa nya at laking gulat nya na nandun yata halos lahat ng pamilya at kamag anak ng babae. Bigla syang nilapitan ng tatay ng girlfriend nya at niyakap saba'y sabing "Nakapasa ka sa pagsubok. Sobrang saya namin na isang lalaking tulad mo ang pakakasalan ng aming anak. Welcome sa aming pamilya!" Hindi naman maalinsangan nun pero tumagaktak ang kanyang pawis at ang nasabi na lang nya ay..."Muntik na..."

Sa totoo lang, may mga bagay talaga na hindi ineexpect na mangyari at dumarating satin para maiiwas tayo sa kapahamakan. Sa kwentong ito ay hindi sinasadya ng lalaki na maiwanan nya sa kotse ang kanyang condom kaya sya nagmadaling lumabas. Kung ito man ay isang uri ng swerte at talagang nakatadhanang mangyari para sa kanya, isa lang po ang masasabi ng inyong lingkod..."May gantimpalang naghihintay sa mga lalaking handa at hindi basta-basta sumusugod sa laban nang walang proteksyon...ahahahaha..."